You are on page 1of 2

Pangalan : Jackielou Trongcoso

Pangkat : Einstein
Petsa: 10/22/21
Buod ng kwentong Ang Kwintas
Si Mathilde ay isang babaeng nagtataglay ng kagandahan at sadyang kahali halina,
ngunit sa kasawiang palad siya ay isinilang lamang sa isang kapos palad na
angkan.Siya ay nagpakasal lamang sa isang lalaking may mahirap din na
pamumuhay na ang pinagkakakitaan ay tagasulat lamang sa isang instruksyon na
pampubliko.Ang buhay niya ay naging taliwas sa kanyang pinapangarap sapagkat
ayon sa kanyang paniniwala ang isang katulad niya na isang babaeng maganda at
kahali halina ay hindi bagay sa pagdurusa at kahirapan na kanyang nararanasan.
Isang araw ng dumating ang kanyang asawa na si G.Loisel at ibinalita nito sa kanya
na sila ay inaanyayahan sa isang kasayahan ni George Ramponneau.Ngunit ito ay
hindi ikinatuwa ni Mathilde sapagkat ayon sa kanya ay wala siyang isusuot na
magandang damit para sa kasiyahang iyon. At dahil mahal siya ng kanyang asawa ay
binigyan siya nito ng pambili ng isang bestida.
Gayon man si Mathilde ay hindi parin nasiyahan sapagkat wala man lamang daw
siyang alahas na maisusuot,kaya naisipan niya na humiram ng isang magandang
kwintas sa kanyang mayaman at matalik na kaibigan na si Madame Forestier. Hindi
naman siya hinindian nito at agad din na nakahiram. Naging lubos ang kaligayahan
ni Mathilde ng gabing iyon sapagkat naging angat ang kanyang kagandahan sa mga
babaeng nandoon at marami ang humanga sa kanya.
Pagkatapos ng kasiyahang iyon ay umuwi na sila ng kanyang asawa. Masayang
masaya si Mathilde ngunit pagdating nila sa kanilang tahanan ay napansin niya na
nawawala ang kwintas na hiniram niya sa kanyang kaibigan na si Mme.Forestier.
Kaya naman naisipan ng mag-asawa na bumili ng katulad ng alahas na iyon upang
maisauli nila kay Mme.Forestier.Kahit pa nga ito ay may kamahalan ang halaga.
Dahilan upang sila ay nag hirap ng dahil sa pagbabayad ng kanilang mga utang
upang mabili lamang ang kwintas na iyon.
Pagkalipas ng sampung taon natapos na nilang bayaran ang kanilang mga
pagkakautang sa hindi inaasahan ay muli silang nagkita ng kanyang kaibigan na si
Mme. Forestier, nagulat pa ito at nag taka ng sa itsura ni Mathilde dahil malaki na
ang pinag iba nito. Nasabi ni Matheldi na kaya sila naghirap ay dahil sa pagkawala ng
kwintas na hiniram niya dito. At napilitan sila na bumili na kapalit nito kahit sa
mahal na halaga. Ngunit ayon kay Mme.Forestier na ang kwintas na pinahiram niya
kay Mathilde ay isang imitasyon lamang at ito ay nagkakahalaga ng limang daang
prangko lamang.

You might also like