You are on page 1of 1

MINI

TASK #1: PAGBUBUOD


Pangalan: Cruz, Anaiah Jewel DL.
Pangalan: Carlos, Jhealsa Marie
10 – LOVE

Buod ng “Ang Kwintas”

Noong unang panahon, sa bansa ng Pransya ay may isang napakagandang babaeng
nagngangalang Matilda Loisel. Siya ay nakatira lamang sa isang maliit na apartment kasama ang
kanyang asawang si Monsieur na nagtatrabaho bilang isang klerk sa ministro ng edukasyon. Si
Matilda ay hindi masaya sa kanyang antas ng pamumuhay dahil ang akala niya ay siya ay
pinanganak para sa lahat ng kayamanan sa buong mundo ngunit siya ay may simple lamang na
pamumuhay. Isang araw, ang kanyang asawa ay may dalang imbitasyon na iniimbitahan silang
dumalo sa isang pagdiriwang na inihanda ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Sa pag-
aakalang matutuwa ang asawang si Matilda ay nainis pa ito. Siya ay nagreklamo na wala siyang
magagarang damit na babagay sa ganoong kagarbong okasyon kaya naman ang kanyang
mapagbigay na asawa ay pumayag na ibigay ang naipon niyang apat na daang francs upang
ipangbili ng bestida ni Matilda. Siya ay naging balisa sa loob ng isang linggo kaya tinanong siya ng
kanyang asawa kung ano ang dahilan at ang sagot niya ay wala siyang magandang alahas na
maisusuot katerno ng kanyang bestida. Iminungkahi ni Monsieur na baka pwedeng humiram
nalang siya sa kaibigan niyang si Jeanne. Hiniram ni Matilda ang kumikinang kinang na kwintas na
gawa sa brilyante. Sila ay dumalo sa pagdiriwang at nagsaya, si Matilda ay masyadong naluwalhati
sa kanyang kagandahan at naging pabaya. Madaling araw na silang nakauwi sakanilang bahay,
nung tiningnan niya ang sarili niya sa salamin ay agad niyang napansin ang nawawala niyang
kwintas. Hinanap nila ito kung saan saan, inisip kung posible ba itong nalaglag sa kanilang
sinakyan ngunit wala sakanila ang nakaalala ng plaka. Umalis ang asawa ni Matilda upang hanapin
ito sa kalsada ngunit bumalik itong walang dala. Si Matilda ay gumawa ng sulat para kay Jeanne
na nagsasabing nasira niya ang kawit ng kwintas at dinala ito sa pagawaan. Habang hindi pa
nakikita ang nawawalang kwintas, nakakita sila ng kaparehong kwintas na naghahalagang tatlong
pu’t anim na libong francs. Ang kanyang asawa ay nanghiram ng pera sa mga kakilala upang mabili
ang halagang tatlong pu’t anim na kwintas. Sa wakas ay nabili na nila ito at agad ibinalik kay
Jeanne. Kapansin-pansing nag iba ang buhay ni Matilda sa loob ng sampung taon, sila ay lumipat
sa mas maliit na apartment at nagtrabaho upang mabayaran ang mga hiniram na pera. Pagtapos
ng sampung taon ay naibalik na nila lahat ang hiniram nilang pera ngunit mas lalong tumanda
ang itsura ni Matilda. Isang araw, nagkita sila ni Jeanne at napag-isipang sabihin ang totoo tungkol
sa kwintas. Kwinento ni Matilda ang buong istorya at biglang nagulat si Jeanne nang marinig ito
sapagkat ang kwintas na ipinahiram niya kay Matilda ay peke at hindi naghahalaga ng higit pa sa
limang daang francs.

You might also like