You are on page 1of 2

♥ |▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀ | ♥ Sumpa nG asO ♥ |▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀| ♥

Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang mag-anak ang tahimik at
masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan.

Ang ama; si Papa Pedro ay mabait at mapagkalinga sakanyang pamilya.


Nagtatanim siya ng mga weeds at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang
pagkain.

Samantalang ang ina naman; si Fatimah siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay


at dalawang anak na sna Theodora at Theodoric.

Minsan, nagulat ang pamilya sapagdating ni Papa Pedro mula sa mga pusang
gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ang pamilya.

At sa paaglipas ng panahon, nagging malakas na ang lalaki na nakilala nilang


Muhammad.

Isinalaysay ni Muhammad na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya


nabantayan ang taniman nito ng ubaaas, nagging dahilan upang manakaw ang bunga
ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming
alamid.

Naawa naman ang pamilya kay Muhammad, kaya doon na pinatira sa bahay nila
ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Papa Pedro sa pang-araw-araw na
pahahanap ng pagkain.

Ngunit lingid kay Papa Pedro, may namumuong lihil na pagkagusto sina Fatimah
at Muhammad sa isa't isa.

At isang araw nga, nagpasya sina Muhammad at Fatimah na tumakas at


mamuhay sa ibang lugar.

Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Theodora at Theodoric.

"Ina, huwag mo po kaming iwan!" ang iyak ni Theodora.

"Oo nga po! Mang Muhammad, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak ni
Theodoric.

Ngunit hindi naapigilan sina Fatimah ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila
ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog.

Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Fatimah,
ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Muhammad.
Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina
Theodora at Theodoric upang humabol.

Napatayo si Fatimah sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang
dalawang bata.

Siyang pagdating ni Papa Pedro, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang
mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama.

Mula sa malayo, natanaw nina Fatimah at Muhammad ang pangyayari. At sising-


sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa
tubig ang mag-aama.

Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin.

"Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay


nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop,"
ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog.

Bigla ang pagbabago ng anyo ni Fatimah at Muhammad. Ang kanilang katawan


ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at
nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig.

"Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga't ikaw Muhammad, ay hindi natutong


tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga't hindi mo
naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak," at nawala
na ang diwata pagkawika niyon.

Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng


maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig.

At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga
tahanan.

At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa


kanilang mga amo.

Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga
ito samga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat
umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng diwata.

Ang mga inahing asonaman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta,
upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga
anak.

Kaya't maging maingat tayong makasakit ng iban tao, lalo na ang nagpapala o
tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng
utang na loob na tulad ni Muhammad, at ganun din sa mga taong hndi marunon
magmahal na tulad ni Fatimah.

You might also like