You are on page 1of 4

NARRATIB:

Si Dwendeng Ramos- Engkatasya s Junior Mastershef

Noong unang panahon, sa isang natatangi at mahiwagang kagubatan ng Engkantasya, sa TabiTabi Po Street, katabi ng Nuno sa Punso, sa tapat ng isang malaki at 500 taon ng puno ng balete, makikita ang tirahang kabute ng isang masayahin at magiliw na batang si Dwendeng Ramos. (Tama, si Dwendeng Ramos ang bida ng kwentong ito, at AKO, ang butihin niyong tagapagsalaysay.) Mahilig at mahal na mahal ni Dwendeng Ramos ang pagluluto. Ang mga luto niyang tinapay at mga cakes ay siyang pinakamasarap sa buong kagubatan ng Enkantasya. Kaya naman, sa tuwi- tuwina ay nagsisik-sikan ang mga kaibigan nitong mga langgam at munting mga bubuyog sa kanyang bintana, upang tumikim ng kanyang mga apple pies. Ang mga kapwa kaibigan naman nitong dwende, ay nagpipista naman sa kanyang kusina sa mga luto niyang strawberry buns at kapeng barakong hinaluan ng maraming gatas. Ngunit, isang nakakagutom na gabi, malamig at malakas ang buhos ng tag- ulan, tatlong magnanakaw na mga daga ang napadpad sa Engkantasya. Malalaki ang mga dagang ito, siguro sila yung mga tipo ng daga makikita natin sa mga estero, kanat at sa mga squatters area, mga mababaho at galising daga. Nabubuhay sila sa pagnanakaw ng pagkain sa kapwa nila daga, at pangpepeste sa mga gamit ng mga tao (tulad na lamang ng butas kong medyas sa cabinet, bad- trip talaga ang mga daga kahit kailan noh?) Balik tayo sa kwento ko, ang mga dagang ito ay napakasama at itim na talaga ang budhi, hambog, tamad, magaspang ang ugali at walang kinakatakutan --- maliban sa mga pusa. At dumating sa pangyayaring magsisimula ng kapighatian at kalungkutan ng ating munting bida: Naubusan ng pagkain ang mga kontrabidang daga. Ang tanging natira at bumulaga sa kanilang nakaw na sisidlan ng nakaw na pagkain ay isang tinik ng Bangus, balat ng Piattos at isang lata ng Ligo Sardines. Dahil sa bagong salta ang mga dagang ito sa Engkantasya, hindi pa nila alam kung paano sila raraket at paano mairaraos ang mahabang buwan ng tag- lamig. Isa sa mga daga, na tulad ng kanyang maitim na kulay at maitim na budhi, ay may isa ring napakaitim na balakin. Halinat pasukin natin ang bahay ni Dwedeng Ramos at ubusin natin lahat na kanyang mga imbak at nakatagong pagkain habang siya y mahimbing na natutulog at naglalaway. Sumang- ayon naman ang kanyang mga kanyang kapatid sa pananampalataya na naniniwalang, ang dagang nagigipit, sa pagnanakaw kumakapit. Napag- desisyunan nilang kay- itim nga ng kanilang plano at nasiyahan sila dito. Ngunit, wala man lang sa kanila ang napagtanto na paano na lamang si Dwendeng Ramos makaka- survive sa mahabang panahon ng tag- ulan ng walang anumang pagkain ni buto man lang ng saging na saba.

Sa kalagitnaan ng gabi ring iyon, dali- daling naghanda ang mga daga upang isagawa ang kanilang most evil plan, bitbit ang mga gamit nila sa upang mapasok ang bahay ng ating munting bida. Sa kabila ng malakas na snow, binagtas nila ang masukal na kagubatan at mula sa malamlam na liwanag ng nagtatagong buwan, ito ang siyang nagsilbing munting ilaw sa dilim ng ating mga bida- bidahang mga daga at kanilang pinilit looban ang tahanan ni Dwendeng Ramos. Dahil sa hirap masira at mai- unlock ang double padlock na pintuan at bintana, na may secret passcode at kung magkamali ay mag-i-initiate sa self- destruction mode na kasinglakas ng atomic bomb sa ginamit nung world war II, pinili na lamang ng mga dagang ito na gumawa ng isang tunnel sa ilalim ng lupa upang doon dumaan at pasukin ang bahay ni Dwendeng Ramos. At matapos ang 4 na oras at kalahati, matagumpay din nilang napasok ang bahay ng ating bida. Pinuno nila ang dala nilang sako at mga bag ng lahat ng uri ng pagkain na makita nila sa bahay nitolahat maliban sa Reno Liver Spread, ampalaya at alugbati, na siyang pinakaayaw ng mga mapiling dagang ito. Kinabukasan, laking gulat at sobrang panlulumo ang gumising sa buong katauhan ng Dwendeng Ramos. Walang siyang ibang magawa, kundi ang umiyak nang makita niyang walang lamang pagkain ang mga kaldero t garapon at tanging natira lamang ay palaman na Reno Liver Spread at gulay na ampalayat alugbati. Subalit, napagtanto niyang walang magbabago sa kanyang pag- iyak at hindi siya mapapakain ng kanyang mga luha sa panahon ng taglamig. Kailangan niyang alagaan ang kanyang sarili kung kaya t tinuyo niya ang mga luha sa kanyang mga mata, nilagay ang kanyang recipe book sa kanyang basket at umalis na upang maghanap ng trabaho kung saan siya ang pinakamahusay- ang pagluluto! Malayo na siya sa kanyang tirahang kabute at sa kanyang paglalakbay sa kagubatan, naglipana rin ang mga gutom na nilalang na naghahanap ng makakain para sa taglamig. Delikado ang sitwasyon niya bagamat bata pa ay nag- iisa pa siya sa masukal na kagubatan. Sa paglalakad ni Dwendeng Ramos, napansin niya ang isang lobong sumusunod sa kanya, nanghilakbot siya at alam niyang hindi ang dalang recipe book nito ang pakay ng lobo, kundi ang kanyang batang karne. Naalala niya tuloy ang tsismis na mahilig daw sa sinampalukang dwende ang mga lobo, mas lalo tuloy siyang kinabahan. Isa lang ang nasa isip niya, ang tumakbo palayo sa lobong ito. At iyon nga ang kanyang ginawa, tumakbo siya ng tumakbo at siya rin naming paghabol sa kanya ng gutom na lobo. Salamat na lamang at nakahanap siya ng ligtas na pagtataguan sa butas ng isang putol na katawan ng puno ng mahogany, dito siya nanatili hanggat sa makatakas siya sa paningin ng lobong nais siyang kainin at gawing panahog sa sinampalukang ulam. Palubog na ang araw ng lumabas si Dwendeng Ramos sa butas ng punongkahoy. Malungkot siyang umuwi sa kanyang malamig at walang lamang tirahan, nang may dalawang munting ibon ang tumawag sa kanyang pansin. Dwendeng Ramos, may alam kaming naghahanap ng isang tagapagluto, ang masaya nilang pambungad, si Tita Annabelle Dama ang may- ari ng isang bahay- panuluyan para sa mga engkantada at mga diwata. Pinasalamatan sila ni Dwendeng Ramos, at nagtungo sa nilalang na sinabi ng mga kaibigan niyang mga ibon nang masaya at may pag- asa.

Nasunog na naman ni Trudis Pusa ang mga cakes. Pang- siyam na ulit na niya ito sa loob lang ng 3 oras. Tumataas na naman ang altapresyon ni Tita Annabelle Dama sa tuwing nakakaamoy siya ng amoy- tutong o anumang amoy- sunog, nauubos na daw ang oxygen sa hangin at puro amoy- sunog na lang daw ang kanyang nalalanghap. Kaya naman pinalalayas na ng lola mong si Peyrigadmader ang kaawa- awang pusa na si Trudis, ngunit san naman siya tutuloy at paano naman siya mabubuhay sa kagubatan gitna ng taglamig. Kaya naman, iyak siya ng iyak habang nagwawalis ng makakapal na snow sa pintuan ng bahay- panuluyan. At siya namang nadatnang drama ni Dwendeng Ramos nang sa wakas ay nakita narin niya ang bahay ni Tita Annabelle Dama. Oy friend, huwag kang umiyak, sabi ng ating bida, Ako ang iyong konsensiya, este ako pala si Dwendeng Ramos, ang Engkantasya s Junior Masterchef. Hindi ako mayabang, nagsasabi lang ng totoo, alam mo yan! Haha! Biro lang te, pinatatawa lang kita, masyado kasing pang- best actress yang pagluha mo te. Huwag kang mag- alala pwede ka namang tumira sa bahay kasama ko, hindi na babalik ang pesteng daga kapag andun ka, siyempre matatakot yung mga dagang yun sayo, diba? Choosey pa ba te? Dahil sa narinig, ay napangiti na si Tridis Pusa at niyakap ang inakala niyang kanyang konsensiya. Oy friend thank you ah, totoo ba yung sinabi mo na patitirahin mo ko sa bahay mo? Sabi ni Trudis Pusa. Hindi, joke lang yun! Ayaw mo? Ayaw mo? Sige ka, magbago pa isip ko, ikaw din! tugon naman ng Dwendeng Ramos. Ikaw talaga, ang joke, joke mo Malamang dwende nga di ba, me dwende bang hindi masayahin te? Mas joke ka pa nga sakin eh Nagtawanan lang ang dalawa, hahaha...ang saya nila, close agad sila! Dali-daling bumaba ng hagdan si Tita Annabelle Dama nang malaman niya ang pagdating ni Dwendeng Ramos, narinig niya lahat ang tungkol dito, na siyang pinakamahusay magluto sa buong Engkantasya, at nais niyang hingin ang kanyang serbisyo na ipagluto ang mga bisita niyang mga diwata t engkantada. Wala ng tanong- tanong, wala ng interview, tanggap agad! Kelangan pa ba nun? Bilang kabayaran, patutuluyin at pakakainin ni Tita Annabelle Dama ang batang dwende at ang pusa sa kanyang hotel- hotelan. Na siya namang sinang- ayunan ng dalawa. ngunit kelangan nating magmadali, sabi ni Tita Annabelle Dama, Ang mga diwata ay laging mayroong handaan, at sadyang mga hardcore party rockers at mamayang gabi ay kanilang partehparteh. Kaya naman, habang inaayos at nagde-decorate ng bahay si Trudis Pusa ay abala naman sila Tita Annabelle Dama at Dwendeng Ramos sa paghahanda ng pagkain.

You might also like