You are on page 1of 3

ATIENZA, PRINCESS GIAN MICA M.

9-INTEGRITY

ALAMAT NG MGA BITUIN


RICA RAMIREZ
Noong unang panahon, may isang baryo kung saan ang mga tao ay nawawalan na ng pag asa at
pangarap sa buhay. Hindi mo na masusulyapan ang ngiti sa kanilang mga mukha at wala ka ng
maririnig na kahit mahinang tunog ng masasaya nilang mga tawa. Halos wala ka nang makikita
na mga batang naglalaro sa maliwanag na umaga at mga nagsasaya at nagkukwentuhan sa
madilim na gabi.

“Nakakasawa na kasi ang mga madidilim na gabi at tanging apoy lang nag nagbibigay liwanag
sa ating komunidad. Ang lungkot ng mga langit at halos wala na rin tayo mapagkwentuhan
pagsapit ng gabi,” sabi ng isang babae.

“Oo nga, at kapag umuulan ay mga nakasilong lang tayo sa ating bahay at pagtulog nalang ang
inaatupag. Nakakawalang gana na ang buhay ngayon,” sagot naman ng isa.

“Ate, wag na po kayong malungkot,” masayang sambit ng isang bata. “Hindi po ba masaya na
dapat tayo na kapiling natin ang isa't isa? Dapat po lagi tayong masaya!”

Ang batang ito ay si Bituina. Sa kabila ng kawalan ng pag asa ng mga kapitbahay nya, sya ay
patuloy lang na nagiging masaya at nangagarap. Kasama nya lamang sa bahay ay ang kanyang
ina at sila ay mahirap lang. Ang kanyang ina ay nawawalan na rin ng pag asa dahil sa hirap ng
buhay pero patuloy na pinapalakas ni Bituina ang loob nito.

Isang araw ay lumabas si Bituina para mangolekta ng magagandang bato. Araw araw nya itong
ginagawa at ang mga bato ay ipinamimigay nya sa mga kaibigan nya sabay na rin ng
pagkukuwentuhan nila ng mga pangarap nila. Siya din mismo ay may napakaraming pangarap at
araw araw syang nagtatabi ng magandang bato bilang paalala sa mga pangarap nya.
“Nay, balang araw, malalagyan ko din ng ilaw ang ating bahay at hindi na tayo kailanman
mamomroblema pa sa madidilim na gabi. Pati ang mga kapitbahay natin ay tutulungan ko! Ayaw
kong mawala ang pag asa sa buhay nila. Sana'y patuloy na magbunga ang mga pangarap nila sa
kanilang puso,” sambit ni Bituina sabay lagay ng isa pang magandang bato sa kanyang
lalagyanan.

Lumipas ang mga araw at patuloy na ipinapakalat ni Bituina ang pag asa sa bayan nila.
Bumabalik na ang halakhakan at nangangarap nang muli ang mga tao lalo na ang mga bata na
kaibigan nya. Binibigyan nya din ng magagandang bato ang mga matatanda na kakilala nya. At
twing gabe ay bumabalik na ang masasaya nilang kwentuhan.

“Bituina, napakabait at masayahin mong bata. Sana ay magpatuloy lang iyan at maging masaya
kang lubos sa iyong buhay at sa hinaharap,” sabi ng isang lolang napasaya nya at binigyan rin ng
bato.

Muling naging masaya ang barangay nila Bituina ngunit may mga pangyayari talagang
nangyayari na hindi mo inaasahan. Si Bituina ay nagasakit ng malubha at walang pera pambili ng
gamot ang nanay nya. Lumala pa ito at hindi na naagapan. Kumalat ang balitang ito kaya't
binisita sya ng kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay, gayundin ang iba pang matatanda sa
barangay.

Sa kabila ng hirap na kanyang dinadanas ay patuloy paring nagpapasaya si Bituina ng mga tao sa
kanyang paligid. “Basta wag nyong kakalimutan na maging masaya palagi at wag mawawalan ng
pag asa ha? Sana, matupad ninyo ang mga mumunti ninyong pangarap. Nay, mahal na mahal po
kita,” mahina nyang sambit. At tuluyan nang nawalan ng malay si Bituina.

Labis na lungkot ang naramdaman ng kanyang mga kaibigan. Hindi nila mapigilan na lumuha
dahil sa pagkawala ng batang ito. Nagtagal ang lungkot na ito sa mga tao at malapit na silang
mawalan muli ng pag asa. Pero isang gabing madilim, ay may kakaibang nangyari. May mga
makikinang na animo'y bato sa langit na nagliliwanag at sobrang ganda at nakakahumaling
tignan. Naalala nila si Bituina at ang mga batong kanyang ibinigay sa kanila. Sila'y muling
nagkapag asa.
“Mula ngayon, ay tatawagin na natin iyang mga bituin. At hinding hindi na tayo magiging
malungkot sa madilim na gabi dahil ngayon, may liwanag na.”

Naging masaya muli ang barangay, at patuloy na dumami ang mga bituin sa langit katumbas ng
bawat pusong nangangarap.

Malungkot man ang ina ay nakangiti pa rin ito ng nagsalita ito na para bang kausap si Bituina:
“Anak, hindi ko na kailangan ng ilaw sa ating bahay dahil sapat na ang liwanag na binibigay mo
sa amin. Natupad na ang mga pangarap mo anak. Nawa'y maging masaya ka diyan sa langit.”

Ito ang alamat ng mga bituin.

You might also like