You are on page 1of 1

IKAW ANG AKING BAYANI

Ako ay may mga nilalang na tinuturing bilang aking mga bayani. Sila ang nagbigay ng susi
para sa ating Kalayaan. Gumawa ng tulay upang makamit natin ang ating mga munting pangarap.
Tinutulungan nila tayo upang makalabas tayo sa silid na binabalot ng walang kamalayan.

Noong natatanaw na ang malambot na liwanag ng bukang-liwayway handing handa na siya


sa pagtanggol sa atin. Sa mga sandaling tayo ay nahihirapan sa ating mga sitwasyon tinulungan nila
tayo.

Itinuturing din natin sila bilang ating pangalawang magulang. Hinahalili nila ang isang
magulang dahil halos lahat ng oras natin sila ang ating kasama. Nagbubunyag din sila ng mainit na
pagmamahal at inaaruga din tayo nila tulad ng tunay nating mga magulang.

Mahalaga ang kanilang bahaging ginagampanansa ating bayan dahil sila ang naggagabay sa
atin patungo sa landas paunta sa maginhawa, maliwanag at makulay na umaga para sa ating mga
kabataan. Ang kabataan ng ating bayan ay ang pag-asa din natin sa pagpapaunlad sa ating bansa.

Ako ay masayang masaya sa pagpakilala sa inyo ng mga magagaling at matatapat na bayani


ng ating bansa ay walang iba kundi ang ating mga…GURO.

HIMIG NG PAG-ASA

Sa bawat pagpalo ng tambol na gawa mula sa yuping mga lata at sa pagkumpas ng


tamboring yari sa pinulot na tansaan, ramdam ang kagustuhan ng mga paslit na maibalik ang
paskong kanilang kinagisnan.

Tanda ang malamig na hangin na ito na nga ang Pasko. Kay sarap marinig ang mala anghel na
tinig ng mga musmos. Ito’y nagbibigaylakas sa matatanda na sikaping magpakatatag para sa
kinabukasan ng mga bata.

Ngayong Pasko, wala mang pintong mapag sasabitan ng parol o bintanang mapapalamutian
ng kumukutikutitap na ilaw, nagkaisa naman ang bawat tahanan ng buong baryo. Sabay sabay na
nag Noche Buena at ginunita ang pagkabuhay ni Hesus tanda ng muling pagkabuhay ng kanilang
pangarap.

You might also like