You are on page 1of 8

Likha-riin

mo!
Asinkronong
Gawain sa Filipino 9

Czarina
Asuncion
9-Guanine
Kwento: Si Mariang
Alimango
Mga tunggalian
Tao Vs.
Sarili Tao Vs. Tao

Ang tunggaliang tao laban sa Ang tunggaliang tao laban


sarili sa kwento ay ang sa tao na makikita sa
kalungkutan at paghihirap na kwentong bibit ay ang
nadarama ni Maria matapos pagtrato ni tiya Justa kay
mamatay ang kaniyang ina Maria. Mayroong dalawang
kasabay ng malupit na anak si tiya Justa at mahal
pagtrato ng kanyang tiya na mahal niya ang mga ito
Justa. Isa pa sa mga samantalang si Maria naman
tunggaliang tao laban sa sarili ay ginawa niyang alipin at
sa kwento ay ang pinahirapan. Isa din sa mga
pagkaramdam ng lungkot ng
tunggaliang tao laban sa tao
prinsipe nang biglang umalis si
na makikita sa akda ay ang
Maria pagkalipas ng hatinggabi
pagkakaroon ng inggit nina
at naiwan ang isang kapares
Jovita at Juanita matapos
ng sapatos. Ito ang naghudyat
nalaman na si Maria pala
sa kanya upang hanapin ang
ang hinahanap ng Prinsipe.
may-ari ng sapatos.
Kwento: Si Mariang
Alimango
PANIBAGONG DALOY NG
KUWENTO:
Si Maria ay isang kaawa-awang dalaga. Una sa lahat, sa kanyang
murang edad, nawalan na siya ng ina. Sunod, siya na ngayon ay
nakatira na sa tirahan ng kaniyang tiya Justa, hindi bilang isang
anak, kundi bilang isang alipin. Siya'y nagsilbi kahit na malupit ang
pagtrato sa kanya ng kaniyang tiya Justa.

Si tiya Justa ay may dalawang anak. Ito ay sina Juanita at Jovita.


Araw-araw nasasaksihan ni Jovita ang malupit na pagtrato ng
kaniyang ina at kapatid kay Maria. Nais niyang tulungang
makawala sa hirap si Maria subalit siya'y natatakot sapagkat
alam niyang hindi matutuwa ang kaniyang ina kung tutulungan niya
si Maria.

Isang araw, nagpasya si Jovita na magpahinga muna. Makalipas


ang isang oras, siya'y nagulat sapagkat isang nagsasalitang
alimango ang lumapit sa kaniya.

"May suliranin ka ba Binibini? Hayaan mong tulungan kita." ani ng


alimango.
Hindi makapagsalita si Jovita sa gulat subalit isang bagay ang
pumasok sa kaniyang isipan.

"Hindi ko kailangan ng tulong pero nais kong tulungan si


Maria..."dama ang awa ni Jovita kay Maria.

"Siya'y pinahihirapan ng aking ina pero hindi ko siya magawang


tulungan sapagkat nangangamba akong tumaliwas sa 'king ina."
responde ni Jovita sa alimango.

"Matutupad. Tutulungan ko si Maria." sagot ng alimango.


Pagkatapos, bumalik na sa batis ang alimango at si Jovita naman
ay bumalik na sa tirahan. Matapos umuwi, nababalot pa rin ng
pagtataka si Jovita. Inaakala niyang guni-guni lang niya ang
pangyayari.

Makalipas ang isang araw, inutusan ni tiya Justa si Maria upang


maglaba. Sunod nito, pumunta sa may batis si Maria upang
maglaba.

Habang naglalaba ay 'di napigilan ni Maria ang labis na


kalungkutan. Bumuhos nang tuluyan ang kaniyang mga luha.
Nangangarap siya na matapos na ang paghihirap niya, nais niyang
makatagpo ng tunay na pamilya, pamilyang kadugo man o hindi ay
bibigyan ka ng taos-pusong pagmamahal at pagpapahalaga.
Maya-maya't nagulantang si Maria. Isang alimango ang nagsalita't
lumapit sa kaniya. Ang alimangong ito ang siya ring kumausap kay
Jovita.

"Naparito ako pagkat isinalaysay sa 'kin ni Jovita ang mga


nararanasan mo. Nais niyang makatulong sa 'yo. Akin nang
tutuparin ang mga kahilingan mo." sabi ng alimango.

"Gayunpaman, matutupad ko ito kung bago lumubog ang araw ay


nasa labas ka na ng tahanan." sambit ng alimango bilang isang
kondisyon sa pagbibigay niya katuparan sa hiling ni Maria.

"Gagawin ko, pangako." desperado ng matigil ni Maria ang


kaniyang paghihirap at pagdurusang mag-isa.

Kasunod nito, bumalik na sa bahay si Maria at naghanda na ng


hapunan para kina tiya Justa, Juanita at Jovita.

Palubog na ang araw, at habang may panahon pa si Maria, lumapit


siya kay Jovita upang magpasalamat. Sinigurado niya na hindi
siyang mahuhuling nakikipag-usap kay Jovita. Isinalaysay niya
muna

"Maraming salamat Jovita. Hayaan mo kapag natupad ang aking


mga kahilingan, ako naman ang tutupad sa mga kagustuhan mo."
mararamdaman ang sabik na tono ng boses ni Maria.
"Akala ko'y kathang-isip lamang ang naranasan ko kahapon.
Masaya ako na umabot ang tulong sa iyo." sagot ni Jovita.

"Kapag natupad ang mga kahilingan mo, hindi mo na kailangang


tuparin ang aking mga nais. Isa lamang ang kahilingan ko sa
ngayon at iyon ang matapos na ang mga paghihirap mo. Bilis,
malapit na lumubog ang araw, aalis na din kami upang pumunta sa
pagdiriwang sa palasyo." dagdag pa niya.

Pagkatapos nilang mag-usap, nakaabot si Maria sa kautusan ng


alimango. Pagkadating niya ay tila kumikinang ang kaniyang mga
nakita. Mayroong magarbong karwahe. Kasabay nito ay nagbago
din ang kasuotan ni Maria. Tila mga himala ang nangyari.

"Pumunta ka sa pagdiriwang sa palasyo. Alam ko na ninanais mong


makapunta roon. Huwag ka lamang magpapalipas ng hatinggabi."
bilin ng alimango.

Nakarating si Maria sa okasyon. Pinagtitinginan siya ng mga tao.


Hindi siya nakilala ni tiya Justa at Juanita subalit alam ni Jovita na
ang magandang dalaga na dumating ay tiyak na si Maria.

'Tapos nito, si Maria'y nilapitan ng isang prinsipe. Sila'y nagsayaw


buong gabi. Nagkapalagayan ng loob ang dalawa.
Sumapit na ang alas dose ng hatinggabi kaya kasunod nito ay
tumakbo papaalis si Maria. Naiwan niya ang isang kapares ng
sapatos.

Nalungkot ang prinsipe habang hawak ang kapares na lamang na


sapatos ni Maria. Ito ang naghudyat sa kaniya na hanapin ang
magandang dilag na kaniyang nakilala.

Kinaumagahan na at matapos ang nangyari, naisipang utusan ng


prinsipe ang kaniyang mga tauhan na hanapin ang magandang
babaeng nakasayaw niya. Inutusan niya na isukat ang kapares na
sapatos sa lahat ng mga dalaga sa bayan at kung magkasya ito sa
kanilang paa ay papakasalan niya.

Una, pumunta ang mga tauhan sa hilagang bahagi ng bayan. Sunod


naman, ay nilibot nila ang timog na bahagi. Sila'y pagod na sa
paghahanap at hindi pa nila nahahanap ang dalagang ituturing
nilang prinsesa.

Dumating na sila sa tahanan ni tiya Justa. Pinipilit ni tiya Justa na


isa sa kaniyang mga anak ang tunay na may-ari ng sapatos.
Subalit, hindi nagkasya ang sapatos sa mga paa ng magkapatid na
Juanita at Jovita. Sa pagkadismaya ng mga tauhan ng prinsipe,
naisipan nila na umalis na.
Taliwas dito si tiya Justa, pero 'di niya kayang magalit lalo na si
Jovita ay isa sa kaniyang pinakamamahal na anak.

Dinala ni Jovita si Maria sa mga tauhan upang sukatin ang sapatos.


Pagkatapos, sumakto nga ang sapatos sa kaniyang mga paa. Siya
na ang papakasalan ng prinsipe.

"Patawarin mo ako Maria. Pasensya na sa mga masamang


pagtrato ko sa 'yo." naiiyak na paghingi ng patawad ni Juanita.

Sumunod ding humingi ng patawad kay Maria si tiya Justa.


"Pasensya na imbes na ituring kitang bahagi ng pamilya, inalipin
kita. Patawarin mo ako Maria.".

Pinatawad naman ni Maria ang dalawa.

Sa wakas, kinasal na si Maria at ang prinsipe. Nanirahan sila sa


palasyo't namuhay nang masaya. Higit pa diyan, mas masaya na si
Maria ngayon sapagkat sina Juanita at Jovita ay tila naging mga
kapatid na niya. Itinuring na rin siya ni tiya Justa bilang isang anak.
Walang anomang suliranin ang sisira sa kanilang samahan bagkus,
sabay nila itong kakaharapin.

You might also like