You are on page 1of 1

Kabanata 7: Pag-uulayaw sa Isang Asoeta

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)


658
Kinabukasan, maagang maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel.
Pagkatapos ng misa, nagyayang umuwi na si Maria. Pagkaagahan ay nanahi si
Maria upang hindi mainip sa paghihintay.  Si Isabel ay nagwalis ng mga kalat ng
sinundang gabi.  Si Kapitan Tiyago ay binuklat naman ang mga itinatagong
kasulatan.  Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga
sasakyan.  Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na
magbakasyon siya sa Malabon o sa San Diego. Iminungkahi ni Isabel na sa San
Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay
malapit na ring ganapin ang pista. Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa
pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan
sapagkat hindi na siya babalik sa Beateryo. Nanlamig at biglang nabitawan ni
Maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat.  Nang
maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria.
Tinulungan siya ni Tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin.  Ang
pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamayamaya, lumapit sila sa asotea upang iwasan ang alikabok na nililikha ni
Isabel.  Tinanong ni Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa
pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon.  Sinabi ni
Ibarra na siya ay hindi nakakalimot.  Katunayan anya, si Maria ay laging nasa
kanyang isip. Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng
ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang.  Si Maria man,
anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor
na limutin na niya si Ibarra. Binigkas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang
kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria
ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra.  Dahil dito si Ibarra ay nagtampo
kay Maria.  Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni Maria ng sambong
sa loob na kanyang sumbrero upang hindi maitiman. Ang bagay na iyon ay
ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang
ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na.  Pero, mabango pa rin.
Inilabas naman ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra
bago tumulak ito patungo sa ibang bansa.  Binasa ito ni Maria ng pantay mata
upang di makita ang kanyang mukha.

You might also like