You are on page 1of 1

Noli Me Tangere/Kabanata 27 : Sa

Pagtatakipsilim
< Noli Me Tangere

Jump to navigationJump to search


Isa sa may pinakamalaking pista sa San Diego at si kapitang Tiyago

Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin at
pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas may
pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at esmeralda at kapirasong kahoy na
mula sa bangka ni San Pedro.
Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga ilang kaibigang dalaga si Maria
na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay
pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago maghapunan si
Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago si
Ibarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon siyang
hinihintay na bisita.
Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna kina Iday at
Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama siya
ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Sinang. Nanaog
kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra kay at pinuri naman si
Maria. Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na sumama ito
sa kanya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa monte si Padre
Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting yaon,
kung oo, o hindi.
Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa
saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang
mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa pagliligtas
niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.
Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na agnos
at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga kasama. Kinuha ng ketongin ang
agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may harap ni Maria at
isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at
pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha.
Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin.
Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si
Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon naman
ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta. Umalis na rin
ang ketongin na dala ang bakol.
Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulang-palad..

You might also like