You are on page 1of 21

NOLI ME

NOLI METANGERE
TANGERE
By: Dr Jose Rizal
KABANATA 7
"Suyuan sa Asotea"
SUYUAN SA ASOTEA
• Kina bukasan, maagang maaga pa ay nagsimba na sina
Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, nagyayang
umuwi na si Maria.
• Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa
paghihintay. Si Isabel ay nagwalis ng mga kalat ng
sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay binuklat naman ang
mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib
ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat
medyo namumutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na
magbakasyon siya sa Malabon o sa San Diego.
• Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang
bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay
malapit na ring ganapin ang pista.
• Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa
pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na
siya sa mga kaibigan sapagkat hindi na siya babalik sa
Beateryo.
• Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang tinatahi
ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat.
Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang
pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni Tiya
Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
• Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang
kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang
paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
• Pamayamaya, lumapit sila sa asotea upang
iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel.
Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya
nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa
maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni
Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan
anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.
• Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa
harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at
paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man,
anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan
siya ng kanyang padre kompesor na limutin na
niya si Ibarra.
• Binigkas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang
kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling
pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging
mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra
ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang
tampo nang lagyan ni Maria ng sambong sa loob na
kanyang sumbrero upang hindi maitiman.
• Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya
sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang
tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero,
mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ang isang
liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago
tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni
Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang
mukha.
• Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na
papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay
isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang
tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran
niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda
na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay
handang magtiis na ipaubaya ang pansariling
interes alang-alang sa kapakanang pambayan.
• Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra.
Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria.
Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya Dahil
sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin.
Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay
Undas na.
• Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot
iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan
Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na
ayusin nito ang bahay nila sa San Diego
sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale.
Tumango si Ibarra at umalis na ito.
• Pumasok sa silid si Maria at umiyak.
Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan
na magtulos ng dalawang kandila sa mga
manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.
TANONG:
• 1.Ano ang pamagat ng kabanata 7?
• 2.Sino ang nagpayo kay Maria Clara na
limutin na si Ibarra?
• 3.Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
• 4.Sino ang dalawang manlalakbay?
TALASALITAAN:

• 1.Alumpihit
• 2.Namamalas
• 3.Asotea
• 4.Magbalikan tanaw
• 5.Musmos
MGA GUNITA
• Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay
masayang bumabagtas sa isang masayang pook
sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw
ay nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang
nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran,
biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na
diwa ang isang alaala.
• Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang
hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may
ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga
Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing
naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalaking
hubad na nagpapasan,
mga ponda at restauran at pati ang mga
karitong hila ng mga makupad na kalabaw.
Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng
kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin
ay kanyang naalala.

Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang


tingin, napansin niya na walang
ipinagbago ang punong Talisay sa San
Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din
niya ay lalong pumangit.
• Nakita din niya ang mga magagandang
karwahe na ang mga sakay ay mga
kawaning inaantok pa sa kanilang mga
pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan,
mga Tsino at paring walang kibo. Sa mga
paring nakasakay sa mga karwahe,
namataan niya si Pari Damaso na
nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong nuon
na kasama ang asawa at dalawang anak
na babae at nakasakay sa ibang karwahe
ay binati si Ibarra.
• Napadaan din siya sa Arroceros (ngayon ay
C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng
pagawaan ng tabako. Naalala niya na
minsan na siyang nahilo dahil sa masamang
amoy ng tabako.
• Nang madaan siya sa Hardin Butaniko saglit
na napawi ang kanyang mga magagandang
gunita. Pumasok sa kanyang isip na ang
hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-
aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin.
Itinuon niya ang tingin sa malayo at makita
niya ang matandang Maynila na naliligid ng
makakapal at nilumot na mga pader.
• Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayan ay
nagpabangon sa bilin ng kanyang naging gurong
pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin
ng Pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao,
ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may
puso lamang. (2) Kailangang pagyamanin ang
karunungan upang maisalin ito sa mga susunod
na salin-lahi at (3) Ang mga dayuhan ay
nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto.
Kung kaya’t nararapat lamang na puntahan ang
lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni
Ibarra ang ginto nila (mga dayuhan).
Talasalitaan;
• 1. Pumupukaw
• 2. Namayapa
• 3. Nakakahindik
• 4. Nakakahilakbok
• 5.Sumurot sa damdamin
Tanong:
• 1. Ano ang pamagat ng kabanata 8?
• 2. Ano puno sa San Gabriel ang walang
pinagbago sa tingin ni Ibarra?
• 3. Sinong pari ang nakita ni Ibarra na
nakakunot noo?
�Thankyou For
Listening�

You might also like