You are on page 1of 14

Kabanata 5-6

Noli me tangere

Aj Cabangunay
Akay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala (ito ay isang uri
ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynila). Kaagad na
nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon. Sa sinapit ng
ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan
ng himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila
ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din
niya ang tugtugin ng orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sa bahay na iyon si Ibarra, makikita niya
kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng
manipis na habi,may suot na diyamante at ginto.
Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-
aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila,
Pilipino, pari, Intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni
Maria Clara.
Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang
batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama
Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag
samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng
dalagang hinahangaan ng lahat.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng
gabi, madali siyang nakatulog at nagising kinabukasan na. Ang
tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.
Talasalitaan
 largabista - teleskopyo na binubuo ng dalawang
magkatabing lentang itinatapat sa mata upang
makita ang anumang nasa malayo
 panaghoy - pag-iyak; paghihinagpis
Mga tanong

1.San tumira si ibarra habang siya ay nasa manila

2.Ano ang narinig ni ibarra sa kabilang ilog?

3.Sino ang batang hindi inabot ng antok?


Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya
ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa
pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang
nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.
Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo
at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna bilang
asendero, hindi kataka-taka na parang lobong hinihipan sa pagpintog ng
kanyang yaman .
Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay
malakas sa mga taong nasa gobyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga
prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.
Kasundo nya ang Diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan.
Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili
Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin
na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasamba
katulad nina Sta.Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio de Padua, San
Francisco de Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo
at ang banal na mag-anak.
Para kay Kapitan Tiyago kahit na ano ang itakda an mga Kastila, yaon
ay karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga Pilipino,
sya ay naglilingkod bilang gobernadorcillo.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o
patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip din sya sa mga taong nasa
poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at
kapistahan, lagi sya mayroong handog na regalo.
Ang dininig ang dasal ni Pia, siya ay naglihi. Gayunpaman
nagiging masakitin si Pia, nang siya ay magdalangtao.
Pagkapanganak niya, siya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag
anak sa binyag at ang anak ni Pia ay pinangalanang Maria Clara
bilang pagbibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa Obando, kay
Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natokang mag-aruga kay
Maria. Lumaki sya sa pagmamahal na inukol ni Tiya Isabel,
kanyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si Maria, nang sya ipinasok sa beaterio ng Sta
Catalina. Luhaan syang nagpaalam kay Pari Damaso at sa kanyang
kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra, pagkapasok ni Maria
sa kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta na ng Europa upang mag
aral.
Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiyago na
maski nagkalayo ang kanilang mga anak. Pagdating ng tamang
panahon silang dalawa (Maria at Crisostomo) ay pag iisahing
dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na
nag-iibigan.
 Mga Tauhan

 Kapitan Tiyago
 San.lucia
 San.Pascual Bailon
 San.Antonio de Padua
 San.francisco Abad
 San.Miguel
 Sto.Domingo
 Maria Clara
 Tiya Isabel
 Paring Damaso
 Don Rafael
Mga tanong

1.Ano ang pamagat ng kabanata 6?

2.Sino ang nag punta ng Europa para mag aral?

3.Sino ang pinaka mayaman sa binundok?

You might also like