You are on page 1of 2

Kabanata 2: Crisostomo

Ibarra
Nagulat sina Padre Sibyla at Padre Damaso ng makita
nila ang kasamang panauhin ni Kapitan Tiyago. Siya ang
anak ng yumaong kaibigan ni Kapitan Tiago, si Don
Crisostomo Ibarra, na galing pang Europa.

Siya ay nakabihis ng luksang kasuotan. Makikita sa


kaniyang galaw at anyo ang pagiging malusog sa isipan
at pangangatawan. Makikita ang bahid ng pagiging
banyaga dahil sa kanyang mapupulang pisngi.

Nagtangkang kamayan ni Ibarra si Padre Damaso sa


pag-aakalang ito ay matalik na kaibigan ng yumaong
ama. Ngunit ikinaila ni Padre Damaso na kaibigan nga
niya ang ama ni Ibarra.

Sandaling tinalikuran ni Ibarra ang pari upang kausapin


si Tinyente Guevarra. Masaya ang tinyente dahil sa ligtas
na pagdating ni Ibarra.

Ikinuwento rin ng tinyente ang patungkol sa kabutihang


asal ng yumaong ama ni Ibarra. Nabawasan ang pag-
aalinlangan ni Ibarra sa tunay na kinahatnan ng ama
dahil hanggang ngayon ay wala parin siyang nalalaman
tungkol sa pagkamatay ng ama.

Nilisan ng tinyente ang bulwagan at naiwang mag-isa si


Ibarra. Nilapitan niya ang mga kababaihan. Batid niyang
hindi niya mapipigilang hindi batiin ang mga hiyas ng
Pilipinas.

Kasunod namang nilapitan ni Ibarra ang grupo ng mga


kalalakihan. Isang kaugalian sa Alemanya na ipakilala
ang sarili sa grupo ng mga panauhin kung ito ay walang
kasama at makausap sa isang pagtitipon.

Humingi ito ng pasensya dahil sa nasabing kaugalian.


Ginawa niya ang kaugaliang ito hindi para ipaalam na
siya’y galing sa ibang lugar kundi dahil ito ang nararapat
niyang gawin. Nagpakilala siya bilang si Crisostomo
Ibarra Y Magsalin.

Isang ginoo ang lumapit kay Ibarra na may magandang


suot na makikitaan ng mga makikinang na dyamanteng
butones. Siya si Kapitan Tinong, matalik na kaibigan ni
Kapitan Tiago.

Kilalang-kilala niya rin ang ama ni Ibarra. Inanyayahan


niya si Ibarra na pumunta sa kanyang bahay upang
maghapunan kinabukasan ngunit hindi makakarating si
Ibarra dahil siya ay pupunta sa San Diego.

Handa na ang lahat para sa hapunan.

You might also like