You are on page 1of 14

KABANATA 2

Si Crisostomo Ibarra
Padre Sibyla Padre Damaso Kapitan Tiago

Ang padre na Isa ring padre Ang nag-anyaya


nagulat sa na nagulat at ng mga
pagdating ng tumangging panauhin at ang
kasamang amining nagpakilala kay
panauhin ni kaibigan ang Ibarra sa iba
Kapitan Tiyago ama ni Ibarra pang mga bisita.
Crisostomo Ibarra Tinyente Guevarra Rafael Ibarra
Ang anak ng yumaong Isa sa mga bisita
kaibigan ni Kapitan yumaong
na kumausap kay
Tiago, na katatapos ama ni
Ibarra tungkol sa
lang bumalik mula sa Crisostomo
Europa. Bida ng kabutihang asal
ng yumaong ama Ibarra
kabanata at ang
pinakabagong niya
dumating na panauhin.
Mga Kababaihan Mga Kalalakihan Kapitan Tinong

Ang sumunod na Isang ginoo na


Nakilala ni Ibarra
grupo na nilapitan lumapit kay
matapos niyang Ibarra at nag-
ni Ibarra matapos
kausapin si anyaya dito na
niyang makausap
Tinyente maghapunan sa
ang mga
Guevarra. kababaihan
kanyang bahay
kinabukasan.
Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na
luksang-luksa ang kasuotan (nakasuot ng
itim). Binati lahat ni kapitán ang mga
panauhin at humalik sa kamay ng mga pari
na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil
sa pagkabigla. Si Padre Damaso ay namutla
nang makilala si Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa
pagsasabing ito ay anak ng kaniyang kaibigang
namatay at kararating lámang niya buhat sa pitong
taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang
pangangatawan ni Ibarra, sa kaniyang masayang
mukha mababakas ang kagandahan ng ugali.
Bagama't siya ay kayumanggi, mahahalata na
dugong Espanyol.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre
Damaso sapagkat alam niyang ito ay
kaibigang matalik ng kaniyang yumaong
ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari.
Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero,
ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni
Ibarra.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay.
Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap
sa tenyenteng kanina pa namamasid sa
kanila. Masayang nag-usap sina tenyente at
Ibarra. Nagpapasalamat ang tenyente
sapagkat dumating ang binata nang walang
anumang masamáng nangyari.
Basag ang tinig ng tenyente ng sabihin niya
sa binata na ito ay nasa higit na maging
mapalad sa kaniyang ama. Ayon sa tenyente
ang ama ni Ibarra ay isang mabait na tao.
Ang ganitong papuri ay pumawi sa
masamáng hinala ni Ibarra tungkol sa
kahabag-habag na sinapit ng kaniyang ama.
Ang pagsulyap ni Padre Damaso sa
tenyente ay sapat na upang layuan niya
ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa
bulwagan nang walang kakilala.
Tulad ng kaugaliang Alemán na natutuhan ni
Ibarra buhat sa kaniyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kaniyang sarili sa mga
nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang
mga babae ay hindi umimik sa kaniya. Ang
mga lalaki lámang ang nagpapakilala rin sa
kaniya. Nakilala niya ang isang binata rin na
tumigil sa pagsusulat.
Malápit nang tawagin ang mga panauhin
para maghapunan, nang lumapit si
Kapitan Tinong kay Ibarra para
kumbidahin sa isang pananghalian
kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang
binata sapagkat nakatakda siyang
magtungo sa San Diego sa araw na
naturan.

You might also like