You are on page 1of 1

KABANATA 7

Noong araw na iyon ay maagang nakapagsimba sina Maria Clara at Tiya Isabel.
Nagmamadaling umuwi si Maria Clara sapagkat iyon ang araw na itinakda ng
pagkikita nila ni Crisostomo Ibarra

Kinakausap ng dalaga ang kanyang ama habang siya ay nananahi upang


malibang. Balisa siya sapagkat hindi na siya makapaghintay na Makita ang
kanyang minamahal.
Napagpasiyahan din ni Kap. Tiyago na magbakasyon sila sa San Diego dahil sa
nalalapit na pista doon. Maya maya ay dumating na nga si Ibarra.

Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may biglang tumigil
na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, dali-
daling pumasok sa silid si Maria Clara. Tinulungan siya ni Tiya Isabel na
magayos bago humarap kay Ibarra.

Nang magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang paningin, nakaramdam


silang dalawa ng tuwa.
Pumunta sila sa Asotea para makaaiwas sa alikabok na likha ng pagwawalis ni
Tiya Isabel.

Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa


kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusan, sa kanilang
naging tampuhan at mabilis na pagbabati. Kabilang dito ang dahon ng sambong
na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra upang hindi ito mainitan, at ang
sulat ni Ibarra kay Maria Clara bago ito umalis papuntang Europa.

Binasa naman ng dalaga sa katipan ang laman ng sulat. Ayon sa sulat, layunin ni
Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng
mataas na kalidad sa bayang sinilangan. Handa diumano itong magtiis na
mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang
hangarin.
Natigilan naman si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang
kailangang gawain. Nagpaalam na si Ibarra na binilinan ng Kapitan na sabihan
ang kanyang katiwala na sila ay magbabakasyon doon.
Si Maria Clara naman ay hindi napigilang maluha dahil sa pangungulila kay
Ibarra. Sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang
kandila at ialay sa santo ng manlalakbay

‘’Ang tunay na pagibig,kahit ilang panahon, distansya at paghihintay ang


pagdaanan,mananatili parin itong tapat at dakila’’
.

You might also like