You are on page 1of 12

Kabanata 7 Noli Me Tangere

“ Pag-uulayaw sa isang Asotea”

Mga tauhan

Maria Clara

Tiya Isabel

Crisostomo Ibarra

Kapitan Tiyago

Maria Clara

Ang anak anakan ni Kapitan Tiyago ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra ang hindi mapakali
ng araw na iyon agad na nag ayang umuwi sa kanila pagkatapos ng misa sapagkat alam niyang darating
si Ibarra ng araw na iyon sa kanilang tahanan. Kinakabahan siya tuwing may maririnig na humihintong
karwahe sa harapan ng kanilang bahay dahil laging akala niya na si Ibarra na iyon. Nag usap sila ni Ibarra
sa asotea doon sila nagkamustahan at muling binalikan ang masaya nilang alaala noong mga bata pa sila.
Pinagtulos siya ng kandila ng kanyang ama pagkaalis ni Ibarra para sa maayos na pag byahe ng binata.

Tiya Isabel

Ang inainahan ni Maria Clara. Ang napapangiti tuwing nakikita niyang patayo tayo ang kanyang
pamangkin tuwing may maririnig na humihintong karwahe sa kalsada sapagkat alam niya kung bakit
alumpihit ang dalaga,sapagkat darating si Ibarra.

Crisostomo Ibarra

Ang Binatang anak ng namayapang si Don Crisosotomo Ibarra, kakarating lang mula sa pag-aaral sa
bansang Europa, ang kausap ni Maria Clara sa asotea ang nangako ng buong pag mamahal kay Maria
Clra,pagkatapos na mag usap ng dalawa ay nag paalam na ang binata sapagkat hahanapin pa daw niya
puntod ng kanyang ama.

Kapitan Tiyago

Ang ama ni Maria Clara, ang nag sabi kay tiya Isabel na kaylangan na nila munang pagbakasyunin ni
Maria Clara dahil nangangayayat na ito, Siya rin ang nag utos kay Maria Clara na ipagtulos ng kandila si
Crisostomo Ibarra para sa maayos nitong paglalakabay dahil marami na daw ang bandido sa daan.
BUOD 1

Ang kabanata na ito ay tumalakay sa pag-iibigan at pagharap sa isang


mahalagang responsibilidad sa buhay.

Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang katoliko, nakagawian na niya na


magsimba tuwing umaga kasama ang pamangkin na si Maria Clara. Pagkatapos
ng misa ng araw na iyon ay nagmamdali na umuwi si Maria, bagay na ikinagalit
ng kanyang tiyahin.

Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga ang dalaga.


Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang kasintahan na si Ibarra. Halos pitong
taon din ang lumipas na hindi nagkita ang dalawang magsing-irog.

Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-aalala sa


kanilang mga nakaraan mula noong sila ay mga musmos pa lamang. Si Maria ay
nagbalik tanaw mula sa kanyang buhay sa Beaterio habang si Ibarra naman ay sa
kanyang pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa.

Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra upang mag-aral, ngunit dagli naman
itong sinagot ng binata. Lumayo daw siya para gawin ang mga higit na
mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan ng hinaharap ng bayan.

Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang kanyang mga
yumaong magulang. Dali-dali siyang nagpaalam at umuwi para makahabol sa
nalalapit na undas.

Ang kabanata 7 ay pinamagatang "Suyuan sa Asotea".

BUOD 2
Maagang pumunta ng simbahan sina Tiya Isabel at Maria Clara. Pagkakain ng
agahan ay nanahi si Maria Clara habang si Tiya Isabel ay naglinis ng mga kalat
kagabi. Si Kapitan Tiyago ay may mga tinitingnang kasulatan. Halatang
kinakabahan si Maria Clara tuwing may naririnig na dumaraang sasakyan.
Pinayuhan ito ng ama ng magbakasyon upang bumalik ang kulat nito sa
mukha. Si Tiya Isabel ang nagmungkahi na sa San Diego pumunta dahil malapit
na ang pista sa bayang ito. Sinabihan ni Kapitan Tiyago na hindi na babalik sa
beateryo si Maria Clara. Biglang pumasok si Maria Clara sa kaniyang silid nang
marinig niyang dumating si Crisostomo Ibarra. Lumabas lang siya pagkatapos
mag-ayos ng sarili. Nagkatitigan sila ni Ibarra bago pumunta sila sa asotea para
maiwasan ang lumilipad na dumi sa paglilinis ni Tiya Isabel. Tinanong Maria si
Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming
magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot.
Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala. Sinabi ni Ibarra na hindi
siya nakakalimot at naisumpa niya na si Maria Clara lamang ang pakakasalan
niya. Si Maria Clara rin ay ngpahayag na kahit anong payo sa kaniya ng kaniyang
padre kumpesor na kalimutan ang binata ay hindi niya sinusunod. Nagpakitaan
sila ng mga bagay-bagay na ibinigay nila sa bawa't isa noong huling sila ay
magkita. Si Ibarra ay inilabas ang natuyong dahon ng sambong habang si Maria
Clara ay ang sulat. Binasa ni maria Clara ang laman ng sulat na siyang
nakapaalala kay Ibarra na kinabukasan ay undas na at kailangan niyang
maghanda. Bago umalis si Ibarra ay nagbilin si Kapitan Tiyago para sa mga nag-
aalaga ng kanilang bahay sa San Diego. Pagkaalis ni Ibarra ay pumasok sa silid si
Maria Clara at umiyak.

Aral:

Ang pag-ibig ay titibay kung mayroong tiwala sa isa't isa ang magkasintahan
tulda na lamang ni Ibarra at Maria Clara. Tiwala ang isa sa pinaka-importanteng
sangkap sa isang relasyon upang ito ay manatili ng matagal at habang-buhay.
Kabanata 7: Pag-
uulayaw sa Isang
Asotea
Pag-uulayaw =
Paglalambingan
Relasyon nila
Crisostomo at
Maria Clara =
pumukaw
(gumising) humi
mlay (natulog) k
umikislap (kumik
inang)
Mga Pangyayari
•Dumalaw
si Criso
stomo sa
bahay nil
a Kapitan
Tiago•P
umunta s
i Maria C
lara at C
risostom
o sa asot
e a •“Lagi mo ba
akong naaalala?
Hindi mo ba ako
nalimot sa
marami
mongpaglalakba
y sa piling ng
maraming
magagandang
babaing
iyongnakikilala?”
(Maria
Clara)•“Maaari
ba kitang
malimot?” (Criso
stomo)• P a g -
aalala sa s
umpa; sum
umpa si Cr
isostomo k
ay Maria C
lara na ma
m a h a l i n at
paliligayahin
niya si Maria
Clara ano man
ang
mangyari• L a g
ing naaala
la ni Criso
stomo si
Maria Clar
a noong n
asa Europ
ao
Maria Clara
-
sinisimbolo
ang
Pilipinas
•Mga ma
tamis na
alaala ng
kamusm
usan/ ka
bataan
o
Paglalaro ng
Sungka = mga
pagdadaya ni
Crisostomo kay
Maria Clara
o

Ang pagliligo sa
batis

You might also like