You are on page 1of 8

KABANATA 8

ANG MGA ALAALA


TALASALITAAN :
• Kagalakan – kasiyahan
• Karwahe – sasakyan na hilahila
ng kabayo
• Kareta – kariton
• Baku-bako – sira sira
• Lumalatay – bumabakat
• Naparam – naglaho
• Marikit – maganda
• Kamangmangan – walang alam
Ang kalungkutang naramdaman ni
Ibarra sa pag-alis niya sa bahay ni
Maria Clara ay napalitan ng kagalakan
nang libutin niya ang kamaynilaan
sakay sa kalesa. Ikinalungkot ni Ibarra
ang walang pagbabagong naganap sa
lalawigan. Pagkatuyo ng daan ay
sapilitang pinagtatambak ng baku-
bakong daan ang mga billanggo
habang nakakadena ang mga paa.
Ang palo ng mga gwardiya sibil
ang lumalatay sa katawan ng
mga bilanggo dahil sa mala-
pagong na pagkilos nito.
Natanaw ng binata ang
pagbabago sa Escolta. Ang
dating hilera ng bodega ay
naging mga gusali na. Nakita
din ni Ibarra ang pagawaan ng
tabako sa Arroceros.
Habang patuloy na nagmamasid si
Ibarra sa paligid ay may natanaw
siyang isang karwaheng papalapit
sa kaniya. Nakasakay doon si
Padre Damaso na nakakunot ang
noo at tila may malalim na iniisip.
Sa pagdaan ng karwaheng
sinasakyan ni Ibarra sa Hardin ng
Botaniko, naalala niya ang
magagandang halaman sa
Europa.
Nanariwa sa kanya ang payo ng
kanyang gurong pari na ang
karunungan daw ang siyang
liwanag sa kamangmangan. Kung
may pagkakataon na mangibang
bansa ay kuhanin ang opurtunidad
dahil ito ang magpapaunalad sa
sarili na siyang makakatulong din
sa pagpapaunlad ng bansang
kinabibilangan.

You might also like