You are on page 1of 1

Ang

pangdalawamput
pitong
kabanata
na
pinamagatang
Sa
Pagtatakipsilim ay tungkol sa sadyang paggawa engrande ni Kapitan Tiyago
sa kanyang paghahanda sa kapistahan sapagkat ikinasisiya niya ang
napagandang pagtanggap ng mga tao sa kanya bilang isang taga-Maynila at
kay Ibarra na kanyang mamanugangin at tanyag na tanyag ang binate kahit
na siya ay nasa Maynila. Sa ganitong pagkakataon ay kasama siyang
mapupuri sa mga pahayagan. Samu't saring pagkain at inumin na inangkat
pa mula sa ibang bansa ang nasa kanyang tahanan. Pinasalubungan din niya
si Maria ng isang laket na mayroong mga dyamante at esmeralda na
mayroong pang isang piraso ng kahoy mula sa bangka ni San Pedro. Nagkita
sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam naman si Maria
na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at kinumbida ng mga
ito si Ibarra, na pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni Kapitan si Ibarra
na duon na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso upang
magkaroon ng pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa, na magalang namang
tinanggihan ni Ibarra. Lumakad na ang magkatipan kasama ang mga
kadalagahan. Napadaan sila sa kanilang kaibigan na si Sinang at ito ay
sumama rin sa kanila na mamasyal. Nang marating nila ang liwasang bayan,
sinalubong sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman
si Maria at binigay niya dito ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng
pagtataka ng kanyang mga kasama. Lumapit naman ang walang katinuan na
si Sisa at kinausap ang ketongin. Itinuro nito ang kampanaryo at sinabing
anduon ang kanyang mga anak, at pagkasabi nito ay umalis ng pakantakanta. Lumisan na rin ang ketong na dala ang bigay sa kanya ni Maria.
Napag-isip isip ni Maria na marami pala ang mga mahihirap at kapus-palad at
iyon ay naging lingid sa kanyang kaalaman. Ang simbolismo ng kabanatang
ito ay ang laket na binigay ni Kapitan Tyago na sumisimbulo sa pagmamahal,
at damit na gula-gulanit na sumisimbulo sa kahirapan.

You might also like