NAME: Lady Mhae Dianne M. Malon SUBJECT: GE ELEC 3
COURSE & YR.: BSCE 2 SCHEDULE: MWF 9:30am-10:30am
May Buhay sa Lawa
May isang binatilyo na nagpupunta sa iba’t ibang lugar upang humanap ng
trabaho, ng isang araw sumakay siya sa jeep ng bigla itong nasiraan sa isang liblib na lugar. Kulimlim na ang langit at malapit ng maggabi, hindi pa rin naayos ang kaniyang sinasakyan, ng bigla siyang naihi, kaya agad ito pumunta sa isang madamong lugar kung saan don siya maka-ihi ng maayos dahil marami-rami, at dahil sa rami rin ng pasahero ng jeep ay di na alam ng drayber na naiwan nila ang isang binatilyong umihi. Pagkabalik ng binatilyo ay nagulat nalang siya at siya nalang ang narron, at siya’y iniwanan ng jeep, nag-alala ang binatilyo dahil, gabi na at walang sasakyang dumadaan sa oras na iyon, napaisip siya kung saan na siya paparoon, kaya’t sinundan niya nalang ang daan, habang naglalakad sa daan ay nagahahanap siya ng bahay na kaniyang pasisilungan kahit isang gabi lamang, ng paglingon niya sa kaliwa ay may nakita siyang konting liwanag, “Salamat o aking Panginoon, at ngayo’y nakakita ako ng isang liwanag”. Agad niyang pinuntahan ang isang liwanag, habang papalapit ito ay may na amoy itong isang napakasarap na ulaam. “Mhh, napakasarap naman ng amoy na ito, tamang-tama ako’y nagugutom na”. hgNagmadali siya at ng nakarating na siya ay nakakita siya ng isang napakagandang munting bahay, nagdadalawang isip ito na pumasok, kaya’t tiningnan niya muna ang paligid, at di na niya natiis ay kinatok na niya ang pintuan, at ng pagbukas nito’y isang napakagandang dalaga ang sumalubong sa kaniya. Bigla itong napatulala at nakatingin lamang. “Ano po iyon?” Sabi ng dalaga. “Aaa-a- ano kasi, nakita ko sa may daanan doon sa may kanto na may liwanag dito, kaya agad akong pumarito”, nauutal na sagot ng binata. “At bakit ika’y napadpad dito ginoo?”.”Umihi lang ako, at pagbalik koy wala na ang aking kinasasakyan. Paumanhin at nakadisturbo ako, ngunit kailangan ko lamang ng pagsisilungan kahit isang gabi lamang.” “Paumanhin ginoo ngunit.., biglang lumabas sa kusina ang ina ng dalaga “sige iho pumarito ka muna at gabi na rin wala ng sasakyan ang dadaan sa mga oras na ito, tuloy ka ditto iho at ihanda ko muna ang pagkain upang tayoy makapaghaponan na rin”. Tuwang tuwa ang binata at pumasok agad ito. Habang naghahapunan ay panay tanong ang ina ng dalaga sa binata bakit napunta siya roon at saan ito galling at saan siya papunta. Kinwento lahat ng lalaki ang mga pangyayari. Ng malaman ng ina ng dalaga na naghahanap pala ng trabaho ang binata ay bigla itong naawa, agad niyang kinausap ang kaniyang dalagang anak “Kung ditto nalang natin siya patutuluyin? Bibigyan nalang natin siya ng trabaho” sabi ng ina. “Ngunit inay ano ang ating mabibigay na trabaho sa kaniya? Ehh…”, “Wala ng ehh-ehh, ako na ang bahala anak, naalala mo pa ba yong kinwento ko sayong lawa? Maraming mabibigay na maikakabuhay doon” . “Inay naman di ako nakikipagbiruan”. “Napakagandang lawa na iyon anak “. “Ewan ko saiyo inay”. At umalis ang dalaga at pumunta sa balkonahe at nag- iisip kung anong lawa ang naroon at bakit lagi ito na kukwento ng kaniyang ina, nagtataka rin ito dahil ni minsan ay di siya sinama doon. Biglang dumating ang binata “Bat ang lalim ng iniisip mooo..?”, “Ahhh Magdalena pala, di mo pa din napakilala sarili mo”. “Ako pala si Godwin, ano bang iniisip mo at napakalalim naman, mas malalim pa sa balon”. “Ahh naisip ko lang yong sinabi ng ina sakin”, “Ang ano?” sagot ng binata. “May lawa kasi na napakaganda daw, lagi niya iyon na kukwento sa akin, ngunit di ko pa iyon nakikita, nagtataka ako kung ano ba talaga ang nandoon, lagi niya kasing binabanggit sa akin na doon niya kinukuha ang pangkabuhayan niya. “. Napatingin si Godwin kay Magdalena. “Ano Godwin? Anong meron sa tingin na iyan? May binabalak kaba?” tanong ni Magdalena kay Godwin. “ Ahh wala, inilarawan ko lamang ang lawa sa aking isipan base saiyong mga sinasabi.” Sagot ni Godwin. At pagkatapos nilang mag-usap ay pumaroon na sila sa loob ng bahay upang matulog na rin.
Kinaumagahan, nagising na si Godwin at nakita niya ang ina ni Magdalena
na si Ginang Maris na naghahanda ng almusal at naghahanda rin para umalis. “magandang umaga ginang Maris, ang sasarap naman ng mga ulam na ito”, “Halikana iho, gigisingin ko lamang si Magdalena upang tayoy mag-almusal na”. At pumaroon si si ginang Maris sa silid ni Magdalena at ginising. Pagkatapos ay kumain na silang tatlo. Agad na sinabi ni Ginang Maris na maari na manatili si Godwin sa kanila, at siya nalang ang magpapa sweldo nito, ang trabaho lamang niya ay bantayan ang kaniyang dalagang anak na si Magdalena. Nagtataka ang binata kung bakit pinababantayan ng ginang si Magdalena. Kaya’t nong nakaalis na si Ginang Maris ay agad niyang tinanong kay Magdalena kung bakit pinababantayan pa ito. Agad naming sumagot ang dalaga “Ewan ko sa aking inay, parang may tinatago ata na ayaw kong malaman”, napaisip ang dalaga “Halika’t puntahan natin ang sinasabi ng aking inay na isang lawa, baka siyay na roon at gusto ko na rin makita ang lawang iyon”, “Ngunit tayo’y mapagalitan ng iyong ina kapag nalaman niyang tayoy lumabas”. Ngunit nagpumilit ang dalaga, at walang nagawa ang binata at napagtanto niya rin na parang gusto niya rin mapuntahan ang sinasabing lawa na kung saan doon pinagkukunan ng kabuhayan ng mag-ina, at baka tyansa na rin niya na magkaroon ng malaking kita at may maipadala siya sa kaniyang pamilya. Kaya agad sila pumaroon, ngunit di nila alam ang eksaktong daanan papunta sa lawa na iyon, maghapon silang naghahanap ng lawa , ng napagod na sila sa kakahanap ay umiwi na sila ng pagkauwi nila’y nakita nila si Ginang Maris sa loob ng bahay. “Ina, ika’y nakauwi na pala” sabi ni Magdalena. Galit na galit ang pagmumukha ni Ginang Maris “Sinabi ko naman sainyo na huwag na huwag kayong lumabas ng bahay”. “Paa-paa-pasesnya nap o Ginang Maris, di po naming sinasadya” sabi ni Godwin. “Patawarin mop o ako inay, walang kasalanan si Godwin, sapagkat ako ang nagpupumilit sa kaniya na lumabas, ibig ko po lamang Makita ang lawa na iyong pinagsasabi”, sagot ni Magdalena. “At akala ko ba’y hindi ka naniniwala sa aking mga sinasabi sa iyo, at bakit, ikaw bay nagdadalawang isip, at ano ibig mo bang sabihin ay nagsisinungaling ako?” sagot naman ni Ginang Maris. “ahh hindi po inay, sadyang ako lang po ay natutuwa at gusto-gustong makita ang lawa na iyong pinagsasabi dahil sabi niyo po ay doon ka kumukuha ng pangkabuhayan sa ilog” sabi ni Magdalena. “Hindi iyan rason upang kayoy lumabas ng bahay, at ikaw naman Godwin, sinabihan naman kita” sagot ng ina, “Paumanhin po” sagot ng dalawa. Lumipas ang araw ay napag-isip isip si Godwin kung kamusta na kaya ang kaniyang pamilya, kaya napag-isipan niyang umuwi sa kanila. Agad itong pumunta kay Ginang Maris upang magpaalam, ngunit si ginang Maris ay abala sa paghahanda patungong lawa, sumilip si Godwin sa may pintuan, at ngpalabas na si Ginang Maris ay sinundan niya ito kung saan nga ba talaga ito tutungo. Malayo at napakaliblib ng lugar, ngunit pursigido ang binata dahil gusto niya rin malaman kung totoo nga ba na may lawa at gusto niya rin doon magkabuhayan, ngunit nabigo sundan ni Godwin ang ginang, kaya umuwi nalang ito agad sa kaniyang pamilya, at doon kinwento niya ang tungkol sa lawa na kung saan doon kinukuha ang pangkabuhayan ng kaniyang tinitirhan, sinabi niya rin kung gaano ito ka ganda base sa mga kwento ni Magdalena sa kaniya. Kitang kita sa mga mata ng kaniyang pamilya ang labis na pagkatuwa, napagtanto nila na samahan si Godwin.
Pakalipas ang araw ay naghanda ang dalawang kapatid na lalaki ni Godwin
upang siya’y samahan. Habang bumabyahe nag-isip isip si Godwin kung ano ang gagawin pagdating don. Nang makaratibg sila ay pinuntahan nila agad ang bahay at hinanap si Magdalena upang isama sa lawa. At sakto naman kakaalis lang ni Ginang Maris. Sa pagbukas ng pinto ay nahalina agad sa ganda ang dalwang kapatid ni Godwin sa ganda ni Magdalena,”Ahhh- ah-ah, magandnag araw sayo napakagandang binibini” sabi ng isang kapatis ni Godwin habang sisnisiko ni Godwin ang kaniyang kapatid ngumiti lang si Magdalena at pinapasok sila. Nag- usap usap sila tungkol sa plano na papunta sa lawa. At nang matapos sila ay agad silang pumunta sa lawang iyon. Habang naglalakad, sila ay nagtataka bakit kakaiba ang lugar na iyon, napakaliblib, lampas tao ang mga damo-damo, hanggang sila ay napatigil dahil nakita nila si Ginang Maris, lumapit si Magdalena at paglingon ni Ginang Maris ay gulat na gulat ito “Bakit kayo naparito? Ano ba ang nais niyo? At bakit nakarating kayo rito?” sabi ni Ginang Maris, sumagot naman si Magdalena “Habang ikaw ay abala sa pagluluto kaninang umaga, binalak ko lagyan ng harina ang iyong sapanan sa sapatos at ito’y nagging gabay namin sa pagpunta ditto, at nais laman namin Makita ang lawa ina, at bakit parang ayaw mo ipakita sa amin, at ika’y nagsinungaling, ba’t ganito ang itsura ng lawa? Akala koy parang nasa langit tayo pag ito’y makikita.” “Hindi mob a nakikita Magdalena?Itong lawa na ito nagbibigay satin ng kabuhayan, nagpapaligaya ito sa akin araw-araw.” Sagot ni Ginang Maris. “Ano bang andito inay?Parang ika’y umiibig sa isang lawa na ganito ang itsura.” Sabi ni Magdalena sa kaniyang ina. Nagulat silang lahat na biglang may tumutulong luha sa mga mata ni Ginang Maris, “Ito nalang ang nagpapaalal sakin ng iyong ama Magdalena. Dito kami unang nagkakilala, ito’y isang napakagandang lawa noon, lagi kaming nangingisda dito.Ngunit isang araw nalaman ko nalang na siya ay binaril at may nakakita na itinapon siya ditto sa lawa na ito, ngunit hindi pa rin natatagpuan ang kaniyang katawan, kaya simula non araw-araw na ako puupunta dito, nagbabakasakaling makita ko ang iyong ama, sa paglipas ng panahon kailangan ko ng hanapbuhay dahil kailangan natin ng pera upang mabuhay, ng pumunta ako dito sa lawa upang mamaalam muna dahil maghahanap ako ng trabaho, ay biglang may mga isda ang nagsitalunan at sinabi ko sa sarili ko na baka isa itong simbolo na dito ako makakuha ng ikabubuhay sa atin at ayaw akong paalisin ng iyong ama. Ngayon alam mo na Magdalena.” Humahagolgol na sabi ni Ginang Maris. “Pasensya nap o inay, di ko po alam” sabi ni Magdalena. “Nangingisda ako araw-araw ditto at binebenta ko sa bayan upang magkapera, nagpapsalamat talaga ako na may lawa na ganito”. Nagyayakapan ang mag-ina. Pagkatapos non ay sinamahan nila si Ginang Maris sa bayan upang ibenta ang mga nahuling isda.
Lumipas ang ilang buwan, lagi na nila sinasamahan si Ginang Maris sa
pangingisda sa lawa. Hanggang sa si Godwin at Magdalena ay nagkaroon na ng malalim na ugnayan sa isa’t isa. Sinabihan ni Godwin si Aling Maris na siya ay nahulog na kay Magdalena at balak niya itong pakakasalan. Sumang-ayon naman si Ginang Maris dahi mabuti din ang kalooban ni Godwin at malinis ang intension nit okay Magdalena. Naghanda si Godwin upang yayain si Mgadalena na magpakasal. Nilinisan niya ang lawa, pinganda ito niya lalo at don niya balak yayain na magpakasal kay Magdalena. Lumipas ang ilang araw, ay nagulat nalang sila sa ganda ng lawa. “Tama nga ang sabi mo inay ito palay isang napakagandang lawa, at bakiitt…” sabi ni Magdalena, biglang lumuhod si Godwin at inilabas ang singsing at inaya niya si Magdalena na magpakasal. Maiyak-iyak sa tuwa si Magdalena, at umoo agad ito. Lumpias ang ilang buwan ay nagpaksal ang dalawa at nagtayo ito ng bahay kalapit sa lawa, at doon na din sila nagkukuha ng kanilang kikitain o panghanapbuhay.