You are on page 1of 37

SPELL L-O-V-E, SPELL

YURI: Brad, kung papipiliin ka, anong mas gusto mo? To love or to be loved?

GAB: (Positive) Gusto ko, ako ang mahalin. No buts, no ifs!

Ang dalawa ay nakaupo sa isang parihabang upuan, parehong may dalang softdrinks na nasa
plastic.

GAB: Ikaw ba, Yuri?

Ngumiti si Yuri bago sagutin ang tanong.

YURI: Gusto kong magmahal. Kahit walang kapalit, gusto kong magmahal.

Nawirdohan si Gab saka sumipsip ng softdrink.

GAB: Cheesy, brad! Nababaklaan ako sayo! Pero di bale, may nakapagsabi sa akin na effective
daw dito.

YURI: Sigurado ka ba talagang gusto mong manggayuma? Ang daya naman no'n, Gab!

GAB: You'll do the same thing kapag hindi ka minahal ni Faith. Hindi naman malalaman ni
Marie 'to kung walang magsasabi.

YURI: Bahala ka sa buhay mo. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa natin dumayo rito
sa Quiapo para dito!

MARITES: Nandito ka dahil may gusto ka.

Pumasok ang isang babaeng may edad, makulay ang mga damit at may dalang bag.

Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa kanyang mesa saka naupo.

MARITES: Ano bang gusto niyo?

Naiilang na ngumiti si Yuri.

YURI: (Nahihiya) Ay, siya lang po. (Nilingon at tinuro si Gab) Sumama lang po ako rito.

Siniko ni Gab si Yuri at umiling ito bilang pagtanggi.

Saka pumasok ang isang babae, mukhang napadpad lang para magsimba sana.

DAISY: Good morning po.

Tipid at nahihiyang ngiti ni Daisy, na nagmamasid sa kabuoan ng lugar.

MARITES: Tuloy ka, hija.

Tumuloy nga si Daisy, dumanay sa linya nila Gab pasaglit-saglit na sumisilip sa phone at iniikot
ang paningin sa booth ni Marites.

Bumulong si Gab kay Yuri habang nakatingin kay Daisy.


GAB: Brad, kahit yang babaeng yan na hindi natin kilala, mapapamahal sayo kapag dinamayan
mo ako!

Umiling ulit si Yuri.

Pumasok ang isang bakla, babae ang pagkakaayos ng mukha pero pormadong bakla.

LOUIE: Morning, Ate Marites!

Napangiti ang manghuhula sa pagdating ni Louie.

MARITES: Oh, Louie! Alam ba ng mama mo na nandito ka?

LOUIE: Ay, dedma. Wala na siyang pakialam.

GAB: Hi!

Bumati pa si Gab sa mga bagong dating. Yumuko lang si Daisy at ngumiti habang umirap
naman si Louie.

MARITES: Maupo na kayo. Anong ipinunta niyo rito?

GAB: Hindi ba po, nagbebenta kayo rito ng gayuma? Ano pong puwede para magkatuluyan kami
ng babaeng mahal ko?

MARITES: Saglit lang, hahanapin ko. Ito!

Ibinigay agad ni Marites ang isang garapon.

MARITES: Hinahaluan yan ng tubig na unang buhos mo sa sarili mo sa pagligo. Tatlong patak
lamang. Ihinahalo yan sa inumin ng mahal mo, kinagabihan ay iilalim sa unan at banggitin sa
isipan ang pangalan ng iyong minamahal.

GAB: Iyon lang po ba? Hanggang kailan ako magpapatak?

MARITES: Hanggang sa mapasagot mo siya. Senyales na iyon na napamahal na siya sa'yo.

GAB: Sige po—

Nagring ang cellphone ni Daisy. Pabulong itong kumausap sa telepono.

DAISY: Hello po.

GAB: Ikaw, brad? Sayang naman ng ipinunta natin dito kung sasamahan mo lang ako. Eh paano
kung dumating sa puntong di ka talaga niya kayang mahalin habang hulog na hulog ka na?
Paano kung—

YURI: Oo na! No buts, no ifs! Isa lang po, ate. Backup lang 'to. Ang kulit kasi eh!

Inabot ni Marites kay Yuri ang panibagong garapon.

Tumayo si Daisy saka nagsalita.

DAISY: Manang, sorry po. May emergency po kasi. Saka na lang po.

Paalam nito na nagmamadali.

MARITES: Ayos lang. Mag-iingat ka.


Tanging nasabi ni Marites bago tuluyang talikuran ni Daisy.

GAB: Mauna na po kami.

Isiniksik ni Gab ang pambayad na parang suhol sa mga palad ni Marites.

GAB: Sobra ho yan, babalik pa ako kapag naikasal na kami.

Nakangiting napa-iling na lamang si Marites habang papalayo ang magkaibigan. Lumipat ng


upuan si Louie upang makausap ni Marites.

LOUIE: Ate, hulaan mo ako.

Inilabas ni Marites ang baraha, binalasa ang inisa-isang titigan.

MARITES: Matatanggap ka na nila, Louie—

LOUIE: Ay, ate joke time to ah! Ulitin mo!

Naglabas ulit ng panibagong baraha si Marites.

MARITES: Magkakaroon ka ng saya mula sa isang tao.

LOUIE: Ate naman eh. Baka naman kalokohan to ah? Baka natatatakot ka lang masaktan ako
dahil magkakilala tayo.

MARITES: Hindi ko ugaling makapanakit, Lowensito Ambrocio—

LOUIE: Pasmado bibig mo, ate. Ang aga-aga magkakawrinkles ako sayo! Ineexpect ko pa naman
sasabihin mong yayaman ako o di kaya magugustuhan ako ng isang sikat ng soccer player.
Jusko! Mauna na po ako!

MARITES: Ito anti-wrinkles. Libre na 'yan.

Biro pa ni Marites.

LOUIE: Jusko naman. Magbibigay na lang ng salamin, yung malabo pa! Magagamit ko kaya 'to?"
Naglalakad si Louie dala-dala ang salamin nang makabangga ang isang ina.

LOUIE: Ay!

Mukha itong walang tulog at nalulunod sa lungkot.

MARITES: Ayos lang po kayo?

Naupo si Mercy.

MARITES: Ano pong nakikita niyong mangyayari sa akin? Mabubuo pa po ba ang pamilya ko?

Hindi na kumibo pa si Marites at agad na inilabas ang bolang kristal. Dinadama niya ito habang
nakapikit. Inalok ang kamay ni Mercy upang humawak rin.

Nang dumilat si Marites, nagsalita ito.

MARITES: Ang problema mo ba ay ang iyong anak?

Naliwanagan ang mukha ni Mercy sa narinig.


MERCY: Opo.

MARITES: Ikaw si Mercy, tama?

MERCY: Opo!

MARITES: Mahal ka ng anak mo. Nararamdaman ko. Ito ang batang tutulong sayo balang araw.

MERCY: Sino po sa dalawa?

MARITES: Malabo. Hindi ko mahinuha. Nakikitaan ko ng potensyal ang mahigit na nalalayo


sa'yo.

MARITES: Okay na.

May kinuha ito sa bag niya. Ibinigay niya kay Mercy ang isang kwintas.

MARITES: Ipasuot mo 'yan sa anak mong ito. Matutulungan ka niyang na muling mapalapit sa
kan'ya.

Nagngitian ang dalawa.

MARITES: Nanay din ako, Mercy. Ramdam ko ang kalungkutan mo. Nawa'y maging ilaw ka ng
madilim ng mundo ng batang 'to sa pangalawang pagkakataon.

Hindi na napigilan ni Mercy na yumakap kay Marites sa labis na pagpapasalamat.

MERCY: Salamat! Salamat.

Saka nito inabot ang bayad. Pero ibinalik sa kanya ito ni Marites.

MARITES: Huwag na. Ipambili mo ng pagkain yan para sa mga anak mo. Inaantay ka na nila.

Ngumiti si Mercy saka ito nakangiting umalis.

---

Dahan-dahang naglalakad si Gab habang patingin-tingin sa garapong hawak niya.

GAB: Inaya ko ng coffee date si Marie, buti pumayag. Okay na rin tong potion.

YURI: (ON CALL) Brad, seryoso ka talaga dyan ah?

GAB: Ikaw lang naman ang kabado dyan. Di naman droga tong ihahalo ko sa inumin ni Marie
pero masisigurong maaadik siya sa akin!

Ngiting ngiti si Gab.

YURI: Ewan ko sayo! Eh ikaw nga tong mukhang adik!

Saka niya binabaan ng tawag si Gab.

Nagtungo si Gab sa coffee shop. Mayamaya'y dumating na nga si Marie at naka-order na.
Napaayos ng damit si Gab dahil sa kaba.
GAB: Oh, I thought naunahan kita.

Natawa nang mahinhin si Marie.

MARIE: Nag-order na ako coz I was kinda bored awhile ago ang bagal mo kasi.

Nagtawanan ang dalawa.

MARIE: Wait. Comfort room lang, I have to pee. Excuse me.

Mabilis na tumango si Gab. Nang mawala na sa paningin niya si Marie ay agad nitong inilabas
ang garapon at pinatakan ang inumin ng dalaga.

Mayamaya dumating si Marie.

MARIE: Ang dami palang tao. Mamaya na lang.

Umupo si Marie.

MARIE: So... why did you invite me all of the sudden?

Humigop ito ng kape.

GAB: Hmm. Bonding lang! I want to hangout with you nang mas madalas starting today.

Palusot ni Gab. Halata sa mukha nito ang kaba sa pag-iisip ng isasagot.

MARIE: (nakangiti) Well that sounds great! Alam mo talaga weakness ko.

GAB: (Pabulong) Mukhang gumana na!

GAB: (confident) Ako?

MARIE: Oh boy, no! It's the coffee! I can't live without it, alam mo 'yan!

Kaswal na sabi nito habang ineenjoy ang kape.

GAB: Sabi ko nga. Sanaol kape!

Pilit inaalis ni Gab ang sarili sa kahihiyan kaya naman natawa na lamang si Marie.

MARIE: I hope you're not trying to impress me again, Gab. You know, I'm not yet ready to love.

GAB: I'm willing to wait. Let's just have coffee every Sunday. No buts, no ifs. That's the deal.

Itinaas ni Gab ang kape niya kaya napabuntong hinga na lang si Marie.

MARIE: (nakangiti) Okay. No buts, no ifs.

Nakaupo sa tambayan ang magkakaibigan.

JEFF: Napapadalas ang labas ni Gab at Marie ah. Are they feeling the same thing, Yuri?

MELISSA: Share it naman, Yuri! Di porket bestfriends kayo, kayo-kayo lang nagkaka-alaman
dyan. We're friends too!
HERSHEY: Plastic mo naman ghorl. Huling sabi mo sa akin, crush mo si Marie. Are you
threatened?

MELISSA: Oh shut up! The loyal bestfriend of Gab slash masugid na manliligaw ni Faith is
hearing us. He might pour the tea.

JEAN: Osige, maiba na lang. What's the real score between you and Faith? Naabot kayo ng radar
ko sa Manila. Ang lakas maka-boyfriend goal mo sa pagbitbit ng mga gamit at pag-aantay kay
Faith sa shooting nila. Kayo na?

MELISSA: At paano ka nakarating ng Manila, aber? I bet you had a date with your so called
"review buddy".

JEAN: Hoy, review talaga yon sa National library. Palibhasa ikaw—

HERSHEY: (sarcastic) Triggered ka ghorl?!

JEFF: (natatawa) Sige maglabasan pa kayo ng baho. Ilalabas ko na yung akin!

Isa-isang napatakip ng ilong ang mga kaibigan nito.

HERSHEY: Ang baboy!

JEAN: Kadiri ka naman!

MELISSA: Sana lumayo ka muna diba?

YURI: Faith and I are friends.

Dahilan para manahimik sila.

MELISSA: Martyr mo bai!

HERSHEY: Hina mo naman!

JEAN: Alam mo kapag ikaw naunahan ng iba dyan, magsisisi ka—

Binatukan ni Melissa si Jean.

MELISSA: Konsintedor ka rin no?

YURI: Eh anong magagawa ko? Mapipilit ko ba siyang mahalin ako? Mapapalitan ba ng kung
sino dyan yung saya ko kapag kasama siya? Faith makes me happy despite of the absence of
her love for me.

MELISSA: Eh kung subukan mo kayang magmahal ng bakla?

Para namang isang great idea ang naisip ni Melissa na ikinapanting ng tenga ng mga kasama.

JEAN: Dinamay mo pa si Yuri sa kaharutan mo!

JEFF: I can't imagine Yuri being in love with a gay.

HERSHEY: BI mo, sis! Palibhasa gawain mo!

YURI: Let me give it a try...

MELISSA: OH FFFFFFFFFFFF.
Bakas ang pagkabigla ni Melissa na gawa ng biro niya na halatang sineryoso ni Yuri.

Jeff: Better to be in love with a gay than being in love with my Daisy. A good decision, bro! Pfft!

Biro ni Jeff na hindi rin mapigilan ang tawa kaya't nakipag-high five na lang.

HERSHEY: Daisy-Daisy ka dyan, hindi mo nga pinapakilala sa amin.

---

DAISY: Okay na ba si Rose?

Tanong ni Daisy sa ama nitong abala sa pag-pupunas ng braso ng anak.

VICTOR: Buwan na rin ang lumipas, anak. Sabi ng doctor, makakalabas na siya. Maghihilom na
rin ang mga sugat niya.

DAISY: Mabuti naman. Kumain na ba siya, Pa? May dala ako dito.

Inilapag ni Daisy ang supot at maghahain na sana.

VICTOR: Dumating kanina ang mama mo.

Biglang banggit ng ama, napabitaw sa supot si Daisy.

DAISY: Anong sabi? Kumain ba si Rose?

VICTOR: (mahinahon) Hindi ko alam, Daisy. Iniwan ko kasi sila para makapag-usap.

DAISY: Baka kumain na. Tara, Pa! Tayo na lang kumain nito. Binili namin to ni Jeff sa Makati,
dinayo pa namin.

Nagpumilit ngumiti si Daisy para mapapayag ang ama nito.

VICTOR: Nako, busog pa ako, anak. Ikaw na muna ang kumain dyan. Bantayan mo muna tong
kapatid mo, maninigarilyo lang ako sa labas.

Ginulo ng ama niya ang buhok ni Daisy saka ito nilagpasan at nakaalis ng kwarto.

Akmang kakain na si Daisy nang bumangon bigla si Rose na parang hindi nagpatihulog kailan
lang.

DAISY: Sabi na eh!

Sumenyas ng tahimik si Rose upang hindi sila mapansin ng ama.

Imbes na kumain, naupo si Daisy sa higaan ni Rose.

DAISY: Buti hindi ka nahuhuli ng doctor sa kalokohan mo?

ROSE: Best actress 'to!

Nagmamalaking bulong ni Rose.


DAISY: Stunt man kamo. Talang dumayo ka pa sa condo ng kaibigan mo para lang
magpatihulog.

ROSE: Eh kaysa dito. Wala akong maaasahan sa inyong lahat. Dapat nga hindi na ako nabuhay.

DAISY: Alam mo dapat nagpasalamat ka na lang dahil nabuhay ka pa. Siya nga pala, dumating
daw si Mama?" Banggit ni Daisy sa usapan nilang mag-ama kanina.

ROSE: Eh ano naman? Kung bangkay na ako ngayon baka nagpakalayo-layo na naman 'yon. Kaya
lang naman siya nagpapabalik-balik dito dahil sa nabuhay pa ako't inuusig siya ng konsensya
niya. Pero kung deds na? Baka nakipagbuntisan na yon sa mga kano!

Hinawakan ni Daisy ang pulso ni Rose.

DAISY: Hindi ganon si Mama.

ROSE: Daiseree, niloko na tayo, ipinagpalit, iniwan at inabandona, naniniwala ka pa rin na


mabait ang babaeng 'yon?!

Puno ng galit at pagmamataas na sabi ni Rose.

DAISY: Pero bumabawi na siya, Rose. Saka nagpaliwanag na siya diba? Kinulong siya ng amo
niya kaya hindi siya nakauwi at nakakapagpadala. May Pilipinong tumulong sa kanya para
makatakas at makapagtago! Hindi pa ba sapat—

ROSE: Hindi, Daisy! Hindi. Simula pa lang, mas pinili niya ang sarili niya kaysa sa atin!
Nagpupumilit ako noon na wag na siyang bumalik doon dahil nakapag-ipon na tayo at
kinakailangan natin siya pero tinakbuhan niya tayo! Pati kay Papa hindi siya nagpapigil! Anong
klaseng ina yan?! Anong klaseng pagmamahal ba ang naibigay niya?!

Tuluyan nang pumatak ang luha ni Rose.

DAISY: Mahal tayo ni Mama, Rose...

Sinubukan ni Daisy na abutin ang isa pang nakakuyom na kamay ni Rose ngunit inilayo ni Rose
ang kamay at sarili niya sa kapatid.

ROSE: Mahal? Pinakain lang ba tayo para masabing naalagaan? Sinuhulan ng pera para
masabing mahal? Inakong anak sa Facebook para masabing mahalaga? Daisy, ayoko na!
Nmagmula nang mawala siya nang tuluyan, natuto akong sumaya nang mag-isa! At ngayong
bumalik siya? Bumalik yung galit. Bumalik lahat kaya ayoko na!

Lingid sa kaalaman ng magkapatid, nakikinig ang ina nito at nagpipigil ng luha.

MERCY: Sorry, anak...

Napalingon ang dalawa sa inang nasa pinto.

ROSE: Wala kang dapat ihingi ng tawad. Hindi kita nanay. Wala akong nanay!

MERCY: Anak, ano bang pwede kong gawin para maibalik natin ang—

ROSE: Sana hindi ka na lang bumalik. Mas masaya yon para sa akin.

DAISY: Ma, hayaan na po natin si Rose. Labas na po tayo.

Inaalalayan ni Daisy ang ina palabas ngunit nagpupumilit itong lapitan pa si Rose.
ROSE: Hanggang dyan ka na lang! Subukan mong lumapit, kakalimutan ko nang kakilala pa kita!

Nagkalakas si Daisy para samantalahin ang pagkakataon at ilabas ang umiiyak na ina.

DAISY: Tara na, Ma.

---

MELISSA: Bakla, may ipapakilala ako sa 'yo!

Masayang sigaw ni Melissa.

LOUIE: Sis, no money, no play.

Biro ni Louie.

MELISSA: Ay nako bakla, ayaw mo ng true love?

Panunubok ni Melissa.

LOUIE: There's no such thing as that. Besides, I am beautiful, I can do whatever I want with or
without love. I'd rather be alone. Tamang inom lang sa bar counter—

MELISSA: Bagong buhay ka, uy!

LOUIE: Nah. Sino ba kasi yan? Bakit sa akin?

MELISSA: Si Yuri, kaibigan ko. Para kasing tangang habol nang habol sa babae di naman siya
gusto.

LOUIE: So you think, I might fulfill the love the he deserves? What a wrong choice of a friend,
Melissa. Nonsense. Bakla ako pero hindi ako desperado.

Linya ni Louie bago ito tumayo.

LOUIE: I have a bunch of problems to deal with. I have to treat myself bigtime after. Ikaw na
bahala sa kaibigan mong tanga.

Saka ito umalis.

MELISSA: Hoy bakla! 4pm sa coffeeshop malapit kila Gab next Saturday!

LOUIE: Hakdog!

MELISSA: What an attitude. Paano ko ba naging kaibigan 'yon?

Bulong nito. Biglang may tumawag kay Melissa.

MELISSA: Anong problema mo?

Nakapamewang nitong tanong na mayamaya'y nabigla ang ekspresyon.

MELISSA: Sige papunta na!

Saka ito nagmadaling umalis sa park na dapat sana'y tatambayan nila.


---

GAB: Marie, will you be my girlfriend?

Nakaluhod si Gab sa harapan ni Marie na hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Nasa


coffeeshop sila kung saan sila laging nagcocoffee date tuwing Linggo.

GAB: Of course! Yes!

Naghiyawan ang mga tao. Masayang masaya si Gab at halos tumalon muna bago mayakap ang
bagong nobya.

RYAN: Kung makaluhod kala mo ikakasal! Maghihiwalay din kayo!

Sigaw ni Ryan, isa sa mga kaibigan ni Gab. Naghiyawan na naman ang lahat.

MELISSA: Boo! Bitter ka lang kasi single ka!

Sigaw ng mga kababaihan.

Sa gitna ng asaran, biglang sumulpot si Jeff kasama si Daisy na nobya nito.

JEFF: Congrats, pare!

Nagbro hug ang dalawa habang nagtataka ang mukha ni Daisy.

JEFF: Bakit?

Bulong ni Jeff nang mapansin ito.

DAISY: Ikaw yung lalaking nasa Quiapo noon diba? Bumili ka ng—

YURI: Jeff! Pakilala mo naman yan!

Sumigaw si Yuri sa likuran, napaturo rin si Daisy sa kinaroronan ni Yuri. Napatingin ito kay
Marie. Kumunot ang noo nang mapagtanto ng nangyayari.

Lumapit si Yuri sa kanila.

YURI: Oo kami yung nakita mong bumibili ng kandila noon! Ito na yung pinagdasal namin,
girlfriend na ni Gab!

Malinis na pagsisinungaling ni Yuri saka umakbay kay Gab.

DAISY: Ah, siguro nga.

Wala nang iba pang nasabi pa si Daisy dahil naintindihan na nito ang pagsisinungaling ni Yuri.

GAB: Order lang kami.

Sabi pa ni Gab at inaya ang nobya.

Hinigit din ni Jeff si Daisy at inilayo sa kumpol ng tao.

JEFF: Anong nakita sa Quiapo? Alam kong nagsisinungaling ka. Anong binili ng kumag na 'yon?
DAISY: Gayuma. Love, wag mo nang sabihin—

MELISSA: Alam na namin.

Napatingin sa likuran si Daisy at napasapo sa ulo nang makitang kasama pala nila sina Melissa
at Hershey.

DAISY: Please, wag niyong ikalat. Panigurado magkakagulo ngayon at pareho silang masasaktan.
Wala naman akong patunay na ginamit niya talaga kay Marie 'yon.

MELISSA: Gab is our friend. Maloko lang yan pero di naman gagawa ng kagaguhan yan.

HERSHEY: We'll protect Marie kapag napatunayang gayuma lang yan.

MELISSA: Hershey's right. Pero tara na balik na tayo dahil paghihinalaan tayo ng mga yon na
may tinatago.

Sabi ni Jeff saka bumalik sa dating pwesto.

---

Naglalakad si Yuri at ang apat niyang kasamang sina Seira, Clyde, Austin at Eric. Ang
makakasama niya sa audition para sa battle of the bands ng eskwelahan.

SEIRA: I-claim na natin! "The Seizmic", the grand winner of interschool competition for the
battle of the bands! Tapos madidiscover tayo from division to regional, nationwide and to
worldwide! Nararamdaman niyo ba?

Tuwang-tuwang sambit ni Seira, ang female vocalist ng banda.

YURI: Dream highest, seize the moment! Seizmic!

Tuwang tuwang sabi ni Yuri, male vocalist ng banda. Saka ito bumalik sa pagkakalikot ng
cellphone habang nakikinig.

AUSTIN: Nako, mukhang dadami ang fangirls mo dito, Yuri. Makakalimutan mo na si Faith!

ERIC: Ikaw na ang hahabulin balang araw!

CLYDE: And speaking of...

AUSTIN: There she is. Mauna na ba kami?

Mayamaya natigilan si Yuri sa pagdudutdot ng cellphone at napaisip.

SEIRA: Hoy, Yuri. Ano na? You're zoning out! Wag mong sabihing di ka tutuloy ah? Kukuyugin
ka namin!

YURI: C-can we not attend today? Bukas na lang para last day?

SEIRA: Aba! Grabeng katangahan ah! Wag mo kaming idamay, utang na loob, Yuri wag ngayon.

CLYDE: Pare naman, walang ganyanan.


AUSTIN: Yuri, para ka namang tanga! Nandito na tayo eh. Ready na o.

ERIC: Alam mo kung hindi ka lang vocalist, kahit itulak kita kay Faith ngayon din, gagawin ko!
We'll wait for you for an hour only. Kapag di ka nagpakita, wala kaming magagawa kundi
tanggapin si Ion agad-agad. Hindi tayo pwedeng magsayang ng oportunidad, Yuri. Hindi mo
lang pangarap 'to. Pangarap din namin.

YURI: Then choose your dream, guys. I think Faith really needs me. I gotta go.

Nauna nang umalis si Yuri habang dismayadong naglakad ang kanyang mga kabanda.

Tahimik na naka-earphones si Faith nang tabihan siya ni Yuri sa tambayan ng tropa.

FAITH: Akala ko may klase ka?

YURI: Nag-cut ako. Boring. Saka sabi mo may problema ka.

FAITH: Hindi mo naman dapat ginawa 'yon eh. I can deal with my own problems, Yuri. In fact,
hindi kita kailangan dahil naguguilty ako dahil feeling ko ang unfair ko and at the same time
gusto kong protektahan yung image ko dahil chismis na dito sa school na tayo na.

YURI: Wala akong ginagawang masama, Faith. Nandito ako as a friend.

FAITH: Pero hindi 'yon ang nakikita nila, Yuri.

YURI: Then let that be real, Faith. What they see is what they get. Subukan mo lang ulit, Faith.
We're good friends after all."

FAITH: Yuri, hindi pwede. Love is never forced—

YURI: Hindi ko pinipilit, Faith. Sinusubukan ko lang.

FAITH: Yuri, alam mo ba kung anong problema ko?

Natahimik si Yuri.

FAITH: Sinagot ko na si Dylan pero iniisip ng mga tao na tayo na. I'm quiet popular in this
campus, alam mo ang impact ng chismis.

Bakas ang lungkot ni Dylan sa narinig.

FAITH: And what makes me more problematic is... I need to get rid of you. Hayaan nating isipin
nilang we're not in good terms. Sabi mo nga, what they see is what they get.

Napamasid sa paligid si Yuri saka bumuntong hinga.

FAITH: We're good friends after all.

Ulit ni Faith sa sinabi ni Yuri kanina lang.

Ngumiti si Yuri.

YURI: Friends pa rin naman tayo. That's a relief.

FAITH: I think we're good. Bye, Yuri.

Tumayo na si Faith para umalis.


YURI: Please, no goodbyes, Faith. Anyway, I gotta go. Hahabol na lang ako sa audition.

Saka naunang umalis si Yuri.

FAITH: Audition?

Wala sa sariling tanong ni Faith nang maiwan ito ni Yuri.

---

JEFF: Utang na loob, wala namang labasan ng baho!

JEAN: Karapatan ni Daisy na malaman ang lahat sa'yo no!

Tmango si Daisy.

JEAN: At yun na nga, Daisy. Alam mo ba na si Jeff ay fan—hmp!

Tinakpan ni Jeff ang bibig ni Jean kaya itinuloy ni Hershey ang panlalaglag.

HERSHEY: Ni Ivana... (kinanta ang lyrics ng Ivana)

MELISSA: Solid Alawinatics ka diba, Jeff?

JEFF: Hindi na babalik ang MCR at ARTTM! Bwisit ka!

Nagmakeface si Melissa.

DAISY: Wala na talagang matino sa grupo niyo no?

MELISSA: Meron naman, tanga nga lang. Si Yuri, matino yun kaso kapag involved si Faith,
gameover!

DAISY: Uy, speaking of Yuri! Nakapasok daw sila sa final round ng audition for battle of the
bands!

MELISSA: Totoo ba?! Ang galing naman!

JEAN: Sumali si Yuri? Anong nakain no'n?

HERSHEY: Jean, baka nautog na o napukpok ni Eric ng drumstick?

MELISSA: Oo nga no? Did something happen? O baka sinagot na?

JEFF: Eh kung sinagot na, baka gumamit ng gayuma?

DAISY: Jeff, bibig mo. Trust your friends. Hindi natin alam ang lahat ng nangyayari.

JEFF: Okay, as long as— kapatid mo ba 'yon?

Natigilan din si Daisy at sinundan ng tingin ang tinitingnan ni Jeff.


DAISY: Si Rose nga. Teka, eh kalalabas lang nito sa ospital kahapon. Sandali nga, pupuntahan
ko.

Umalis si Daisy na ikinapagtaka ng tatlo pang babae.

HERSHEY: Saan pupunta si Daisy?

JEFF: Sa kapatid niya. Hayaan na muna natin.

Nagtitingin ng mga paperbags si Rose nang maabutan ito ni Daisy.

DAISY: Rose!

Tumango si Rose mula sa pagkakayuko.

ROSE: Sinundan mo ba ako?

DAISY: Hindi. Galing ako sa campus. Ano yang mga yan?

ROSE: Pinagbibili ko galing sa sustento ng nanay mo. Napapag-isip-isip ko na marami siyang


pagkukulang kaya kulang pa to. Dapat kong singilin yun tutal hindi ko mahagilap yung sinasabi
niyang pagmamahal. Atleast dito sumasaya ako.

DAISY: Rose, alam mong walang trabaho ngayon si Mama. Ipon niya na lang ang natitira tapos
gagastusin mo para dyan?

ROSE: Eh, ano naman? Ibinigay niya eh! Hindi ako namalimos, kusang loob to. Ni wala nga
akong binanggit. Hindi ka ba nabigyan kaya kumukuda ka?

DAISY: Ang akin lang, sana iniipon mo para may panggastos ka sa mas importanteng bagay.

ROSE: Bakit kung makapagsalita ka parang ikaw ang panganay? Bastos ka—aray.

Napakapit si Rose sa ulo niya.

Akmang aalalay na si Daisy nang magsalita si Rose. Kinuha niya sa bulsa niya ang kwintas.
(Yung binigay ni Marites kay Mercy.)

ROSE: Saka ito pala, ibalik mo sa nanay mo o sayo na. Pinatingin ko yan sa alahera sa mall, wala
naman palang halaga kaya walang silbi—aray!

Napaupo si Rose dahilan para alalayan siya ni Daisy at mapatakbo si Jeff sa kinatatayuan nila.

JEFF: Daisy...

DAISY: Bakit ka sumunod?

ROSE: Boyfriend mo, Daisy? Alam ba ni Papa to?

DAISY: Hindi.

ROSE: Pwes malalaman niya to kapag pinaalam mo sa nanay mo at kay Papa ang buong
nangyari ngayon.

Dahan-dahang tumayo at naglakad palayo si Rose.

Nagkatinginan na lang sina Daisy at Jeff.


---

MELISSA: Bakla, this is the daaaay! Ngumiti ka naman!

LOUIE: Kapag ako di natuwa sa Yuri na yan, magkalimutan na tayo ah.

MELISSA: Hoy para sa kaalaman mo, high maintainance si Yuri. Laging nakaka-uno, loyal saka
teh, lead vocalist ng banda nila sa school!

LOUIE: Eh basta! Masama pa rin kutob ko.

May tumawag sa cellphone ni Melissa.

MELISSA: Sis, tumawag na. Lalabasin ko lang.

Tumango lang si Louie.

Umalis nga si Melissa at naabutan sina Gab.

GAB: Melissa!

MELISSA: Brader!

Nagbro hug ang dalawa.

GAB: Na-miss kita ah! Anong pakulo 'to?

YURI: Oo nga. Sino ba kasi 'yon?

JEFF: Papayag-payag ka kasi sa date-date na yan. Ngayon, bawal na umatras.

MELISSA: Excuse me, ah! Si Yuri lang ang sinabihan ko bakit isang kumpol kayong nandito?
Sinama niyo pa yung masamang damo na yan!

Tinignan nito si Ryan na umamba ng suntok.

MELISSA: Osige, palag!

Umamba rin to ng suntok.

RYAN: Tibo!

MELISSA: Bayot!

GAB: Kapag tong dalawang to ang nagkatuluyan, ewan ko na lang.

Tumawa lang si Yuri saka sinundan si Gab para hanapin si Louie.

Papatulan pa sana ni Melissa si Ryan pero mas pinili nitong unahan sina Gab para maituro ang
pwesto nila ni Louie.

MELISSA: Dito mga tol. Si Louie nga pala.

Gulat ang reaksyon ni Gab at Yuri habang nakakunot ang noo ni Louie.
LOUIE: Sana wala sa inyo yung Yuri na sinasabi ng kaibigan ko.

Tumabi si Melissa kay Louie saka bumulong si Louie sa kanya.

LOUIE: Sis, hindi naman ako nainform na puro masasamang damo ang nandito.

MELISSA: Teka, kilala mo ba sila?

LOUIE: Yung dalawa dyan nakita ko sa Quiapo bumili ng gayuma. Kung sino man sa kanila si
Yuri, palayasin mo kasama ng kasama niya.

Napasapo sa ulo si Melissa na tila naguluhan.

MELISSA: Jusko, failed.

MELISSA: Hoy dalawang tukmol, magsi-uwi na raw kayo. Jeff, may jowa ka, umuwi ka na rin.
Ryan.

Napahiyaw si Yuri dahil nakaligtas siya.

Tumingin naman si Melissa kay Ryan.

RYAN: Oo na, uuwi na! Sayang—

MELISSA: Hindi! Dito ka lang bakla ka!

GAB: Nakaligtas ka, Yuri! Balik loob ka na naman kay Faith!

MELISSA: Hatid ko muna sila sa labas.

Umexit na yung tatlo.

RYAN: Hi! Ryan.

Nag-alok ito ng shakehands. Nagrespond naman si Louie.

RYAN: Tabi tayo, asarin natin si Melissa. Hindi tayo pauuwiin niyan hanggang di niya nakikitang
close tayo.

LOUIE: Literally. Sige.

Halatang hindi mapalagay si Louie.

RYAN: Okay ka lang?

LOUIE: Oo. Usog ka, marami pa namang space.

Para namang walang narinig si Ryan.

LOUIE: Sabi ko, usog ka.

RYAN: Pucha bingo!

LOUIE: Bingo?

RYAN: Wala. Pahinging number mo.

LOUIE: A-akala ko ba aasarin lang si Melissa?


RYAN: Actually that's just an excuse.

Ngumiti si Ryan habang hawak-hawak ang phone na inaalok kay Louie.

Dumating si Melissa.

MELISSA: Sabi na barbie, eh! Harot! Jusko dai, aasar-asarin mo pa akong tibo kanina eh ikaw
naman pala tong bakla!

RYAN: Sadyang marunong lang akong umappreciate ng kapwa.

MELISSA: Palusot mo bulok! Ngayon pa lang binabalaan na kita, mas may toyo yang si Louie
kaysa kay Jean! Goodluck sayo!

RYAN: Tapos na misyon mo, tibo! Lumayas ka na rito.

Tumayo si Louie.

LOUIE: Melissa...

RYAN: Babe, stay with me.

MELISSA: Yak! Bye, Louie! Ingat na lang sa AIDS!

RYAN: MASAGASAAN KA SANA—Marie?!

Natigilan sa paglalakad si Melissa at nagtigilan din sa pagsasalita si Ryan nang dumating si


Marie.

Nakabusangot ito na hinila si Melissa pabalik sa upuan at nagtabi sila.

MELISSA: Bat ganyan mukha mo? Nasaan si Gab?

MARIE: Wag mong mabanggit-banggit yang lalaking yan! No buts, no ifs pa siyang nalalaman!

RYAN: Oww. First LQ?

MARIE: Oh come on. Hindi pa man kami official, away-bati na kami!

MELISSA: Oh eh bakit mo sinagot?

MARIE: because I love him! Duh!

Nakakuha na ng hint si Melissa at napasipol na lang sa kawalan. Ganoon din si Louie na alam
ang naiisip ni Melissa.

LOUIE: Effective. Makabili nga rin.

RYAN: Bili?

LOUIE: Sabi ko bili na ako ng kape kasi kanina pa tayo nakaupo dito.

Umalis na si Louie.

RYAN: Wag kang manlalaki ah, akin ka lang!

Pabirong sabi nito kaya nilingon pa siya ulit ni Louie. Bumalik ang atensyon ni Ryan kay Marie.
RYAN: Mukhang naipasa na ni Yuri ang karupokan sa 'yo ah.

MELISSA: I second the motion.

Nang dumating si Gab.

GAB: Love, maghahabulan na lang na tayo?

MELISSA: (Napasapo sa ulo) Jusko po I'm so out of place.

MARIE: Alam mo? Kung gusto mong masolo ako, sana binili mo na lang ako! Napakaseloso mo!

GAB: I'm just protecting you!

MARIE: Protecting me?! Kausap ko yung client namin dahil may problema sa schedule tapos
aagawin mo yung phone, sisigawan yung client at papatayan ng tawag because you're protecting
me?! Ang babaw mo!

Nag-lean nang kaunti si Ryan para bumulong.

RYAN: Guys, nasa public tayo. Kalma.

GAB: Ang tagal niyo nang magkatawagan!

MARIE: Kasi nga may problema! Ang kulit mo naman! Kung sana pinayagan mo akong umalis
edi sana mas mabilis kaming nag-usap!

MELISSA: Jusko nakakahiya kayo gusto ko nang umuwi!

GAB: Eh paano kung pormahan ka non bigla?!

MARIE: You're impossible! You're over reacting! Gab, wala kang tiwala sa akin! Paulit-ulit akong
nag-eexplain! I hate you! I HATE YOU!

Padabog na nag-walk out si Marie at badtrip na sumunod si Gab.

Melissa: Parang... Parang gusto ko nang itawag sila kay Raffy Tulfo?

Ryan: What about Face-to-Face?

Melissa: Yuck. Outdated.

Sabay irap nito.

---

Dumating si Daisy sa bahay nila sabay naabutan niya ang inang may hinahanap.

DAISY: Ma! Anong meron?

MERCY: Alam mo ba kung saan naglalagi ang kapatid mo? Lagi na lang wala dito dati naman
hindi yan ganyan.

DAISY: Ma, eh sa tagal ng dati na yan, malamang marami nang nag-iba.


MERCY: Sa tingin mo, mapapatawad pa ako ni Rose?

DAISY: O-oo naman po. Masama lang talaga ang loob noon dahil sariwa pa sa memorya niya ang
lahat ng nangyari.

MERCY: Sana nga. Gusto ko na ulit mayakap si Rose. Naalala ko, noong bata yon, laging
nakakapit yun sa braso ko para makatulog. Tapos noong nagkinder siya, unang araw pa lang
umiiyak na kasi ayaw magpaiwan sa school. Sobrang nakakamiss ang lambing ng kapatid mo.
Kailan ko kaya ulit mararamdaman yon?

Halos mawasak si Daisy habang nagkukwento ang ina. Nangingilid ang luha nito dahil sa
emosyong itinatago niya.

DAISY: E-eh... A-ako , Ma? A-ano ako noong bata? A-anong naaalala niyo sa akin?"

Nawala ang ngiti ni Mercy. Pilit naman itinatago ni Daisy ang emosyon niya.

MERCY: Ah... ikaw? Papa mo ang madalas magbantay sa 'yo eh. Saka bata pa lang, independent
ka na kaya wala kaming problema sayo.

Tumalikod si Daisy kay Mercy para huminga nang malalim at punasan ang luha. Si Mercy
naman, bumalik sa pag-hahain ng pagkain.

DAISY: N-noong nasa ibang bansa pa kayo, n-namimiss niyo po ba ako?

Ngumiti si Mercy nang hindi napapansin ang lungkot ng anak.

MERCY: Oo naman. Pero mas namimiss ko na si Rose kasi ikaw, nakakatawagan kita pero yung
kapatid mo laging umiiwas.

DAISY: Eh maiksi lang naman yung tawag. Kapag walang balita kay Rose, sasabihin mong busy
ka na.

MERCY: Busy naman talaga—

DAISY: Hindi, Ma eh. Ayoko mang ikumpara ang sarili ko kay Ate pero pakiramdam ko siya lang
ang kinikilala mong anak. Kung masama rin ba ang loob ko sayo, kung hindi ako nagpatawad,
kung hindi ako nagpakumbaba, kung naging bastos ako, kung hindi ako nagpaparaya... Ma,
ituturing mo rin ba akong anak?

DAISY: Ma, a-anak mo ba talaga ako?

MERCY: Nako, anong pinagsasabi mo? Malamang, oo!

Daisy: Pero bakit laging si Rose lang? Porque ba kinakaya kong mamuhay nang mag-isa? Lagi na
lang po akong nasa gitna niyong lahat. Naitanong niyo po ba kung kumusta na ako? Eh ni
minsan hindi ko nga naranasang paghandaan mo ng pagkain eh. Anong klaseng anak ako sayo,
Ma?

Kumunot ang noo ni Mercy, mayamaya ay iniling-iling niya ang kanyang ulo na tila kinalimutan
ang nangyari.

MERCY: Nako, malaki ka na, wag mo na akong dramahan ng ganyan ngayon pang gabi na't wala
pa ang kapatid mo. Please, wag ka nang dumagdag sa problema.
Dismayado ng mukha ni Daisy na tila napahiya at naisawalang bahala ang seryosong paglalabas
niya ng damdamin sa ina.

Dinukot ni Mercy ang cellphone niya.

MERCY: Pahingi ng number ng kapatid mo, tatawagan ko na. Lalamig na yung pagkain niya rito,
wala pa siya.

Napailing na lamang si Daisy at pinunasan ang luha.

DAISY: Ako na lang po tatawag baka di kayo sagutin.

MERCY: Sige, pakisuyo.

---

Kakanta ang The Seizemic ng kahit anong soft metal song, pa-outro na.

HOST 1: Again, let's give a round of applause, the 2020 Battle of the Bands winner...

HOST 1 & 2: THE SEIZEMIC!

Nagpalakpakan ang mga audience, may ilan pang nagtaas ng banner at logo ng banda.

HOST 2: Yon! Boys, magpakilala naman kayo.

ERIC: My name is Eric, the drummer of the band. Micdrop.

AUSTIN: I am Austin na handa kang haranahin kahit mapitikan pa ng string. I'm the lead
guitarist at kung minsan dancerist. *wink*

CLYDE: I am the bassist of The Seizemic, my name is Clyde.

Ngumiti lamang ito pero mas malakas ang nakuhang hiyaw nito sa audience.

SEIRA: Anong sasabihin ng nanay sa anak niya kapag paparating na ang eroplano?... Seiraaaa
(Say ah so aact si Seira na para bang may sinusubuan)

Nagkaroon ng ingay sa audience.

SEIRA: Okay, corny. My name is Seira, the female vocalist of the Seizemic~ (like Mimiyuh) char!
Seize the mic, everyone!

Nang maipasa kay Yuri ng mic, tumikhim muna ito.

YURI: Hello, uh, mic test.

Biglang dadaan si Faith. Dahan-dahan ito dahil sa dami ng tao.

YURI: Ako po si Yuri, male vocalist ng banda. P-pwede po ba akong tumugtog ng isang kanta
para sa isang taong nandito ngayon?

Napalingon agad si Faith, hindi maipinta ang mukha.


YURI: Akala ko makakalimutan na kita but definitely I failed. Gusto kong marinig mo at ng mga
taong nandito ang kantang nagawa ko na para sana sayo.

Kinanta nga ni Yuri ito at halos kiligin naman ang mga audience maliban kay Faith na nagpunas
ng luha at umiling. Tumingin ito kay Yuri saka tumakbo palayo.

Akmang hahabulin siya ni Yuri nang pigilan ito ni Clyde.

CLYDE: Pare, unang show natin to, dont make a scene.

HOST 1: Ayan! So nakilala na natin sila! Later on, The Seizemic will serenade us with another
masterpiece so dyan lang kayo.

HOST 2: The Seizemic, proceed muna kayo sa backstage.

Dahan dahang umexit ang lahat maliban kay Yuri na nakipag unahang bumaba.

Nagtataka ang mukha ni Seira na tinanong ang mga kasama kung saan pupunta si Yuri ngunit
wala ring alam ang mga ito dahilan para sundan niya si Yuri.

---

Naglalakad si Faith palabas nang habulin siya ni Yuri at higitin ang braso.

YURI: Alam kong may problema.

Hindi nagsasalita si Faith at nagpatuloy sa paglalakad.

YURI: Faith sige na, magsabi ka sa akin tulad ng dati.

FAITH: Uuwi na ako. (Nagpupumiglas pa rin)

YURI: Faith please. Kahit saglit lang.

FAITH: Pagod na ako, Yuri. Please! Pwede bang tigilan mo muna ako?

GIRL: Babe, bakit tayo bakalik—ouch!

Habang naguusap sila Yuri ay siya ring pagsalubong si Dylan na hinahatak ang isang babae
pabalik.

FAITH: Dylan...

Napaupo si Faith at lumuha. Inalo ito ni Yuri.

YURI: Yan ba?... Faith, yan ba?

GIRL: Dylan, sabi ko nga may pupuntahan ako dun!

DYLAN: Bahala ka! Pumunta ka don, aalis na ako!

Bago pa makaalis si Dylan ay tumayo na si Yuri at sinalubong ng suntok nito.


Napatumba si Dylan at kinuwelyuhan ito ni Yuri.

FAITH: Dylan! Yuri, wag!

Dumating si Seira.

SEIRA: Yuri! Yuri, tara na!

Sigaw ni Seira at pilit inaawat si Yuri.

YURI: Ang kapal ng mukha mo!

DYLAN: Sing kapal ng mukha mong suntukin ako eh wala naman akong atraso sayo.

Sinuntok nito si Yuri.

Dumating ang mga kabanda ni Yuri maging ang mga kaibigan niya.

Tumakbo na ang babaeng dala ni Dylan.

FAITH: Tama na! Dylan, wag mong sasaktan si Yuri!

Humabol si Faith at inawat si Dylan na kukwelyohan pa sana si Yuri.

Melissa: Faith, wag ka dyan!

Inalis ng mga babaeng kaibigan ni Yuri si Faith sa gulo ngunit sumusugod pa rin ito.

DYLAN: Bakit? Ako ang boyfriend mo—

Sinampal siya ni Faith.

FAITH: Sana inisip mo rin na girlfriend mo ako bago ka naglabas ng ibang babae.

DYLAN: She's just a friend—

Sinuntok muli siya ni Yuri. Inilayo ni Yuri si Faith kay Dylan, pumwesto ito sa unahan ng mga
babae.

Inawat nila Clyde si Dylan, sina Jeff naman kay Yuri.

YURI: Hindi uto-uto si Faith para sa kasinungalingan mo.

FAITH: Yuri! (Bumitaw ito sa mga kaibigan) Pwede ba wag kang mangialam?! Pwede bang
pabayaan mo kami?! P-pwede bang umalis ka na?! H-hindi ka namin kailangan.

Halos mamutla si Yuri sa narinig. Sa gitna ng gulo at pagmamagandang loob niya, mas pinili pa
rin ni Faith na samahan si Dylan.

Hinila ni Faith si Dylan sa mga kamay ng mga kabanda ni Yuri. Nang madaanan nito si Yuri ay
nagsalita itong muli.

FAITH: Umalis ka na.

Labag man sa loob pero tumalikod na si Yuri sa kanila.

MELISSA: Tol, tama na kasi. Distansya na!


SEIRA: Yuri, gusto kong maging honest sayo ah. Alam mo, tama kasi sobra na. Sa totoo lang
labas ka na dapat sa problema nila pero pilit mong ipinagsisiksikan ang sarili mo!

JEFF: Sige na pare, hayaan mo na si Faith. Marami ka na ring ginive up sa kanya, wala namang
nangyayari.

ERIC: Sisirain mo ba ang gabing to nang dahil dito? Tara na, tatawagin na tayo.

HERSHEY: Sumama ka na, Yuri. Kami na bahala kay Faith. Sayang yung performance niyo dun.

YURI: Gusto ko munang makauwi nang maayos si Faith—

Natigilan siya nang magsalita si Dylan habang kausap si Faith.

DYLAN: I think it's over. Hindi naman talaga kita minahal eh. I'm doing this for the image but I
think can't take this any longer.

Napalingon si Yuri ganoon din ang mga kasama nito.

FAITH: Dylan, nagsisinungaling ka lang. Nagsisinungaling ka lang!

DYLAN: No. Totoo to. I don't need to explain too long kasi I guess ramdam mo naman. Thanks
for riding, goodbye.

Walang pusong umalis si Dylan kahit nakailang pigil, yakap, habol at abot ni Faith sa kanya.

Umiyak na lamang ito nang mapag-isa.

Akmang lalapit na si Yuri kay Faith nang higitin siya sa braso ni Austin.

AUSTIN: Bro, malapit na tayong tawagin.

Pero umiling lang si Yuri at nagpatuloy sa paglapit kay Faith.

SEIRA: Ay grabe na talaga!

GAEL: Ang consistent, walangya.

Tinabihan siya ni Yuri at agad na niyakap.

YURI: Ayokong nakikita kang umiiyak.

FAITH: Yuri, please iwanan mo na ako.

Hindi kumikibo si Yuri.

FAITH: Please, pagod na pagod na ako. Walang tunay na nagmamahal sa akin.

YURI: Hindi mo lang ako nakikita sa sobrang lapit ko.

Umiiyak lang si Faith at kumawala sa yakap ni Yuri.

Nagpunas ito ng luha.

FAITH: Mawawala rin yan, Yuri. Mawawala rin yan.

YURI: Handa akong patunayan sayong hindi.

Walang nagkibuan pagkatapos noon.


1 minute.

FAITH: Yuri...

YURI: Hmm?

FAITH: Hatid mo ako, hindi ko na kaya.

YURI: P-pwedeng sa backstage ka muna? May performan—

Bumagsak na lamang si Faith kasabay ng paglapit ng mga kaibigan niya.

Naging aligaga si Yuri sa paggising kay Faith.

SEIRA: Tinatawag na tayo, Yuri!

YURI: Hindi na ako makakabalik. (Bumaling ito kina Jeff) Pre, patulong kay Faith, yung
sasakyan.

Tuluyan na ngang binuhat ni Yuri si Faith paalis.

---

3 months later...

RYAN: Babe, do you want a vacation? Kahit outside Metro Manila lang.

LOUIE: That would be great lalo na kapag hindi mo ako tatawaging babe.

RYAN: But—

LOUIE: We're not a couple to begin with.

RYAN: I am asking you kung may pag-asa ba but you have no response. Daig mo pa ang babae.

LOUIE: If that's what you think, bahala ka sa buhay mo. Did I force you? Hindi naman diba?

RYAN: Pero nagbibigay ka ng motibo!

LOUIE: Motibo ba yon o binibigyan mo lang ng kahuluhan ang lahat ng bagay? Ako? Gugustuhin
ka? Kailan pa?

RYAN: This is crazy!

LOUIE: You are crazy! Isipin mo, nagce-claim ka nang walang permiso!

RYAN: Then what about the dates? The gifts? Everything?

LOUIE: Hoy! Sinabi ko lang yon at ikaw ang nag-bigay at nag-insist. Wag mong isisi sa akin.
Kasalanan ko bang uto-uto ka? Kaya kong bilhin at gawin ang lahat ng yon para sa sarili ko.

RYAN: Nakakalalaki ka na, ah.


LOUIE: Go! Saktan mo ko! Bakit? Pinipigilan ko ba? Nagmamakaawa ba ako? Pero kapag lumapat
yang kamay mo sa balat ko, tatawag ako ng pulis!

Sa sobrang inis ni Ryan at napa-walk out ito.

LOUIE: Akala niya susundan ko siya? Manigas siya.

Mayamaya nagmamadaling dumating si Melissa kasama sina Hershey at Jean.

MELISSA: Louie! Huy, nasalubong namin si Ryan, anong nangyari?

LOUIE: Hindi ko alam! Ghorl, pinapakisamahan ko na nga siya tapos ako pa raw tong nagbibigay
ng motibong gusto ko siya? Wow!

MELISSA: Ha? Eh akala ko rin eh.

LOUIE: Yan! Pare-pareho kayo! Ang iissue niyo kasi!

MELISSA: Eh Louie, gusto ka ni Ryan, madalas kayong magkasama edi aakalain naming mutual
kayo.

LOUIE: Diba sinabi ko na sayo? I don't believe in love! I prioritize myself. Kayo lang naman tong
pain nang pain sa akin sa iba. Did it work? Hindi naman eh!

MELISSA: Eh ano bang ikinagagalit mo? Ang akin lang naman sana nilinaw mo noong una pa
lang para walang nag-assume.

LOUIE: Pakialam mo ba? Malay ko bang gusto ako noon?

MELISSA: Because you're so full of yourself! Laging ikaw ang ganito, ikaw dapat ganyan! Paano
magwowork kung hindi ka marunong tumingin sa iba?

Para namang nabigla si Melissa sa nasabi kaya napaatras ito.

LOUIE: Melissa, nagtitimpi na ako sayo ah! Alam mo? Hindi ko talaga maisip bakit kita naging
kaibigan eh. Feeling ko nga nakikipagplastican ako sayo!

JEAN: Hoy bakla sumusobra—

LOUIE: Wag mo akong maduro-duro dyan babae ka! Feeling mo may karapatan kang
pagmataasan ako dahil nasa Dean's List ka? Pwes wala!

MELISSA: Louie, wag mo silang idamay dito.

LOUIE: Eh siya tong sumasabat eh! Hoy, walang kinalaman ang rank mo dito! Wala kang—

HERSHEY: Melissa, sobra na yang kaibigan mo. Tara na bago ko mahambalos yan.

LOUIE: Mabuti pa nga bago ko pa maisipang panutin ka!

Huminga nang malalim si Melissa.

MELISSA: I treated you as my real best friend, Louie. I always wanted to understand you pero
sobra ka na. We're not friends anymore. You gave me so much pain that I can no longer handle.

MELISSA: You're self centered, Louie. Malayo sa mga baklang kilala ko. Yes, priority mo ang
sarili mo pero hindi ko yon maituring na self love. Ni hindi mo kami ma-appreciate, hindi ka
marunong magconsider ng iba. Kawawa kaming mga nagmamahal sayo, Louie pero mas naaawa
ako sa sarili ko dahil pinahalagahan ko yung isang taong all this time nagdodoubt kung bakit
ako naging kaibigan.

Umalis na si Melissa kasama mga kaibigan.

Naiwan si Louie na tulala at hindi makapaniwalang iniwan siya ng dalawang taong malalapit sa
kanya.

LOUIE: N-naging totoo ako... N-naging totoo ako! Bakit nila ako iniwan? B-bakit nila ako natiis?

LOUIE: Pero hindi... Dapat okay lang. Sino ba sila? Iwan nila akong lahat! Lahat! Wala akong
pakialam! Wala! Ayoko na...

[Insert song here with monologue ni Louie. Yung parang pasuspense type na nagpapakita ng
confusion kasi nalulungkot si Louie pero pride ang umiiral sa kanya.]

[If kakayaning biglang ng switch ng setting, please make it happen during Louie's performance,
sa apartment niya]

LEA: (boses lang muna) Hoy Louie, buksan mo ang pinto! Nagagalit na si Mama, hindi ka na daw
umuuwi ng bahay!

Makalat na ang hitsura ni Louie. Smudged na ang eyeliner at lipstick, maging ang buhok magulo
na.

LOUIE: Lea, wala pakialam! Mamatay siya sa galit dyan!

LEA: Louie, nag-aalala ako sayo! Lumabas ka dyan, tutulungan kita!

[Dito niya itutuloy yung naudlot na kanta]

Sa pagpapaikot-ikot niya, makikita niya ang salamin na galing kay Marites.

LOUIE: Magpapasaya? Magmamahal? WALA! WALA! WALA!

LEA: Louie, mahal ka namin, lumabas ka dyan!

Parang gulong-gulo ito sa sarili niya hanggang sa nakakuha ng matalim na bagay at itinusok sa
dibdib niya.

---

Sa usual tambayan...

Nakatingin sa lupa si Melissa, hindi nagsasalita pero paisa-isa ang patak ng luha na pinapahid
niya agad.

JEFF: Eh ano ba kasing nangyari? Bakit humantong sa ganito?

HERSHEY: Yung kaibigan niya kasing si Louie—

JEFF: Yung bakla.


HERSHEY: Oo eh iba ang tabas ng dila saka mayabang. Kilala naman natin tong si Melissa, di
basta basta magsasalita to kung wala lang. Eh kaso mukhang napuno kaya nagkasagutan sila.
Ayun, nauwi sa FO.

DAISY: Grabe naman. Hindi na ba maaayos, yon?

JEAN: Nako, kung tayo ang malalagay sa sitwasyon malamang hindi na rin natin hahayaan pa.
Ngayon ko lang nakita yung bruhang yun pero pinakulo agad ang dugo ko.

HERSHEY: Ang toxic niyang friend, Daisy. Melissa doesn't deserve that. Siya lang ang nakita
kong bakla na ganun umasta.

JEFF: Mukha naman siyang mabait noong nakita namin siya. Yun nga lang, masungit.

HERSHEY: Devil in disguise

Biglang may tumawag kay Daisy, si Mercy.

DAISY: Ma, bakit po?

DAISY: Ano? Eh bakit hindi mo na lang samahan?

DAISY: May klase pa ako, Ma. Break lang namin ngayon.

DAISY: Osige po. Opo. Papunta na.

JEFF: Magcucut ka?

HERSHEY: Anong nangyari?

DAISY: Sinundan ni Mama si Rose sa ospital eh. Alis muna ako. Jeff, wag mo nang tangkaing
sumunod.

Saka ito umalis.

----

Sa isang park...

Naabutan ni Daisy ang nagmamasid na ina.

DAISY: Ma, bakit hindi mo lapitan si Rose?

MERCY: Eh sinubukan ko siyang tanungin tungkol dito, wala akong nakuhang sagot at tinaasan
pa ako ng boses kaya wala akong magawa kundi sundan siya. Anak, nag-aalala ako.

DAISY: Ma...

MERCY: Anak, pwede bang kausapin mo ang kapatid mo?

DAISY: A-ako?
MERCY: Sige na, anak. Gusto ko lang makampante.

Wala na ngang nagawa pa si Daisy kundi umiling at puntahan si Rose.

Tumabi ito kay Rose na ikinagulat nito.

ROSE: Paano mo nalamang nandito ako?

DAISY: Napadaan lang.

ROSE: Utot mo. Sinundan mo ako no?

DAISY: Haay. Oo. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Hindi ka na pumapasok pero laging wala ka
sa bahay.

ROSE: Dito ang tambayan ko. Mas kalmado rito. Kapag may masakit, dito lang ako. Ayoko lang
talaga sa bahay.

DAISY: May problema ba? Sabihin mo sa akin. Tulad ng dati.

ROSE: Utang na loob wag mong ipagsasabi kahit kanino. Sa inyo na lang ni Papa ang tiwala ko.

DAISY: Sige, ano?

ROSE: Napapadalas yung sakit ng ulo ko—

DAISY: Eh bakit ayaw mong ipacheck up? Tara, samahan kita.

ROSE: Sus! Wag na! Gusto ko nang mamatay, eh! Kung hindi pagpapatihulog ang papatay sa
akin, baka—

DAISY: Wag mong sabihin yan. Tara, ipapatingin kita. Baka dahil yan sa pagkakahulog mo.

ROSE: Daisy, humihinga pa ako, okay? OA mo.

Nang biglang sumunod ang ina. Nagbago ang mood ni Rose.

ROSE: Sinusundan niyo ba akong mag-ina? Ano? Hindi niyo ba talaga ako lulubayan?

MERCY: Anak, nag-aalala lang naman ako.

ROSE: Pwes hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Matagal ka nang wala, kaya ko sarili ko. At
ikaw, Daisy? Hindi ka ba talaga natatakot? Akala ko pa naman—

Bigla na lang tumakbo palayo si Rose, sapo-sapo ang ulo at napapasigaw sa sakit at sa sobrang
sakit nataranta na ang lahat lalo na si Daisy at Mercy.

Ikinagulat pa ng mag-ina nang sumuka ito ng dugo at hinimatay.

DAISY: Rose!

MERCY: Rose! Anak! Jusko, tulong! Daisy, tumawag ka ng sasakyan, dali! Tulong!

Mayamaya dumating ang dalawang lalaki para tulungan sila.

MERCY: Tulong po! Tulungan niyo kami!


---

Campus

GAB: Brad, congrats! Sisikat ka na!

YURI: Thank you, thank you. Manood kayo ulit ng gig namin this Saturday ah.

GAB: Isama namin si Faith?

Natahimik si Yuri.

JEFF: Baliw, dapat hindi mo na binanggit.

GAEL: Okay lang yan, tol. Makakalimot ka rin.

YURI: Hindi, okay lang. Sa Sabado ah.

Dadating si Marie at patakbong yayakap kay Gab.

MARIE: Hi, love! Good morning!

GAEL: Gab?

Nagtaka si Gael na tumitig kay Gab.

GAB: Ah, Marie, si Gael, kapatid ko. Tol, girlfriend ko.

Hinila agad ni Gael si Gab upang makausap nang walang nakakarinig.

GAEL: Gab, iniiwasan natin, diba? Bakit pinilit mo pa?

GAB: Tol, pinipigilan ko. Saka pakiramdam ko wala naman na eh.

GAEL: Tol, hindi tayo makasigurado. Utang na loob, maawa ka.

GAB: Gael, mahal ko yung tao.

GAEL: Tss. Mahal.

Umiling na lang si Gael at lumapit na agad sa magtropa.

GAEL: (pabiro) Nako, Marie kung ako sayo, iwan mo na agad tong kapatid ko. Chickboy yan!

MARIE: Nako, hindi ah. Seloso lang yan pero loyal.

BABAE 1: Marie Chua!

Napalingon si Marie. Nang makita nito ang dalawang lalaki ay napangiti siya at nilapitan.

MARIE: Uy, kayo pala yan! Wala naman akong event ah?

LALAKI 2: Ah, taga dito rin kasi kami tapos nakita ka—

Bigla na lamang sinuntok ni Gab ang lalaking nagsalita.


GAEL/MARIE: Gab!

Nilapitan agad ni Gael ang kapatid habang inilayo nila Yuri si Marie sa gulo.

GAB: Maparaan ka, pero hindi mo siya makukuha!

Nagpumiglas si Marie sa pagkakahawak ni Yuri.

MARIE: Ano bang sinasabi mo? Gab, mahiya ka nga!

Humarap si Gab kay Marie.

GAB: Eh bakit hindi kayong tatlo ang mahiya?! Ano, niloloko niyo ako? Ha?!

MARIE: Anong pinag-iisip mo?!

GAEL: Marie, iuuwi ko na si Gab. Yuri, kayo na bahala—

GAB: Hindi. Ako ang magdadala kay Marie. Tara na.

Mabilis at marahas nitong hinigit si Marie at naglakad.

GAEL: Gab, please!

YURI: Brad!

Hinabol ng tatlo sila Gab ngunit parang wala itong naririnig hanggang sa nakaalis ito.

YURI: Baka mapaano si Marie.

GAEL: Yun na nga ang iniisip ko. Tulungan niyo ako para mailayo si Marie kay Gab. Delikado.

JEFF: Delikado? Anong ibig mong sabihin?

GAEL: Wag na magtanong. Tara na!

Hindi na kumibo ang mga ito at hinabol sina Gab.

---

Sa isang kwarto

MARIE: Para kang tanga! Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Ang babaw mo palagi! Wala akong
ginagawang masama pero sa paningin mo hindi ako mapagkakatiwalaan!

GAB: Eh totoo naman! Nakikita ko!

MARIE: Ano? Nakikita mo?!

GAB: Oo! At aagawin ka nila! Marie, akin ka lang!

MARIE: Eh, hindi naman nila ako inaagaw! Fans yon, Gab! Nag-iisip ka ba?!
GAB: Marie, walang event tapos nakasunod pa rin sayo? Taga-doon? A lame excuse! May gusto
yon sayo at ikaw naman, ineentertain mo!

MARIE: Ang OA mo naman, Gab! Paikot-ikot tong walang kwenta nating usapan! Hindi ka
marunong makaintindi! Akala ko na mahal mo ako?

GAB: Oo, mahal kita! Hindi ako magkakaganito kung hindi kita mahal!

MARIE: Pero lagi na lang, Gab eh! Nakakasawa na!

GAB: Please, Marie. Please. Gusto kong ayusin natin to. Iwasan mo na sila, Marie. Okay? No buts,
no if—

MARIE: Yan ka na naman eh! No buts, no ifs! Palagi na lang! Lagi na lang ikaw nasusunod! Lagi
na lang ikaw! Ako? Ano ako?! Alipin mo? Ha? Gab, sabihin mo nga! Pagmamahal pa ba to o
pananakal na?

MARIE: Hindi mo ako pag-aari, Gab! Kahit kailan, hindi!

Tila napanting ang tainga ni Gab at sinugod si Marie. Sinungalgal ito at sinampal.

GAB: Bawiin mo yan! Mahal mo ako! Bawiin mo yan!

Nagpupumiglas si Marie ngunit tumindi lamang ang galit ni Gab at bumaba ang kamay nito sa
leeg ng dalaga.

MARIE: Hindi na ikaw yung Gab na nakilala ko! Alam mo—alam mo minsan napapaisip ako.
Minamahal mo—ba ako? Kasi parang hindi.

GAB: Bawiin mo!

Lalo lang humigpit ang kapit ni Gab sa leeg ni Marie.

GAB: Akin ka lang. Alam mo ba, ginayuma pa kita para mapasaakin ka? Kaya bawiin mo!

MARIE: Ni minsan hindi ako nag isip ng masama sayo—pero ako... ni minsan hindi naging tama
sa paningin mo. Ayoko na, Gab! Bi—bitaw—

GAB: Ayoko! Aalis ka kapag binitawan kita!

MARIE: Ma—G-gab—

Dumating sina Gael at inawat si Gab.

GAEL: Tama na!

Halos paulanan ng suntok ni Gael ang kapatid.

GAEL: Bitawan mo na si Marie!

Saka ito nabitawan ni Gab.

Wala nang malay si Marie nang inakay ito ni Yuri at Jeff.

GAEL: Matagal ko nang sinabi sayong itigil mo na! Sobra na yang pagmamahal mo! May sira ka
na sa ulo!

GAB: Isa ka pa!


Susugod na si Gab nang ambahan siya ni Gael at magsalita si Jeff.

JEFF: Marie... Marie, gising! Gab, si Marie!

Nawala ang atensyon ng dalawa sa isat isa at mabilis na nilapitan si Marie.

Marahas na inilayo ni Gab ang mga taong nakapaligid sa nobya.

GAB: Marie... Marie, sorry.

Pinakiramdaman ni Yuri kung humihinga pa ito.

Sumabay ang isang tawag sa cellphone ni Jeff.

JEFF: Daisy, bakit? Si Marie! Tulong!

JEFF: Anong—sandali, papunta rin kami. Walang malay si Marie.

YURI: Gael, ambolansya please! Hindi na humihinga si Marie!

Nataranta na si Gab na paulit ulit ginigising si Marie at itinakbo palabas.

GAB: Love, sorry. Gising ka na! Hindi ko sadya, love! Sorry!

---

Sa ospital...

Dumating si Jeff at sinalubong nito si Daisy na walang tigil sa pag-iyak. Hawak-hawak nito ang
pendant ng suot niyang kwintas ni Rose.

JEFF: Shh. Anong nangyari?

DAISY: Jeff, si Rose... Anytime, mawawala na siya sa amin. Hindi ko na alam, Jeff.

Iyak ito nang iyak.

JEFF: Teka, ano bang nangyari?

Hindi na rin mawala ang pag-aalala ni Jeff dahil bitbit pa rin nito ang pangyayari kanina.

DAISY: May namuong dugo sa utak ni Rose dahil sa pagkakahulog niya, Jeff... Jeff, hindi siya
nagsasabi sa akin, kapatid niya ako! Jeff, nagkulang ba ako sa kanilang lahat? Sinakripisyo ko
na nga lahat ng akin para sa kanila eh!

JEFF: Shh, Daisy... Daisy, alam kong hindi okay ang lahat but please let me tell you that you are
enough. Siguro ayaw na talaga ni Rose—

DAISY: Jeff, hindi pwede! Hindi pa sila nagkakaayos ni Mama! Hindi niya pa nakikitang
nagkabalikan sila Papa. Jeff, ayokong mawala si Rose. Kapatid ko yon eh! Kahit anong sigaw
nun sa akin, kaya kong tiisin! Kahit siya na lang ang pagtuonan ng pansin ni Mama, kaya kong
tiisin!
Niyakap pa siya nang mas mahigpit ni Jeff.

JEFF: Hindi natin kontrol ang lahat, Daisy. Kahit anong gusto nating mangyari, hindi natin
kontrol ang lahat. Ang mahalaga may ginawa ka, mahal ko. Ang mahalaga hindi ka sumuko.

Umiiyak pa rin si Daisy nang dumating sina Melissa. Umiiyak ito, walang tigil ang luha at agad
na niyakap si Faith.

MELISSA: Faith! Please, wag ka nang umiyak mas lalo akong nahihirapan.

DAISY: Bakit ka nandito? Wala akong pinagsabihan kundi si Jeff.

MELISSA: Faith ang tanga-tanga ko. Dapat hindi na ako nagalit, Faith! Dapat tinulungan ko
siyang umintindi ng sarili niya!

JEFF: Anong ibig mong sabihin? Sino?

MELISSA: Wala na si Louie...

Mas lalong umaligawngaw ang iyak ni Melissa. Napatulala na lang din si Jeff at niyakap ang
dalawang babae.

JEFF: Kaya natin to, okay? Please, be strong, guys. Kaya natin to.

Yumakap din ang dalawa.

Parang may naalala naman si Daisy kaya nagsalita ito.

DAISY: Jeff, narevive ba si Marie? Please sabihin mo sa aking oo.

Natigilan din sa pagiyak si Melissa at napatingin kay Jeff.

MELISSA: Si Marie? Anong nangyari, Jeff?

Hindi na nga napigilan pa ni Jeff ang pagluha at dahan-dahang napa-iling. Parang sinakluban ng
langit at lupa ni Daisy at parang hindi na maiproseso ang mga nangyari.

DAISY: A-Ano?!

Naaninag ni Daisy ang ina nito, umiiyak.

Mula sa pagkakayakap, umalis ito at nagtatatatakbo na para bang alam na ang sasabihin ng ina.

DAISY: Ma, please! Please, wag mo nang sabihin hindi ko na kaya!

MERCY: Anak, anong hindi ko nagawa sa kanya, anak? Iniwan na niya tayo...

Tuluyan nang napasalampak sa sahig si Daisy at ibinuhos ang lahat ng luhang meron siya.
Tumakbo agad si Jeff sa nobya upang tulungan makatayo habang nakatayo lang si Mercy, iyak
nang iyak.

---

Isang buwan ang lumipas...


Nagwawalis sa tapat ng tent si Nissa nang dumating ang isang babae, ang kapatid ni Louie na si
Lea.

LEA: Ate, saan po ang tent ni Manang Marites?

NISSA: Nako, matagal nang nagsara at tumigil sa pagbebenta at panghuhula si Manang. May
kailangan ka ba?

LEA: May kailangan lang pong ibalik.

NISSA: Nako, hindi ko sigurado ah pero minsan kasi dumadaan yon dito. Pwede mo siyang
antayin.

LEA: Sige po, dito na lang muna ako.

Mayamaya dumating si Gael at Yuri.

YURI: Bakit parang wala na dito yon?

GAEL: Sigurado kang banda rito yon?

Narinig iyon ni Nissa kaya lumapit ito.

NISSA: Si Manang Marites? Dito muna kayo. Baka dumaan yon dito tutal araw ng Linggo.

Sumunod si Mercy na emosyonal at saktong dumating si Marites kaya nagkasalubong sila.

MERCY: Marites! Marites, bakit ganun yung nangyari? Bakit namatay si Rose? Bakit?!

Ikinagulat iyon ni Marites.

Marites: Bakit parang malaki ang kasalanan ko? Bakit nandito kayong lahat?

Mercy: Marites, ginawa ko ang lahat pero hanggang sa huli, hindi ako napatawad ng anak ko!
Marites, anong mali?!

Lea: Dati na po akong nakaranas ng serbisyo niyo kaya nang makita ko ang salamin na 'to sa
kapatid ko, alam kong galing sayo. Gusto ko lang pong ibalik sa inyo tutal wala na po si Louie.

Napalingon si Yuri at nanlumo.

YURI: S-sinong Louie? P-paano?

Lea: Louie Ambrocio. Naabutan namin siya sa apartment niya, walang malay. Hindi ko alam
kung anong nangyari.

MARITES: Kilala ko kayong magkapatid, Lea. Yang malabong salamin na yan ay ibinigay ko para
ipaintindi sa kanya na hindi lang dapat repleksyon niya ang nakikita niya. Dapat siyang
tumingin at magpakumbaba sa iba. Pero sa tingin ko ay maging yan ay hindi niya
pinahalagahan.

MERCY: Eh, sa akin? Wala kang ibinigay! Nagpahula ako at nagtiwala ako doon! Pero bakit
kailangan mamatay ng anak ko?
MARITES: Walang sinoman ang may gusto ng pagkawala niya sa mundo. Oo nga at marami kang
naisakripisyo para bumalik siya pero hindi mo nakita ang sakripisyo ng iba para lang manatili
ka.

MARITES: Sinabi mo sa akin na dalawa ang anak mo. Ni minsan, kinamusta mo ba ang isa?
Natanong kung ayos lang ba siya o kahit kung kumain manlang ba? Pinahalagahan mo ba ang
alaala niyong dalawa? Humingi ka ba sa kanya ng tawad? Ang batang yon ang naging sandalan
at katuwang mo noong iniluluwa ka ng lahat. Ang anak mong yon ang tinutukoy ko sa hula.
Kung oras na ng nauna, may pagkakataon ka pa para bumawi sa natitira. Ikaw (Gael), bago ka sa
paningin ko.

GAEL: Sinama po ako dito ni Yuri, kapatid po ako ni Gab. Ginagamot ang kapatid ko at malayo
na sa amin. Napatay niya kasi ang girlfriend niya.

MARITES: Ang batang yon. Siguro iniisip niyang totoo ang ibinigay ko sa kanya. Hindi niya alam
na siya na mismo ang nalalason ng sarili niyang pag-iisip at hindi ng kahit na anong likidong
maibibigay dito sa Quiapo.

GAEL: May sakit po ang kapatid ko pero hindi ko alam na ito ang magtutulak sa kanya para
makagawa ng masama.

MARITES: Mabuting tao ang kapatid mo, alam ko yon. Sadyang ang sobrang pagsunod niya sa
kagustuhan niya ang nagtulak sa kanya upang makapanira ng iba. At ikaw (Yuri)?

YURI: Sinamahan ko lang po si Gael. Hindi ko rin nagamit ang potion. Isang lang din ang
nagpatunay sa akin na hindi ako dapat maging martyr sa pagmamahal.

MARITES: Mukhang ikaw lang ang nagtagumpay. Pero sino ang taong yon? Yung matagal mo
nang gusto?

YURI: Hindi po, sarili ko lang. Masaya na po ako dahil mas pinili kong magtiwala sa sarili ko at
hindi sa ibang tao.

MARITES: Yan ang dahilan kung bakit hindi ko na itinuloy pa ang panghuhula. Maraming
dumepende rito ngunit walang pagkilatis sa sarili.

MERCY: Ano nang magagawa namin? Nawalan na kami.

MARITES: Walang may gusto ng lahat ng nangyari, Mercy. Ang tanging makukuha lang natin
dito ay ang aral. Sana ay magsilbing gabay ang lahat ng ito sa inyo. Mauna na ako sa simbahan.

Bago pa makaalis si Marites, dumating na si Daisy na kasama ni Jeff.

DAISY: Manang, sandali po!

MARITES: Hija, bakit ka nandito ulit?

DAISY: Manang, hulaan mo po ako. May pag-asa pa po bang magkaayos ang pamilya ko kahit
wala na ang kapatid ko?

Napansin siya ni Mercy.

MERCY: Daisy, anak?

Lumapit ito para aninagin ang anak. Tumabi si Marites, hinawakan ang kamay ni Daisy.
MARITES: Tumigil na ako sa panghuhula, hija. Pero gusto kong dito tapusin ang nasimulan ko,
sayo... sa inyo. Sa tingin ko hindi na ako mabibigong sabihin sayo na magkakaayos kayo.

Tumingin si Daisy kay Mercy na nakangiti ngunit naiiyak.

MERCY: Anak, sorry...

Nagyakapan ang mag-ina.

MERCY: Sorry, anak. Sorry. Masyado akong nadala sa takot para sa kapatid mo. Masyado akong
naging kampante para sayo.

DAISY: Ma, ayos lang po. Wala naman pong nagbago, mahal ko pa rin kayo.

Nakita ni Mercy si Jeff.

MERCY: Sino siya, anak?

DAISY: Ma, si Jeff po, b-boyfriend ko.

Ngumiti si Jeff at nagmano kay Mercy.

Imbes na magpamano ay yumakap si Mercy kay Jeff.

MERCY: Salamat! Salamat sa hindi pag-iwan sa anak ko, sa pag-alalay, pagdamay at pag-intindi
habang nakakalimot kami sa presensya niya. Salamat!

JEFF: Tita, wala po yon. Ginawa ko lang po ang dapat.

Sumabat si Marites.

MARITES: Ibang klase ang pagmamahal, Mercy, mga anak. Wala itong kahit anong ritwal o
formula. Marami tayong pagpapakahulugan dito, marami tayong basehan... Nasa atin na kung
mas pipiliin natin ang tama o ang dapat.

Dumating ang grupo nila Melissa kasama si Ryan.

JEAN: Daisy! Jeff! Ang tagal niyo naman! Magsisimula ang ang misa!

Dumating ang mga kabanda ni Yuri.

CLYDE: Bakit ba nandito yon? Dito na siya nagpeperform?

AUSTIN: Nasabi na sa akin ni Gael to. Hanapin na lang natin, may dadaanan lang daw sila.

ERIC: Ayon oh! Yuri! Tara na! May gig pa tayo, anong oras na!

Napalingon si Seira banda kila Melissa saka ito nagulat at napangiti.

SEIRA: Nako, Yuri wag mo gagayumahin mo si Melissa ah! Melissa! (Kumaway ito kay Melissa) Si
Yuri, gagayumahin ka!

Natawa si Melissa. Lumapit na sila sa gitna. Tumayo na rin sina Gael sa upuan.

MELISSA: Matagal na akong nagayuma niyan! Sa akin yata tumalab yung gayuma para kay Faith!

JEAN: Akala ko ba si Faith ang crush mo?


MELISSA: Ma-issue ka kasi, yan ang napapala mo. Mali ang sagap mo, buti nga!

Naglapit sina Melissa at Yuri at nagfist bomb.

MARITES: Akala ko ba sarili mo lang? Bakit— (nginuso nito si Melissa)

AUSTIN: Speed laaangs, no Melissa? Ikaw yata lalaki sa madumi niyong relasyon eh.

MELISSA: Hoy, hindi pa kami! Bugaw kita kay Jean, pareho kayong ma-issue.

Saka naman nagkantyawan ang dalawang grupo.

YURI: Hindi mahirap magmahal kung dalawa kayong may pantay na ambag.

Napangiti na lang sila habang nagkakantyawan.

MARITES: Nako ang laki nating harang dito. Mabuti naman at may naiwang aral ang mga taong
nang-iwan sa atin. Sige na, iwan na natin si Nissa dito.

[Pero si Nissa ang magsisimula ng final performance nila hanggang sa magkasabay-sabay na


sila]

---wakas---

You might also like