You are on page 1of 49

[ Car Wash Boys Series 9: Karl January Servillon ]

-------------------------------

[ 1 CHAPTERONE ]
-------------------------------

Disclaimer: 
Ang mababasa po ninyo ay ang UNEDITED version. Ibig sabihin, hindi po ito ang kopya
na dumaan na sa professional editor. Ako lang po ang nag-edit nito kaya kung
sakaling makakita kayo ng grammatical errors or typo graphical errors, ngayon pa
lang po ay humihingi na ako ng paumanhin. 
Isa pa, asahan na po ninyo ang MABAGAL na UPDATE dahil gaya ng nasabi ko dati,
sobrang busy ko po ngayon at may nire-rewrite akong old Manuscript na request ng
editor ko. Kaya sana walang MAKULIT na magko-comment ng 'update pls' lalo na kung
ilang oras pa lang ang nakakalipas simula nang i-post ko 'yong latest update. Nai-
stress ako sa ganoon. Kaya nakikiusap ako, walang mangungulit at matutong
maghintay. 
Maraming salamat po at sana'y magustuhan ninyo rin ang kuwento ni Karl at Chaia.
Happy Reading!! 
~JA💜

*****************************************************************

NAALIMPUNGATAN si Karl nang marinig niya ang malakas na tawanan at kuwentuhan mula
sa labas ng kanyang silid. Pero dahil inaantok pa, tinakpan niya ng unan ang tenga
niya, pero naririnig pa rin niya ang ingay sa labas. Bumalikwas siya ng bangon,
saka umiling at huminga ng malalim. Mukhang wala na siyang choice kung hindi ang
bumangon ng maaga.
Bago tuluyang bumaba ng kama, umusal muna siya ng saglit na panalangin ng
pasasalamat. Pagkatapos ay dumiretso ng pasok sa banyo. Nang matapos na niya ang
lahat ng dapat gawin ay lumabas na siya at nagtungo sa Dining Area. Naglingunan sa
kanya ang mga pinsan niya.
"Good Morning, 'cous!" magiliw na bati sa kanya ng pinsan niyang si
Marisse.
Parang bata na ginulo niya ang buhok nito. "Good Morning!" bati rin niya
dito.
"Mukhang tinanghali ka yata ng gising ngayon, apo. Anong oras ka na ba
nakauwi?" tanong ng Lola Dadang niya.
"Alas-kuwatro na po. Nag-inventory kasi kami kanina." 
"Aba Karl, nawiwili ka ng uuwi ng umaga. Hindi na wasto ang pagtulog mo.
Baka mamaya naman eh ma-anemic ka niyan," sabi pa ng Lola niya na may halong pag-
aalala.
Napangiti siya. Lumapit siya dito saka niyakap ito mula sa likod. "Lola,
you worry too much about me. Malaking tao ako para tamaan ng Anemic na 'yan." 
Hinampas siya nito sa braso. "Naku eh, tigilan mo nga ako ng katwiran
mong iyan!"
"Naku Lola, huwag kayong magpapaniwala diyan. Baka may kasamang babae
lang 'yan," sabad naman sa usapan ni Wesley.
"Hoy! Wala ah!" mabilis na sagot niya.
"Obvious ka naman masyado, defensive!" sabi naman ni Mark.
"Hindi ako defensive, nagsasabi lang ako ng totoo." 
"Karl, alam kong magagandang lalaki ang mga lahi natin. Pero kailangan
mong tandaan na ang mga babae hindi 'yan laruan. You're enjoying too much, Apo,"
paalala ni Lolo Badong.
"Oh my, Grandpa! I super agree with you," sang-ayon naman ni Marisse.
"Lolo, hindi ko naman po pinaglalaruan ang mga babae. Nagkataon lang po
talaga na marami na akong nai-date." 
"Kapag nakita mo na ang babaeng nakalaan para sa'yo. Hinding hindi ka na
titingin pa sa iba. Remember that," sabi naman ng kakambal ni Marisse na si Marvin.
"Alright, alright. I'll keep that in mind." Pagkatapos ay naupo na siya
sa puwesto niya doon sa harap ng dining table. Saka naman biglang nagdatingan ang
iba pa nilang mga pinsan.
Nagkatinginan sila ng kumuha ang mga ito ng kanya kanyang pinggan. "Bakit
kayo nandito? Wala bang mga pinggan sa bahay n'yo?" pagbibirong tanong pa niya sa
mga ito.
"Makikikain kami ng almusal," sagot ni Daryl.
"Ang yayaman n'yo, lalo na ikaw. Anak ka ng Senador, tapos dadayo ka dito
para makikain." 
"Mas masarap kasi magluto si Inday," sabi naman ni Jester.
Nang tingnan nila ang butihin nilang kasambahay ay nakangiti ito. "Dakal
a Salamat," sagot nito habang parang kinikilig pa.
"Alay ta ne!" sagot naman ni Jester, na ang ibig sabihin ay 'Wala 'yon
no'.
"Tama si Jester. Masarap kang magluto, mabuti na lang at naituro ni Sumi sa'yo
'yung mga recipes niya," sabi pa ni Kevin.
"That's why I'm so proud of Sumi !" pagmamalaki pa ni Miguel.
"Balu ku malagu ku!" sagot naman ni Inday. Ang ibig sabihin ng sinabi nito ay 'Alam
ko maganda ako.'
Kumunot ang noo ni Lola Dadang. "Naku eh, nangarap ka na naman na bata ka!" 
"Sabi ku manyaman magluto ali malagu!" sabi ulit ni Jester, na ang ibig sabihin ay
'Ang sabi ko masarap magluto hindi maganda!'.
Kunwari'y nagtampo ito at nag-walk out. Dahil kilala naman nilang maloko ang
kasambahay nilang iyon, kaya tinawanan lang nila ito.
"Teka nga, maiba tayo ng usapan," ani Gogoy, pagkatapos ay binalingan nito ang
pinsan niyang si Mark. "Kumusta na pala ang raffle promo natin?"
Lumapad ang ngiti nito. "It was a success! Marami ang sumali sa promo natin. And
let me remind you, malapit na ang raffle. May nanalo na ng Volvo!" sabi pa nito.
"Pwede bang akin na lang ang Volvo? I'll pay you!" singit ni Jefti.
"Prosche Cayenne na kotse mo, gusto mo pang mag-Volvo! I object!" protesta agad ni
Marisse.
"Eh kung ako na lang kaya ang bumili," sabi pa ni Glenn.
"Tigilan n'yo! Huwag n'yo nang pag-interesan ang Volvo!" saway ni Gogoy sa mga
pinsan.
"So, kailan ang raffle promo?" tanong ni Wayne.
"In two weeks," sagot ni Mark.
"Hala, magsikain na kung kakain. Mamaya na 'yang daldalan. Ako'y mauuna
na at maliligo pa ako," saway at paalam ni Lola Dadang.
"Dadang, ako nang magpapaligo sa'yo mahal ko," paglalambing ni Lolo
Badong dito.
"Susmaryosep ka, Badong! Hindi ka na nahiya sa mga apo mo! Tumahimik ka
nga diyan!" saway naman ni sa asawa. Pero hindi ito nakinig, bagkus ay sinundan pa
rin nito ang asawa. Napailing si Karl. Natutuwa siya sa Lolo at Lola niya, sa
kabila ng mahabang taon ng pagsasama. Hindi nawala ang pagmamahal nito sa isa't
isa. Minsan nga, iniisip nila. Sa sobrang sweetness ng dalawa, mabuti at hindi na
nasundan ang mga Mommy nila. Napangiti siya, imposible na kasing mangyari iyon.
Napalingon siya ng biglang magsalita si Marisse. "Ilan na lang ba sa inyo
ang walang love life?" biglang tanong nito, pagkatapos ay tinuro silang tatlo ni
Wesley at Gogoy.
"Tatlo na lang, wala ba kayong balak magkaroon ng girlfriend?" usisa pa
nito.
"Bakit naman napunta sa amin ang usapan?" nagtatakang tanong niya.
"Eh ano naman gusto mong pag-usapan natin? Yung sa amin? Eh may mga mahal
na kami," sabi naman ni Kevin, sabay hawak sa kamay ni Marisse.
"Don't invade our privacy," seryosong sabi ni Gogoy.
"Mawalang galang na nga po, pinuno. But there's no privacy to invade.
Wala ka ngang girlfriend eh!" walang prenong sagot ni Wesley.
Hindi sumagot si Gogoy, nakita niyang nagtagis ang bagang nito, pagkatapos ay
tiningnan nito ng masama si Wesley. Nagulat pa sila ng bigla padabog itong tumayo.
"Lagot ka Wesley!" pananakot pa ni Daryl.
"Bugbugin na 'yan! Bugbugin na 'yan!" pang-aasar pa lalo nila Miguel,
Marvin at Jester.
"Hey, it's just a joke!" biglang bawi ni Wesley.
"Teka, eh bakit ka naman magagalit? Eh wala ka naman talagang love life?"
sabad pa niya sa usapan. Sa kanya naman nabaling ang masamang tingin ni Gogoy.
Nagulat pa siya ng biglang takpan ni Marisse ang bibig niya.
"Ah, ha ha! Go, Mister CEO. You can walk out if you want. Hindi mo
kailangan intindihin ang sinasabi ng dalawang bakulaw na 'to!" sabi naman nito.
Iyon naman ang ginawa ni Gogoy, nag-walk ito nang nakasimangot. Nang
makalabas na ito ng bahay, nagulat siya ng bigla silang pinektusan ni Marisse.
"Aray ko! Masakit 'yon ah!" reklamo ni Wesley.
"Gusto mong ibitin kita ng patiwarik sa bintana! Bakit mo ako
pinektusan?" banta pa niya dito.
"Eh napaka-insensitive n'yo kasi! Alam mo naman sensitive si Gogoy
pagdating sa usapang love life!" sabi pa nito.
"Ikaw kaya ang nagsimula ng usapan na 'yan," sabi pa ni Glenn.
"Oo nga! Pero hindi ko sinabing pagtripan si pinuno," depensa ni Marisse
sa sarili.
"Ikaw Karl? Kailan mo planong mag-asawa?" tanong pa ni Jester sa kanya.
Napalingon siya sa tanong nito, saka tumawa siya ng pagak. "Seriously,
you're asking me that question?" 
Napailing si Jester. "You should believe in love. It exist," sagot nito
sa kanya.
"Love? Not for me." 
"Isang araw, Karl. Love will strike you. At kapag dumating na ang araw na
iyon. Hindi mo iyon matatakasan," sabi pa ni Miguel sa kanya.
"Malay mo, 'yung babaeng bagong makikilala mo ngayon. Siya na ang
mamahalin mo," sabi naman ni Daryl.
Umiling siya. "Tigilan n'yo ako sa usapan tungkol sa pagmamahal na iyon.
Fall in love for all you want. But not me, besides, why me? Hindi ba si Mark at Kim
ang taya sa taguan noong nakaraang linggo?"
"Sus, iyan? Eh kahit naman hindi mataya sa taguan 'yan matagal ng in love
'yan," pambubuking pa ni Marisse.
"Wait, bakit tatlo lang silang binilang mo? Wala pa rin akong love
life." 
"Weh? Ikaw? Walang love life? Eh anong tawag mo kay Kim?" tanong ni Kevin
na may halong panunudyo.
"Hindi ko siya gusto!" mabilis na sagot nito.
"Pengkum ka oy! Lokohin mo pa kilikili ko!" pambabara ni Marisse dito.
"Ang sabi ng isip ko'y ayaw. Ngunit ang sabi naman ng puso ko'y siya ang
mahal," dagdag pa ni Wayne, na nagboses bading.
Napuno ng malakas na tawanan ang buong Dining Area. Napailing siya sa
kakulitan ng mga ito. Natigil lang ang masayang usapan nilang dumating si Inday.
"Karl, may magpapahugas ng kotse! Tatlo." sabi nito.
"That's enough, trabaho na." aniya sa mga ito. Inubos lang niya ang kape sa tasa
niya, saka agad na sumunod sa ibaba.
Karl January Servillon. The man behind the success of Lolo Badong's Hugas
Kotse Gang. Nang maisip itong itayo ni Lolo Badong, siya ang naging punong abala.
Bukod sa pagma-manage ng Carwash nila. He owns the famous The Groove Bar. So far,
he already has two more branches within Makati and Quezon City. Sa dalawang
branches na iyon, partner niya ang ibang pinsan niya. Sila Marvin, Daryl at Wesley.
Bukod doon, share holder din siya sa Mondejar Cars Incorporated. At the age of
twenty eight, he's already a successful businessman. Sabi nga ng parents niya,
maaari na daw siyang mag-asawa. Pero wala pa iyon sa isip niya. No. Wala iyon sa
isip niya.
Love and marriage are not his thing. He doesn't even believe in both.
Naniniwala siya na may hangganan ang lahat ng relasyon. Because that what's
happened to his parents. He was still in highschool when they got separated. Nahuli
kasi ng Mommy niya ang Daddy niya na may ibang babae. Nagpunta ang Daddy niya sa
America at doon muli itong nakapag-asawa. Habang ang Mommy naman niya ay nasa
Australia ngayon at may asawa na rin. So, may mga half siblings siya sa magkabilang
side. Natatandaan pa niya. Pinag-aagawan siya noon ng parents niya, pero wala
siyang sinamahan sa mga ito. Sa halip, mas pinili niyang manatili sa
pangangalaga ng Lolo At Lola niya. Hindi naman nagkulang ang mga magulang niya sa
pagsuporta sa kanya pagdating sa pinansyal na aspeto. Pero kung siya ang
tatanungin, mas kailangan niya ang presensiya at gabay nito bilang mga magulang
niya.
Pero nakaraan na iyon. Ngayon na malaki na siya at nasa tamang edad na,
nasanay na siyang mabuhay ng wala ang mga ito. Kaya simula noon, pinangako niya sa
sarili niyang hindi siya mai-in love. Hindi siya maniniwala sa kasal, dahil sa
kabila ng lahat, magkakahiwalay din lahat ng mga magkakapareha. He will stay single
for as long as he wants. Go in a relationship minus love, and then break up after a
few months. Alam naman niyang marami na siyang nasaktan. Pero hindi ba? Ganoon
naman talaga ang buhay? Lahat tayo nasasaktan. Lahat tayo nabibigo.

"CONGRATULATIONS, Miss Reyes. Tanggap ka na." nakangiting wika ng Manager ng Bar na


in-applyan niya.
Umabot hanggang batok ang pagkakangiti ni Chaia. Hindi niya akalain na sa
dinami-dami ng in-applayan niya. Doon siya matatanggap sa pinakasikat na Bar. Ang
balita pa niya, puro mga kolehiyala at mga kilalang personalidad ang madalas
pumunta sa Bar na iyon.
"Thank you so much, Ma'am. Promise po, I'll be the best Bartender ever!"
masayang sagot niya.
Nakangiting tumango ito. "I'll expect that. And please call me, Miss
Anne." Anito.
Tumango siya. "Sige po, Miss Anne."
"So, I'll see you tomorrow?" tanong pa nito.
"Opo. Hindi po ako magpapalate!"  mabilis niyang sagot.
Paglabas niya ng Bar, hindi niya napigilan ang mapasigaw sa tuwa. "Yes!
Thank you, Lord!" sigaw niya, sabay taas ng dalawang kamay.
Napalingon sa kanya ang mga nasa paligid ng Bar. Hindi niya inalintana
ito, bagkus, ay ngumiti pa siya sa kanila at kumaway. Kung mga empleyado din ito ng
The Groove. Makakasama niya ang mga ito. Agad siyang umuwi sa kanila para masabi sa
Mama niya ang magandang balita.
"Mama!" malakas na tawag niya dito kahit nasa labas pa siya ng bahay.
Humahangos na lumabas ang Mama niya, agad niyang sinalubong ito ng mahigpit na
yakap.
"Naku, eh bakit? Anong nangyari, ha? Ayos ka lang ba, anak?" tanong pa ng Mama
niya, na may himig ng pag-aalala.
"Mama, okay lang po ako. May maganda po akong balita sa inyo." 
"Talaga? Ano naman 'yon?"
"May trabaho na po ako! Doon sa Bar na sinasabi ko pong puntahan ng mga
kilalang tao! Doon ako magta-trabaho!" masayang sagot niya.
Malapad na ngumiti ang Mama niya, saka siya niyakap. "Naku anak,
magandang balita nga iyan!" anito.
"Sa wakas, Ma. Makakatulong na rin po ako sa mga gastusin dito sa bahay!"
sabi pa niya.
"Hay, huwag mong isipin 'yon. Ang mahalaga kikita ka na rin para sa
sarili mo."
Niyakap niya ng mahigpit ang Mama niya. "Thank you, Ma," naluluhang wika
niya.
Marami ng pinagdaanan sa buhay si Chaia. Hindi nga niya lubos maisip kung
paano niya nalagpasan iyon. Nakatawid siya ng pag-aaral ng dahil sa sariling sikap
at kaunting tulong mula sa Mama Fe niya. Himala nga kung maituturing ang nangyaring
iyon. Pero kung mayroon man siyang dapat ipagpasalamat, iyon ay ang binigyan siya
ng mabait at mapagmahal na pangalawang Ina.
Ang tunay na Mama niya ay matagal ng pumanaw. Baby pa lang daw siya ay
wala na ito. Makalipas ng ilang taon, nag-asawa ulit ang Papa niya. Iyon nga ang
kinagisnan na niyang Ina, ang Mama Fe niya. Ito na halos ang nagpalaki sa kanya,
wala siyang masabi dahil tinuring siyang tunay na anak nito. Kaya mahal na mahal
niya ito. May isa din siyang kapatid, ang Ate Macy niya. Anak ito ng Mama Fe niya
sa unang asawa nito. Ngunit kabaligtaran ng Mama nila, mabigat ang loob nito sa
kanya. Ramdam niya noon pa man, na ayaw nito sa kanya. Ayaw nitong nag-asawa ulit
ang Mama nito. Madalas itong nagagalit sa kanya sa kung anu-anong dahilan. Ngunit
hindi niya ito pinapatulan, dahil kahit na ganoon ito. Mataas pa rin ang respeto
niya dito, isa pa, mahal niya ito. Sana lang, makita nito iyon. Kahit na alam
niyang mahal siya ng kinagisnang ina, hindi pa rin lubos ang kasiyahan niya dahil
wala na rin ang Papa niya. Namatay ito dalawang taon na ang nakakalipas dahil sa
sakit sa puso. Simula noon, mas naging madilim na ang buhay para sa kanya.
"Mama, salamat po ha? Kasi pinag-aral n'yo po ako ng College kahit
mahirap para sa inyo." Sabi niya dito.
Ngumiti ito sa kanya. "Ano ba naman iyang sinasabi mo? Anak kita,
tungkulin ko 'yon bilang Nanay mo." 
Hotel and Restaurant Management ang kursong tinapos ni Chaia, pero gusto
niyang mag-focus sa Bartending. Kaya nang makatapos siya, ay agad siyang nag-
trabaho. Nang makaipon siya, kumuha siya ng special course para sa Bartending.
Pinag-aralan niya pati ang Flair Bartending, o iyong paghahagis ng mga bote ng alak
at shakers na siyang gamit sa pagmi-mix ng alak.
"Galingan mo sa bagong trabaho mo, ha?" anang Mama niya.
"Siyempre naman po. Fighting!" nakangiting sabi pa niya, saka tinaas ang
isang kamao niya.
"Ano naman ibig sabihin no'n?" tanong nito.
Tumawa siya. "Mama, ibig sabihin po no'n. I'll do my best or goodluck."
Naputol ang tawanan nilang mag-ina ng lumabas ang Ate Macy niya. "Bakit
ba ang ingay mo, Chaia? Nakakairita 'yang boses mo ah!" paangil na sita nito sa
kanya.
Natahimik siya, saka sila nagkatinginan ng Mama niya. Ito ang nagsalita
para sa kanya. "Naku, anak. Alam mo ba? Natanggap si Chaia doon sa ina-applayan
niya." Sabi ng Mama niya dito.
Imbes na matuwa ay tinaasan pa siya ng kilay nito saka umirap sa kanya.
"Pakialam ko naman diyan!" sagot nito. "Alis na nga ako, baka mahuli pa ako sa
trabaho." 
Pagdating nito sa tapat niya. "Umalis ka nga diyan sa daanan ko, palagi
ka na lang nakaharang sa buhay ko. Kailan ka kaya mawawala? Peste ka!" pabulong
ngunit mariin nitong sabi sa kanya.
"Ate..."
Hindi na nito hinintay pang makasagot siya, basta na lang itong umalis.
Sadya pa siyang nitong binangga sa balikat.
"Huwag mo nang intindihin ang Ate mo. Para naman hindi mo kilala 'yan.
Pagod kasi palagi sa trabaho niya."
Tumango na lang siya. Kahit na sa kaloob-looban ay sadyang nasasaktan na
siya. Huminga ng malalim si Chaia, hindi bale, iyon na ang simula ng pagbabago ng
buhay nila. Kapag nakaipon ulit siya, kusa na siyang aalis sa bahay na iyon.
Masyado nang maliit ang mundo para sa kanilang dalawa ng Ate niya. Ayaw man niyang
iwan ang Mama niya. Ngunit wala siyang ibang mapagpipilian.
Bigla lang niyang naisip. Kailan kaya darating ang taong magbibigay ng
bagong kahulugan sa buhay niya. Ang magpaparamdam sa kanya na may kabuluhan siya sa
mundong ito. Na karapat-dapat din siyang mahalin.

[ 2 CHAPTERTWO ]
-------------------------------

HINDI na mabilang ni Chaia kung ilang beses na siyang huminga ng malalim.


Iyon ang unang araw niya sa The Groove Bar, at ang balita pa niya, ayon sa mga
kasamahan niya. Dadagsain daw sila ng mga tao sa gabing iyon dahil weekend. At
darating daw ang boss nila mamaya. Lalong kumabog ang puso niya dahil hindi pa niya
nakakaharap ang may-ari ng Bar. Ang tanging humarap lang sa kanya ay ang Manager
nila na si Miss Anne.
"Chaia, are you ready?" tanong nito.
Awtomatikong ngumiti siya. "Opo. Pero kinakabahan ako." 
Tinapik nito ang isang balikat niya. "Don't be. You'll be fine. Sa
galling ng pinakita mo sa amin during your interview at practical exam. Hindi ka
dapat kabahan. Show them what you got." Pagpapalakas pa ng loob nito.
Tumango siya. "Thank you po. Fighting!" sabi pa niya.
"Alam mo na ba 'yung mga drinks natin dito? Kabisado mo na?" tanong pa
nito.
"Opo, alam ko na po." Sagot naman niya.
"That's good. So, I'll see you in a bit,"
"Sige po."
Lord, kayo na po ang bahala sa unang gabi ko dito sa trabaho ko. Bless
the works of my hands. Amen. Piping panalangin niya.
"Chaia, tara na! Labas na tayo." 
Dahil malaki na paikot ang buong Bar apat silang bartender doon, at nag-iisa siyang
babae. Ang tatlong kasama niya ang mga nanghusga sa performance niya noong Actual
Performance Exam niya. Bago siya tuluyang humarap sa costumers, huminga ulit siya
ng malalim.
Go Chaia! Fighting! No guts! No glory! Pagpapalakas pa niya ng loob sa
sarili.
Pagharap niya sa mga customers, isang kolehiyala ang unang um-order sa
kanya, at mukhang suki na ito doon.
"Wait, you're new here. Right?" tanong agad nito sa kanya.
"Yes Ma'am!" magiliw na sagot niya.
"I knew it, anyway, give me one dry martini please." 
"Right away, ma'am," aniya. Agad niyang ginawa ang order nito at mabilis
na sinerve dito.
"Hmmm, you're good. I like you," nakangiting puri pa nito sa alak na
binigay niya.
"Thank you, ma'am."
Sa pagdaan ng mga sandali, unti-unti ay nawawala ang kaba ni Chaia.
Nagsimula na siyang mag-enjoy sa trabaho niya. Malaking pasalamat niya sa Diyos
dahil hindi siya nagkamali. At sa paglalim ng gabi, padami din ng padami ang mga
tao. Mabuti na lang at nasanay na siya kapag maraming customers, kaya na-handle
niya iyon ng maayos. Mayamaya, lumapit sa kanya ang isang kasamahan niyang
bartender.
"We'll start in five minutes, Chaia," paalala nito sa kanya. Ang
tinutukoy nito ay ang show na gagawin nila. Magpe-flair sila sa harapan ng mga
customers. Ibig sabihin, hahaluan nila ng sayaw at performance ang pagmi-mix nila
ng drinks. Mabuti na lang at may talent siya sa pagsayaw, kaya madali niyang nakuha
ang mga routines na tinuro sa kanya.
Sa isang show, tatlong routines ang gagawin nila. Or tatlong drinks ang
imi-mix nila. Ilang sandali pa, biglang lumakas ang musika sa buong Bar. Hudyat na
iyon na magsisimula na ang show. Nagsimulang pumapalpak at nagsigawan ang mga
customers na nanonood sa kanila, sinabayan ng mga ito ng palakpak ang musika. Kaya
lalong nawala ang kaba niya at mas ginanahan siyang mag-perform.
Sabay-sabay nilang ginawa ang mga routines. At masaya siya dahil
nakakasabay siya sa mga ito. At aaminin niya, iyon ang pinaka-favorite part niya sa
trabaho niya bilang isang bartender. Ang mag-perform at mapasaya ang mga customers
nila. Sa tatlong routines na ginawa nila, tatlong cocktails drinks din ang binigay
nila sa iba't ibang customers doon. Nang matapos ang show nila, pinaulanan siya ng
papuri. Hindi daw nila akalain na makakasabay siya sa tatlong beteranong bartender
doon. Ang sagot niya sa mga ito.
"Wala naman pong mahirap kapag desidido kang gawin ang isang bagay,"
aniya.
"Great job, Chaia." puri sa kanya ni Miss Anne. "Nagustuhan ni Sir Karl
ang performance mo."
Nanlaki ang mata niya, sabay lingon sa paligid. "Talaga po? Nandito na si
Boss?" tanong niya.
"Oo, nariyan lang siya sa paligid. Nag-e-estima ng mga customers at mga
kaibigan niyang suki na nitong Bar," sagot nito.
"Eh Miss Anne, ano po bang itsura ni Sir Karl?" tanong niya.
Ngumiti lang ito. "Hintayin mo na lang, lalapitan ka rin no'n," sagot
nito ng nakangiti, pagkatapos ay umalis ito agad. Nagtaka siya sa sagot nito.
Ano bang itsura no'n? At kailangan pang pa-suspense? Tanong niya sa
sarili. Pinilig niya ang ulo. Saka tinuon na lang sa trabaho ang atensiyon, wala
naman siyang dapat ikatakot. Sabi nga ni Miss Anne, nagustuhan daw nito ang
performance niya sa gabing iyon.
"Kuya, puwede ba akong mag-CR muna? Naiihi na talaga ako eh," paalam niya
sa kasama.
"Sige, ako munang bahala dito. Pero balik ka agad, ha?" pagpayag nito.
"Okay." 
Agad siyang lumabas ng Bar. Habang naglalakad siya patungo sa
kinaroroonan ng Comfort Room, may mga customers doon na patuloy pa rin siyang
binabati. Malapit na siya sa CR nang mabangga siya ng kung sino.
"Aray!" daing niya.
"Oh, I'm sorry Miss," hinging paumanhin agad ng nakabangga sa kanya.
"O-okay lang." aniya.
Pag-angat niya ng ulo, para tingnan kung sino ang may malaking katawan na
bumangga sa kanya. Daig pa niya ang sinipa ng kabayo. May kung anong sumikdo sa
dibdib niya sa sandaling nagtama ang paningin nila. Hindi agad siya nakakibo.
Nanatili lang siyang nakatulala sa harap nito. Paano nga ba hindi siya matutulala?
Napakaguwapo nito. Sa kabila ng malamlam na ilaw sa paligid ng buong Bar. Naaninag
niya ang magandang mata nito. He has honey brown eyes. Medyo matangos ang ilong
nito, at mapula ang mga labi nito. Halatang hindi ito naninigarilyo. Hindi rin
nakaligtas sa paningin niya ang clean-cut na buhok nito. He's perfection.
Pero bakit ganito ang kaba sa dibdib niya? Hindi niya maintindihan. Bakit
kailangan bumilis ang tibok ng puso niya? Hindi naman niya kilala ito. Tinitigan
niya ito ng mabuti. May kung anong bumubulong sa puso niya na nakita na niya ang
pares ng mga matang iyon, hindi lang niya maalala kung saan. Tila natauhan siya ng
magsalita ang lalaking nasa harap niya.
"You must be Chaia," anito.
Kumunot ang noo niya. Nagtaka siya dahil alam nito ang pangalan niya.
"Kilala mo ako?" tanong niya dito. Bigla niyang naalala na may name tag
pala sila. Wala sa loob na nahawakan niya iyon saka napangiti. "Oo nga pala,"
aniya. Para hindi siya tuluyang mapahiya ay nagpaalam na siya dito.
"Ah, sige po. Una na ako," sabi pa niya. Pagtalikod niya, nagulat siya
dahil pinigilan siya nito.
"Wait."
"Bakit po?"
"I want to congratulate you for doing great on your first night here in
The Groove. I think the customers like you. Karamihan kasi ng Bartender na magaling
sa Flairing ay mga lalaki. And first time na magkaroon kami ng Bartender na babae,"
mahabang sabi nito.
Agad na natutop niya ang bibig. Saka mabilis na rumehistro sa isip niya
kung sino ang nasa harap niya. "Oh my! Hala! Kayo po ba si Sir Karl? Ang may-ari
nitong bar?" tanong pa niya.
Mabait na ngumiti ito sa kanya, saka mabilis na tumango. "Ako nga." Sagot
nito.
Nilahad nito ang kamay. "It's nice to meet you, Chaia," sabi pa nito.
Tinanggap niya ang kamay nito, para lamang muling mapatulala. Hindi niya sigurado
kung naramdaman nito iyon. May kung anong mainit na pakiramdam ang hatid ng
pagdadaop ng palad nilang iyon. Wala sa loob na napatingin siya dito, ganoon din
ang ginawa nito. Mataman itong tumingin sa kanya ng hindi binibitawan ang kamay
niya. Pilit niyang kinalma ang puso niyang unti-unti ay nawawala sa normal ang
pagtibok.
Nagbitiw lang sila ng kamay ng dumating ang isang lalaki na guwapo din.
"Hey! You're the new Bartender!" sabi pa nito.
Napakurap siya. Saka tinignan ang bagong dating. "Uhm opo." 
"Pinsan, saan ka ba pumupunta? Bakit ngayon mo lang nakita ang isang
magaling na gaya ni...Uh, what's your name again?"
"Chaia po," pagpapakilala niya.
Ito mismo ang kumuha ng kamay niya saka pinakilala din ang sarili.
"Wesley. I'm his cousin. Actually, marami kaming magpi-pinsan dito. Mamaya,
lalapitan ka nila." 
Pinakiramdaman niya ang sarili ng magdaop ang palad nila. Ngunit hindi
niya naramdaman dito ang naramdaman niya kay Karl kanina nang magkamay sila. Wala
sa loob na napatingin siya sa huli, nakangiti lang ito habang nakikinig sa kanila.
"Uh, sige po. Una na ako. Sir. Sir Wesley." 
"Okay."
Mabilis siyang nagtungo sa CR. Pagdating sa loob ng cubicle, agad siyang
sumandal doon saka humugot ng malalim na hininga. Hindi niya alam kung anong meron
ang Boss niyang iyon, at ganoon ang reaksiyon niya. Hinawakan ni Chaia ang bilog na
emerald stone na pendant ng kuwintas niya.
Relax Chaia. Siya kasi ang boss mo kaya ka kinakabahan. Okay? Iyon 'yon!
Pangungumbinsi pa niya sa sarili.
Hindi alam ni Chaia kung ano ang mga mangyayari sa kanya sa pagtatrabaho
niya sa The Groove Bar. Pero dalangin niya na sana'y iyon na ang simula at maging
daan ng pagbabago ng kanyang buhay.

HINDI mapigilan ni Karl na sulyapan ang bagong Bartender niya. Hindi kasi niya
maisip kung saan niya nakita ito. Kanina nang magkabangga sila at magkaharap, he
suddenly felt strange. He knows, somewhere, he already met Chaia. Pero saan? Pilit
niyang hinalukay ang isip niya. Ngunit hindi talaga niya maisip. Muli niyang
tiningnan ito. Abala ito ng mga sandaling iyon sa pag-e-estima ng mga customers.
Nang sandaling magtama ang mga mata nila. Alam ni Karl, nakita na niya
ang kulay tsokolateng mata na iyon. Wala sa loob na napahawak siya sa pendant ng
kuwintas niya, isa iyon singsing na may hawig sa sapphire gemstone. Bata pa lang
siya ay palagi na niyang suot iyon. Bigay iyon ng isang kaibigan na nakilala niya,
ilang taon na ang nakakalipas. At sa maraming taon din ang lumipas, hindi na sila
nagkita pa nito. Ngunit lihim siyang umaasa na muling pagtagpuin ng tadhana ang
kanilang landas. Naputol ang pag-iisip niya ng bahagya siyang sikuhin ng pinsan
niyang si Jefti. Nang lumingon siya dito, nginuso nito si Chaia.
"You like her?" diretsong tanong nito.
"Hindi ah!" mabilis niyang sagot.
"Really?"
"Hindi masamang umamin, kami naman ang kasama mo eh." Giit pa ng pinsan
niyang si Miguel. Halata naman na nang-aasar lang ito.
"She's not bad. Actually, not very bad. She's beautiful," puri pa ni
Daryl.
"Bagay nga kayo eh," dugtong pa ni Marvin, sabay tapik sa balikat niya.
Pumiksi siya. "Ano ba kayo? Puro kayo kalokohan eh! Pamilyar lang siya sa
akin," sagot niya sa mga ito.
"Ano ka pengkum? Kilala ka namin, boy! Isa 'yan sa mga dialogue kapag may
nilalapitan kang babaeng type mo." Pambubuking ni Jester.
"Uhm, excuse me, Miss. Have we met before? I'm not sure, but your face
looks familiar. Did I saw you somewhere? Oh, I'm sorry. It must be somebody else.
By the way, I'm Karl, and you are?" panggagaya pa ni Kevin sa kanya.
Hindi siya nakasagot agad. Totoo naman kasi ang sinasabi ng mga ito. Iyon
ang madalas niyang introduction sa mga nagugustuhan niyang babae. Tumikhim siya ng
malakas bago sumagot, para makabawi sa pagkapahiya.
"Nah! This time it's for real. Parang nakita ko na siya na hindi. I don't
know. Somewhere."
"Nice, so you mean you're attracted to her?" usisa pa ni Glenn.
"Wala akong sinabing ganyan," sagot niya.
"Such a looker for a bartender. Sa totoo lang, naka-jackpot ka ng i-hire
mo siya. Dagdag hatak ng customers si Chaia. Dahil bukod sa maganda na, magaling
pa. At mukhang mabilis matuto." Sabi pa ni Wayne.
Hindi siya sumagot. Dahil abala siya sa pag-iisip kung saan at kailan
niya nakita ito. Pero ayaw talagang maki-cooperate ng utak niya. Marahas siyang
napabuntong-hininga sabay pilig ng ulo.
"Hindi ko talaga maalala," aniya.
"Huwag mo kasing kunsumihin sarili mo! Tingnan mo, bigla mo na lang
maaalala 'yan." Sabi pa ni Mark sa kanya.
"Tara, lumipat tayo doon sa puwesto ni Chaia," yaya sa kanya ni Wesley.
"Huwag na! Dito na lang tayo!" tanggi niya.
"Bahala kayo, I'm going!" sabi nito, saka mabilis na nilapitan si Chaia,
umupo ito sa bakanteng high chair sa harap ng Bar. Nagsunuran ang iba pa niyang mga
pinsan, kaya sumunod na rin siya.
"Wait, I'll go ahead," paalam ni Gogoy sa kanya.
"Aren't going to stay for a bit longer? Nagkakasiyahan pa tayo," pigil
niya dito.
"I'll pass. Pagod ako. Kaya lang ako sumama dito para magpa-antok." 
"Makakapagmaneho ka pa ba? Sabihin mo lang kung hindi, ipapahatid kita sa
isa sa kanila," aniya.
20
"No, I'm okay. Hindi naman ako nahihilo. Konti lang ang ininom ko." 
"Okay, ingat," sabi pa niya dito.
Pumasok siya sa loob ng Bar at doon tinabihan niya si Chaia. Tila
nahihiya pa ito ng tumingin at bumati sa kanya. Pinakilala niya dito isa-isa ang
mga pinsan niya. At sa pagdaan ng mga sandali. Madaling nakagaanan ng loob ni Chaia
ang mga pinsan niya. Mula sa likuran nito, lihim niya itong pinagmasdan. Baka
nagkakamali siya, hindi pa sila nagkikita nito.
"Sir, gusto po ninyo ng drinks? Igagawa ko po kayo." 
Ngumiti siya dito. "No thanks, I'm done. I already had a few drinks,"
sabi pa niya.
"Okay po."
Mayamaya, muli na naman itong dinagsa ng mga customers. Dumami ang orders
nito. Dahil naroon siya sa loob ng Bar, tumulong siya sa pagse-serve ng drinks.
Dahil busy at tutok sa ginagawa si Chaia, hindi namalayan nito na nahulog sa sahig
ang basahan ginagamit nito pamunas.
"Konting Flair naman diyan, Chaia!" kantiyaw pa ng mga pinsan niya dito,
maging ng ibang mga customers.
"Naku eh," usal nito, sabay sulyap sa kanya. Tila ba hinihingi nito ang
permiso niya na mag-flair.
"Go ahead," pagpayag niya. Sinabayan nito ang malakas na musika, habang
nagmi-mix ng drinks ay nagpe-flairing din ito. Muli na naman itong pinalakpakan ng
mga tao. Dahil abala ito sa pagpe-perform, hindi na nagawa pa nitong pulutin ang
basahan na nahulog. Akma siyang yuyuko para pulutin sana iyon, dahil baka madulas
ito. Nagulat pa siya ng marinig niya itong biglang sumigaw. Natapakan nito ang
basahan at nadulas.
Awtomatikong kumilos ang katawan niya. Mabilis niyang sinalo ito ng mga bisig niya,
at hinapit palapit sa kanya para hindi ito bumagsak sa sahig. Napapikit ito. Nang
dahan-dahan itong dumilat, kapwa napako ang mga mata nila sa isa't isa.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Tanong niya sa sarili. Unti-unti ay
kumakabog ng malakas ang puso niya.
"Ah, a-are y-you okay?" kandautal na tanong niya.
Namumula ang magkabilang pisngi na tumango ito. "O-opo, thank you, Sir." 
Tatayo pa lang ito ng maayos nang siya naman ang madulas, dahil nakahawak
ito sa braso niya. Natangay niya ito, kaya dalawa silang bumagsak ng sahig. Muli na
naman itong humiyaw. Siya naman ay napaigik ng biglang kumirot ang likod niya.
Ngunit ang mas nakabahala sa kanya ay ang posisyon nila. Chaia was on top of her.
Nang ma-realize nito na nasa ibabaw niya ito. Mabilis itong tumayo.
"Naku, Sir. Sorry po!" hinging paumanhin nito agad, sabay tayo. Inalalayan pa siya
nitong tumayo.
"No, it's okay. It's my fault. Ako ang nadulas." 
Nang sumulyap siya sa mga pinsan niya ay iisa ang hilatsa ng pagkakangisi
nito. Halatang nanunudyo na naman ang mga ito.
"Sorry po ulit." 
Tumango lang siya, bago umalis ay tinapik niya ito ng mahina sa braso.
Saka mabilis na umalis doon sa Bar. Dumiretso si Karl sa loob ng CR. Doon siya
nakahinga ng maluwag. Hindi siya maaaring magkamali. Minsan lang niya naramdaman
ang ganoon klase ng kaba. At paano nga ba niya makakalimutan ang dalagitang
nagpatibok ng kagaya niyon sa puso niya.
Gising Karl! Focus! Hindi siya si Ikay! Sabi pa niya sa sarili.

NANG humupa na ang mga customers, naupo sandali si Chaia sa sahig ng Bar.
Saka pilit na pinakalma ang sarili. Hindi niya maalala ng maayos ang nangyari
kanina. Basta ang natatandaan lang niya, humiling ang mga pinsan ng Boss niya na
mag-flair siya. Pinagbigyan naman niya ito dahil na rin sa pagpayag nito. And the
next thing she knew, bigla na lang siya nadulas at nasalo siya nito. Pagkatapos, ay
tuluyan silang bumagsak sa sahig at nasa ibabaw na siya nito.
Mariin siyang napapikit, saka marahan tinapik-tapik ang magkabilang
pisngi.
"Naku Chaia, mag-ingat ka ng kilos mo. Ayaw mo naman sigurong mabawas sa
sweldo mo ang mababasag mo," pagkausap pa niya sa sarili.
Biglang rumehistro sa isip niya ang naging eksena kanina. Habang
nakakulong siya sa mga bisig nito at malapit ang mukha sa isa't isa. Malinaw sa
alaala niya kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib niya.
"Yah! Boss mo siya! Hindi dapat ganoon!" pagpapakalma pa niya sa sarili.
"Chaia, may customer," sabi kasama niyang Bartender.
Tumango siya. Huminga muna siya ng malalim bago muling tumayo at harapin
ang customers. Pilit niyang pinalayas ang kung ano man nagpapagulo ng isip niya.
Lalo na kung tungkol sa Boss niya.

***********************************************************************

SEE YOU SA NEXT UPDATE! MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! 😁


~JA💜

[ 3 CHAPTERTHREE ]
-------------------------------

HELLOOOO~!! I'm back!! Regular weekly updates is also back. Balik to Tuesday &
Friday updates ang lahat ng on-going stories ko. Maraming salamat sa mga matiyagang
naghintay. Maraming salamat sa patuloy na sumusuporta habang missing in action
ako. 
Anyway, happy reading! 

*****************************************************************
NAPABALIKWAS ng bangon si Chaia matapos mabasa ang text ng kaibigan niya.
Biglang nawala ang antok niya. Kinusot pa niya ang dalawang mata para masigurong
tama ang pagkakabasa niya ng mensahe nito. Mabilis pa sa alas-kuwatro na dinaial
niya ang numero nito.
"Hello! Talaga? Mamaya na ang grand raffle na promo ng Mondejar Cars
Incorporated?" bungad niya pagsagot nito ng tawag niya.
"Oo nga! Kailangan talaga paulit ulit?" anang kaibigan niya.
"Hala! Naku Lord, alam ko magiging akin ang Volvo na 'yon!" sabi pa niya.
"Hello Lena! Kapag ako ang naging grand winner, promise ikaw ang unang-unang
isasakay ko!"
"Aba dapat lang no? Eh teka, marunong ka bang magmaneho at nangangarap
ka na mapasakamay mo ang Volvo na 'yon?" tanong pa ni Lena, ang bestfriend niya
since College.
"Marunong na ako ng basic. Madali na 'yung iba." Sagot niya.
"Eh teka, kumusta naman pala ang bagong trabaho mo?" tanong nito.
"Okay naman, ang babait ng mga kasama ko. Kaya madaling napalagay ang
loob ko doon."
"Eh 'yung boss mo? Okay naman?" tanong ulit nito.
Hindi agad siya nakasagot. Mabilis na nag-flash back sa kanya ang
nangyari kagabi. Mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi niya, agad naman niyang
pinilig ang ulo at pinalis ang eksenang iyon.
"Hoy, hindi ka na nakasagot diyan. Masungit ba ang boss mo?" pukaw nito
sa kanya mula sa kabilang linya.
"H-ha? Hi-hindi, hindi. Ah, mabait nga eh. Pasensiya na may naalala lang
kasi ako." Sagot niya.
"O, basta mamaya. Alas-sais, manood ka. Televise ang pag-announce ng
winner." Paalala nito.
"Oo sige, hindi ko kakalimutan. Makikipanood na lang ako sa trabaho no'n.
May TV naman sa pantry namin." Wika niya.
"O siya, bye na. May gagawin pa ako."
"Bye."
Pag-pindot niya ng End Call button, mabilis na kinuha niya ang ticket at
entry niya. "Volvo, you'll be mine." Pagkausap pa niya sa pobreng ticket,
pagkatapos ay muli niyang tinabi sa loob ng wallet niya iyon saka tuluyan ng
bumangon.
Nang sulyapan niya ang oras, alas-kuwatro na ng hapon. Pagdating niya
doon sa bahay nila kaninang umaga, agad siyang nakatulog dahil sa pagod at antok.
Hindi na niya nakuha pang bumangon ng tanghalian para kumain. Paglabas niya ng
silid, naabutan niya ang Mama niya na abala sa pagtatahi ng kurtina. Ito ang
pinagkakakitaan nito. Ang pananahi ng mga kurtina at kung anu-ano pa.
"Anak, gising ka na pala. Kumain ka na, hindi ka pa nanananghalian." Sabi
nito pagkakita nito.
Ngumiti siya dito pagkatapos ay niyakap niya ito mula sa likod nito.
Narinig niyang tumawa ito. "Ang anak ko, naglalambing." Anito.
Ngumiti siya. "Wala lang po." Usal niya.
"Ay siya, kumilos ka na at baka ma-late ka. Pinagtabi kita ng ulam
kaninang tanghali. Kumain ka na."
"The best ka talaga, Ma."
"Sus! Binola mo na naman ako."
Habang kumakain ay muli na naman sumiksik sa utak niya si Sir Karl. 
Napabuntong-hininga siya. Panibagong gabi na naman iyon para sa kanya. Ilang
kolehiyala at conyo kaya ang makakahalubilo niya. Napangiti siya ng maalala niya
ang mga pinsan ng boss niya. Nang magsabog yata ng kaguwapuhan ang langit, may dala
yatang batya ang mga ito at tila nasalo ng mga itong lahat iyon. Ngunit sa kabila
niyon, kita niya ang kababaan ng loob ng mga ito. Hindi mayabang at pasikat ang mga
ito gaya ng iba. Masaya ngang kasama ang mga ito.
Nandoon kaya si Sir mamaya?
Mabilis niyang pinilig ang ulo matapos biglang sumulpot ng tanong na iyon
sa isip niya. "Eh ano naman kung nandoon si Sir mamaya? Natural lang 'yon dahil
siya ang may-ari ng Bar." Sabi pa niya sa sarili.
Bigla siyang napangisi ng lumingon ang Mama niya na nakakunot-noo. "Anak,
sinong kausap mo?" tanong nito.
"Uhm, kayo po. Sabi ko, masarap po 'yung niluto n'yo." Pagdadahilan niya.
"Ah, sige, salamat." Anito, pagkatapos ay binalik ulit nito ang atensiyon
sa tinatahi nito.
Hay Chaia! Ayusin mo nga utak mo! Ha? Trabaho ang dahilan kaya nandoon
ka! Hindi ang kung ano pa man! Focus! Fighting! Aniya sa sarili.

HABOL pa ni Chaia ang hininga niya nang makarating siya sa The Groove. Kailangan
kasi ay alas-sais naroon na siya. Hinahabol niya ang grand raffle promo ng MCI.
Pagdating niya sa pantry, naabutan niyang naghihintay din ang mga kasama niya.
"Miss Anne, nag-umpisa na po ba?" tanong agad niya, sabay upo.
"Sumali ka rin? Hindi pa, ngayon pa lang." anito.
"Ay, mabuti naman. Akala ko late na ako." Sabi niya, nilabas niya ang
raffle ticket. Eksakto naman biglang nag-umpisa ang programa.
"Good Evening po sa inyong lahat! Ito na po ang matagal na ninyong hinihintay!
Alam kong excited na kayong malaman kung sino ang mananalo ng brand new Volvo c30!"
pag-uumpisa ng babaeng host ng programa. "So, I think hindi na natin patatagalin pa
ito. We have here our DTI Representative, para i-check ang validity ng entry na
mananalo ngayon gabi. And also we have here, the representatives of Mondejar Cars
Incorporated. The Vice-President of MCI, Mister Daryl Mondejar Rivera and the
Operations Manager, Mister Miguel Mondejar Despuig."
Habang palapit ng palapit ang oras, lalong kumakabog ang dibdib niya.
"Mister Rivera, maaari po bang kayo ang bumunot sa gabundok na entries
natin. Para malaman na natin kung sino ang mapalad na winner ng brand new Volvo
c30?" sabi pa ng host.
Napakunot noo si Chaia. Hindi siya maaaring magkamali, ang dalawang iyon
ay dalawa sa mga nakausap niya kagabi doon sa Bar. Mga pinsan ito ng Boss niya.
Kung ganoon, ang boss niya...
Naputol ang pag-iisip niya ng muling magsalita ang host. "Here we go! The
lucky winner of Volvo c30! Hawak na ni Mister Rivera ang mapalad na winner." Anito.
Tiningnan muna ng DTI Representative ang raffle entry, matapos nitong ma-
inspeksiyon. Muli nitong binalik kay Daryl ang entry.
"Please do the honor to announce the winner." Anang host.
Napahigpit ang hawak niya sa raffle ticket niya. "And the grand winner of
Volvo c30, by Mondejar Cars Incorporated is..."
Kumabog ng malakas ang dibdib niya. Eksakto naman na dumating ang boss
niya. Nakiupo ito at nakinood din.
"Chaia Reyes of San Andres Bukid, Manila!" anunsiyo ni Daryl.
Nanlaki ang mga mata niya. Kasabay nang panlalamig ng buong katawan
niya, kasunod ng paglakas ng tibok ng puso niya. Dahan-dahan naglingunan sa kanya
ang mga kasama niya.
"Chaia," ani Miss Anne.
Totoo ba ang narinig niya? Pangalan ba niya iyon? O baka naman nagkamali
lang siya ng dinig.
"Ako? Ang nanalo?" tulala pang tanong niya.
Nagulat siya ng biglang magsigawan ang mga ito.
"Chaia! Ikaw ang panalo!" malakas na sigaw ng isang waitress na kasama
niya sa trabaho.
Doon nag-sink in sa isip niya ang mga pangyayari. Napahiyaw siya ng
malakas, at naglulundag. Wala sa loob na humarap siya kay Karl.
"Sir Karl! Panalo ako!" masayang wika niya, habang naluluha ang mga mata
niya sa sobrang saya. Hindi niya namalayan na sa sobrang saya niya ay napayakap
siya dito. Saka lang niya na-realize ang ginawa niya ng gumanti ito ng yakap sa
kanya. Sabay bulong sa tenga niya.
"Congratulations, Chaia." Anito.
Hinipan ang lahat ng nasa utak niya. Sa isang iglap ay nakalimutan niyang
nanalo siya ng mamahalin at bagong kotse. Nakalimutan niyang may mga tao sa
paligid. Bagkus, ay nakulong siya sa ideya na nakakulong siya sa matipunong bisig
nito. And it actually felt good. So good.
Parang kagabi lang...

HINDI maitago ni Chaia ang saya at excitement habang naglalakad papalapit sa


Mondejar Cars Incorporated Showroom. Iyon na ang araw na makukuha niya ang
napanalunang kotse. Ayon sa organizers ng contest na nakausap niya kinabukasan
matapos i-anunsiyo na siya ang panalo. Pinatawag siya kinaumagahan sa opisina ng
MCI. Doon ay pinirmahan niya ang mga papeles ng kotse. Dahil kailangan pang ayusin
ang ilang mga legal papers ng sasakyan, hindi muna niya naiuwi ang Volvo.
Naalala pa niya noong unang beses na i-anunsiyo na may pa-contest ang
pinakasikat na Car Shop. Wala pa nga siyang interes dati, dahil ang katwiran niya,
sa dami ng gustong sumali. Imposibleng manalo siya. Ngunit kinumbinsi siya ni Lena
na sumali. Hanggang sa makita mismo ng mga mata niya kung gaano kaganda ang kotse.
Ang isang pirasong raffle entry ay naging sampu. Ayon kasi sa Contest Organizer.
Ang mga sasali ay kailangan bumili ng toy replica ng Volvo c30 sa mga partner
establishments ng MCI, na nagkakahalaga ng isang daan piso. Sa bawat toy replica ay
katumbas ng dalawang raffle entry. Pagkatapos fill-up-an ang entry niya. Hinulog
niya iyon sa drop box.
Ngayon, narito na siya sa tila isang panaginip na pangyayari sa buhay
niya. Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang ordinaryong Bartender na kagaya niya
ay magkakaroon ng isang mamahalin na luxury car. Ngunit hindi sa kotse kumabog ng
husto ang dibdib niya, kung hindi sa lalaking paparating at sumasalubong sa kanya.
"Hi Chaia!" nakangiting bati nito sa kanya.
"Hi Sir Karl," bati din niya dito.
Napapailing ito habang nangingiti. "Sir Karl? Wala naman tayo sa Bar para
tawagin mo ako ng Sir." Anito.
Hindi siya nakakibo. Nahihiyang tumungo siya. Wala kasi siyang maisip na
sabihin.
"Call me, Karl. Hindi mo kailangan magpaka-pormal kapag wala tayo sa The
Groove." Sabi ulit nito.
Tumango siya. "Okay, Karl."
"Let's go! Everybody's waiting for you." Anito.
Bago pumasok. "Teka, baka mamaya may media." Aniya. Isa iyon sa
pinakiusap niya. Ang totoong plano ng mga ito ay ipe-present siya sa media. Pero
dahil pribadong tao siya, nakiusap siya sa mga ito na kung maaari ay walang media.
Ayaw kasi niyang makakuha ng maraming atensiyon ang pagkapanalo niya. Lalo na sa
panahon ngayon na uso ang mga Car Jackers, aware siya na magiging mainit sa mga
mata ng mga ito ang kotseng kagaya niyon.
Pagpasok pa lang niya sa pinaka-entrance ng Showroom. Agad siyang
sinalubong ng malakas na palakpakan ng buong staff ng MCI. At mukhang kumpleto ang
magpi-pinsan.
"Congratulations, Chaia!" anang mga ito.
"Thank you very much!" nakangiting wika niya.
Lumapit ang nakakatandang pinsan ni Karl. Kung tama siya ng pagkakatanda,
John Michael Lombredas ang pangalan nito. Pero narinig niya sa mga pinsan nito na
Gogoy ang tawag ng mga ito dito.
"Thank you, Sir."
Lumapit sa kanya si Marvin at si Daryl. "Here's the papers, Chaia." Sabi
ni Marvin, sabay abot ng isang brown envelope. "Nariyan ang lahat ng papeles ng
kotse mo. Lahat ng iyan ay nakapangalan sa'yo. Asahan mong wala ng magiging
problema pa sa mga iyan."
"And here's your car key. Finally, you can take home your car." Sabi
naman ni Daryl.
Nag-uumapaw sa kasiyahan ang puso niya, sa sandaling kinuha niya ang susi
ng kotse.
"Wayne, kunin mo na yung kotse sa likod." Utos ni Gogoy sa pinsan nito.
Lumapit si Mark sa kanya. "Do you mind if I borrow your key for a while, Miss
Bartender?" nakangiting tanong nito.
"O sige," aniya, saka binigay dito ang susi ng kotse.
"Wait, marunong ka bang mag-drive?" tanong ni Karl.
Nakagat niya ang ibabang labi, sabay ngiti sa mga ito. "Eh, medyo lang.
Problema ko nga kung paano ko iuuwi 'yan. Wala naman mapaparadahan doon sa amin.
Baka mamaya kapag doon ko inuwi 'yan, bukas, wala agad gulong 'yan." Sabi pa niya.
Kitang-kita niya kung paano gumuhit ang magagandang ngiti ni Karl. Lihim
siyang napabuntong-hininga. Bakit ba ang guwapo ng boss niya? Kung hindi lang niya
ito Amo, malamang magkaka-crush na siya dito.
"Ganoon ba? Maaari mo naman muna siyang ilagay dito. Doon siya sa parking
sa bandang likod ilalagay. Hindi mo kailangan mag-alala dahil tight ang security
namin dito. I assure you, your car is safe here." Suhestiyon ni Jester.
"Kung okay lang po. Eh di, ganun na lang." pagpayag niya. "Hangga't hindi
pa po ako nakakahanap ng mapaparadahan sa kanya."
"Oh, here's your car." Sabi pa ni Karl, sabay turo sa labas.
Napamulagat siya ng makita ang kumikinang na kulay puti na kotse. And
she's proud to say, this car is hers. Bumaba mula sa driver's side ang isa pang
pinsan ni Karl. Ang sikat na basketball player na si Wayne.
"Damn! I love that car!" sabi pa nito.
"I'm sure, marunong kang mag-start ng kotse. Puwede mo nang sakyan 'yan.
Anyway, it's yours." Sabi ni Marvin.
Hindi na niya napigilan na tumakbo palabas ng showroom. Hinaplos ng palad
niya ang kotse. Nang sumakay siya, agad niyang in-start iyon. Saka pinatakbo sa
loob ng vicinity ng MCI. Nang pumarada siya ay nilapitan siya ni Karl.
"Bakit hindi mo i-test drive? Ilabas mo dito. Mamasyal ka." tanong nito.
"Eh, natatakot na ako kapag marami ng sasakyan. Baka mamaya maibangga
ko." Sagot niya.
"Hindi, akong bahala sa'yo. Tuturuan kitang magmaneho ng maayos.
Kailangan mong matuto, hindi mo mae-enjoy 'yan kung hindi mo pag-aaralan mag-
drive." Sabi pa nito. Pagkatapos ay sumakay ito sa passenger's seat.
"Talaga? Tuturuan mo ako? Baka naman makaistorbo ako?"
"Nah! Ano bang istorbo ang sinasabi mo diyan? Let's go!" yaya nito sa
kanya.
Buong puso niyang tinanggap ang alok nito. Siya ang pinasakay nito sa
driver's seat, at ito sa tabi niya. Bago sila umalis ay tinuruan pa siya nito nang
iba pang dapat niyang malaman sa mga function ng kotse. Pagkatapos ay umalis na
sila. First car and first driving lesson. Ang pinakamasaya sa lahat ng iyon. Si
Karl ang kasama niya. May iba pang dapat niyang malaman sa mga function ng kotse.
Pagkatapos ay umalis na sila. First car and first driving lesson. Ang pinakamasaya
sa lahat ng iyon. Si Karl ang kasama niya. 

NAKAHINGA ng maluwag si Chaia matapos niyang maiparada ang sasakyan sa tapat ng The
Groove. Halos hindi siya makapaniwala na ang minaneho niya ay isang magarang Volvo
c30. At lalong hindi siya makapaniwala na kasama niya sa loob ng sasakyan ang isang
gaya ni Karl. Noong unang magtagpo sila nito, inakala niyang kayhirap nitong
abutin, gaya ng ibang Boss diyan. Ngunit nagkamali siya, down to earth,
approachable at magaling itong makisama sa mga empleyado nito. Kaya sa loob ng
ilang linggo niyang pamamalagi doon sa The Groove bilang isang Bartender. Madali
niyang nakapalagayan ito ng loob.
"That's nice." Anito.
Tumingin siya dito, sabay ngiti. "Talaga nice 'yon? Hindi ka ba nabingi sa akin?"
tanong pa niya dito.
Natawa ito, sabay iling. "Hindi naman. I think I can tolerate that."
Sagot nito na ang tinutukoy ay ang pagtili niya kanina.
Habang tinuturuan kasi siya nitong magmaneho. Napapatili siya kapag may
sasakyan na gigitgit sa kanya. O kaya naman ay kapag bigla siyang pepreno. At si
Karl naman, ay tinatawanan siya kapag tumitili siya o kaya naman ay natataranta
kapag nagkakamali siya ng tapak sa preno at silinyador. Nang umalis sila kanina sa
MCI. Doon nila napagkasunduang pumunta, tutal, hapon na. Alanganin na ang oras kung
uuwi pa siya sa kanila. Doon na lang siguro siya magpapalipas ng oras, sigurado
naman siya na may mga kasamahan na rin siya doon.
"Pasensiya ka na sa akin. Eh talagang natatakot ako sa pagmamaneho nito.
Hindi ko tuloy alam kung tama na sumali ako sa promo n'yo. Sabagay, malay ko naman
na ako ang mananalo." Sabi pa niya.
Umiling ito. "No Chaia, be thankful. Para sa'yo talaga 'yan. God wants
you to have this car, it's your reward from heaven for your hardwork." Anito.
Napangiti siya sa sinabi nito. "Thank you po," aniya.
"Po? Saan galing 'yon?" tanong nito.
"Ay, oo nga pala. Thank you." Pagtatama niya. "Eh teka, paano pala 'yung
kotse mo? Naiwan sa MCI. Eh di babalikan mo pa 'yon?"
"Nah! Ipapakuha ko na lang, tinatamad na akong bumalik doon."
Tumango siya. "Okay."
"Tara! Doon na tayo sa loob ng makainom. Ako ang nauhaw sa kakasigaw mo."
Biro pa nito.
Natawa siya. "Sorry naman."
Pagpatay niya ng makina ng kotse. Kinuha niya ang bag sa likod, akma siyang bababa
ng pigilan siya ni Karl.
"Bakit?" tanong niya.
"Hand brakes. Nakalimutan mo." Anito.
"Ay! Sabi ko nga!"
Napapailing na bumaba ito ng kotse. Papasok na sila ng Bar ng batiin siya
ng guard.
"Naks! Ang gara ng kotse mo Chaia," ani Manong Guard.
"Thanks Manong!"
Pagdating nila sa loob, doon sila sa mismong station niya tumambay.
Binati sila ng mga ilang staffs na nag-aayos na doon. Pinag-mix niya ito ng
cocktail drink na walang alcohol. Siya naman ay simpleng orange juice lang ang
ginawa. Pagkatapos ay sinamahan niya ito sa labas ng Bar Counter, at umupo sa isang
bakanteng high chair.
"Chaia,"
"Hmm?"
"Nasaan ang pamilya mo?"
Napatingin siya dito matapos niyang marinig ang tanong nito. Saka
malungkot na ngumiti. Umiling siya. "Sa totoo lang, ulila na ako. I mean, 'yung
Mama ko na kasama ko ngayon. Stepmother ko siya. Ang totoong Mama ko, matagal ng
pumanaw. Tapos ilang taon na rin ang nakakalipas, iniwan na rin ako ng Papa ko.
Naiwan ako sa pangalawang asawa niya saka stepsister ko."
"I'm sorry to hear that. Hindi na dapat ako nagtanong."
"Hindi, okay lang."
"Pero, maayos naman ang trato nila sa'yo?" tanong nito.
Hindi agad siya nakasagot. Kung sa Mama niya, wala siyang problema. Pero
paano ba niya sasabihin ang lihim nilang hidwaan ng Ate Macy niya.
"Chaia, does that mean?"
"Ay hindi!" mabilis niyang sagot. "O-okay lang kami. Ang ibig kong
sabihin, maayos naman ang trato nila sa akin. Lalo na ng Mama ko, pati ng, A-ate
ko." Pagdadahilan niya.
Lihim siyang napabuntong-hininga. Sana, totoo lahat ng sinabi niya na
magkasundo sila ng Ate niya. Hindi lang kasi niya maintindihan kung bakit noon pa
man ay mabigat na ang trato nito sa kanya. Kapag nasa labas sila, ayaw nitong
magpapatawag ng Ate sa kanya. Ayaw daw nitong malaman ng ibang tao na may kapatid
itong gaya niya. Kaya noon pa siya napapaisip, ano bang mali sa kanya? May nagawa
ba siya noon na naging dahilan upang maging mabigat ang loob nito sa kanya?
Hindi niya namalayan na tumulo ang luha niya sa isang mata. Napapitlag
siya ng biglang dumukwang si Karl palapit sa kanya, dahilan upang mapaatras siya at
mawalan ng balance. Napahiyaw siya dahil sa napipintong pagbagsak niya ngunit,
mabilis siyang nahawakan ni Karl sa braso at nahila siya nito palapit dito.
Hanggang sa namalayan na lang niya na yakap na siya nito.
Mabilis na pumintig ang puso niya. Agad na umahon ang kaba sa kanyang
dibdib. Narito na naman ang mahiwagang damdamin na iyon. Bakit nga ba madalas na
nangyayari ang ganoong sitwasyon sa kanilang dalawa?
Hindi pa man din siya nakakabawi sa aksidenteng pagkakayakap nito sa
kanya. Nang maramdaman niyang ilayo siya nito mula sa dibdib nito. Pagkatapos ay
tinitigan siya nito ng husto. Alam niyang namumula na siya ng mga sandaling iyon
dahil sa pag-iinit ng magkabilang pisngi.
"Ba-bakit?" kandautal na tanong niya.
Nahigit niya ang hininga ng ilapat nito ang dalawang palad nito sa
magkabilang pisngi niya.
"A-ano 'yang gi-na-gawa mo?" utal na naman tanong niya. Paano nga ba
siyang hindi mauutal? Kung ganoon na malakas ang kabog ng dibdib niya, at malapit
ang mukha nito sa kanya. Kung saan kitang kita niya ang kulay tsokolateng mga mata
nito na mataman nakatitig sa kanya.
"Shh! Stay still. It will help you warm up a bit." Paanas na sagot nito.
Warm? Tama. Warm nga ang nararamdaman ng puso niya ngayon, dahil sa
ginagawa nito. Saka lang niya napagtanto na nanlalamig pala ang mga kamay niya at
mga braso dahil sa lakas ng aircon sa buong Bar.
"Ang hina mo yata sa lamig ngayon." Sabi pa nito habang nakalapat pa rin
ang mga palad nito sa magkabilang pisngi nito.
"Ah, ano. Kasi, 'yung aircon. Masyadong malakas, saka konti
lang...ang...tao. Kaya siguro, nanlalamig ako. Tapos, malamig...pa...ang...iniinom
ko." Pangangatwiran niya. Gusto niyang kagatin ang dila niya dahil ayaw pa rin
tumino ng pagsasalita niya.
Tumango ito. "Are you okay?" tanong nito. Nang matapang na salubungin
niya ang mga tingin nito, saka lang niya nakita na may kung anong emosyon doon.
Hindi lang niya mabasa ng maigi kung ano 'yon. Sabagay, nagtataka pa ba siya kung
hindi niya maipaliwanag iyon. Kung ang sariling damdamin nga niya ay hindi niya
maintindihan.
Tumango siya. "Oo. Okay na ako." Sagot niya.
Ngumiti ito. Isang bagay na siyang nagpatunaw sa puso niya.
Oh no! Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit mabilis ang tibok ng puso ko?

[ 4 CHAPTERFOUR ]
-------------------------------

PINAKATITIGAN ni Chaia ang kuwintas na palagi niyang suot. Breaktime niya


ng mga sandaling iyon. Katatapos lang niyang kumain ng gabihan, at may natitira
pang tatlumpung minuto sa oras niya para makapagpahinga. Doon sa pantry niya
napiling magpahinga.
"Oy Chaia," untag sa kanya ng Manager nila na si Miss Anne. Kadarating
lang nito doon sa loob ng pantry.
"Miss Anne, bakit po? Kailangan na ba ako sa labas?" tanong agad niya.
Napangiti ito. "Hindi pa. Relax ka lang. Wala naman, kasi titig na titig
ka diyan sa kuwintas mo." Sabi pa nito.
"Ah," usal niya. Ngumiti siya dito, saka muling binalik ang tingin sa
kuwintas niya. "May iniisip lang ako." Sabi niya.
"Napapansin ko lang, parang hindi mo yata hinuhubad 'yan?"
Tumango siya. "Importante po kasi sa akin ito eh." Sagot niya.
"Wow, parang alam ko na 'yan. Kuwento mo naman." Sabi pa nito.
Sisimulan na sana niya ang kuwento sa likod ng kwintas nang biglang
pumasok ang isa sa mga waitress.
"Cha, nakapagpahinga ka na ba?" tanong nito.
"Oo, bakit?"
"Baka pwede ka nang lumabas. Magsisimula na daw mayamaya ang show ng mga
Bartenders."
"Ah okay, sige. Susunod na ako." Sagot niya. Sabay baling sa Manager
nila. "Miss Anne, pasensiya na po. Bukas ko na lang ipagpatuloy ang kuwento."
"Ang daya naman nila, break mo pa eh. Sige na nga, basta, may utang kang
kuwento sa akin ah." Sabi pa nito.
"Promise po! Next time." Natatawang sagot niya, pagkatapos ay lumabas na siya.
Pagbalik niya sa station. Agad niyang hinanda ang mga gagamitin para sa Flair
Bartending Show, na magaganap na sa loob ng ilang minuto Sa gabing iyon, isang
routine ng sabay-sabay ang gagawin nila, pagkatapos ay may solo performance siya.
Kaya medyo kabado siya. Nang maayos na niya ang mga gagamitin. Umusal siya ng
maikling panalangin upang maging maayos ang maging performance niya para nang sa
ganoon ay matuwa naman ang mga customers.
"Fighting!" sabi pa niya sa sarili.
Nang lumakas na ang musika. Iyon na ang hudyat nang simula ng kanilang routine.
Sandali niyang kinalimutan lahat ng tumatakbo sa isipan niya, at nag-concentrate sa
trabaho. Kagaya ng dati, tig-iisang drinks ang ginawa nila sa routine na iyon at
ibinigay sa mapalad na customer. Bago siya magsimula ng solo routine niya, napadako
ang paningin sa di kalayuan na table. Agad na kumabog ang dibdib niya, dahil doon
nakaupo at nakatingin sa kanya si Karl.
Lalong lumakas ang kaba niya ng ngumiti ito sa kanya at itaas pa nito ang baso
nitong may laman alak. Bilang sagot ay ngumiti siya pabalik dito. Saka agad na
nagsimula. Sa buong durasyon ng pag-perform niya ay hindi siya tumingin sa puwesto
ni Karl. Baka kasi magkamali siya at mapahiya sa harap ng mga customers na ngayon
ay pawang nanonood sa kanya. At sa bawat paghagis niya ng bote o ng shaker ay
masigabong palakpakan ang sinusukli ng mga ito sa kanya. Pagkatapos ng performance
niya, tuwang tuwa na nagpalakpakan ang mga customers.
"Thank you!" sagot niya sa mga ito.
Nang magbalikan na sa pagsasayaw ang mga pumalibot sa kanyang mga tao. Saka pa lang
siya nakahinga ng maluwag. Nang tingnan niya muli ang puwesto kung saan naroon si
Karl. Wala na ito. Pero nabigla siya nang bigla itong sumulpot sa harapan niya.
"Thanks to you, mukhang mataas na naman ang sales ngayon gabi." Anito.
"Bakit ako lang? Lahat naman tayo dito nagta-trabaho. Saka kung hindi naman po sa
mga kasama ko dito sa Station, hindi ako matututo ng mga Flairing Techniques." Sabi
niya.
Natawa ito. "I've never seen so humble before."
"Nagsasabi lang po ako ng totoo."
"By the way, I think you should look for new house. Yung may garage para may
paradahan na ang kotse mo." Pag-iiba nito sa usapan.
"Miss, isang beer." Sabad ng isang customer na bagong dating. Pagkatapos niyang i-
serve ang order nito, saka niya hinarap ulit ang Boss niya.
"Hindi papayag ang Mama ko." Aniya.
"Why not?" nagtatakang tanong ni Karl.
"Sariling bahay na kasi nila 'yon ng Papa ko. Hindi niya maiiwan 'yon."
Huminga ito ng malalim. "Eh paano 'yung kotse mo?"
"Iyon nga po, kaya nga ako nakikiusap na kung pwede. Sa MCI ko muna iyon ilalagay.
Ayoko naman kasi pumasok dito na dala 'yon, nakakahiya sa mga customers. Sabihin
ambisyosa ko, mas maganda pa kotse ko sa kanila." Anito.
Natatawang napailing si Karl. "You really have to think what would they tell you?
Anyway, huwag kang mag-alala. I'll talk to my cousins." Anito.
"Yes! Thank you!" tuwang-tuwa na wika niya.
Habang abala sa pakikipag-kuwentuhan dito. Napakunot-noo siya dahil tila may
nasipat ang mga mata niya. Parang pamilyar sa kanya ang isang babae doon. Nang
titigan niya ito, napangiti siya. Ang Ate Macy niya iyon. Kaya sandali siyang
nagpaalam kay Karl.
Masaya na nilapitan niya ito. Hindi niya akalain na dadalawin siya nito.
"Ate!" masayang tawag niya dito. Sabay yakap dito.
Ngunit nagulat siya ng halos itulak siya nito palayo, sabay tingin sa kanya na
parang nandidiri.
"Ate?"
Nagulat siya ng bigla siya nitong sunggaban sa isang braso niya saka hilahin sa
isang tabi. "Ang kapal ng mukha mong tawagin akong Ate! At sa harap pa ng mga
kaibigan ko! Hindi ka na nahiya!"
"Pero Ate, bakit ba? Kinahihiya mo ba ako?" naiiyak nang tanong niya.
"Oo! Matagal na! Hindi ba sabi ko sa'yo? Kapag nasa labas ka at nagkita tayo.
Magpanggap kang hindi mo ako kilala!" singhal nito sa kanya.
Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Iyon na siguro ang panahon para tanungin niya
ito ng tunay na dahilan kung bakit galit na galit ito sa kanya.
"At balita ko nanalo ka ng kotse." Dugtong nito, pagkatapos ay tumawa ito ng pagak.
"Akala mo bagay sa'yo ang ganoon kagandang sasakyan? Mas mukha kang tsimay kaysa
may-ari!"
"Ate..."
"Hindi tayo magkapatid! Kaya tigilan mo na ang kakatawag sa akin ng Ate! Dahil
kapag naririnig ko 'yan, gustong bumaliktad ng sikmura ko!"
"Bakit ka ba galit na galit sa akin? Wala naman akong natatandaan na ginawa ko
sa'yo noon para maging ganito katindi ang galit mo sa akin ah?" bulalas niya.
"Meron. Malaki. Marami." Mariin nitong sagot.
Kumunot ang noo niya. "Ano? Sabihin mo sa akin."
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Pagkatapos ay sinampal siya nito ng malakas.
Nanuot ang hapdi sa pisngi niya. Hindi pa nagkasya ito sa pagsampal sa kanya.
Napapikit siya ng ibuhos nito sa ulo niya ang laman ng hawak nitong baso.
"Mang-aagaw ka, Chaia! Kayo ng Papa mo! Kaya aagawin ko rin ang lahat sa'yo!
Tandaan mo 'yan." nanggigigil na sabi nito. Pagkatapos ay iniwan na siya nito na
pinagtitinginan ng ibang mga customers.
Naiwan siya doon sa isang tabi na tulala at walang patid ang pag-iyak. Ilang
sandali pa ay nilapitan na siya ng isa sa mga kasamahan niya na nag-aalala. "Chaia,
okay ka lang? Sino ba 'yon?" sunod-sunod na tanong nito.
Hindi siya makapagsalita. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyan
na siyang napahagulgol. Eksakto naman na dumating si Karl. Gumuhit ang pag-aalala
sa mukha nito.
"What happened?" agad na tanong nito sa kasamahan niya.
"Eh Sir, may nilapitan po kasi siyang isang customer. Tapos bigla na lang siyang
hinila dito, tapos ayun, inaway away na siya." Kuwento ng kasama niyang nakakita sa
nangyari.
"Sino? Ituro mo sa akin." Tanong pa nito na galit ang boses.
Akmang lalapitan nito ang Ate niya. Ngunit mabilis niyang nahawakan ito sa isang
braso, nang tumingin ito sa kanya ay umiling siya. Pagkatapos ay tumakbo na siya
palabas. Sa likod ng The Groove kung saan walang tao siya nagtungo. Doon, binuhos
niya ang lahat ng sama ng loob na matagal na niyang kinikimkim. Paulit-ulit na nag-
replay sa utak niya ang sinabi ng Ate niya. Ano pa nga ba ang aagawin nito sa
kanya? Gayong wala nang natitira sa buhay niya. Muli ay nakaramdam siya ng pag-
iisa. Pakiramdam niya ay wala na siyang sasandalan. She felt weak. She felt
useless. Isang bagay na labis na nagpapaiyak sa kanya.
Wala sa loob na napahawak siya sa kuwintas niya. Nasaan ka na? Sabi mo, babalikan
mo ako? Sabi mo, hahanapin mo ako.
Napalingon siya ng biglang may nag-abot sa kanya ng panyo. Nang tingnan niya, si
Karl ang naroon. Kinuha niya ang panyo at pinahid iyon sa mga luha niya. Pagkatapos
ay umupo ito sa tabi niya doon sa may gater.
"Hindi ko alam ang nangyari. Hindi ko na rin itatanong kung ano ang
relasyon mo sa babaeng iyon. Pero huwag mong isipin na nag-iisa ka. Maraming tao
ang nakaka-appreciate sa'yo. Ang mga kasama mo dito sa Bar. Ang Mama mo..." Sabi
nito na sadyang binitin ang bandang huli.
Hindi niya alam kung paano nito nahulaan ang tumatakbo sa isip niya.
Ngunit sa sinabi nito, mas lalo siyang napaiyak.
"Nandito ako, Chaia. Handa akong makinig sa'yo sa lahat ng oras. I can be
the wall that you can lean on. Kung pakiramdam mo nag-iisa ka, handa kitang
samahan. Most of all, God is there. Kahit kailan hindi ka Niya pinabayaan. Walang
bagay Siyang binigay na hindi natin kakayanin."
Tinakpan niya ng panyo ang mukha niya, saka doon muling humagulgol.
Naramdaman niya nang umakbay ito sa kanya, saka pinisil ang balikat niya.
Pagkatapos ay kusa nitong hinilig ang ulo niya sa balikat nito. Hindi na siya
nahiya pa, ngayon niya kailangan ng taong dadamay sa kanya. Kung si Karl ang
pinadala sa kanya ng Diyos sa gabing iyon, malugod niyang tatanggapin.

BINUHOS ni Karl ang buong atensiyon niya sa pagbubuhat ng barbell. Nang mapagod,
umupo siya at nagpunas ng pawis. Muling sumiksik sa isip niya si Chaia. Labis ang
pag-aalala niya dito. Hindi niya alam kung anong mayroon sa dito. Dati naman ay
wala siyang pakialam sa mga personal na problema ng mga tauhan niya. Ngunit, iba
dito. Hindi niya matiis na hindi lapitan ito. He knew she needed someone to talk to
that night. At tila may nagtulak sa kanya para damayan ito, and he felt good after
that.
Napalingon siya ng tapikin siya sa balikat ng pinsan niyang si Glenn, kasama nila
ang kababata nilang si Kevin, na boyfriend ni Marisse.
"You okay, dude?" tanong ni Glenn.
Napakurap siya. "Yes." Wala sa loob na sagot niya.
"Ang lalim ng iniisip mo ah. Babae ba 'yan?" panghuhula pa ni Kevin.
Napabuntong-hininga siya. "Yeah, literally. You can say that." Aniya.
"Wow! Bago 'yan ah? May babae nang nagpapagulo ng isip mo. Do I know
her?" tanong ni Glenn.
"Is it Chaia?" panghuhula ulit ni Kevin.
Tiningnan niya ito. "Bakit hindi ka na lang magtayo ng sarili mong booth?
Lagay mo sa Entrance. Madame Kevs." Pang-aasar niya dito. "Panay tama ang hula mo
ah."
Tinaas-baba pa nito ang magkabilang balikat nito. "Galing ko, no?"
pabirong pagyayabang pa nito.
"Anong tungkol kay Chaia?" tanong naman ni Glenn.
"I don't know. There's somethings strange about her. Hindi ko
maipaliwanag. First time ko siya nakita, magaan agad ang loob ko sa kanya. Parang
noon ko pa siya kilala." Paliwanag niya.
Pumalatak si Kevin. "Fate," anito.
"Ha? Anong fate?" tanong ni Glenn.
"Hindi mo talaga alam ang "fate"? Ano 'to tanga tangahan lang? Pagkatapos
mong ma-in love kay Nicole hindi mo alam ang ibig sabihin no'n?"
Pabirong binato ito ni Glenn ng tuwalya. "Pengkum ka! Itatanong ko ba
kung alam ko!"
"Fate! Ibig sabihin you are destined to someone. Kaya nga hindi mo maipaliwanag ang
nararamdaman mo sa kanya o kung bakit ang nagiging reaksiyon mo kapag nandiyan
siya. Gaya ngayon, siya ang iniisip mo." 
Napailing siya. "Ewan ko sa'yo, Kevin. Wala akong matinong sagot na makukuha sa'yo.
Love nga hindi ako naniniwala. Fate pa kaya." 
"Ewan ko rin sa'yo. Bahala ka, kapag na-in love ka. Wala ka ng kawala." Anito.
"Pero dude, nabalitaan namin 'yung ginawa nang isang customer kay Chaia noong
nakaraan gabi ah," singit ni Glenn.
"Oo nga, pero pinigilan niya ako nang lalapitan at sisitahin ko 'yung customer."
Wala sa loob na napabuntong-hininga siya. Alam niyang may mabigat na problemang
dinadala si Chaia. Gusto man niya itong tanungin, hindi niya magawa. Ayaw niyang
manghimasok sa personal na buhay nito. Unless, kung ito mismo ang mag-confess sa
kanya. Dahil kahit na madalas nitong sinasabi na wala itong problema sa pamilya.
Iba naman ang binubulong ng puso niya, at tila sinasabi rin nito na huwag umalis sa
tabi ng dalaga. And why does he have this feeling that he wants her to stay by her
side?
"Aminin mo na!" biglang sabi ni Glenn.
"Ano naman ang aaminin ko?" inosenteng tanong niya.
"Na nag-aalala ka sa kanya." Ani Kevin.
Muli na naman siyang humugot ng malalim na hininga. Saka umiling.
"Walang mangyayari sa'yo, dude. Kahit maghapon kang bumuntong-hininga diyan.
Tawagan mo na." pang-uudyok ng dalawa sa kanya.
"Ayoko nga! Bakit ko siya tatawagan?" mariin niyang tanggi.
"Huu! Huwag ka ng magpanggap na wala kang pakialam. Ayan nga at hindi ka mapakali
diyan sa kakaisip mo sa kanya eh. Ku-kumustahin mo lang naman siya, di ba? Kagabi
wala siya sa Bar dahil day off niya." Sabi naman ni Glenn.
"Pare, hindi nakakabawas sa pagkakalaki kung tayo ang tatawag sa babae. Dagdag pogi
points pa 'yon." Payo ni Kevin sa kanya.
"Hindi naman ako nagpapa-impress sa kanya, okay?" pangangatwiran niya.
"Hindi nga, pero sino ba laman ng isip mo ngayon?" tanong ni Glenn.
Hindi siya nakaimik. Sige. Aaminin na niya. Nag-aalala siya kay Chaia. Dahil wala
itong pasok kagabi sa The Groove, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na kausapin
ito at kumustahin. Kaya kagabi pa siya hindi mapakali sa kakaisip dito. Hindi rin
niya maintindihan kung bakit niya kailangan maramdaman iyon. Pinilig niya ang ulo.
Walang masama, ikaw ang boss niya. Natural lang na mag-alala ka sa kanya.
Pangungumbinsi pa niya sa sarili.
Nang makapagdesisyon siya. Tumayo siya saka walang salitang naglakad palayo sa
dalawa.
"Hoy Pogs! Saan ka pupunta?" habol na tanong ni Kevin.
Napahinto siya matapos marinig ang tinawag nito sa kanya. Napangiti siya. Mabilis
na nag-flashback sa isip niya ang isang kaibigan na kaytagal nang hindi na niya
nakita. Ngayon lang niya napansin, madalas ulit niya naiisip ito nitong mga
nakaraang linggo. Huminto siya sa paglalakad saka lumingon dito. "Pogs" noon ang
tawag ng mga ito sa kanya nang bata pa sila. Lagi kasi siyang tinatawag na 'pogi'
ng Lolo at Lola niya.
"Tatawagan ko si Chaia," nakangiting sagot niya.
Lumapad ang ngiti ng dalawa. Paglabas niya ng gym na pag-aari ni Miguel, dumiretso
siya ng bahay. Agad niyang kinuha ang cellphone. Bago i-dial ang numero ni Chaia,
hindi niya alam kung ilang beses niyang kailangan pakalmahin ang sarili bago
tuluyang i-dial ang number ni Chaia.
Nang mag-ring na ang numero nito, lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Napa-
diretso siya ng upo ng sagutin nito ang tawag niya.
"Hello," bungad nito sa kabilang linya.
"Uh, hel-lo," aniya.
"Sir! Napatawag po kayo!" masiglang sabi nito.
Napangiti siya. Hindi niya akalain na isang masiglang boses ang ibubungad nito sa
kanya. Isang bagay na siyang ikinahinga niya ng maluwag.
"Uhm. I just want to check on you. I mean, the last time we've talked. You're so
upset." Aniya.
"Ah, oo nga po. Maraming Salamat po pala sa pagdamay n'yo sa akin." Sabi nito.
"Wala 'yon. Alam kong kailangan mo ng kausap ng mga sandaling 'yon."
"Iyon po palang panyo, ibabalik ko na mamaya. Nalabhan ko na rin po iyon." Sabi pa
nito.
Pumalatak siya. "Ang sakit naman sa tenga ng 'Po' na 'yan."
Narinig niya ang tawa nito sa kabilang linya. Isang bagay na siyang natural na
nakapagpasaya sa kanya. Masaya siyang malaman na masaya na rin ito.
"No. Keep it." Seryosong wika niya. "Tandaan mo, kahit saan ka makarating. Kung
maramdaman mo ulit na nag-iisa ka. Tingnan mo lang 'yan, at alalahanin mo na
nandito ako. Hindi kita iiwan. Handkerchiefs are made to wipe away those tears.
Hindi ang mga daliri. Huwag mong agawan ng trabaho ang mga panyo." 

*********************************************************************

See you on Friday for another update! Thank you. 😘


~JA💜

[ 5 CHAPTERFIVE ]
-------------------------------

NATULALA si Chaia matapos marinig ang mga katagang binitiwan ni Karl mula
sa kabilang linya. Wala sa loob na nailayo niya ang cellphone mula sa tenga at
tumingin sa screen.
Hindi siya maaaring magkamali. Narinig na niya ang mga katagang iyon. May
nagsabi na rin sa kanya niyon, at kung tama siya ng pagkakatanda. Halos
labindalawang taon na rin ang nakakalipas. Napahawak siya sa suot niyang kwintas.
"Pogs," bulong na sabi niya.
Napakurap siya ng marinig niyang nagsasalita pa sa kabilang linya si
Karl. Tumikhim siya ng malakas para kahit paano ay bumalik sa kasalukuyan ang isip
niyang biglang hinila ng nakaraan.
"Uh, oh? Sorry, may naalala lang ako." 
"Are you really okay?" tanong ulit nito.
"Uh, oo! Oo! Okay lang ako." Sagot niya. "Maraming Salamat sa pagtawag.
Naabala pa yata kita."
"What are you saying? It's okay. Anyway, I'll just see you later."
"O-okay, thanks."
Pagkatapos nilang mag-usap. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Saka
malayang binalikan kung sino si "Pogs" sa buhay ni Chaia.

HABOL ni Chaia ang hininga niya nang huminto siya sa pagtakbo. Pagdating
niya sa park na iyon. Tulala at luhaan siyang naupo sa isang wooden bench sa ilalim
ng malaking puno ng Acacia. Doon siya umiyak ng umiyak. Hindi niya maintindihan
kung bakit galit ang Ate Macy niya sa kanya. Madalas siyang napapahamak sa tuwing
magkasama sila. Natatandaan pa niya, niyaya siya nitong gumala sa mall. Dahil wala
naman siyang pasok sa school ng mga panahon na iyon, sumama siya dito. Isa pa,
naisip niyang pagkakataon na nilang dalawa iyon para tuluyan ng maging malapit sa
isa't isa. Ramdam kasi niya dati pa na hindi siya nito gusto. Habang nag-iikot sa
department store, nagulat na lang siya dahil bigla siyang dinampot ng mga guwardiya
ng Department Store. Inakusahan siya ng mga ito na nag-shoplift siya. Mariin niyang
tinanggi iyon dahil alam niyang masama iyon, ngunit nagulat na lang siya dahil
nakita sa loob ng bag niya ang isang stuff toy na may price tag pa at bahagya pa
iyong nakalabas. Kaya marahil ay nakita iyon ng saleslady.
Pagdating sa bahay, sinumbong siya nito. Pinalo siya ng Papa niya ng
dahil doon. Hanggang sa paglipas ng mga araw, sa tuwing lumalabas sila ng Ate niya.
Palagi siyang nahuhuli sa parehong kaso. Ngunit alam ng Diyos na wala siyang
ginagawang masama. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na ang Ate niya ang nahuli
ng mga security guard ng isang grocery store na pinasukan nila. Huli ito sa
aktong naglalagay ng mga paninda sa loob ng backpack niya. Hindi siya makapaniwala
sa nalaman niya. Nang malaman iyon ng Mama Fe niya, halos bugbugin nito ang Ate
Macy niya ng dahil sa galit.
Dahil sa sama ng loob, doon sa park na iyon. Kung saan katabi lang ng
barangay nila siya tumakbo. At iyon na rin ang naging permanenteng takbuhan niya sa
tuwing may problema siya. Inaway na naman kasi siya ng Ate niya, at sinabi nitong
nag-cutting classes siya kahit hindi totoo. Pero nabuking ito agad dahil tumawag sa
bahay nila ang teacher nito. Nagalit ng husto ang mga magulang nila dito, nang
mapag-isa silang dalawa sa kuwarto. Binuhos nito ang galit sa kanya. Bakit daw
hindi na lang siya umoo sa sinabi nito? Ito daw tuloy ang napahamak. Sinaktan siya
nito. Sinabunutan, kinurot at sinampal. Impit siyang napaiyak, hindi siya
makapagsumbong dahil lalo lang itong papagalitan.
Dahil sa galit ng Ate niya. Sinabuyan nito ng kape ang project niyang
ipapasa na niya sa school bukas. Dahil lang sa hindi niya sinakyan ang
pagsisinungaling nito. Napapitlag siya ng biglang may sumulpot na panyo sa harap
niya. Nang tingnan niya kung sino iyon, isang binatilyo ang nasa harap niya.
"Handkerchiefs are made to wipe away those tears. Hindi ang mga daliri.
Huwag mong agawan ng trabaho ang mga panyo." 
Nag-aatubili man, tinanggap pa rin niya ang panyo saka pinunas sa pisngi
niyang basa ng luha.
"Thank you," usal niya.
"Hindi magandang tingnan na sa gitna ng magandang park na ito. Sa ilalim
ng matayog na punong ito, may isang umiiyak." Anito.
"Sorry. Kayo ba ang may-ari nitong Park? Dito lang kasi ako
nakakapaglabas ng sama ng loob." Sabi pa niya.
Napalingon siya dito ng bigla itong tumawa ng malakas. Pagkatapos ay
naupo ito sa tabi niya. "Kung puwede ko nga lang ipabili itong Park ginawa ko na.
Para may karapatan akong ipagbawal ang mga umiiyak dito."
Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Nang lumingon ito sa
kanya, ngumiti din ito. Napatitig siya sa mga mata nito, kayganda ng kulay
tsokolateng mga mata nito. Parang sinasabi ng mga mata nito na wala siyang dapat
alalahanin.
"Kita mo na? Mas maganda ka kapag nakangiti ka." Puri pa nito sa kanya.
Mabilis niyang iniwas ang tingin mula dito. Pagkatapos ay biglang nag-
init ang magkabilang pisngi niya.
"Ah, uuwi na ako." Mabilis niyang paalam dito. Akma siyang tatayo ng
pigilan siya nito, hinawakan pa nito ang pulsuhan niya.
"Sandali lang, hindi pa pala ako nagpapakilala sa'yo." Anito, sabay lahad
ng isang palad nito. "Pogs," sabi nito.
"Ha?"
"Pogs, iyon ang tawag sa akin sa bahay. Iyon na rin ang itawag mo sa akin
mula ngayon."
Tinitigan niya ang palad nito na nakalahad sa harap niya, kahit medyo
nawi-weirduhan siya dito. Tinanggap niya ang kamay nito, kahit medyo nawi-weirduhan
siya dito. Tinanggap niya ang kamay nito. "Ikay," aniya.
Muli na naman itong ngumiti. "Ikay. Bakit parang pangalan ng ibon?"
tanong pa nito na may halong pang-aasar.
Napakunot-noo siya. "Hindi iyon pangalan ng ibon. Iyon lang din ang tawag
sa akin sa bahay," paliwanag niya.
"Ah okay,"
"Teka, madalas ka ba dito sa Park? Parang ngayon lang kita nakita dito."
Tanong niya dito.
Umiling ito. "Hindi. Ngayon lang din ako nakapunta dito. May pinuntahan
kasi ang Lolo ko malapit dito. Eh nakakainip doon sa bahay ng kumpare niya, kaya
pumunta muna ako dito." Sagot nito.
"Ah, ito pala ang first and last na pagkikita natin." Aniya.
Ngumiti ito, saka muling umiling. "Hindi ah! Babalik ako dito."
"Talaga? Kailan naman?" tanong niya.
"Basta, bigla na lang akong susulpot dito. Ngayon pa ba ako hindi pupunta
dito? Eh, may bago na akong kaibigan dito."
Napangiti siya sa sinabi nito. Sa kabila ng hindi magandang pangyayari sa
buhay niya. Mabait talaga ang Diyos, dahil may pinadala siyang isang taong kayang
pawiin ang lungkot na nararamdaman niya. Medyo matagal pa silang nag-kuwentuhang
dalawa, bago ito nagpaalam.
"Teka, 'yung panyo mo. Sa susunod ko na lang ibabalik. Lalabhan ko muna."
Sabi pa niya.
Tumitig muna ito sa kanya, bago ngumiti. "No, keep it. Tandaan mo, kahit saan ka
makarating. Kung maramdaman mo ulit na nag-iisa ka. Tingnan mo lang 'yan, at
alalahanin mo na nandito ako. Hindi kita iiwan." Sabi nito.
Tumanim sa isip ni Chaia ang mga katagang sinabi nito. Matapos ang unang
pagtatagpo ng landas nila ni Pogs. Tinago na niya ang panyong iyon. Kapag malungkot
siya at lumuluha, iyon ang pinampapahid niya. Mayamaya lang, wala na ang lungkot
niya.
Ang unang pagkikita ay nasundan pa ng maraming beses. Hanggang sa
nakasanayan na niyang pumunta doon sa Park tuwing hapon pagkagaling niya sa klase
upang hintayin si Pogs. Ngunit ng araw na iyon, walang Pogs na dumating. Laman pa
rin ng isipan niya kung bakit hindi ito nakarating. Bigla siyang nag-alala, baka
kasi nagkasakit ito kaya hindi nakapunta. Pagdating niya sa loob ng kuwarto, naupo
siya sa gilid ng kama saka patuloy na inisip si Pogs. Kasunod niyang pumasok ang
Ate niya.
"Aba himala, ang aga mo yata? Nasaan na 'yung boyfriend mo na madalas
mong katagpuan sa park?" nakataas ang kilay na tanong nito habang nakahalukipkip
pa.
Napatingin siya dito. Bigla ay hindi siya nakakibo. Kung ganoon, alam
nito ang tungkol sa pagkikita nila ni Pogs.
"Oh, bakit hindi ka na nakasagot diyan?" mataray na tanong nito.
"A-ate, hindi ko boyfriend 'yon. Bata pa ako para sa mga ganon. Kaibigan
ko lang siya." Paglilinaw niya.
Tumawa ito ng pagak, saka umiling. "Gusto mong maniwala ako sa'yo? Huwag
mo nang itanggi. Kunwari ka pa, eh lumalandi ka na rin. Nahahawa ka sa mga kaibigan
mo doon sa school." 
"Ate, hindi. Hindi naman ganoon 'yon eh."
"Isusumbong kita kay Papa!" sabi pa nito. Saka nagmamadaling lumabas ito
ng kuwarto, agad niyang sinundan ito.
"Papa, si Chaia may boyfriend na!" malakas na sabi nito pagdating sa sala
nila, kung saan naroon ang Papa niya at nanood ng telebisyon. Mabilis na
nagsalubong ang kilay nito, saka tumayo at hinarap siya.
"Anong sabi mo?" tanong pa nito.
"Si Chaia po, madalas ko 'yan nakikita doon sa park na may katagpuan. May
kausap na lalaki. Sigurado akong boyfriend niya iyon. Hindi na nahiya, kay bata
bata pa lumalandi na!" giit pa nito.
"Macy! Tumahimik ka!" singhal ng Mama nila dito.
"Bakit sa akin ka nagagalit, Ma? Hindi ako ang malandi dito, iyan!"
maangas na sagot nito sa Mama nila. Tila nagdilim ang paningin nito at sinampal
nito ang Ate niya.
Matalim siyang tiningnan ni Macy. "Nakita mo! Kahit ikaw ang may
kasalanan, ako pa rin ang pinapagalitan! Salot ka sa buhay ko!" sigaw nito sa kanya
sabay hablot sa buhok niya at sinabunutan siya.
"Aray Ate, tama na!" aniya.
Pinaghiwalay sila ng Mama at Papa niya. "Tama na! Macy, doon ka sa
kuwarto niyo. Ikaw naman Chaia, maiwan ka dito. Mag-uusap tayo! 
Agad na tumalima ang Ate niya. Pagkatapos ay siya naman ang hinarap ng
Papa niya.
"Totoo bang may kinakatagpo ka doon sa Park? Sino 'yon?" galit na tanong
ng Papa niya.
Humihikbi na nagpaliwanag siya. "Hindi po ganoon 'yon, Pa. Kaibigan ko
lang po iyon." Paglilinaw niya.
Sa kabila ng pagpapaliwanag niya. Hindi naniwala ang Papa niya, bagkus,
mas pinaniwalaan nito ang Ate Macy niya. Ang higit na masakit pa roon, napagbuhatan
siya ng kamay ng Papa niya. Dahil sa sama ng loob, muli siyang tumakbo palabas.
Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na naglalakad sa gitna ng Park. Mula
sa bulsa ng palda niya, nilabas niya ang panyo na bigay ni Pogs. Doon kung saan
sila unang nagkita, umupo siya at umiyak ng umiyak.
"Akala ko hindi ka na darating."
Napapitlag siya. Paglingon niya, naroon si Pogs. "Oh, umiiyak ka na
naman." 
Hindi siya kumibo. Basta na lang siya tumakbo dito, at yumakap.
"Okay ka lang ba?" tanong pa nito.
"Oo, wala ito." 
Nang tingnan niya ito. May bahid ng pag-aalala sa mga mata nito.
Pagkatapos ay may nilabas ito mula sa bulsa ng pantalon nito. Isang kwintas na may
pendant na maliit at bilog na emerald stone. Sinuot nito iyon sa kanya.
"Yan, kahit hindi na tayo magkita sa mga susunod na araw. Tandaan mo,
paglipas ng panahon, hahanapin kita. Kailangan suot mo pa rin 'yan. Sa pamamagitan
ng kuwintas na 'yan. Mararamdaman mo na palagi mo akong kasama sa lahat ng oras,
lalo na kapag malungkot ka. Hintayin mo ako." Paliwanag nito. Pagkatapos ay sinuot
nito ang kwintas sa kanya, naramdaman pa niyang bahagya nitong hinaplos ang buhok
niya.
Lalo siyang naiyak. Humihikbi pa rin na hinubad niya ang kwintas na bigay
sa kanya ng Mama niya noong maliit pa siya. Ang pendant naman niyon ay maliit at
bilog na kahawig ng sapphire gemstone.
"Bigay 'to sa akin ng Mama ko noong bata pa ako. Wala akong natatandaan tungkol sa
kanya, pero ikaw, binigyan mo ako ng masasayang alaala. Pinakita mo sa akin at
pinaramdam mo na hindi ako nag-iisa. Na may karamay ako sa lahat ng oras." Sabi
naman niya, saka binigay dito ang kwintas.
At ang gabing iyon ang huling beses nilang pagkikita.

HINDI alam ni Chaia kung gaano na siya katagal doon sa loob ng kotse.
Muli niyang sinulyapan ang entrance door ng The Groove. Malakas ang kabog ng dibdib
niya sa mga sandaling iyon. Matapos siya nitong tawagan kanina, may sinabi itong
mga katagang nagpabalik sa kanya sa nakaraan. Isang taong malaki ang naging parte
sa buhay niya. Dahil kung tama ang hinila niya, si Pogs at si Karl ay iisa. Ngunit
kailangan pa rin niyang makasiguro. Kapag nakumpirma niya ang nasa isip, marahil
ang ibig sabihin niyon. Ang Diyos ang nagbalik sa kanila sa isa't isa.
Muli niyang sinulyapan ang sariling repleksiyon sa rearview mirror.
Sinuklay niya ang side bangs gamit ang sariling mga daliri. Pagkatapos ay humugot
siya ng malalim na hininga. Isa lang naman ang paraan para malaman niya ang totoo.
Kailangan niya itong tanungin.
"Lakasan mo ang loob mo. Tatanungin mo lang naman siya, di ba? Iyon lang.
Wala naman masama doon, kung tama ka. Eh di Masaya! Kung hindi, okay lang. Okay?"
pagkausap pa niya sa sarili. "Fighting!"
Nagpalipas pa siya ng ilang minuto sa loob ng kotse bago bumaba at
pumasok sa Bar. Matapos niyang makapag-ayos at makapagpalit ng uniporme, agad
siyang pumunta sa station niya. Habang hinahanda ang mga gamit, ang isip niya ay na
kay Karl pa rin. Iniisip niya, kung sakaling ito nga si Pogs. Ano kaya ang magiging
reaksiyon nito kapag nalaman nitong siya si Ikay? Matutuwa kaya ito o babalewalain
siya? O kaya naman, matatandaan pa kaya siya nito? Napabuntong- hininga siya. Bakit
ba siya nagkakaganoon? Marami naman puwedeng magsabi ng gaya ng sinabi nito. Lahat
ay puwedeng gawin advice iyon.
"Ay! Chaia! Gising! Focus! Hindi mo siya dapat iniisip ngayon. Trabaho muna!" sabi
pa niya sa sarili, saka pinilig ang ulo niya.
First love mo si Pogs no? Kaya gusto mong malaman kung ito at si Karl ay
iisa, punundyo ng isang bahagi ng isip niya.
Nahigit niya ang hininga at napatuwid pa siya ng tayo. Saka mabilis na
tumibok ang puso niya. "Hindi kaya!" wala sa sariling malakas ang boses na sagot
niya.
Nagulat siya ng biglang may tumikhim ng malakas mula sa likod niya.
"Anong hindi kaya?"
Agad siyang napaharap, ganoon na lang ang gulat niya at lalong nagpalakas sa kabog
ng puso niya nang makitang si Karl iyon. Pakiramdam niya ay mas mapula pa sa
mansanas ang mukha niya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Hindi niya namalayan na
dumulas na sa kamay niya ang hawak niyang baso.
Saka lang siya natauhan ng marinig niya ang pagbagsak nito sa sahig.
Nanlaki ang mata niya ng makita ang resulta ng katangahan niya ng sandaling iyon.
"Hala! Naku! Sir, sorry po. Oh no! Pasensiya na po talaga!" natataranta
at sunod-sunod na paghingi niya ng paumanhin. Saka agad siyang umupo at dinampot
ang mga nakakalat na bubog.
"Ano ba kasing iniisip mo at gulat na gulat ka nang makita mo ako? Mukha
ba akong aswang sa paningin mo?" tanong pa nito.
Hindi siya nakakibo. Hindi naman niya kasi maaaring sabihin dito na ito
ang iniisip niya. Lalo siyang mawawala sa sarili kapag ginawa niya iyon, at baka
bigla na lang siyang kainin ng lupa.
"Siguro ako ang iniisip mo, no?" nakangising tanong ulit nito.
Nanlaki ang mga mata niya saka siya biglang napatingin dito. "Hindi ah!" mabilis at
mariin niyang sagot.
Sus! Defensive! Panunudyo ng isip niya.
Mayamaya, nawala kay Karl at sa maligalig niyang puso ang atensiyon niya
ng bigla siyang mapaigik sa sakit. Nahiwa kasi ang daliri niya ng bubog na
pinupulot niya.
"Aray ko!" daing niya.
Napapalatak si Karl, saka mabilis na hinawakan ang kamay niya. "Sino ba
kasi ang may sabi na pulutin mo 'yang nabasag? Tingnan mo, nasugatan ka pa tuloy!"
mataas ang boses na sabi nito. "Tumayo ka nga diyan," utos pa nito sa kanya.
Tinawag pa nito ang janitor saka pinalinis ang mga bubog na nakakalat pa
rin sa sahig. Pagkatapos ay pinakuha nito ang first aid kit. Mabilis na lumapit si
Miss Anne.
"Ay Sir, ako na po ang gagamot sa sugat ni Chaia," prisinta nito.
"Hindi, ako na." seryosong sagot nito habang salubong ang kilay.
Nagkatinginan sila ni Miss Anne, tila nasa mukha nito ang pagtataka.
"Puwede mo na kaming iwan, Miss Anne," may awtoridad na wika ni Karl.
"Yes Sir."
Bago umalis ang Manager nila ay isang mapanuksong ngiti ang iniwan nito
sa kanya. Kahit ang ibang mga kasamahan nila doon ay tila lihim na nagmamasid at
may mga nanunudyo ang mga ngiti.
"Huwag kang malikot," saway nito sa kanya sa seryosong boses.
Bumilis ang tibok ng puso niya. Hinawakan nito ang kamay niyang
nasugatan. Bago nito nilagyan ng gamot ang sugat niya, ito pa mismo ang naghugas
nito.
"Ah, ako na. Kaya ko naman gamutin 'to," sabi pa niya.
"Ako na!"
Nakagat niya ang ibabang labi niya. "Sabi ko nga."
Nang mahugasan na ang sugat niya, saka nito nilagyan ng betadine iyon.
Napangiti siya ng makita niyang bahagya pa nitong hinihipan ang sugat niya. Mahapdi
iyon, pero parang namanhid sa sakit ang daliri niya. Dahil si Karl ang nagsilbing
lunas. Kahit yata pulso niya ang nahiwa ay mababalewala, basta't si Karl ang nasa
tabi niya.
Tila nag-slow motion ang paligid nang tumitingin pa ito sa kanya habang
hinihipan nito ang sugat niya. Mabilis na nag-react ang puso niya, sumikdo iyon.
Saka lalong bumilis ang pintig. Pagkatapos ay hindi na niya alam ang sumunod na
nangyari, namalayan na lang niya na nilalagyan na nito ng band aid ang sugat niya.
"There you go." 
Pinilit niyang ngumiti at umaktong natural. Hindi na puwedeng maulit ang
nangyari kanina na nagmukha siyang engot sa harapan nito, kahit sa loob niya ay
parang may nagra-riot sa puso niya.
"Uhm, Sir. Paki-kaltas na lang po sa sweldo ko 'yung presyo ng nabasag
kong baso." 
Ngumiti ito. Saka parang bata siya na ginulo nito ang buhok niya. "Iyon
pa rin ang iniisip mo? Samantalang nasugatan ka na nga."
"Eh pasensiya na po, may iniisip lang po ako kanina," hinging-paumanhin
niya.
"Next time, mag-iingat ka na." 
"Yes Sir," sagot niya. "Sige, maraming salamat po ulit. Babalik na ako sa
station ko."
Tumango ito. Pagtayo niya, hindi pa man din siya nakakahakbang palayo ng
hawakan siya nito sa isang kamay. Pagkatapos ay tumayo ito.
"Wait," usal nito.
May pinulot ito sa sahig, "Is this yours?" tanong nito. Sabay angat ng
isang kabilang kamay nito.
Kung kanina ay triple ang kaba ng dibdib niya. Ngayon ay mas dumoble na.
Ang hawak nito ay ang kwintas na palagi niyang suot na binigay ni Pogs sa kanya.
Tumango siya.
"Oo, sa akin nga 'yan." Aniya, sabay tingin dito. Nakita niyang titig na
titig ito sa kwintas niya.
Pinag-aralan niya ang reaksiyon ng mukha nito.
"Ba-bakit po?" tanong niya.
Lumipat sa kanya ang tingin nito. "Uh, no. Nothing. Here." Anito, sabay
abot sa kanya ng kwintas. "Uh, wait. Let me."
Nangilid ang luha niya ng ito mismo ang nagsuot ng kwintas sa kanya.
Pakiramdam niya ay bumalik siya sa Park kung saan sila nagkakilala ni Pogs. At sa
pagsuot nito ng kwintas sa kanya, naramdaman niyang bahagya nitong hinaplos ang
buhok niya. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya, hindi siya maaaring magkamali.
Hindi niya kailan man nakalimutan ang huling gabing nagkita sila ni Pogs. Nang
isuot nito noon ang kwintas sa kanya, ganoon na ganoon ang ginawa nito. Dahan-dahan
tumulo ang luha niya. Makakalimutan niya ang ilang pangyayari ng buhay niya. Ngunit
hindi ang gabing iyon. Hindi ang mga araw na magkasama sila.
Pogs, ikaw ba 'yan? Bumalik ka na ba ulit sa buhay ko?

******************************************************************

Kinilig ka ba?! Bitin no! Hahahahaha!! 😂😁


Sa Tuesday, next week po ulit ang next update. Thank you for reading! 😘
~JA💜

[ 6 CHAPTERSIX ]
-------------------------------

"ANO KAYA ang sasabihin ni Sir Karl sa atin?" narinig niyang tanong ng
isa sa mga kasamahan niyang waiter.
Kapapasok lang niya doon sa pantry. Halos alas-kuwatro na ng madaling
araw, at kakasarado lang ng Bar nila. Dahil weekdays at karamihan ng mga tao ay may
mga pasok sa trabaho kaya hindi puwedeng magpuyat. Maaga silang nagsasarado. Pero
kapag weekends, halos inaabot sila ng alas-singko ng madaling araw.
"Ikaw Chaia? Wala bang nababanggit sa'yo si Sir?" baling pa sa kanya ng
isa pang kasama nila.
"Ha? Wala! Para naman sabihin sa akin ni Sir 'yon. Kung ano man 'yon."
Sabi pa niya.
"Hindi na nakakapagtaka 'yon, palagi kaya kayong magkasama."
Napakunot-noo siya. "Hindi ah! Nagkakataon lang 'yon." Mabilis niyang
tanggi.
"Sus! Nagkakataon ka diyan! Siya ang nagturo sa'yong mag-drive. Kapag
breaktime mo palagi kayong magkausap. Kapag nawawala ka sa paningin niya, hinahanap
ka agad sa amin ni Sir." 
"'Yung totoo, Chaia. Nanliligaw ba sa'yo si Sir?" diretsong tanong ni
Miss Anne sa kanya.
Napamulagat siya sa tanong ng Manager nila. Tumingin siya dito, saka
sunod-sunod na umiling. "Naku Miss Anne! Hindi po!" mabilis niyang sagot.
Napapitik ang isa sa mga kapwa bartender nila. "Ay sayang! Bagay pa naman
kayo ni Sir Karl."
"Naku! Kayo talaga, ako na naman ang nakita n'yong asarin! Tumigil na nga
kayo. Baka mamaya, marinig pa kayo ni Sir, nakakahiya." Saway niya sa mga ito.
Eksakto naman pagkasabi niya iyon ay biglang bumukas ang pinto at sumilip
si Karl.
"Everybody, here at the dining area." Anito.
Nagkatinginan sila, bago sumunod dito. Nag-kanya kanya silang puwesto
doon sa dining area habang nakaupo naman ito sa isang high chair.
"It's been more than five years since I put up this Bar. And most of you
here, are with me eversince." Pagsisimula nito. "So, I decided that we all go on an
outing on a resort somewhere in Laguna."
Lumapad ang pagkakangiti niya. "Talaga, Sir? Kelan po?" excited na tanong
niya. Pero agad din naman nawala ang ngiti niya ng mapansin niyang hindi kumikibo
ang mga kasama niya. Bagkus ay nagkakatinginan ang mga ito.
"Bakit? Ayaw n'yo ba?" tanong pa niya sa mga kasama.
Nang sumulyap siya kay Karl, natatawa naman ito. Napakunot noo siya.
Hindi niya maintindihan ang mga ito. "Teka, ano bang mga reaksiyon 'yan?" tanong
ulit niya.
"Eh kasi, himala 'to. Eh Sir, mawalang galang na nga po, ano? Pero buti
naman at naisip n'yo. In fairness, I like the idea." Sabi pa ni Miss Anne.
"Teka, grabe naman kayo! Nag-a-outing naman tayo tuwing summer." Depensa
ni Karl.
"Hindi nga po tayo nag-outing itong taon na 'to." Sabi pa ng isa.
Napakunot-noo si Karl. "Hindi ba?" tanong pa nito.
"Ay Sir, hindi po. Nakalimutan n'yo." Sabi pa ni Miss Anne.
"Okay, whatever. So, it's final. Outing for three days." Ani Karl.
"Eh kelan po ang alis natin?" tanong pa ni Chaia.
"This week." Sagot pa nito.
"Yes! Sa wakas! Makakapag-relax din!" masayang wika ng mga kasamahan
niya.
Matapos nitong sabihin ang schedule ng eksaktong araw ng alis nila. Agad
nitong tinapos ang meeting.
"You can all go home now." Sabi pa nito.
"Thank you, Sir." Sabay-sabay na wika nilang lahat. Pagkatapos ay
nagsitayuan na sila.
"Oh wait, Chaia." Pigil nito sa kanya.
"Sir?"
Hinintay niyang sumagot ito, ngunit nanatili lang itong nakatitig sa
kanya. Pagkatapos ay umiling ito. "Ah, wala. Sige, you may go. Ingat sa pag-uwi."
Nagtataka man ay tumango na lang siya. "Sige po. Salamat. Ingat din po
kayo sa pag-uwi."

HUMUGOT ng malalim na hininga si Chaia, bago umupo sa isang bakanteng silya. Nang
sulyapan niya ang oras sa cellphone niya, halos alas-dos na ng madaling araw pero
hanggang ngayon ay marami pa rin tao doon sa Bar. At mukhang dadami pa ang mga tao,
dahil weekends. Mabuti na lang at tapos na sila sa Flairing, sa mga sandaling iyon
ay breaktime niya.
"Oy Chaia, kumain ka na?" tanong ni Lani, isa sa mga waitress at kaibigan
niya doon. Gaya niya ay breaktime din ito.
"Oo, tapos na. Magpapahinga lang ako. Ikaw?
"Tapos na rin. Tara doon tayo sa labas, pahangin tayo para naman ma-relax
tayo." 
"Oo nga, hanggang dito abot ang lakas ng music," aniya.
Pagdating nila sa may labas ng Bar. Nakita nila na mahaba pa rin ang pila
ng mga taong gustong makapasok. Ngunit dahil marami pang tao sa loob, walang ibang
magagawa ang mga ito kung hindi ang maghintay. Napailing siya. Mahaba pa pala ang
lalakbayin nila sa gabing iyon. Sa tantiya niya, mukhang aabutin sila ng umaga.
Literal na umaga.
"Grabe, mukhang wala na naman tayong tulugan nito." Reklamo ni Lani.
Napangiti siya. Pareho pala sila ng iniisip nito.
"Malapit na tayong humanay sa mga zombie. Anong oras kaya sila babangon?
Para maki-join na lang tayo. Ansabe naman ng mga eyebags nila sa eyebags natin?"
sabi pa niya.
Natawa ito sa sinabi niya. "Lukaret ka din, eh no?" komento nito.
Habang nakaupo sa gilid, nagku-kwentuhan naman sila. Ngunit sa gitna ng
pagku-kwentuhan nila, bigla itong may tinanong na siyang nakapagpa-isip sa kanya.
"Chaia, pwede ba akong magtanong?" seryosong tanong nito.
Tumango siya. "Oo naman. Tungkol saan?"
"Nanliligaw ba sa'yo si Sir Karl?"
Parang may sumipa sa dibdib niya, kasunod ng pag-umid ng kanyang dila.
Wala sa loob na napatingin siya. Pero pinilit niyang ngumiti dito para hindi ito
makahalata sa kasalukuyang reaksiyon ng puso niya. Pero nga ba bigla siyang
kinabahan? Eh hindi naman nanliligaw sa kanya si Karl. Bakit ganoon ang reaksiyon
niya? Bigla ay nahiya siya sa sarili niya.
"Hindi ng, di ba?."
"Talaga? Eh napapansin namin kayo, lalo na si Sir. Palaging ikaw ang
hinahanap tapos madalas kayong magkasama."
"Kayo talaga, nakakahiya naman kay Sir. Mabait lang talaga siya."
"Oo, alam namin na mabait siya. Pero simula nang makapasok kami dito sa
The Groove. Hindi pa namin nakitang naging ganito siya kalapit sa naging empleyado
niya. Kaya alam namin na espesyal ka para sa kanya."
Hindi niya napigilan ngumiti. Aaminin niya, kinilig siya sa narinig.
Itong mga huling araw, palaging nasa isip niya si Karl. Ayaw ng lisanin nito ang
isip niya. At kapag nasa malapit ito, kausap siya nito, mas lalo na kapag
nakatingin ito sa kanya. Walang makakapag-larawan ng kaba sa dibdib niya. Hindi
kaya...
"Hi-hindi naman si-guro," sagot niya dito na pigil ang damdamin. Ayaw
niyang ibunyag dito ang nasa loob niya. Hindi pa naman siya sigurado sa
nararamdaman niya. Kaya mas mabuting wala muna siyang pagsabihan tungkol dito.
"Hmm! Basta, alam namin. Special ka para sa kanya," sabi pa nito.
Muling tumalon ang puso niya. "Ikaw talaga, iba na nga lang ang pag-
usapan natin."
Biglang gumana ang isip niya. Ano nga kaya kung ligawan siya ni Karl?
Siguro magiging masaya siya. Lalo na kapag napatunayan niyang ito nga si Pogs. Saka
lang niya naalala. Hindi pa pala niya naitatanong dito ang tungkol doon.
"Uhm, teka. Nasaan na nga pala si Sir? Parang hindi ko pa yata siya
nakikita dito sa Bar?" tanong niya.
Tumango ito. "Oo nga eh. Baka busy 'yon, o kaya may lakad kasama ang mga
pinsan niya," sagot ni Lani.
"Ah ganoon ba? May itatanong sana ako." 
"Ang bilis naman ng oras, tapos na agad ang breaktime natin." Reklamo ni
Lani.
Agad siyang tumayo. "Halika na, para makapagpahinga naman 'yung susunod
na magbe-break." Aniya.
Papasok na sila sa loob ng Bar ng mapansin niya na dumating ang kotse ni
Karl. Napangiti siya. Kasabay ng pagngiti din ng kanyang puso. Napahinto siya.
"Chaia, halika na." yaya ulit ni Lani.
"Uhm, sige. Mauna ka na." sagot niya dito.
Nang makaalis na si Lani. Nagpaskil siya ng magandang ngiti sa mga labi,
bago huminga ng malalim. Bago tuluyan naglakad patungo sa kinaroroonan ng bagong
dating na si Karl. Lalong lumapad ang pagkakangiti niya ng bumaba mula sa
kotse ito. Ngunit agad din naman siyang napahinto ng mula sa passenger's seat ay
bumaba ang isang seksi at magandang babae.
Mabilis siyang nakaramdam ng sakit. Pakiramdam niya ay sampung beses
siyang sinuntok sa dibdib. Bakit siya nasasaktan ng ganito? Bakit pakiramdam niya
ay nagseselos siya? Was she in love with Karl? Kung ito nga si Pogs, paano nito
nakalimutan ang pangako nito sa kanya? Didn't he even recognize her?
Napakunot noo siya ng matitigan niyang mabuti ang babaeng kasama nito.
Natutop niya ang bibig. Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang Ate Macy niya.
Awtomatikong tumulo ang kanyang luha. At wala ng mas sasakit pa sa sumunod na
eksenang nasaksihan niya. Nilapitan ito ni Karl, pagkatapos ay niyakap ito ng Ate
niya. At higit na mas masakit pa, sa harap niya. Hinalikan nito sa Karl, pagkatapos
ay muling niyakap. Kitang kita niya ng tumingin sa gawi niya ang Ate niya,
pagkatapos ay umirap ito sa kanya at sarkastikong nakangiti.
Agad siyang tumalikod. Kahit mabigat ang bawat yabag niya papalayo sa mga
ito. Hindi niya maintindihan. Isa-isang nagsulputan ang mga tanong sa kanyang isi.
Bakit magkakilala ang mga ito? Paano nagkakakilala ang dalawa? 
Tumakbo siya sa likod ng bar kung saan walang tao. Doon siya umiyak. Kahit hindi
niya lubos na maintindihan kung para saan ang mga luhang iyon.

"HAVE you been crying?" tanong ni Karl kay Chaia pagdating nito doon sa
Station niya.
Napatingin siya dito. Saka pilit na nagpaskil ng masiglang ngiti. Umiling
siya. "Hindi ah. Bakit?" patay-malisya niyang tanong.
Dumukwang pa ito sa kanya. "Wala naman. Parang medyo namumugto ang mga
mata mo." Sagot nito.
"Ah," usal niya. Sabay paskil ng isang pilit na ngiti. "Hindi ah. Medyo
inaantok na kasi ko," pagdadahilan niya.
"Baka pagod ka na. You can leave early if you want."
Kumunot ang noo niya. "Pinapaalis mo na ba ako?"
Gulat siya nitong tiningnan. "Ha? Of course not! Ang sa akin lang, baka
pagod ka na." 
Umiling siya. "I'm okay."
"Miss, give me 2 shots of tequila, please," sabad ng isang customer na
lalaki. Magiliw siyang ngumiti dito.
"Yes Sir!"
Nang mai-serve niya ang order nito. Inaasikaso naman niya ang iba pang
customers. Sinikap niyang balewalain ang presensiya ni Karl. Ngunit kung kailan
naman siya nalilibang, bigla naman dumating ang Ate niya.
"Miss, Martini please," sabi nito, pagkatapos ay tiningnan siya nito
simula ulo hanggang paa.
"Yes Ma'am," seryosong wika niya. Mabilis niyang binigay ang order nito
pagkatapos ay hindi na niya ito pinansin.
Naalala ni Chaia nang huling beses silang nagtalo nito, doon din sa Bar
na iyon. Sinabi nitong huwag niya itong tawagin Ate dahil hindi sila magkapatid.
Ngunit ang tumatak ng husto sa isip niya ay nang sabihin nito na aagawin nito ang
lahat sa kanya.
Habang abala siya sa pag-e-estima ng ibang mga customers. Bigla itong
nagsalita.
"Karl, are busy tomorrow night?" tanong pa nito, saka sadyang nilambingan
ang boses. Hindi pa ito nasiyahan. Lumingkis pa ito na parang sawa sa braso ng una.
Pakiramdam ni Chaia ay sasabog ang dibdib niya. Hindi niya alam kung may
ideya ito sa tunay niyang damdamin para kay Karl. Maliban na lang kung sinubaybayan
siya nito. Gusto niyang komprontahin ito, ngunit alam niyang wala siya sa lugar.
Wala siyang karapatan mag-react ng kahit na ano. Pero hindi niya mapigilan ang
sarili.
"Uhm, medyo. May Outing ang empleyado," sagot nito.
"Can I go with you?" tanong pa nito.
"I'm sorry, Macy. Hindi ka puwedeng sumama. Exclusive iyon para sa mga
tauhan ng Bar. Mabo-bored ka lang doon." Sagot nito. "Anyway, I'll leave you here
for a while. May kakausapin lang ako."
Nang maiwan ito. Tiniis niyang hindi ito kausapin. Aaminin niya, naiinis
siya sa ginagawa nito sa kanya.
"Karl is a good kisser." 
Napahinto siya sa ginagawa, saka mabilis na nangilid ang mga luha niya.
Agad siyang tumalikod para hindi nito makita ang na nasasaktan siya.
"Nakilala ko siya nang bumili ang Boss ko ng kotse sa MCI. Mabilis ko
siyang na-recognize, dahil ilang beses na rin naman akong nakapunta dito at
nakikita ko siya dito. Guwapo pala talaga siya. And I liked him already. Kaya nga
masaya ako nang pumayag siya na lumabas kami. And imagine? This is our second date.
Mukhang hindi magtatagal, magiging kami." 
Naggiritan ang mga ngipin niya. Saka mahigpit niyang nahawakan ang
basahan. Malinaw naman sa kanya ang motibo nito. Humarap siya dito saka tiningnan
niya ito ng diretso sa mata.
"Huwag mo akong kausapin," seryosong wika niya.
"Ano?"
"Ipapaalala ko lang sa'yo ang sinabi mo sa akin. Na huwag kitang
kakausapin dahil hindi tayo magkapatid. Nakakahiya naman sa'yo. Baka may makaalam,"
wika niya ditong may pangungutya.
Sa inis niya. Tumawa pa ito. Alam niyang lalo lang siyang pino-provoke
nito para magalit siya ng tuluyan. Pero hindi niya hahayaan mangyari ang gusto ito.
"Why are you so sarcastic? I'm still your customer here. I deserve some
respect." 
Hindi na siya nagsalita pa. Bagkus ay pinilit niyang i-focus ang sarili
sa trabaho.
"Kapag naging kami na ni Karl. You'll be the first one to know,"
pagpapatuloy pa nito.
Nang hindi siya nakatiis. Nag-walk out siya at nagpunta sa loob ng CR.
Ngunit sinundan pa rin siya nito doon.
"Huwag mo akong tatalikuran!" singhal nito sa kanya, sabay hawak sa isang
braso niya. 
Ngunit pumiksi siya. Akmang lalabas siya ng CR para makaiwas dito nang
muli siya nitong hinawakan sa braso.
"Hindi pa ako tapos!" sigaw nito sa kanya. Saka siya malakas na sinandal
sa pader.
"Kailan matatapos 'to?! Hanggang kailan tayo ganito? Hanggang kailan mo
ako kailangan pahirapan?!" galit at pasigaw na tanong niya dito.
"Kung hanggang kailan ko gusto! Hangga't hindi ko naagaw sa'yo ang
lahat!"
"Kahit kailan wala akong inagaw sa'yo!" giit niya. "Ano ba talaga ang
gusto mong gawin para tigilan mo na ang panggugulo sa buhay ko?"
"Umalis ka sa bahay! Iwan mo kami ni Mama!"
Natulala siya. Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha niya. Paano niya
iiwan ang nagpalaki at nagturing sa kanya na tunay na anak. "Hindi ko magagawa ang
sinasabi mo. Hindi ko kayang iwan si Mama!"
Umigkas ang palad nito sa isang pisngi niya. "Wala kang karapatang
tawagin Mama ang Mama ko. Matagal ka ng walang Nanay. Kaya huwag mong agawin ang
pagmamahal niya sa akin! Hangga't hindi ka umaalis sa bahay. Hindi kailan man
makikita ni Mama na ako ang anak niya at hindi ikaw!"
Mas lalo siyang hindi nakapagsalita. "At huwag na huwag mong masasabi kay
Karl na magkakilala tayo!" pahabol nito. "Oh, and by the way. FYI. Alam kong gusto
mo siya. Inobserbahan kita kapag nagpupunta ako dito. You seems special to him.
Pero hindi ko hahayaan maging masaya ka. Karl will be mine."
Tumawa siya ng pagak. "Sasabihin sa kanya? Huwag kang mag-alala. Wala
akong balak na sabihin iyon sa kanya. Dahil wala akong rason para maipagmalaki na
kapatid kita. At wala akong pakialam sa gusto mong gawin! Bahala ka sa buhay mo!"
Mariin niyang sabi. Sabay bawi sa braso niya.
"Bitch!" sigaw nito sa kanya.
Imbes na dumiretso sa station niya, muli siyang lumabas sa likod at doon
patuloy na lumuha. Sunod-sunod ang paghinga niya. Pakiramdam ni Chaia ay
pinaninikipan siya ng dibdib at ano mang oras ay maaaring mag-collapse.
Aaminin na niya. Mahal niya si Karl. At dahil dito, nagkaroon siya ng
bagong pag-asa na muling maging masaya. Kasunod niyon ay mga senyales na ang
matagal na niyang hinihintay bumalik, si Pogs ay narito na. Ngunit napipinto pang
maglaho ang lahat ng iyon dahil sa Ate niya. Hanggang sa pakiramdam niya ay tuluyan
na siyang nanghina at napaupo na lang sa lupa saka doon umiyak ng umiyak.

[ 7 CHAPTERSEVEN ]
-------------------------------

WALANG imik si Chaia habang hinihintay ang mga kasama niya sa trabaho.
Iyon ang araw na pupunta sila ng Laguna para sa outing nila. Habang excited ang mga
ito. Siya naman ay tahimik lang na nakaupo sa loob ng kotse niya.
"Hoy, anong problema mo?" untag sa kanya ni Lani.
Lumingon siya dito, bago umiling. "Wala," pabulong na sagot niya.
"Weh? Wala daw? Eh nakasimangot ka nga diyan." Anito.
Pilit siyang ngumiti dito. "Okay lang ako." Sabi pa niya.
Mayamaya, dumating na si Karl. Sinikap niyang hindi pansinin ito, kahit
na taliwas ang reaksiyon ng kanyang puso. Huminga siya ng malalim, saka pinaling sa
iba ang kanyang paningin.
"Is everybody ready? Nandito na ba lahat?" tanong pa nito.
"Yes Sir! Kumpleto na!" sagot ni Lani.
"Good!" anito. Ilang sandali pa, dumating ang isang Coaster Bus. "Sumakay
na kayo at nang makaalis na tayo." 
Bumaba siya ng kotse, saka nilapitan ang Security Guard na naka-duty sa
mga sandaling iyon at doon binilin ito. "Kuya, kayo na po bahala kay Sangchu," Sabi
pa niya dito.
Napakunot ang noo ng guard. "Sinong Sangchu?" tanong nito.
Napangiti siya ng wala sa oras. "'Yung kotse po. Sangchu pinangalan ko sa
kanya," paliwanag niya.
"Tunog aso," sabi pa nito.
Natawa na siya ng tuluyan.
"Chaia!" 
Napalingon siya dito. Unti-unting napalis ang ngiti niya nang makitang si
Karl ang tumawag sa kanya.
"Sumakay ka na," anito.
Tumango lang siya. Pag-akyat niya sa Coaster Bus. Puno na ang mga upuan.
Maliban na lang sa unahan at kanan bahagi ng sasakyan. Napabuntong-hininga siya.
Wala man lang siyang katabi. Mukhang mababato siya sa biyahe, wala siyang
makakausap.
Ngunit agad siyang napakunot noo ng biglang sumakay si Karl.
"Wow Sir, dito din kayo sasakay?" tanong pa ng mga kasama niya.
"Bakit? Hindi ba puwede?"
"Hindi po! Buti nga po makakasama namin kayo sa biyahe. Diyan na lang
kayo umupo sa tabi ni Chaia!" sabi pa ni Lani. Marahas siyang napalingon dito,
sabay senyas dito, pero ngumiti lang ito sa kanya, sabay nag-peace sign ito.
"Okay," ani Karl.
Mabilis na kumabog ang puso niya ng umupo nga ito sa tabi niya.
Pakiramdam niya ay may umiikot na paruparo sa tiyan niya. Nang umandar na ang
sasakyan, wala pa rin siyang kibo. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana.
Hanggang sa mukhang hindi na ito nakatiis at nagsalita ito. Tumikhim pa ito.
"Mahirap ang walang kausap. Mahaba pa naman ang biyahe." Sabi pa nito.
"Okay lang ako," mahina ang boses na sagot niya.
"Ah okay. Kaya lang ako hindi okay."
Napalingon siya dahil sa sinabi nito, sabay kunot-noo. Tinitigan niya
ito, mukha naman okay ito. Hindi gaya ng sinabi nito.
"Bakit? Masama ba pakiramdam mo?" tanong niya.
Alanganin itong ngumiti sa kanya. "Hindi naman pero parang ganon na nga."
Sagot nito.
Naguluhan siya sa sinabi nito. "Ano? Linawin mo nga." Sabi niya dito.
Pinalapit siya nito, saka may binulong sa kanya. Hindi na napigilan ni
Chaia ang matawa sa sinabi nito sa kanya. Naitulak pa niya ito palayo sa kanya.
"Yuck! Ang baho naman." Sabi pa niya habang tumatawa.
"Grabe ka naman! Wala pa nga eh." 
Dahil sa sobrang tawa ay hindi na siya nakapagsalita. Mayamaya, natahimik
ito. Paglingon niya, nakatitig lang ito sa kanya habang nakangiti.
"Oh? Bakit? Mukha ba akong inidoro?" tanong pa niya dito.
Umiling ito. Sabay buntong-hininga, nahigit niya ang hininga ng bigla
nitong haplusin ang kanyang pisngi. Kasunod ng muling pagkabog ng dibdib niya.
"Ah...A-anong gi-naga-wa mo?" nauutal na tanong niya.
"I missed that." 
"Ang alin?"
"'Yan, ang ngiti mo. Ilang gabi ko rin hindi nakikita 'yan. Makita man
kitang nakangiti, pilit naman dahil sa trabaho. But I never saw your eyes smile."
Naumid ang dila niya. Mas dumoble ang bilis ng pintig ng puso niya. Lahat
ng mga alalahanin niya nitong mga nakaraan araw ay tila hinipan ng malakas na
hangin.
"Sinabi ko na sa'yo noon. I'll be the wall that you can lean on. Hindi mo
kailangan solohin ang problema. Handa naman akong tulungan ka." 
Napangiti siya. "Salamat ah. Pero, kaya ko pa naman. Problema ko ito.
Dapat ako lang din ang makaayos nito." Aniya. "Kailangan ko lang unahin ang dapat
unahin." Aniya. 
Ikaw nga ang problema ko eh! Dugtong niya sa isip.
Tumango ito. Narinig na naman niyang huminga ng malalim si Karl. "I'm
sorry if you think I'm crossing the lines. Ang ibig kong sabihin sa personal na
buhay mo. Ewan ko ba kasi, kahit ako hindi ko maintindihan. Pero ayokong nakikita
kang malungkot, lalo na kapag umiiyak."
Bakit mo kailangan maging ganito kabait sa akin? Ayokong lalong mapamahal
sa'yo? Tanong niya dito sa sarili niya. "Ayos lang, salamat."
"Go to sleep. Wala ka pang tulog. Alam kong may problema ka. Pero sa
ngayon, huwag mo munang isipin ang mga iyon. It's time for you to relax a bit.
Okay?" sa halip ay sabi nito sa kanya.
"Okay." Nakangiting sagot niya.
Bago pumikit ay tumingin muna siya sa labas. Bukod sa naganap na
panibagong komprontasyon sa kanilang dalawa ng Ate niya. Iniisip din niya kung saan
siya lilipat. Ayaw man niyang iwan ang Mama niya, ngunit wala siyang mapagpipilian
sa mga sandaling iyon. Hindi matatapos ito kung hindi siya ang magpaparaya. Bukod
pa ang pag-iisip niya sa relasyon nito sa Ate niya.
Pinilig niya ang ulo. Tama si Karl. Saka na niya iisipin ang mga iyon. Sa
ngayon, pagbibigyan naman niya ang sarili na mag-enjoy at kalimutan ng panandalian
ang mga problema. Pumikit siya at ni-relax ang isip. Hindi pa nagtatagal ng
maramdaman niyang hinilig nito ang ulo niya sa balikat nito. Napangiti siya. Saka
lang niya naramdaman ang kapanatagan ng loob, dahil alam niyang nasa tabi lang niya
ito.
Karl. Pogs. Please, sabihin mo naman sa akin kung ikaw nga si Pogs, bakit
hindi mo sinasabi sa akin? Nakita mo na ang kwintas ko. Hindi mo na ba natatandaan?

DAHAN-dahan minulat ni Chaia ang mga mata niya. Kinusot pa niya iyon bago ginala
ang paningin sa paligid. Napakunot noo siya ng mapansin na nasa isang estrangherong
silid siya. Kung tama ang pagkakatanda niya, nasa loob pa sila ng Coaster Bus
kanina. Napahawak siya sa noo, nang bigla niyang naalala ang nangyari.
Nakatulog nga pala siya kanina habang nasa biyahe. Dahil pagod at puyat.
Napahimbing ang tulog niya. Pagdating nila sa Resort ay ginising siya ni Karl.
Dahil bangag pa siya sa antok, naalala niyang inaalalayan pa siya nito pababa ng
Bus, hanggang sa makarating sila doon sa silid na inookupahan nila ngayon. Ang una
nga pala niyang ginawa pagdating sa loob ng kuwarto ay binaba ang mga gamit niya,
at nahiga sa kama. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya ulit ng mahimbing.
Napailing siya, sabay buntong-hininga. Nakakahiya kay Karl. Tinulugan pala niya ito
kanina. Hindi man lang siya nakapagpasalamat dito na hinatid pa talaga siya nito
doon. Nang sumulyap siya sa oras, alas-sais pasado na pala ng gabi. Napasarap ang
tulog niya. Agad siyang bumangon at nagpunta sa banyo. Pagdating niya doon, bigla
na naman siyang may naalala. Wala sa loob na napahawak siya sa labi.
Nanaginip siya. Kasama daw niya si Karl, at naglalakad daw sila sa tabing dagat.
Doon, nagpahayag daw ito ng pag-ibig dito. Pagkatapos ay hinalikan daw siya nito sa
labi. Ngunit ang nakakapagtaka sa panaginip niya. Parang totoo ang halik na iyon.
Parang hindi isang ordinaryong panaginip.
Mabilis siyang napailing, saka sunod-sunod na umiling. Natapik niya ang magkabilang
pisngi ng mapansin niyang namumula na ang mga iyon.
"Hindi Chaia, panaginip lang 'yon. Hindi totoo. Huwag kang assumera! Panaginip lang
'yon! Panaginip lang!" mariin pa niyang pangungumbinsi sa sarili.
Napalingon siya sa may pinto ng marinig niya na tila may pumasok doon sa kuwarto.
"Chaia!" narinig niyang tawag sa kanya ni Lani.
"Nandito ako sa banyo! Maliligo lang ako." sagot niya.
"Ah okay, sige hintayin ka namin ni Miss Anne." Sabi pa nito.
Muli niyang tiningnan ang sariling repleksiyon sa salamin. "Relax ka lang, Chaia.
Panaginip lang 'yon. Hindi ka dapat mapraning." Mahina ang boses na pagkausap niya
sa sarili.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis. Agad siyang lumabas ng banyo.
Nadatnan niya ang dalawa na nakaupo sa ibabaw ng kama at nag-uusap. Kapwa
napalingon ang mga ito sa kanya.
"Sa wakas, nagising na rin si Sleeping Beauty!" sabi pa ni Lani sa kanya.
"Pasensiya na kayo, ha? Antok na antok talaga ako saka pagod ako. Ang
dami kasing customers eh." Hininging paumanhin niya.
"Okay lang 'yon, ano ka ba? Tulog pa rin naman 'yong ibang mga kasamahan
natin eh." Anito.
Napansin niyang nakangiti sa kanya si Miss Anne at tila titig na titig
ito. "Bakit ganyan ang tingin mo sa akin, Miss Anne?" tanong pa niya.
"Wala," tila pigil ang tawa na sagot nito.
Mayamaya, nagulat siya ng bigla din tumawa si Lani.
"Hoy, ano ba 'yan? Bakit ba kasi kayo tumatawa?" tanong na naman niya sa
dalawa.
"Eh kasi, nakakakilig kayong dalawa ni Sir Karl kanina eh." Sa wakas at
sagot ni Miss Anne.
Napakunot-noo siya. "Anong ibig n'yong sabihin?"
Nagkatinginan pa ang mga ito. Si Lani ang nagsalita. "Kasi pagdating
natin dito, di ba tulog ka pa? Alam mo ba? Nakasandal ang ulo mo sa balikat niya.
Pagkatapos, iyong paraan niya ng paggising niya sa'yo. Ang sweet!" pagkuwento pa
nito habang kinikilig.
"Grabe girl, habang ginigising ka niya. Titig na titig siya sa mukha mo, tapos
parang hinahaplos pa ng likod ng palad niya ang pisngi mo. My Goodness! Tapos noong
magising ka na, di ba nakaalalay siya sa'yo? Noong hinatid ka niya dito sa, oh my!
As in! Para kayong bagong kasal!" pagpapatuloy pa ni Miss Anne.
Natutop niya ang bibig. Kasunod niyon ay malakas na kumabog ang puso
niya. Totoo kaya iyon? Biglang umahon ang hiya sa katawan niya. Anong sasabihin
niya pag nakaharap dito? Anong gagawin niya? Pagkatapos hindi pa pala siya
nakapagpasalamat dito. Sa halip ay tinulugan niya ito. Napapikit siya, sabay iling.
Nakakahiya talaga. Idagdag pa sa mga iyon ang panaginip niya. Tuluyan nang lumakas
ang kaba sa dibdib niya. Isipin pa lang niya ang lahat ng iyon, pakiramdam niya ay
nagkukulay pula na ang buong katawan niya sa sobrang hiya.
Hala! Anong gagawin ko?

MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Chaia habang papalapit kay Karl. Simula ng
magising siya kanina, hindi siya agad lumabas ng kuwarto. Nang malaman niya na
nakatulog pala siya sa balikat nito, inunahan siya ng hiya upang lapitan ito. Bigla
kasi niyang naisip. Paano kapag tumulo pala ang laway niya kanina habang natutulog
siya. Huminto siya sa paglalakad, saka pinilig ang ulo. Napapikit siya.
"Kasi naman eh," pabulong na maktol niya sa sarili. "Bakit ba kasi
mantika akong matulog?"
Lord, bigyan n'yo po ako ng lakas ng loob. Jusme, sasabog na yata ang
dibdib ko sa lakas ng kaba ko.
"Ah, mas mabuti kung mamaya ko na lang siya lalapitan." Sabi ulit niya sa
sarili. Saka akmang tatalikod. "Kaya lang, ganoon din 'yon. Magkikita din kami
kapag kumain na ng dinner. Wala rin akong kawala. Makikita ko pa rin siya. Eh di
kausapin ko na ngayon."
Saglit siyang nag-isip, habang tinitingnan si Karl na nakaupo sa sun
lounger na nasa gilid ng swimming pool. Nataranta siya ng bigla itong lumingon sa
kinaroroonan niya. Agad siyang tumalikod at nagmamadaling lumakad palayo dito.
"You're awake." 
Napahinto siya. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang humarap dito.
Awtomatikong napangiti siya. "Hi," bati niya, sabay kaway dito.
"Hi," bati din nito.
Nilapitan niya ito sa kabila ng hindi mawala-walang kaba. Saka umupo siya
sa tabi nito.
"Kumusta ka na?" tanong nito.
"O-okay lang," nahihiyang sagot niya.
Pagkatapos ay nabalot sila ng katahimikan. Nang hindi siya nakatiis,
nagsalita na siya. "Uhm. Thank you pala." Sa wakas ay sabi niya.
Napalingon ito sa kanya. "For what?"
"Sa paghatid mo sa akin sa kuwarto. Saka sa pag-alalay mo sa akin sa Bus
kanina. Pasensiya ka na, ha? Wala pa ako sa ulirat no'n. Saka, pasensiya ka na rin.
Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa'yo kanina, tinulugan pa kita. Nakakahiya
naman sa'yo. Sorry talaga." Sabi pa niya.
"Ah, 'yon ba? You're Welcome. Sinusubukan nga kitang gisingin kanina kaso mukhang
pagod ka kaya di na namin inistorbo ang tulog mo," paliwanag nito.
Nakagat niya ang ibabang labi, sabay takip ng palad niya sa kalahati ng
mukha niya, saka sunod-sunod na umiling. Mas lalo siyang nahiya dito. Mantika pala
siyang matulog kanina.
"Naku po, nakakahiya naman. Sorry. Naabala pa kita, mabigat pa naman ako.
Sigurado, nangalay ka kung binuhat mo ako." 
Hinawakan nito ang kamay niyang nakatakip sa mukha niya, saka binaba
iyon. "Ano ka ba? It's okay. Okay? Wala ka naman dapat ikahiya." Sabi pa nito.
Bumuntong-hininga siya. "Basta, pasensiya na. Antok na antok talaga ko
eh." Paliwanag pa niya.
"Ay ang kulit," sabi pa nito. Napaigtad siya ng bigla nitong kilitiin sa
tagiliran.
"Hoy! Ano ba? Huwag kang mangiliti!" saway niya dito.
Tumawa lang ito. "Eh ang kulit mo eh," anito.
"Masama bang humingi ng sorry. Naisip ko kasi baka mamaya natuluan kita
ng laway!" walang prenong sabi niya. Agad niyang natakpan ang bibig pagkasabi niya
niyon.
Tumawa ito ng malakas. "Actually, medyo." Sagot nito.
"Ay! Nakakainis ka! Bakit mo sinabi?" protesta niya, sabay pabirong
hampas sa braso nito.
"Aray ko! Ang bigat naman ng kamay mo!" daing naman nito, sabay kiliti na
naman sa tagiliran niya.
Natawa na siya ng tuluyan ng hindi nito tigilan ang pangingiliti sa
kanya. Kaya tumayo siya at bahagyang lumayo dito, pero sinundan siya nito. Napuno
ng tawanan nilang dalawa ang buong swimming pool area. Hanggang sa hindi na nila
namalayan na napapalapit na sila sa mismong pool, sa kakaatras nila, aksidenteng
nahulog siya sa tubig. Napahiyaw siya ng malakas. Dahil hawak niya ito sa braso,
kaya dalawa silang nahulog sa tubig. Habol niya ang hininga pag-ahon niya. Biglang
bumilis ang tibok ng puso niya nang sumulpot sa harapan niya mula sa ilalim ng
tubig si Karl. Biglang nanikip ang dibdib niya. Dumoble ang bilis ng pagpintig ng
puso niya ng tumitig ito sa kanya, at mas lalo itong lumapit sa kanya. Isang maling
kilos ay mahahalikan na siya nito.
Gusto niyang ibaling sa ibang direksiyon ang paningin niya. Ngunit ayaw
naman kumilos ng ulo niya. Hindi siya sigurado, ngunit, huwag sana nitong marinig
ang malakas na kabog ng dibdib niya sa mga sandaling iyon. Bakit ba kayhirap iwasan
ang mga tingin nito? Sa tuwing nagtatama ang mga mata nila, pakiramdam niya ay
naglalaho ang mga tao sa paligid nila. Kasama na roon ang mga problema niya. Kung
sana'y maaari niyang sabihin dito ang tunay niyang damdamin. Kung sana'y malaya
niyang isigaw ang pagmamahal niya dito. Gagawin na niya. Ngunit hindi puwede, may
girlfriend na ito. Ang masaklap pa doon, Ate niya ang nagma-may-ari ng puso nito.
"Okay ka lang?" tanong nito.
Tumango siya. "Oo," pabulong niyang sagot. Mabilis siyang tumalikod at
lumangoy papunta sa gilid upang umahon.
"Chaia."
Napahinto siya. "Ba-bakit?" nagkandautal na tanong niya.
"Uh, I have something to tell you." Anito.
Kung ang tungkol sa relasyon nito at ng Ate Macy niya ang sasabihin nito.
Mas pipiliin na lang niyang hindi marinig iyon.
"Pwede bang mamaya na lang? Uh, magbibihis lang muna ako. Nilalamig na
kasi ako." Paiwas niyang sagot. Hindi na niya hinintay pang sumagot ito, mabilis
siyang umahon.
Agad din naman itong sumunod. Hindi pa siya nakakalayo nang marinig
niyang nag-ring ang cellphone nito na nakapatong sa ibabaw ng sun lounger.
Napahinto siya. Hindi niya napigilan ang sarili na lumingon dito.
"Hello, Macy." Bungad ni Karl pagsagot nito.
May kung anong kumurot sa puso niya. Agad na umahon doon ang sakit.
Nagtagumpay ang Ate niya, nag-uumpisa pa lang ang maganda nilang pagtitinginan nila
ni Karl. Nagawa na itong maagaw ni Macy. At higit sa lahat, nasasaktan siya ngayon.
Sobrang sakit. Kung may magagawa nga lang siya. Hindi na niya hinintay pang marinig
ang paglalambingan nito, kaya mabilis siyang umalis doon.
Napahinto siya ulit sa paglalakad nang makitang naroon ang mga kasama
niya at nakamasid sa kanila. Hindi na siya nagsalita, basta na lang siya umalis at
iniwan ang mga ito. Mahal na mahal niya si Karl. Ngunit may mahal itong iba.
Marahil, nararapat lang na umiwas na siya dito kagaya ng naumpisahan niya.
Kailangan niyang isantabi ang personal na damdamin niya dito. Para sa ikatatahimik
ng lahat. Dahil kapag nalaman ng Ate Macy niya ang tungkol sa pagtingin niya dito.
Mas lalo lang itong magagalit sa kanya.

******************************************************************

NEXT FRIDAY ULIT ANG UPDATE! MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! ^^ 


~JA💜

[ 8 CHAPTEREIGHT ]
-------------------------------

UMALINGAWNGAW ang sigaw ni Lani at Miss Anne ng nagsimulang umandar ang


Zip Line. Sa haba at taas niyon, kahit sino ay mapapasigaw. Nagsimulang makaramdam
ng takot si Chaia. First time niyang masusubukan iyon. Actually, ayaw naman talaga
niyang gawin ang activity na iyon. Pinilit lang talaga siya ni Lani dahil alam
nitong may Fear of Heights siya. Ang kaso naman, wala siyang kasama, hindi niya
kayang sumakay doon na siya lang mag-isa. Ang mga kasunod niya ay pawang mga
lalaki. Ayaw naman niyang katabi ang mga iyon.
Mayamaya, binalingan siya ng nag-o-operate niyon. "Ma'am, kayo na po."
Anito.
"Ha? Ayoko! Ako lang mag-isa? Ayoko nga!" mariin niyang tanggi.
"Wala! Madaya ka, Chaia! Usapan natin lahat tayo eh." Protesta naman ng
mga kasamahan niyang nasa likod.
"Eh ang taas kaya n'yan! Tapos ako lang! Ang dadaya n'yo, palibhasa may
mga kasama kayo!" depensa naman niya.
"Sino ba may sabing ikaw lang mag-isa diyan? Ayaw mo kasi akong yayayain
eh." Sabad ng bagong dating na si Karl.
Ang kaba na bunga ng takot ay napalitan ng kakaibang kaba dahil sa
biglang pagdating ni Karl. Biglang bumalik sa alaala niya ang tagpong iyon sa
swimming pool. Ano nga kaya ang nangyari kung nahalikan siya nito? Mabilis niyang
tinaboy ang tanong na iyon sa utak niya. Hindi kailan man mangyayari 'yon. Asa pa
siya.
Umiling siya. "Hindi na. Ka-kaya ko na." tanggi niya.
Ngumiti ito, saka umiling din. "Eh paano kapag bigla kang himatayin sa
sobrang takot habang nasa gitna ka. Ano na mangyayari sa'yo?" tanong naman nito.
Napipilan siya. Sabay bumuntong-hininga. Mukhang wala na siyang choice.
Bakit ba kasi kapag sinisimulan niya itong iwasan ay kusa naman itong lumalapit sa
kanya? Muli siyang umiling dito.
"Hindi na. Okay na. Kakayanin ko." Tanggi ulit niya.
Nagulat pa siya ng bigla nitong hawakan ang kamay niya ng mahigpit.
Umulan ng kantiyawan mula sa mga kasamahan nila. Pinilit niyang binawi ang kamay
niya, ngunit lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanya.
"I'm the boss. Kapag sinabi kong sabay tayo, sabay tayo." Giit naman
nito.
Binaling niya sa ibang direksiyon ang paningin niya. Saka nilukot niya
ang mukha. Ang sarap itulak nitong lalaking 'to!
"Ma'am?" pukaw sa kanya ng operator ng zip line. Tila hinihingi nito ang
go signal niya.
"Ay sige na nga! Grrr!" napilitan niyang sagot.
Agad silang pumwesto. Inayos naman ng mga operator ang harness nila para
masigurong safe sila at hindi babagsak. Napasulyap siya kay Karl na nasa tabi niya.
Malapad ang pagkakangiti nito habang tila excited ito. Samantalang siya, ayun at
parang tatalon ang puso niya sa takot. Nang maayos na ang harness nila.
"Ready?" tanong ni Karl.
Huminga muna siya ng malalim, bago tumango. Ganoon na lang ang tili niya
ng biglang umandar ang zip line, sabay pikit ng mariin. Si Karl naman ay kuntodo
hiyaw habang tumatawa.
"Hey! Open your eyes! Tingnan mo ang view!" sabi pa nito sa kanya.
"Ayoko! Natatakot ako!" aniya.
"Come on! Hindi mo ma-a-appreciate ito at hindi mo mako-conquer ang fear
mo kapag ganyan ka." Paliwanag nito.
"Eh ang taas eh! Nakakatakot nga!"
Napadilat siya ng wala sa oras ng maramdaman niyang hinawakan nito ang
kamay niya. Tiningnan niya ito. Ang guwapong mukha nito na nakangiti ang bumungad
sa kanya.
"I'm here. There's no reason for you to be scared. Hindi kita
papabayaan." Sabi nito.
Biglang napanatag ang puso niya. Nawala ang takot niya. Naramdaman na
naman niyang importante siya dito. Ngumiti din siya dito, sabay tango.
"Look around," sabi nito.
Nang tumingin siya sa paligid. Bumungad sa kanya ang magandang tanawin.
Gumaan ang pakiramdam niya, kung ganito araw-araw ang bubungad sa kanya. Siguro
hindi niya masyadong maiisip ang mga problema niya. Siguro makakaya niyang lahat.
Maging ang ipaglaban ang tunay niyang nararamdaman para sa lalaking minamahal na
ngayon ay hawak ang kamay niya. Sabay silang napasigaw habang paparating sa
kabilang side ng zip line. Kung may hihilingin siya sa mga sandaling iyon. Iyon ay
huwag nang matapos ang mga sandaling kasama niya ito.

HULING gabi na nila doon sa resort. Bukas ng umaga. Uuwi na sila, at sa


gabi. Balik trabaho na silang lahat. Iyon na rin ang huling araw nang pangangarap
niya na sa kanya si Karl. Sa mga sandaling iyon, naroon sila sa clubhouse ng
Resort. Habang nagkakasiyahan ang ibang mga kasamahan niya sa pagkakantahan sa
videoke. Siya naman ay masayang nakikipagkuwentuhan kay Karl at Miss Anne. Naputol
lang ang pakikipag-usap niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad siyang
nag-excuse nang makita na ang Mama niya ang tumatawag.
"Hello, Mama." Bungad niya pagkasagot.
"Anak," anitong garalgal ang boses.
Napatuwid siya ng tayo ng marinig niyang tila umiiyak ito. "Mama, bakit
po?" nag-aalalang tanong niya.
Napalingon ang dalawang kausap niya sa kanya. Mabilis siyang lumabas ng
clubhouse para mas marinig niya ng malinaw ito.
"Totoo ba, anak?" tanong nito.
Biglang kumabog ang puso niya. Tila alam na niya ang dahilan kung bakit
ito umiiyak.
"Ang alin po?"
"Hindi ka na uuwi dito?"
Hindi agad siya nakakibo. Tama ang hinala niya. At may ideya na rin siya
kung paano nito nalaman ang lahat. "Pa-paano po ninyo nalaman?" tanong niya. Habang
nagsisimulang mangilid ang mga luha niya.
"Nagtalo kami ng Ate mo. Galit na galit siya nang ipagtanggol kita sa
kanya. Sa sobrang galit niya, naitulak niya ako. Saka niya sinabi sa akin na hindi
ka na babalik, nang tingnan ko ang mga damit mo. Wala na doon sa lalagyan mo."
Kuwento pa nito habang humihikbi.
Tuluyan na siyang napaiyak. Hindi na niya napigilan pa ang paghagulgol.
Kaya niyang tiisin ang pang-aalipusta sa kanya ng Ate niya. Pero hindi niya
kakayanin kung pati ang Mama niya. Na kung tutuusin ay tunay na Ina nito.
"Kailangan po, Mama. Para matahimik tayong lahat. Kung hindi po ako
aalis, palagi lang kaming mag-aaway. Ayoko pong maipit kayo sa hindi naming
pagkakaunawaan. Siguro po, panahon na rin para si Ate Macy naman ang asikasuhin
n'yo. Iyon po ang labis niyang kinagagalit sa akin. Iniisip niya kasi na inagaw ko
kayo sa kanya, dahil mas madalas n'yo akong paboran simula pa noong mga bata pa
kami." Paliwanag niya dito.
"Saan ka naman titira, anak?" tanong nito.
"Ako na pong bahala, Mama. Huwag po ninyo akong alalahanin. Malaki na
ako, kaya ko na ang sarili ko." Pag-aalo niya dito. "Hayaan n'yo po, madalas ko
kayong tatawagan para hindi kayo masyadong mag-isip."
"O sige, mag-iingat ka." Sabi pa nito.
"Opo. Kayo rin po." Sagot niyang pilit pinasisigla ang boses.
Pagkatapos ng pag-uusap nila. Tumakbo siya hanggang doon sa gilid ng Lake
na malapit lang din sa Resort na tinutuluyan nila. Doon niya binuhos ang kanyang
mga luha. Doon niya pinakawalan ang lahat ng galit na pilit niyang kaytagal niyang
itinago. Nang hindi na niya makayanan, ay sumigaw siya ng malakas habang
humahagulgol. Saka tila nanghihina na napaupo sa lupa, sinuntok niya ng sinuntok
ang lupa para lang mailabas niya ang bigat ng dibdib niya. Dalangin niya na huwag
sana ulit mag-krus ang landas ng Ate niya at awayin siya nito. Dahil sa pagkakataon
na iyon, pinapangako niya. Lalaban na siya.
Nagulat siya ng mula sa likod niya ay may yumakap sa kanya.
"Chaia,"
Agad siyang yumakap dito, at doon muling umiyak. Naramdaman niya nang
humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
"I'm here. Hush now." Pag-aalo nito sa kanya.
Nang mahimasmasan siya. Kinuwento niya dito ang tunay na relasyon nila ng
Ate niya. Ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya sa piling nito. Siyempre, hindi
niya sinabing si Macy ang tinutukoy niya. Hindi ito nag-react, bagkus, ay
napapailing lang ito.
"Umalis ako ng bahay nang hindi nagpapaalam sa Mama ko. Dahil kapag
ginawa ko 'yon, baka hindi ko kayanin." Sabi pa niya.
"So, wala kang matutuluyan ngayon?" tanong pa nito.
"Wala," sagot niya. "Hindi bale, bukas na bukas pag-uwi natin. Maghahanap
ako."
"I'm sorry,"
Napalingon siya dito. "Bakit ka nagso-sorry?"
"Hindi ko alam na ganyan pala kahirap ang sitwasyon mo sa pamilya mo. I
should've known earlier. Para hindi ako umalis sa tabi mo. Kaya ka ba malungkot
nitong mga nakaraan araw?" Aniya.
Tumango siya, sabay ngiti dito. "Hindi pa ba? Sa tuwing namomroblema ako
gaya ngayon. Palagi kang nasa tabi ko. Ang dami ko na ngang utang sa'yo." Aniya.
"Hindi mo kailangan isipin 'yon. Basta makita lang kita nakangiti at
masaya, ayos na ako doon."
Tumango siya. "Okay. Simula ngayon, madalas na akong ngingiti. Para
sa'yo."
"That's better," sagot nito.
Bumuntong-hininga siya, "Maraming Salamat." Aniya. Ang malaman lang na
nasa tabi niya ito, ay isang magandang dahilan na para labanan niya ang problema at
huwag magpatalo. Tumayo na siya. Bigla siyang nakaramdam ng pagod, sa isang iglap,
gusto niyang ihiga ang katawan niya sa kama.
"Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Papasok na ako, medyo malamig na kasi dito. Saka gusto ko nang
magpahinga." Sagot niya. "Uh, okay lang ba?"
Tumayo ito. Sabay tango. "Uh, wait." Usal nito. Hinubad nito ang jacket
saka binalabal sa likod niya. "Goodnight." Sabi pa nito.
"Thank you. Goodnight din." Nakangiting wika niya dito.
Tumango ito. Pagtalikod niya, agad siyang naglakad palayo dito. Ngunit
hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang pigilan siya nito. Lumingon siya dito.
"Bakit? May nakalimutan ka bang sabihin?" kunot-noong tanong niya dito.
Ganoon na lang ang gulat niya nang bigla nitong gagapin ang magkabilang
pisngi niya, saka siya hinalikan nito. Nanlaki ang mga mata niya. Kasunod ng
mabilis na pagpintig ng puso niya.
Totoo bang lahat ng ito? O panaginip lang? Kung si Macy ang girlfriend
nito. Bakit ang pilit na sinisigaw ng puso niya ay siya ang mahal nito? O sadyang
nadadala lang siya halik nito. Nang tumagal na ang halik na iyon. Kusang pumikit
ang mga mata niya, at dahan-dahan, tumugon siya. Hindi man niya maintindihan kung
bakit magkalapat ang mga labi nila ng mga sandaling iyon. Saka na niya iisipin.
Saka na rin siya magtatanong. Sa sandaling iyon, hahayaan muna niya ang puso na
maging masaya sa piling nito. 

TINITIGAN na Chaia ang maleta niyang nakalagay sa compartment ng kotse


niya. Saang lupalop naman kaya siya hahanap ng matutuluyan? Sumulyap siya sa suot
niyang wrist watch. Dalawang oras na lang ang natitira sa kanya para maghanap ng
matutuluyan. Dahil kung hindi, doon siya matutulog sa Bar. Napabuntong-hininga
siya. Marahil iyon na siguro talaga ang tamang panahon para mabuhay siyang mag-isa.
Kung alam lang niyang ganoon kalaki ang galit sa kanya ng Ate Macy niya, noon pa
sana siya umalis doon. Hindi sana lalala ng ganoon ang away sa pagitan nilang
dalawa.
"Saan mo planong tumuloy?"
Napapitlag siya, sabay lingon sa bandang likuran niya. Agad din naman
niyang iniwas ang paningin nang makitang si Karl iyon. Mas mabilis pa sa alas-
kuwatro nag-flash back ang nangyari kagabi. Pakiramdam niya ay namumula ang mukha
niya. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat. Basta natagpuan na lang niya
ang sarili na nakakulong sa mga bisig nito at sakop na nito ang kanyang mga labi at
tumutugon sa mga halik nito.
"Uh, ano. Uhm, wa-wala pa." kandautal na sagot niya.
"Eh paano ka pagkatapos ng shift mo? Saan ka matutulog?" tanong pa ulit
nito. Sa pagkakataon na ito, nasa tabi na niya ito.
Nagkibit balikat siya. "Eh di matulog dito sa kotse. O kaya sa loob ng
Bar." Aniya.
Pumalatak ito. "I can't imagine you, sleeping here. I mean, saan ka
maliligo?"
Kunot-noo siyang lumingon dito. Napangiti siya. "Huwag mo akong masyadong
problemahin. Malaki na ako. Kaya kong sarili ko, huwag kang mag-alala." Sabi niya.
Biglang umilap ang mga mata nito. "Sinong nag-aalala? Ako? Hindi kaya!"
mabilis na tanggi nito.
Natawa lang siya sa reaksiyon nito, saka siya napailing.
"Eh babae ka, hindi puwedeng dito ka lang matutulog. Wait here, I'll just
make some few calls." Sabi nito.
Nagtaka siya. Sinundan niya ito ng tingin ng bahagya itong lumayo at may
kinausap sandali sa cellphone nito. Mayamaya lang, hinarap na siya nito. "Let's
go," nakangiting wika nito.
"Saan?" nagtatakang taong niya.
"Basta, let's go. Diyan na lang tayo sumakay sa kotse mo." Sagot nito.
"Saan nga?" tanong ulit niya.
Nagulat pa siya ng bigla nitong hawakan ng mahigpit ang kamay niya. "DO
you trust me?" seryoso at diretso sa mga matang tanong nito.
Kinapa niya ang damdamin, gaano ba kalaki ang tiwala niya dito? Sapat na
ba ang pagmamahal niya upang magtiwala siya ng lubos dito? Napangiti siya. Yes. She
trust him. She trust him with her whole heart, that she's willing to give up
everything just to be with him. And now, she made up her mind. Kahit na anong
mangyari, walang sino man ang makakapigil sa kanya para mahalin si Karl. Maging ang
Ate Macy niya.
Nakangiting tumango siya. "Yes. I trust you." Sagot niya.
Alam ni Chaia na mas malalim pa ang kahulugan ng sagot niya sa naging
tanong nito. Alam niyang ang pagsagot niya ng "Oo" dito ay nangangahulugan lang na
tuluyan na niyang tinanggap ito sa buhay niya. Na ito ang mahal niya, at mamahalin
habang buhay.

*************************************************************

Last 2 Chapters na ng story ni Chaia & Karl. See you on Tuesday para sa last update
ng story na 'to. Maraming salamat po ulit sa pagbabasa. God Bless.
~JA💜

[ 9 CHAPTERNINE ]
-------------------------------

"GIRL, okay ka lang ba?" tanong ng bagong kakilala at kasama niya sa


bahay na si Kamille.
Ngumiti siya dito, saka tumango. "Oo, okay lang ako. Thank you." Sagot
niya.
"Kung may kailangan ka, nasa ibaba lang ako." Sabi pa nito.
"Sige, salamat ulit!"
Nang maiwan na siya doon sa kuwarto na ookupahin niya. Napangiti siya
ulit. Masakit man sa kanya na mawalay sa Mama niya. Pero kailangan niyang aminin sa
sarili na mas nakahinga siya ng maluwag ngayon, marahil ay dahil sa malayo na siya
sa Ate Macy niya. Huwag lang dadalhin ni Karl doon ito.
Sumulyap siya sa suot niyang wrist watch. Bukas na lang niya aayusin ang
ibang gamit niya, kailangan pa niyang maghanda para sa pagpasok niya sa Bar.
Pagbaba niya sa sala naroon si Kamille, kasama ang iba pang mga kaibigan nito.
Pinakilala na ni Karl ang mga ito sa kanya.
"Feel at home ah," sabi ni Kamille sa kanya.
Tumango siya. "Oo. Maraming Salamat sa pagtanggap mo sa akin." Wika niya.
"Tama pala si Karl." Sabad naman ng isa sa mga kaibigan ni Kamille,
Jhanine daw ang pangalan nito.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Maganda ka nga."
Napangiti siya. Hindi siya makapaniwala na sinabi nito iyon sa mga ito.
"Talaga? Sinabi ni Sir Karl 'yon?" paniniguro pa niya.
Ngumisi lang si Marisse, ang pinsan ni Karl. "Hay naku, te! Kung alam mo
lang." sabi pa nito.
"Ha? Teka, anong ibig mong sabihin?" tanong ulit niya.
"Naku, huwag mo ngang pansinin 'yang si Marisse. Pengkum 'yan eh." Sabad
naman ng Dentista na si Razz.
"Ang saya n'yo naman dito. Sigurado, mawiwili ako dito." Sabi pa niya.
"Alam mo, girl. Dapat talaga noon ka pa dinala ni Karl dito. Anyway, it's
better late than never. Sana mag-enjoy ka sa pagtira mo dito sa Tanangco." Wika
naman ni Sumi .
"Nga pala, nasaan ba si Karl? Puwede ko ba siyang makausap?" tanong na
naman niya.
"Ay oo naman, halika! Doon tayo sa bahay ng Lolo ko. Nandoon 'yon." Sagot
ni Marisse, sabay hila sa kanya palabas ng bahay.
Dinala siya nito doon sa malaking bahay sa di kalayuan. Nagtaka siya
dahil nakabukas ang malaking gate niyon. At sa loob mismo ay may Carwash Shop.
Napangiti siya ng makita ang sinage sa labas ng bahay. Lolo Badong's Hugas Kotse
Gang. Napansin niya, hindi lang iyon ang may kakaibang pangalan. Maging ang iba
pang establisyimento doon. Nakakatuwa ang lugar na iyon, maging ang mga tao sa
kalyeng iyon ay pawang mga nakangiti. Hindi niya alam na may ganoon klaseng lugar.
Kung alam lang niya, noon pa sana siya nagpunta doon.
Pero hindi pa naman huli ang lahat. Ngayon na nagsisimula na siya ng
panibagong buhay mag-isa. Kasama ang mga taong tila padala ng langit sa sobrang
kabaitan. Malaki ang posibilidad na madali siyang makakapag-adjust. Lalo na at
naroon lang sa tabi si Karl.
Naputol ang pag-iisip niya nang kalabitin siya ni Marisse. "Ayun 'yung
hinahanap mo oh." Sabi pa nito, sabay turo sa loob ng bakuran.
Lumukso ang puso niya, kasunod ng mabilis na pagpintig nito. Nanlaki ang
mga mata niya. Biglang nag-init ang magkabilang pisngi niya. Dahil nasa harapan
niya ang isang lalaking na sadyang pinagpala. Mabilis na iniwas ni Chaia ang mga
mata sa tinuro ni Marisse. Mabilis siyang tumalikod ng tinawag ni Marisse ang
pinsan nito.
"Karl! Halika muna dito! Tawag ka ni Chaia! May sasabihin yata sa'yo eh."
Sabi pa nito.
"Ano 'yon?" tanong ni Karl paglapit nito.
Lalong kumabog ang dibdib niya nang makalapit na ito. Paano ba naman
siyang hindi maiilang ng ganoon? She just saw Karl, half naked. Tanging ang suot
nitong maong na pantalon lang ang suot nito at walang pang-itaas. Kaya labas ang
mga abs nito at mga naglalakihang muscles sa dalawang braso nito.
Lord, patawarin po Ninyo ako. Ilayo N'yo po ako sa lalaking ito. Malamang
ba na magkasala ako!
"Hoy, ano daw 'yon?" untag sa kanya ni Marisse.
Napapitla siya. Saka wala sa loob na napaharap dito. Daig pa niya ang
nasilaw sa sikat ng araw nang tumambad sa kanya ang katawan nito. Sinikap niyang
ibaling sa iba ang paningin niya, ngunit parang may magnetong humihila sa kanya
para ibalik ang tingin dito.
"Uh, ano. Uh, gusto ko lang magpasalamat sa'yo. Uhm, sa pagdala sa akin
dito. Maganda 'yung bahay ni Kamille. Sa tingin ko mag-e-enjoy ako dito." Sagot
niya. Lihim niyang nakagat ang ibaba ng labi niya. Hindi siya sigurado kung saan
papunta ang mga sinabi niya. Baka mamaya, mahalata nito na kinakabahan siya.
"That's not a problem, Chaia." Nakangiting sagot nito. "By the way,
pasensiya ka na pala sa ayos ko. Eto kasi ang trabaho ko kapag wala ako sa Bar.
Carwash Boy." Dagdag pa nito.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo. Si Lolo Badong ang may pakana ng business na 'to. Since puro mga
barako ang mga apo niya. Obligado silang maging Carwash Boys, lalo na kapag wala
silang pasok sa mga opisina nila." Paliwanag ni Marisse.
"Wait, kumain ka na ba?" tanong ni Karl sa kanya.
Umiling siya. "Hindi pa nga eh. Pero sa Bar na lang siguro ako kakain."
Sagot niya.
Magsasalita pa lang sana ito nang lumapit ang isang matandang lalaki,
kasunod nito ang isang matandang babae. Ang mga ito yata ang Lolo at Lola ni Karl.
"Karl, sino ba itong magandang dalaga na ito?" tanong pa ng matandang
lalaki.
"Ay oo nga po pala. Chaia, I want you to meet my Lolo Badong Mondejar and
my Lola Dadang. Si Chaia po. Ang pinakamagaling kong Bartender sa The Groove."
Pagpapakilala nito sa kanila.
Nakipagkamay siya sa mga ito, pagkatapos ay nagmano. "Magandang Hapon
po." Magalang niyang bati sa mga ito.
"Ah, ikaw pala si Chaia. Sa wakas ay nakilala na rin kita. Aruuu! Mukhang
madadagdagan ang titibok ang puso dito sa Tanangco." Sabi naman ni Lola Dadang.
Naguguluhan na tumingin siya kay Karl. "Ano po ang ibig n'yong sabihin?"
tanong pa niya.
"Ah, ano...wala 'yon! Tara! Kumain na tayo! Pagkatapos sabay na tayong
pumunta sa Bar. Wait lang ah? Kukunin ko lang 'yung t-shirt ko." Putol ni Karl sa
usapan.
Nang tingnan niya ang Lolo at Lola nito, maging si Marisse ay tila
natatawa ang mga ito. Hindi niya maintindihan ang reaksiyon ng mga ito. Nahihiya
naman siyang magtanong. Ilang sandali pa, bumalik agad si Karl. 
Kinuha nito ang kamay niya, saka mabilis siyang hinila palayo sa Pamilya
nito.
"Teka nga, saan mo ba ako dadalhin? Nakakahiya, hindi man lang ako
nakapagpaalam sa Lolo mo." Pigil niya dito.
"Okay lang 'yon. Nagugutom na ako eh." Sagot nito.
Dinala siya nito sa isang kainan na matatagpuan lang sa tabi mismo ng
bahay ng Lolo nito. Ayon kay Karl, ang pinsan nitong si Jefti ang may-ari niyon.
Malapit na sila sa entrance ng Jefti's nang may mapansin siyang suot nito. Kumabog
ang puso niya ng malakas. Pakiramdam niya ay nanlamig ang buong katawan niya. Bigla
siyang natulala. Awtomatikong nangilid ang mga luha niya. Kasunod ng pag-apaw ng
saya sa puso niya. Tama ang hinala niya. Si Karl nga si Pogs. Ito ang matagal na
niyang hinihintay na bumalik sa buhay niya. Ang kaisa-isang taong nagbigay sa kanya
ng pag-asa sa buhay nang mga panahon na tila nawawalan na siya ng lakas. Hindi na
niya kailangan ng kahit na anong patunay. Sapat na ang suot nitong kwintas na siya
mismo ang may bigay. Hindi siya maaaring magkamali.
Bigla itong huminto sa paglalakad. Pagkatapos ay tumingin ito sa
magkahawak nilang kamay. Tila napansin nito na biglang nanlamig iyon.
"Chaia, bakit? Okay ka lang ba?" tanong nitong may bahid ng pag-aalala.
Sinubukan niyang ibuka ang bibig niya. Gusto niyang maisatinig ang lahat
ng mga salitang nabubuo sa isip niya. Gusto niyang sabihin dito kung gaano siya
kasaya na sa wakas ay nagkita na sila. Gusto niyang magpakilala na siya si Ikay.
Gusto niyang sabihin na ang tadhana ang dala sa kanilang dalawa sa piling ng isa't
isa. Ngunit walang kahit na anong lumabas sa bibig niya. Hindi rin niya
maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon.
Nang hindi agad siya nakasagot. Lumapit ito sa kanya at ginagap ang isang
pisngi niya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Sa wakas, nakuha niyang ngumiti.
Sa kabila ng pagluha, ngumiti siya dito. Hindi niya akalain na magiging ganito siya
sa tanan ng buhay niya. Walang salita na yumakap siya dito.
"Sinasabi ko na nga ba't ikaw 'yan. Salamat at bumalik ka." Masayang wika
niya.
Alam niyang nagulat ito. Pero naramdaman pa rin niyang gumanti ito ng
yakap sa kanya.
"Chaia, I don't understand. Ano bang sinasabi mo" naguguluhang tanong
nito.
Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Saka hinarap ito nang may luha pa rin
sa mga mata. But this time, it's tears of joy. At talagang nag-uumapaw sa
kaligayahan ang puso niya.
"Talk to me, tell me, what's happening?" tanong ulit nito.
Mula sa loob ng suot niyang blouse, nilabas niya ang kwintas na nakasabit
sa leeg niya saka pinakita ito dito. "Ito. Hindi mo ba nakikilala itong kwintas na
ito?" tanong pa niya.
Nakita niyang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Ngunit hindi agad ito
nakapagsalita.
"Karl, ako ito." Sabi pa niya. Hinintay niyang magsalita ito. Pero
nanatili lang itong tahimik, at tanging ang kakaibang emosyon sa mga mata nito ang
nagsasalita. Muli niya itong niyakap.
"Chaia!"
Natigalgal siya. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Karl, pagkatapos ay
lumingon sa tumawag sa kanya. Nagulat siya ng makita niyang nakatayo sa likuran
niya ang Ate Macy niya.
"Ate," bulong niya.
Nakarating ito sa pandinig ni Karl, dahil napatingin ito sa kanya.
Napakunot ang noo nito, bago nagpapalit palit ng tingin sa kanya at sa Ate niya.
"Siya ang Ate mo?" hindi makapaniwalang tanong nito.
Tumingin siya dito, saka tumango. Agad na nawala ang atensiyon niya doon
ng bigla siyang hablutin ng Ate Macy niya sa braso saka sapilitang hinila palayo
kay Karl. Ang luha ng kaligayahan ay napalitan ng sakit. Heto na naman ang Ate
niya. Ngayon napatunayan niyang si Karl at Pogs ay iisa. Muli na naman ba siyang
magpaparaya para dito?
Hindi. Sinabi na niya sa sarili na ipaglalaban niya ang damdamin para kay
Karl. Si Pogs man ito o hindi. Hindi naman siguro mamasamain ng Diyos kung sa
pagkakataon na ito, ay ipaglalaban niya ang makakapagpasaya sa kanya. Kahit ngayon
lang. Kahit sa larangan ng pag-ibig lang.
Lakas loob niyang binawi ang braso niyang mahigpit na kapit nito.
Napahinto ito, saka tumawa ng pagak. "Sumama ka sa akin!" galit na utos nito.
"Hindi." Matigas niyang sagot.
"Aba't!" nanggigigil na usal nito.
"Hindi na ako susunod sa mga sasabihin mo! Hindi na ako makikinig sa mga
gusto mong ipagawa sa akin! Dahil sa pagkakataon na ito, wala ka nang karapatan
para gawin sa akin ang mga ginagawa mo noon pa! Pinalayas mo ako sa bahay! Kinuha
mo ang karapatan kong maging kapatid mo at anak ni Mama! Ikaw mismo ang nag-alis ng
karapatan na iyon sa akin!" galit na rin na sagot niya dito. "Umalis ka na dito,
Macy! Hangga't nakakapagpigil pa ako."
"Hindi ako aalis! Hindi ako aalis sa buhay mo! Hindi ako titigil hangga't
hindi ko nakikitang miserable ka! Wala kang karapatang maging masaya! Inagaw mo ang
pagmamahal ni Mama! Ako lang dapat ang mahal niya. Pero simula ng dumating kayo ng
Papa mo sa buhay namin! Hindi na ako pinansin ni Mama! Palagi na lang ikaw ang
tama! Ikaw ang magaling! Ikaw ang maganda! Ikaw ang matalino!" sumbat nito sa
kanya.
"Hindi ko hiningi 'yon! Hindi ko rin gustong masaktan ka! At huwag na
huwag mong isusumbat sa akin na inagaw ko sa'yo ang lahat! Kung sa tingin mo ay
kinuha ko sa'yo ang lahat! Nagkakamali ka. Hindi mo alam kung gaano nalulungkot si
Mama sa tuwing sinusubukan ka niyang lapitan, pero pilit mo siyang tinataboy
palayo! Ikaw ang may kasalanan no'n, hindi ako! Kaya huwag mong ibintang ang mga
pagkukulang mo sa akin!" sagot niya dito.
Galit na galit na sumigaw ito, sabay sampal sa kanya ng malakas sa
magkabilang pisngi. Nang hindi pa ito nagsiyahan ay tinulak siya nito hanggang sa
mapaupo siya sa lupa, saka pinalo siya ng pinalo nito ng bag na hawak nito.
"Macy! Tama na!" narinig niyang pigil ni Karl dito.
Walang patid ang mga luha niyang malayang dumadaloy sa mga pisngi niya.
Hindi niya alintana kung mahapdi ang mga iyon sa dami ng sampal na tinanggap nito
sa palad ni Macy. Ano pa bang bago? Matagal na siyang sanay na sinasaktan nito.
Hindi lang sa pisikal, maging emosyonal.
"Papatayin kita, Chaia! Pati si Karl, inagaw mo sa akin! Walanghiya kang
babae ka! Mang-aagaw! Napakasama mo! Mang-aagaw!" galit na galit pa rin na sigaw ni
Macy.
Doon labis na nagpanting ang tenga niya. Kahit nanghihina sa inabot
niyang bugbog mula dito. Pilit pa rin siyang tumayo, naglakad palapit dito. Saka
binigyan laya ang sarili upang gawin ang bagay na matagal na niya dapat ginawa.
Sinampal niya ito ng malakas. Si Glenn na pinsan nito ang umawat sa kanya.
"Wala akong inaagaw sa'yo! Alam mo 'yan! Ikaw ang nagbanta sa akin na
kukunin mo ang atensiyon ni Karl para maagaw siya sa akin! Dahil alam mong gusto ko
siya! Ikaw ang mang-aagaw Ate! Ikaw ang masama! Matagal ko nang tinitiis ang lahat
ng pang-aalipusta mo sa akin simula bata pa lang tayo. Pero wala kang narinig sa
akin! Dahil umaasa pa rin ako na magbabago ka, na makikita mo na totoong mahal
kita!"
"Pero ang kunin pati ang lalaking kaytagal kong hinintay para bumalik.
Ang kunin pati ang mahal ko. Hindi ko papayagan 'yon." Bulalas niya.
Napatingin si Karl sa kanya. "Chaia," usal nito.
Nabaling dito ang atensiyon niya. "Pogs, ako ito. Si Ikay." Pagpapakilala
niya sa sarili. Dahan-dahan nitong binitiwan si Macy, saka lumapit sa kanya.
"Ang tagal kitang hinintay na bumalik. Ngayon napatunayan ko na ikaw nga
si Pogs, napakasaya ko." Sabi niya dito.
Hindi niya nakitaan ng pagkagulat ang mukha nito nang sabihin niyang siya
si Ikay. Pero nakita niyang nangingilid ang mga luha nito. Hindi pa rin niya mabasa
ang emosyon sa mga mata nito. Naguluhan siya nang sunod sunod itong umiling. Bago
ginagap nito ang magkabilang pisngi niya. Hindi pa rin ito nagsasalita, bagkus ay
pinagdikit nito ang mga noo nila.
"I'm sorry, Chaia." Wika nito.
Kumunot ang noo niya. Bigla ay naguluhan siya. Bahagya siyang lumayo
dito. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Matagal ko nang alam na ikaw si Ikay. Pero mas pinili kong hindi
sabihin." Sagot nito.
Gulat siyang napatitig dito. "Bakit hindi mo sinabi agad?" tanong niya.
"Matagal kong inasam na makita ka ulit. Makasama ka. Para maiparamdam
sa'yo na mahal kita noon pa, simula pa noong mga bata tayo. Pero hindi ako
nararapat sa'yo. Hindi kita puwedeng mahalin. Hindi mo ako puwedeng mahalin."
Paliwanag nito. "Kaya nga sinubukam kong umiwas sa'yo. Hanggang sa nakilala ko si
Macy."
Pakiramdam ni Chaia ay parang pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit ng
mga sinabi nito. Kung ganoon, ano ang ibig sabihin ng halik na pinagsaluhan nila
noong nakaraang gabi?
"Pero bakit? Mahal kita, Karl. Mahal na mahal din kita!" pag-amin niya.
Umiling ito. "Huwag, Chaia. Huwag mo akong mahalin. Hindi ako ang
nararapat sa'yo. Matagal ko nang pinagkait sa sarili kong magmahal. Masasaktan ka
lang kapag pinagpatuloy natin 'to. Marami na akong nasaktan. At ayokong mapabilang
ka sa kanila. Ikaw ang huling taong iniiwasan kong umiyak ng dahil sa akin." Sagot
pa nito.
Natutop niya ang bibig. Saka doon impit na humagulgol.
"Karl, what the heck are saying?" narinig niyang galit na tanong ng isa
sa mga pinsan nito.
"Chaia,"
"Akala ko sa pagbalik mo sa buhay ko. Ikaw ang tutulong sa akin para
mapawi lahat ng masasakit na pangyayaring pinagdaanan ko. Pero nagkamali ako. Sa
mga sinabi mo. Sa ginawa mo. Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan? Sa tingin mo ba
hindi dahil sa'yo ang mga luhang ito?" buong hinanakit niyang sabi dito.
"Pasensiya ka na. Nagkamali ako! Hindi ko pala dapat pinanghawakan ang
pangako mo noon. Wala ka rin palang pinagkaiba kay Macy." Dagdag niya, sabay
talikod at lakad palayo dito.
"Chaia, wait!" habol nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay, ngunit
mabilis niyang binawi iyon. Kakayanin niya ang kahit na anong dagok sa buhay. Ang
lahat ng pang-aalipusta ng kahit na sinong tao, ngunit hindi ito. Hindi ang itaboy
siya palayo ng lalaking mahal niya. This is too much, and she can no longer bare
the pain.
Pinigilan siya ni Karl at paulit ulit na tinatawag ngunit hindi niya
pinakinggan ito. Para saan pa? Para mas lalo siyang masaktan. Para mas lalo lang
nitong iparamdam at ipamukha sa kanya na mag-isa siya.
Nasa kalagitnaan na siya ng kalye ng Tanangco, nang mapahinto siya.
Biglang nanlaki ang mga mata niya. Parang tinulos siya mula sa kinatatayuan niya,
at hindi niya makuhang maihakbang ang mga paa, palayo sa nakaambang panganib sa
buhay niya. Naroon sa loob ng kotse nito, si Macy. Mula sa puwesto niya, kitang
kita niya ang galit sa mga mata nito para sa kanya. Kumabog ng husto ang dibdib
niya. Bigla ay umahon ang takot doon. Bago pa niya nalaman ang susunod na hakbang
ni Macy, nakita na lang niya na bigla nitong pinaandar ng mabilis ang kotse patungo
sa kinatatayuan niya.
Natulala siya. Gusto niyang tumakbo palayo, pero parang pinako ang mga
paa niya doon. Hanggang sa narinig na lang niya ang sigawan ng mga tao sa paligid.
"Chaia!" narinig niyang malakas na sigaw ni Karl.
Pagkatapos, unti-unting nagdilim ang kanyang paningin.
[ 10 CHAPTERTEN ]
-------------------------------

PINAHID ni Karl ang mga luha niyang dumaloy sa magkabilang pisngi niya.
Pagkatapos ay tinungga ang laman na alak ng baso niya. Tumawa siya ng pagak nang
muling bumalik sa isipan niya si Chaia, saka muli siyang impit na napaiyak.
"Ang laki mong tanga, Karl. Napakatanga mo." Pagkatisgo pa niya sa sarili.
Bago pa nito ipakilala ang sarili bilang Ikay. Nakilala na niya ito. Paano nga ba
niya makakalimutan ang kwintas na binigay niya sa isang magandang dalaga na
nakabihag agad sa kanyang puso? Hanggang sa mga sandaling iyon. Hindi pa rin niya
nakakalimutan ang mga pangako niya dito simula noon. Nang una silang magkita nito,
bago pa niya malaman na ito si Ikay. She already made his heart beat faster, by
just merely staring at her lovely eyes. Pagkatapos niyon, hindi na siya
pinatahimik nito. Gustong gusto na niyang nakikita ito. That's why he hated her day
off. Dahil hindi niya ito nakikita. Hanggang sa malaman niya ang katotohanan, nang
masugutan ito ay ginamot niya ito at malaglag ang kwintas nito.
Ngunit imbes na aminin dito ang totoo na siya si Pogs. Tinago niya iyon.
Kahit na alam niyang nakakahalata na ito. Nagpatay-malisya lang siya, pilit niyang
tinago dito ang kwintas na binigay naman nito. Pero sa bawat sandaling nagdaan na
kapiling niya ito, palagi na lang siyang natutuksong magpakilala. Gusto niyang
yakapin ito ng mahigpit at sabihin na bumalik na siya. Gusto niyang ibalik ang
dati. Ngunit paano? Kung sa paglipas ng panahon na nawalay sila sa isa't isa ay
pinawi nang mga masasakit na pangyayari sa buhay niya ang paniniwala niya sa pag-
ibig.
Marami nang babae ang lumuha ng dahil sa kanya, nagalit at kinamuhian
siya ng husto. And Chaia will not be one of them. Ayaw niyang masaktan at lumuha
ito ng dahil sa kanya. He's not capable of loving. He deprive himself in believing
in love. He don't even believe in Marriage. Magiging miserable lang ang buhay ni
Chaia sa kanya. And then he met, Macy. Secretary ito nang isang mayamang
negosyante. Agad itong nagpakita ng interes sa kanya, and he grab the opportunity
to divert his attention to Macy. Para nang sa ganoon ay tuluyan na siyang makaiwas
kay Chaia. Ngunit sa bawat pagkakataon na magkasama sila ni Macy, palaging si Chaia
ang tumatakbo sa isip niya. Ang presensiya nito ang sa tuwina ay hinahanap niya.
Ang tunog ng tawa nito, ang mga iyak nito. Sa mga simpleng bagay na nagpapasaya
dito. Gusto niyang sa lahat ng panahon na iyon ay siya ang nasa tabi nito. At nang
mag-outing sila, at nakita na naman niya itong umiiyak. Hindi na niya natiis at
tuluyan nang pinukaw nito ang puso niya. Pinuntahan niya ito, kinausap at inalo.
Pagkatapos, he kissed her. For the first time, he let someone get inside his cold
heart. Hanggang sa tuluyan nang sumuko ang puso niya, at aminin sa sarili na mahal
niya si Chaia.
Ngunit sa kabila ng naging rebelasyon ng tunay niyang damdamin para dito.
Nagdesisyon pa rin siyang layuan ito at pigilan ang pagmamahal niya para dito. Ang
mga gaya niyang hindi naniniwala sa pag-ibig ay hindi dapat nakakaramdam ng
pagmamahal. Hindi dapat minamahal. Chaia is too genuine for him. She doesn't fit
for him. Mabuting tao ito. At ayaw niyang siya ang maging dahilan ng muling pagluha
nito. Pero mukhang tunay nga na walang lihim na hindi nabubunyag. Hanggang sa
makita nito ang kwintas na binigay nito sa kanya na suot niya, na siyang
nagpakumpirma sa hinala nito. At diretso nitong sinabi sa kanya ang tunay na
damdamin nito.
At sa araw na rin iyon, nalaman niya ang katotohanan na si Macy ang Ate
ni Chaia na kinukwento nitong nagpapahirap dito. Naputol ang pag-iisip niya nang
tapikin siya sa balikat ng pinsan niya. Lumingon siya dito.
"Dude, are you okay?" tanong ni Miguel.
Gamit ang sariling daliri, pinahid niya ang mga luha sa pisngi niya.
"Yeah, I'm okay." Sagot niya.
"Obviously, not." sabad naman ni Daryl.
Hindi siya nakakibo. Makakapag-deny siya sa ibang tao, ngunit hindi sa
mga ito.
"How is she?" sa halip ay tanong niya.
"Chaia is fine." Sagot ni Marvin.
"And Macy?" tanong ulit niya.
"Dinala na siya sa presinto. Chaia will be fine, you have nothing to
worry about."sagot naman ni Jester.
Napabuntong-hininga siya. Matapos ang komprontasyon. Nag-walk out si
Chaia, ngunit tila sadyang malaki ang galit at selos ni Macy kay Chaia, kaya
tinangka nitong sadyang sagasaan ang huli. Pasalamat na lang siya at naging alerto
siya. Nang ipaharurot nito ang sinasakyan nitong kotse patungo kay Chaia, mabilis
siyang tumatakbo ay nilundag niya ito upang mailigtas sa panganib. And he did,
naiwas niya sa tiyak na kamatayan si Chaia. Ngunit sa pagbagsak nilang dalawa sa
lupa, nagpagulong-gulong sila at hindi sadyang tumama ang ulo nito sa isang
malaking bato. Mabilis nilang tinakbo ito sa ospital.
At habang wala itong malay, labis ang takot niya. Wala siyang ibang
pinagdasal kung hindi ang kaligtasan nito. Ngunit hindi niya maitanggi sa sarili na
siya ang dahilan kung bakit ito nasa ganoon kalagayan. He meant to save her from
Macy. Pero sa bandang huli, hindi rin niya napangalagaan ito. At kasalanan niyang
lahat iyon. Ito na ba ang kapalit ng pagtanggi niya dito? Ang pagsikil niya sa
tunay niyang damdamin.
"Ano ba ang ginagawa mo dito? Bakit hindi mo siya puntahan?" tanong pa ni
Kevin.
"Hindi ko alam. Ewan ko." Naguguluhang sagot niya.
"Hindi ko alam kung bakit mo kailangan maguluhan. You love her." Sabi pa
ni Jefti.
"I don't have the right to love her." Sagot niya.
"What?!" gulat na tanong ni Glenn. "What the heck are you thinking?
Kailan mo pa naisip 'yan?" 
"Matagal ko nang pinagkait ang sarili ko na magmahal. Simula nang
maghiwalay ang Parents ko. Hindi na ako naniwala sa pag-ibig. Ayaw kong masaktan si
Chaia ng dahil sa akin! Ayokong ako ang susunod na maging dahilan ng pagluha niya."
Katwiran niya.
"Gusto kitang suntukin dahil sa sinabi mong 'yan." Seryosong sabi ni
Wayne. "Ano sa tingin mo? Hindi nasaktan si Chaia ng harap-harapan mo siyang
tinanggihan? Hindi siya umiyak pagtalikod niya sa'yo?"
Muling bumagsak ang mga luha sa mata ni Karl. Biglang bumalik sa isipan
niya ang itsura ni Chaia habang nasa bisig niya ito at walang malay at puno ng dugo
ang mga kamay niya galing sa ulo nito, habang papunta pa lang sila ng ospital. Iyon
ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganoon klase ng takot. Wala siyang
tigil ng pagdarasal na maligtas ang buhay nito.
"Naroon siya ng dahil sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya
haharapin." Sabi niya.
"Will stop saying that? Stop blaming yourself! Karl, you saved her life!
Bakit ka ba nagkakaganyan?" galit na sigaw sa kanya ni Wesley.
"I saved her? I put her life on danger! I meant t save her from Macy, and
yet, at the end. Ako ang dahilan kung bakit siya naroon!" sigaw din niya dito,
sabay malakas na hinampas niya ang ibabaw ng mesa.
"Aminin mo na sa amin. Kaya ka nagkakaganyan, ay dahil mahal mo rin si Chaia. Kaya
ganyan mo na lang sinisisi ang sarili mo. Natatakot kang mawala siya sa buhay mo."
Dagdag naman ni Mark.
"Huwag mong hayaan na madaig ka ng hindi mo paniniwala sa pag-ibig!
That's a piece of crap! And stop blaming yourself! Dahil kung talagang hindi ka
naniniwala sa pag-ibig, hindi ka magkakaganyan. Hindi mo pag-aaksayahan ng luha si
Chaia. You're in love with her. Admit it to us. And if you truly love her, you will
ease those tears away from her eyes." Payo sa kanya ni Gogoy.
"You heard him, cous'." Komento naman ni Wesley.
"And one more thing. Ayaw mong tanggapin ang pagmamahal niya dahil ayaw
mo siyang masaktan ng dahil sa'yo. Sa ginawa mong pagtanggi sa kanya. Hindi ba
nasaktan siya? Hindi ba umiyak din siya?" dagdag pa ni Gogoy bago ito tuluyan
lumabas ng Jefti's.
Inakbayan siya ni Wesley. "Pinsan, kahit hindi pa ako nag-i-in love. Sa
tingin ko ito ang mas tamang gawin mo. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo. Huwag
kang magpadaig sa maling pinaniwalaan mo dati. Love is knocking right in front of
your doorstep, don't let it walk away from you. Kung hindi ka naniwala sa pag-ibig
at kasal ng dahil sa nangyari sa Parents mo. God has different plans in your life.
And you're meant to be happy with someone you love. You've been alone all your
life. Narito na si Chaia, handang manatili sa tabi mo habang buhay. Hahayaan mo ba
talagang mawala iyon?" seryosong wika nito.
Napalingon siya dito. Sa kabila ng mga luha, nakuha niyang ngumiti dito.
Saka ginulo niya ang buhok nito. "Thanks, dude!" sabi niya dito.
"Wala 'yon! Ikaw pa!" sagot nito, pagkatapos ay nag-high five pa sila.
Napangiti siya ng biglang pumalakpak ang mga pinsan nila. "Huu! Gaano mo
katagal inipon 'yon? Ang lalim nang ibig sabihin ng mga sinabi mo ah." Biro pa ni
Marvin dito.
"Ay! Wala! Mga Pengkum! Tigilan n'yo ako!" sabi pa nito.
"Dude, go! Save your heart! Save hers as well!" pagtataboy ni Miguel sa
kanya.
Tumango siya. "Thank you everybody! I have to go!" mabilis niyang paalam.
Habang pababa siya ay tinuyo niya ang mga mata niya na basa sa luha.
Napuno ang puso ng saya. Tama si Wesley. Hindi niya dapat pigilan ang sarili para
magmahal. He promised Ikay that he'll come back for her. And now, he meant to
fulfill that promise. This time, there's no turning back.

"O, DAHAN-DAHAN sa pagbaba at baka mauntog ka." Sabi ni Kamille habang


inaalalayan si Chaia.
Pagbaba niya ng taxi. Pinagmasdan niya ang paligid. Naroon na siya sa
kalyeng naging saksi sa pagtatapat niya sa lalaking kaisa-isang minahal niya. Ang
inakala niyang magiging masayang pagtatagpo at pag-amin ay naging isang madilim na
wakas. Pinahiya siya ni Macy sa mga bagong kaibigan niya. Pinagtangkaan nito ang
buhay niya at diretsahan siyang tinanggihan ni Karl. Pagkatapos, ang sumunod na
nangyari, nasa ospital na siya. Ayon na rin mismo kay Kamille, nailigtas siya ni
Karl mula sa tangkang pagsagasa sa kanya ni Macy. Pero aksidenteng nabagok ang ulo
niya kaya dinala siya sa ospital.
Ayon sa mga doctor, pasalamat sila ng malaki dahil hindi nagkaroon ng
internal hemorrhage, dahil kapag nagkataon, posibleng ma-comatose siya. Nang
malaman ng Mama niya ang nangyari, agad itong pumunta sa ospital. Gusto pa nga nito
siyang iuwi sa bahay nila, ngunit siya na ang tumanggi. Masyado nang marami siyang
hindi magandang alaala sa bahay na iyon. At ngayon na wala nang manggugulo sa
kanya. Gusto niyang simulan ang bagong buhay niya na siya lang mag-isa. Wala ito. O
kahit si Karl.
Nangilid ang mga luha niya. Mukhang iyon nga yata ang tadhana niya. Ang
mabuhay ng mag-isa sa mundo. Inakala niya na sa pagbalik ni Pogs sa buhay niya, ay
ang pagtupad nito sa pangako nito sa kanya. Pero nakalimutan niya na maraming taon
na rin pala ang lumipas, at marami na rin ang nagbago. At kasama na doon si Pogs.
Hindi na ito ang dating nangako sa kanyang babalikan siya. Hindi na rin ito
naniniwala sa pag-ibig. Hindi siya nito mahal gaya ng akala niya. Kapag nakabawi na
siya ng lakas, aalis na rin siya doon sa Tanangco. Wala na siyang nakikitang
dahilan para manatili doon. Kapag nagtagal siya, mas lalo lang siyang mahihirapan
kalimutan si Karl.
"Hey, are you okay?" pukaw sa kanya ni Marisse.
Mabilis niyang pinahid ang mga luha. Saka mabilis na tumango. "Ha? Ah,
oo. Okay lang ako." Sagot niya.
"Si Karl ba?" malungkot na tanong ni Jhanine.
Hindi siya agad nakasagot. Simula ng magkamalay siya sa ospital. Hindi na
niya binanggit pa ang pangalan ni Karl. Kapag may nag-o-open ng topic tungkol dito
ay agad niyang iniiba ang usapan. Para sa kanya, wala ng dahilan pa para pag-usapan
ito. Tumanggi na ito. Sinabi na nito ang desisyon nito, at wala na siyang magagawa
pa roon kung hindi ang tanggapin. Kahit na mas masakit pa iyon sa pisikal na sakit
na nararamdaman niya ngayon.
Ano nga ba ang kasalanan niya para masaktan ng paulit ulit? Para iwan ng
mga taong mahal niya ng paulit ulit? Ano ba ang kasalanan niya para sa bandang huli
ay mag-isa pa rin siya?
"Uhm, sige, papasok muna ako. Magpapahinga lang ako." Paiwas niyang
sagot.
"Chaia, hindi mo puwedeng iwasan na lang 'to habang buhay." Sabi naman ni
Sumi .
Muling bumagsak ang mga luha niya. Tumango siya. "Alam ko. Pero iiwas ako
hangga't kaya ko. Dahil napapagod na akong umiyak. Napapagod na akong maging
malungkot." Sagot niya.
"Bakit hindi kayo mag-usap? Para magkalinawan kayo." Suhestiyon pa ni
Razz.
Sasagot pa lang sana siya nang dumating ang lalaking pinag-uusapan niya.
Agad siyang tumalikod dito.
"Yeah, let's talk. Marami akong gustong sabihin sa'yo." Wika ni Karl.
Tinakpan niya ang dalawang tenga. Umiling siya. "Ayokong marinig. Ayoko
nang masaktan. Tama na!" pagtanggi niya.
Napapitlag siya ng maramdaman niyang hinawakan nito ang dalawang kamay
niyang nakatakip sa tenga niya. Saka dahan-dahan iyong ibinaba. Karl is standing
right behind her. And this is the same man she loves, and the same man who broke
her heart. Pero bakit tila unti-unting napapawi ang sakit na nasa puso niya, ngayon
na nakatayo na ito sa likuran niya.
"Pero gusto kong marinig mo ang mga sasabihin ko. Gusto kong marinig mo
ang paghingi ko ng kapatawaran sa'yo. Gusto kong marinig mo kung gaano kita minahal
simula pa noong una kitang makita ilang taon na ang nakakalipas, at kung gaano pa
rin kita kamahal hanggang ngayon."
Nagdoble ang bilis ng pagpintig ng puso niya. Tama ba ang narinig niya?
Mahal din siya ni Karl? Ang lungkot ay biglang napalitan ng saya. Ang sakit ng
dulot ng mga pangyayari ay unti-unting naghilom.
"Karl," paanas niyang sambit sa pangalan nito.
Pinihit siya nito paharap dito. Saka pinahid nito ang luha sa mga mata
niya. "Someone wakes me up from the reality. Yes, I should be the one to wipe these
tears away. Let me be your handkerchief. Hindi ako dapat ang maging dahilan ng mga
pagluha mo. Nangako ako sa'yo noon na babalikan kita, hindi ko natupad iyon. Pero
ang Diyos mismo ang gumawa ng paraan para magtagpo tayo ulit. Patawarin mo ako kung
hindi ko agad nasabi sa'yo na ako si Pogs. Nang mga panahon na iyon, hindi pa ako
sigurado sa damdamin ko. Nauhan ako ng takot. Dahil sa nangyari sa mga magulang ko,
nangako ako sa sarili ko na hindi ako magmamahal. Hindi ako mag-aasawa, dahil ang
paniwala ko, sa hiwalay din naman mauuwi 'yon. Masasaktan lang ako. Kaya hindi na
ako naniwala sa pag-ibig."
"But you came, you got my attention. Bukod sa astig kang Bartender, hindi
ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang unang beses na matitigan ko ang mga mata mo.
It felt like a déjà vu. Alam ko, nakita ko na ang pares ng mga matang ito. Hindi mo
alam kung gaano ako kasaya nang malaman ko na ikaw si Ikay. I wanted to hug you the
moment I saw your necklace. Pero sabi ko, hindi tama. Dahil alam kong masasaktan
lang kita, kaya nanahimik ako. Umiwas ako sa'yo. Sinubukan kong labanan ang
nararamdaman ko. Pero sa tuwing nakikita kitang umiiyak at nasasaktan. Hindi ko
matiis. I always found myself beside you."
"Gusto kong ako ang nasa tabi mo. Ako ang sandalan mo sa tuwing
nararamdaman mong nag-iisa ka. Gusto kong ako ang maging panyo na papahid sa mga
luhang ito. I want to be the salt and light of your world. At kung hindi
makakaabala sa puso mo. At kung hindi pa huli ang lahat para sa akin, gusto kong
iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa'yo. At
bigyan ako ng pagkakataon para matupad ko ang pangako ni Pogs."
Sa wakas, gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Ang puso niya ay muling
nagbunyi. Sino nga ba ang mag-aakala? Pagkatapos ng mga masakit na pangyayari sa
buhay niya ay binigyan pa rin siya ng pagkakataon ng Diyos para sa wakas ay maging
masaya.
"Pinapatawad na kita. Walang dahilan para hindi kita patawarin. Nasaktan
man ako, pero mas matimbang pa rin sa puso ko ang pagmamahal ko sa'yo." Sagot niya
dito. Hindi na niya pinigilan ang sarili na yakapin ito, at lalong naging ganap ang
saya niya ng gumanti din ito ng yakap. Nang mas mahigpit na yakap.
"Salamat. Maraming Salamat. Akala ko, pati ikaw ay tuluyan nang mawawala
sa akin." Dugtong niya.
Naramdaman niyang hinaplos nito ang buhok niya, saka bumulong sa tenga
niya. "Hindi mangyayari 'yon. I'm sorry, Chaia. I'm really sorry. Nang dahil sa
akin, na-ospital ka." Paghingi nito ng tawad.
Umiling siya. "Hindi ka dapat nagso-sorry sa akin. Niligtas mo ang buhay
ko, kung hindi mo ginawa iyon, baka kung ano nang nangyari sa akin. Wala kang
kasalanan." 
"Sinabi ko noon na hindi ako naniniwala sa pag-ibig. I admit, I lied.
Because the truth is, the love I have for you all these years is the main reason
why I keep on going on with my life. Because deep inside my heart, there's hope
that one day. I'll get to see you again. That we will be together." Sabi pa nito.
Kumalas siya sa pagkakayakap nito. Saka tinitigan ito ng husto. "Sa dami
ng pinagdaanan ko. I have so many reasons to thank God. At the top of my list is
for bringing you back in life."
"I love you, Chaia. Wala nang bawian." Wika ni Karl.
"I love you too," nakangiting sagot niya.
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Karl. Mabilis nitong tinawid ang
pagitan nilang dalawa, at sinakop nito ang mga labi niya. Buong puso siyang
nagpaubaya, gumanti siya ng halik dito. Sino nga ba ang makakapagsabi na ang first
kiss niya ay ang first love niya? Kung paano siy naghirap noon, tila pinawi iyon
lahat ng magandang pangyayaring iyon sa buhay niya. She loves him. At handa siyang
patunayan iyon sa buong mundo.
Lord, thank you po! You're always been good and faithful to me. Sa
kabila ng mga pinagdaanan ko, hindi mo ako pinabayaan. Pinaramdam mo sa akin ang
pagmamahal mo. And I will always thank you for bringing him back in my life. Thank
you po ulit!
Nang maghiwalay na sila. Ginagap nito ang magkabilang pisngi niya.
"This is our second," sabi niya dito.
"Second in what?" tanong ni Karl.
"Kiss," sagot niya.
Kinulong siya sa mga bisig nito, pagkatapos ay naramdaman niyang
hinalikan nito ang sentido niya. "This is actually, our third. I kissed you while
you were sleeping in Laguna. I can't help it. Hindi ko napigilan ang sarili ko,
mahal na mahal na kasi kita ng mga panahon na iyon. Kaya lang, nauunahan pa ako ng
takot." Wika nito
Ngumiti siya saka gumanti ng yakap dito.
"Hindi na ako aalis sa tabi mo. Pangako." Dagdag pa ni Karl.
Tumango siya. "Hindi ko na rin itutuloy ang pag-alis ko." Aniya.
Kumunot ang noo nito. "Bakit? Plinano mo bang umalis?" tanong nito.
"Oo. Sana. Kung hindi ka lumapit, itutuloy ko talaga ang pag-alis."
Niyakap siya nito ng mahigpit. "Hindi na ako papayag na mawala ka ulit sa
piling ko." sabi nito.
"Eh wala na naman akong balak umalis sa tabi mo."
"That's my girl,"
Napalingon sila nang may pumalatak mula sa liko nila. "Grabe, diyan din
pala bagsak n'yong dalawa muntik pang may mamatay." Komento ni Mark.
"O siya, tama na ang palabas! Taguan time!" sigaw ni Marisse.
"Sino ang taya?" tanong ni Karl.
"H-ha? Ano 'yon?" tanong din niya dito.
"Dito sa Tanangco, naging past time na namin ang maglaro ng taguan.
Naging libangan na namin ito simula pa noong mga bata pa kami. At kung sino ang
taya na magkapartner, sila ang susunod na magkakaroon ng love life." Paliwanag
nito.
"Ah, maganda 'yan! Exciting! Sali ako!" aniya.
Umakbay sa kanya si Karl. "Babe, hindi puwede. Kakalabas mo lang sa
ospital." 
Kunwa'y lumabi siya na parang bata. "Ang daya naman!" maktol pa niya.
"Eh kasi nga nanghihina ka pa."
"Hay! Oo na nga!"
"Okay, game! Kami ni Kim ang taya!" prisinta ni Mark.
"Weh! Halata ka, pare!" pang-aasar ni Kevin dito.
"Eh di sige kayo na lang!" sagot nito.
"Hindi na, kayo na!" ani Wesley.
"Anak ka talaga ng Pengkum! Dinamay mo pa ako!" reklamo ni Kim kay Mark.
Natatawa siya habang pinapanood nila ang masayang mga kaibigan nila
habang parang mga batang naglalaro ang mga ito. Pinagmasdan niya ang kahabaan ng
Tanangco. Sa sandaling panahon, tumatak sa puso niya ang kalyeng iyon. Dahil ito
ang naging saksi sa pagmamahalan nila ni Karl.
"Are you happy?" tanong nito sa kanya.
Tumango siya. "Yes. Sobra." Sagot niya.
"After a long time, you're finally back in my arms. And I don't have any
intentons of letting you go, ever again. Mahal na mahal kita, Ikay."
"Mahal na mahal din kita, Pogs."
At sa pangalawang pagkakataon, naglapat ang mga labi nila. When God open
the gates of heaven and shower the earth of His blessings. Mukhang nasa unahan siya
ng pila. Dahil sa mga sandaling iyon, nag-uumapaw ang biyayang pinagkaloob Niya sa
kanya. Isang patunay na roon ang pinakamamahal niya kung saan nakakulong siya sa
mga bisig nito.
Hindi niya alam kung anong kabutihan ang nagawa niya para ibigay sa kanya
ng Diyos ang ganitong klase ng kaligayahan. She must be very obedient. At
sisiguraduhin niyang mamahalin ito sa bawat segundo ng buhay niya. Kahit sa
paglipas ng maraming taon.

WAKAS.

You might also like