You are on page 1of 5

“HONEY, isang tanong na lang. Bakit inubos mo ang Smirnoff ko?


Kararating lang ni Freiah sa kanyang penthouse sa isang sikat na condominium tower dito
sa BGC. Kagagaling lang niya ng trabaho, pagod at inis mula sa pakikibaka sa bibig ni Doc Gomez
at ang marubdob nilang pagkikita ni Xabat.
Pagkarating niya ay nadatnan niya ang matalik na kaibigan na tinutungga ang huling bote
ng stash niya ng Smirnoff. Buti na lamang ay ito lang ang nilagok hindi yung mga mamahalin
niyang whiskey at vodka na nakatago sa pantry. Nakatayo siya sa harapan ng kaibigan na mukhang
namatayan.
“Papalitan ko na lang, Frei…” anito. Her voice sounded so hoarse and dead but Freiah did
not mind it.
“Stash ko iyan dito pero okay lang naman. Iniisip mo pa din ba yung nangyari noong isang
araw?”
Parang may tumadyak sa tagiliran nito ng bumalikwas na lang mula sa pagkakasalampak
nito sa carpet niya. “Paano ko na bubuhayin yung mga kapatid ko?”
Bigla na lang itong umiyak ng eksaherada. Hindi naman siya kunsintidor at hindi naman
din siya nagkulang sa mga sermon. Lagi din naman niyang inaalok ang kaibigan niyang ito na
tutulong siya dahil kumikita naman siya ng sobra sa kanyang kailangan.
Laki sa hirap si Honey at ang paraan lang nito para kumita ay ang paghahanap nito ng mga
sugar daddy niya sa kung saan-saan para lang masustentuhan niya ang dalawang kapatid. Iyon ang
pinakatatago nitong sikreto. Hindi kumpyansa ang kaibigan sa sarili niya dahil hindi ito
nakapagtapos ng kolehiyo. Hindi naman din nito nakikita ang mga angking abilidad at talent dahil
inaasa lang nito ang kita sa mga napupulot na mga sugar daddy.
Inalok naman niya ito na bumalik sa pag-aaral at siya na din ang bahala sa mga kapatid
nito pero kung anong ilap nito sa kanya dahil kaya naman daw nito. Matapos ang mahabang
pakikibaka sa pagiging sugar baby ay bigla na lang may nag-viral na eskandalo patungkol sa kanya
at sa recent victim nito. In-expose kasi ang mga ito ng anak ng sugar daddy ni Honey, naging viral
at nasira ang imahe ni Honey. Ngayon ay naglulumok ang gagita dahil sa sariling kagagawan.
“Alam mo kung gusto mo lang mag-inom, tara sa Flavors,” pag-alok niya ng hindi na
mabawasan pa ang tagong kayaman niya. “Day off ko naman bukas kaya pwede akong uminom,
pwede kang uminom hanggang maging wasted ka na.”
“Luh, ayaw ko nga! Mamaya may kung sino pang Hudas ang makakilala sa akin doon at
duruin at duruaan pa ako!”
“Exaggerated ka naman, friend. Eh, ‘di wear one of your wigs! Nakaiwan ka kaya ng
dalawa dito, Hon.”
“No way! Wala na akong pera! Wala na akong kita!”
“Gaga ka talaga pero lakas mo magsabi na papalitan mo yung case ko ng Smirnoff. Imbes
na magmukmok ka, ililibre kita!”

“PARA KANG SUSO dyan sa pagtatagong ginagawa mo.”


“Ano ka ba? Paano nga kung makilala ako?”
“With that wig you are wearing and your unusual baggy clothes? Hija, hindi ka si Honey
ngayon. Baliw.”
Nasa Flavors na sila Freiah at Honey, nakaupo sa isang tiki hut sa tabi ng poolside bar ng
club. Malaking club ang Flavors at nahahati ito sa tatlong bahagi. Ang bar kung saan sobrang chill
at tahimmik lang, malayo sa maingay na club side kung saan madaming rave lovers at lastly, ang
pool na pwedeng gamitin ng mga customers lalo na kapag nirerentahan ito para sa private parties.
Tinititigan niya ngayon ang kaibigan na natatago sa balabal nitong suot at hindi mapakali
dahil sa pagtingin nito sa kaliwa’t kanan. Umiling na lang siya dito at mukhang kailangan niyang
masabunutan ito dahil sa ginagawa.
“Alam mo mukha kang ewan, eh. Para saan pa’t kinaladkad kita dito kung ganyan ka naman
makatago. Enjoy yourself, pendeja.”
Hinablot niya ang balabal nito at bigla na lang hinatak paalis sa kabigan. “Ano ba, Frei!
Para kang tanga kapag ako dinumog dito ng haters ko, masasabunutan kita.”
Laking gulat ni Honey sa ginawa niya at pinukol siya nito ng masamang tingin. Nginitian
niya lang ito at tinago ang balabal sa tabi.
“Haters mo mukha mo. Nakatago tayo, gaga. Naka-wig ka, ‘di ba? Hindi ka ganyan
manamit, ‘di ba?”
Bigla na lang siyang inirapan ng kaibigan. Minsan hindi niya maintindihan ang ugali nito
dahil may oras na para itong brusko na para bang si Honey lang malakas. Tapos minsan para bang
bata na inagawan ng kendi sa lambot. She guessed that’s how life is according to her Honey-bie.
Ilang minuto ang nakalipas ng dumating ang kanilang drinks at pulutan. She ordered the
best for today to cheer her friend up. Inorder din niya lahat ng paborito nito. Nanlaki ang mata ng
kaibigan sa nakitang mga pagkain na nakalahad sa kanilang dalawa.
“Ano ba ‘to? Execution ko ba bukas at ginagawa mo akong baboy sa dami ng mga inorder
mo?”
“Inorder ko lahat ng ito para sa iyo dahil ilang araw ka ng nagkukulong at nagwa-wallow
dyan sa self-pity mo. May kasama pala tayo, ha?”
Nilantakan na nito ang pagkain sa harapan niya ng bigla ng lang kumunot ang noo. “Sino
naman?”
“Hi girls! Late na ba ko? Aba, puta parang fiesta naman dito!”
Just in time. She invited Shekainah de Vera, Honey’s handler to join them here. Kailangan
niya ng moral support dahil mukhang hindi niya kakayanin mag-isa ang pagtalak sa kaibigan dahil
ubod ng tigas ng ulo nito.
“You are just in time, Shek. Kamusta?” pagbati niya sa bagong dating.
“I’m fine! And I thank you!” Umupo ito sa tabi ni Honey at bigla na lang hinampas ng
malakas sa likod. Nagulat ito at napaubo yung nilalantakan ngayon lang. “At ikaw gagita ka, buti
naman at lumabas ka na sa kwebang pinagtataguan mo.” Nagbuhos ito ng cocktail sa baso nila.
“Eh, ano namang gagawin ko kung nawawalan na ako ng projects at nakakatanggap ng
kung ano anong mga threats? Pati death threats, eh almusal ko na!” Umubo-ubo pa din ito.
Nabulunan talaga ng bongga si tanga.
“Oh, well. Wala din naman akong magagawa sa puwet mo kase ako lang naman ang may
final say sa agency. Nandito lang din ako dahil inimbita ako ni Frei dito para damayan ka.”
Ang sama ng tingin ni Honey sa kanya pero bigla na lang siyang umiling. “Wala na akong
alam na pagkakakitaan kase di naman ako nagtapos. Pagbukaka lang talaga alam kong gawin para
lagyan ng salapi ang katawan ko.”
“Ang dami kong sinuggest sayo dati, di mo naman pinakinggan,” sabad niya.
Binagsak nito ang ulo sa mesa tapos mayamaya bigla na lang inangat ang ulo. “Eh kung
kayong dalawa na magsustento sa ‘kin? Pasok naman kayo sa criteria maging sugar mommy.”
“Girl, di ako mahilig sa gunting. Though the idea sounds enticing. Pwede nga namang
kitang ampunin kang gaga ka.”
Her friend downed a shot and continued wallowing. “Joke lang. Kaibigan ko kayo, hindi
ko naman kayang maging pabigat sa inyo.”
“Nahihibang ka na nga, Honey Alvarez. Walang magagawa yang pagmukmok mo. Halika,
maghanap tayo ng bagong fafa!” alok ni Shek.
“I like you.” Nginitian niya si Shek at nagustuhan ang ugali ng bossing ni Honey. “Can we
be best friends?”
“Ay game!” Nag-apir silang dalawa at tatawa-tawa na lang.
Pinansin niya ang kaibigan at mukhang hindi papatinag sa mga patutsada nila ni Shek.
“Honey, kung gaganyan ka lang din, eh, hindi mo ba iniisip yung mga kapatid mo? You have to
work past your scandal. Kung yung nudes mo ngang kumalat, eh, wala kang pake, ‘eto pa kaya?
Si Honey ka pa ba? Akala ko ba si Honey lang malakas?”
“Oo nga. Para kang intrimitidang kontrabida sa mga set ta’s ngayon para kang napaamong
tuta. Hindi ba puta ka? Halika! Hahanap tayo ng fafa!”
“Ay sama ako dyan sa pagiging puta, tara!”
“I like you na din, Frei! Tara na nga iwan na natin yang isa dyan. Nagmumukmok, eh, para
bang namatayan ng kuko sa paa!”
Nag-angat ng ulo si Honey at mukhang nahimasmasan. Lumabas silang tatlo sa tiki hut at
sumugod sa dance floor. Mga fifteen minutes din silang nakisayaw at naki-indak sa ibang party-
goers ng mapagpasyahan niyang pwede niyang iwan si Honey kay Shek. Nauuhaw na din kasi siya
kaya nagtungo siya sa club-side bar at humingi ng tubig.
“Can I have a glass of whiskey, please? On the rocks would be preferable.”
Tinapunan niya ng tingin ang tumabi sa kanya at ngitian siya nito. That Irish accent just
got her. Bonita Vasquez. She’s the beauty who started her Cloud Nine. Ito ang may-ari ng Flavors
at kakilala niya din ito. Una mong mapapansin dito ang kanyang magandang mata na kasing kulay
ng batong jade.
“I saw a beautiful sight who entered my club premises. A sight to behold indeed. Hello,
Frei! Kamusta ang aking VIP?”
Sumimsim muna siya sa kanyang inumin. “Grabe mambola, Bonita. Kaya nakakatuwang
kausap ka, eh. Mabuti naman. Ikaw?”
“Mabuti din. May nag-request nga pala ng pangalan mo at makita ang CCTV footage namin
noong isang gabi. I saw that fiasco involving you punching another goer.”
“That would be me.”
Agad naman siyang bumalikwas sa nagsalita sa tabi niya. Inunahan siya ng inis dahil para
bai tong kabute na kung saan na lang sumusulpot at hindi na siya natutuwa. Pero bago siya
pumalatak, bigla niyang natandaan ang eksena kanina nila Doc Gomez.
“Attorney Madrigal, perfect timing. I need something from you.”

You might also like