You are on page 1of 23

LIBRENG PAGBALIK

“Kapag ang pagmamahal na nabuo ng mga magkakaibigan o magkasintahan ay nasira at


nawala, hindi na ito pwedeng balikan”-ito ang sabi ng karamihan NGUNIT mayroong
pagmamahal o pag-ibig na naghihintay at pwede mong balikan.

Narrator: May tatlong magkakaibigan na nagngangalang,


Gerald,Stacy at Francesca. Nakatira sila sa iisang bahay.
Si Francesca Alde ang pinakamatanda sa kanilang tatlo.
Si Stacy Reyes at Gerald Dela Merced naman ay
magkasinggulang lamang. Mayayaman ang kanilang mga
magulang ngunit hindi nila masyadong nakakasama kaya’t
nangako sila sa isa’t isa na sila ang magdadamayan palagi.
-sa bahay-
Stacy: wala na yatang pakielam ang mga magulang natin ni
hindi nga nila tayo sinamahan nung grumaduate tayo.
Gerald: Oo nga magka college ana tayo pero parang wala parin
tayong mga magulang.
Francesca: Mahal nila tayo. Atlis nakaya nating tatlo at nagpapadala
naman sila ng pera. Naiintindihan naman natin sila kahit na para tayong
mga ulila buti nalang hindi tayo pinapabayaan ng Diyos. Diba guys?
Gerald: Oo nga hindi niya tayo pinabayaan.

Narrator:Oo, mahirap panatilihing malakas ang pagkakaibigan. Sila ay


magkakaibigan na simula bata pa at kilala nila ang Diyos,nakakasama
nila ito at higit sa lahat nakikita nila ito. Simula nung nakilala nila ang
Diyos, ay nakasama na nila ito sa kanilang buhay.
Stacy: Chesca! Saan ka pupunta?
Francesca: Sa banyo malamang
Gerald: Walang pasok ngayon. Ang aga mo naman maligo
Francesca:Magsisimba ako sumama kayo
Stacy: Anong gagawin dun?
Francesca: Kilalanin ang Diyos
Gerald: e kilala na namin siya
Francesca: Basta sumama na kayo masaya toh.
Gerald at Stacy: Sige na nga lang.

-simbahan-
Gerald: hindi ba kami masusunog dito? HAHAHAHA
Francesca: magseryoso kayo ah
*pumasok sa loob at umupo*

Preacher: Lahat poba dito tinanggap na ang Diyos bilang kanilang Diyos
at tagapagligtas?
*nagtaas lahat liban kay Gerald at Stacy*
Preacher: Alam niyo ba nung hindi kopa kilala ang Diyos at ang alam ko
lang ay namatay siya sa krus. Wala akong pakielam sa mundo at marami
akong bisyo. Wala akong magulang e, wala sila sa tabi ko kaya ang
buhay ko ay walang patutunguhan. Palagi akong pagod at hindi
makapag focus sa pag aaral ko kaya tinangka kong magpakamatay pero
may naririnig akong boses na huwag kong ituloy yun kaya hindi ko
tinuloy. Hindi yun nawala sa isip ko. Hanggang isang araw ng sabado,
naglalakad ako sa daan, at may nakita akong papel na naglalaman ng
isang pangalan ng simbahan at nag-aanyaya ang papel na iyon na
pumunta sa simbahang nakalagay dito. Pumunta ako doon isang
sabado at nakilala ko ang Diyos. Nabago ang buhay ko.
Buong buhay ko wala akong mmagulang,walang nagmamahal sa
akin,walang kaibigan at buong buhay ko mag isa ako pero pinaramdam
sa akin ng Diyos ang pagmamahal nung araw na iyon. Akala ko buong
buhay nalang akong iiyak,buong buhay akong mag isa pero nung
tinanggap ko ang Diyos bilang aking Diyos at tagapagligtas, naligtas ako
at naging maayos ang buhay ko. Ngayon, namumuhay ako ng kasama
siya kaya habang bata pa kayo at may buhay pa. Kilalanin niyo ang
Diyos dahil walang ibang makakapagbigay ng pagmamahal na
hinahanap ng puso niyo kundi ang Diyos lang. Hindi niya kayo iiwan.
*umiiyak na si Francesca,Stacy at Gerald*
Gerald: Bakit ngayon molang kami dinala dito Francesca?
Ramdam ko yung puso at buong kaluluwa ko na napakasaya.
Stacy: Ano ba itong nararamdaman na ito Chesca? Parang may kulang
sa puso ko na ngayon lang nabuo.
Francesca: That’s God’s Love.

Narrator: Yun ang kwento kung paano nila nakilala ang Diyos.
Kadasabado ay nagsisimba sila at nakakapagre-charge narin.
Para kasi sa kanila, ang Diyos ang kalakasan nila. Gabi gabi silang
nagbabasa ng biblia at sama samang nananalangin.
Isang gabi, nang matapos silang manalangin...

Francesca: In Jesus name we pray,


Francesca,Gerald,Stacy: Amen!
Francesca: Guyss tingnan nyo yun ohh
Stacy: Saan? Bakit anong nangyari sayo?
Gerald: omaaayyy
*nakita nila ang Diyos*
Francesca: Lord ikaw ba yan?
Lord: Ako nga anak.
*niyakap nila si Lord*
Gerald: bakit ka po namin nakikita at nahahawakan?
Lord: Dahil yan sa inyong pananampalataya.
Huwag niyong pababayaan yan ah at nandito lang ako kasama niyo
Gerald: Napakaliwanag at napakalinis niyo Panginoon.
Lord: Huwag niyong ipagsasabi kahit kanino na nakikita niyo ako dahil
aakalain lang nila na baliw kayo kasi hindi ako
nagpapakita sa lahat ng tao.

Narrator: Nakikita nila ang Diyos ngunit hindi ang kanyang mukha
sapagkat napakaliwanag nito. Araw-araw nilang kasama ang Diyos
ngunit pinanatili din nila itong sikreto. Masaya ang tatlo dahil hanggang
sa mag high school sila, nandiyan ang Diyos at para sa kanila Siya ay
magulang nadin nila.
Nalagpasan nila ang tukso ng High School.

Dumating ang araw na kailangan na ulit nilang pumasok sa paaralan.


Sila ay nasa College na. Si Francesca ay nangunguna ng isang taon
samantala, si Gerald at Stacy ay magkaklase ngunit nasa iisang paaralan
lang sila papasok. Stacy and Gerald are both in Educ while Francesca is
in Architecture.

Francesca: Bilisan niyo at naghihintay na si manong sa labas para ihatid


tayo. Sabay sabay tayong magluch kapag lunch na. Pupuntahan ko kayo
sa classroom niyo.
Stacy: Nandito naba yung baon ko?
Gerald: Nilagay kona diyan sa bag mo.
Francesca: Tara na.
Stacy: Lord una na po kami.
Lord: Sige mag-iingat kayo at huwag magpapatukso.
*umalis na para pumasok sa paaralan*
Narrator:Pumasok na ang mga magkakaibigan sa paaralan at dito natin
malalaman ang kahihinatnan ng buhay nila. Magiging buo paba silang
tatlo? Mananatili ba ang pananampalataya nila sa Diyos?
*Sa School*
Narrator: First day palang ng school, pansin na kaagad ang ganda ni
Kate-Kate Alvarez-kilala siya ng mga tao kasi ang mga magulang niya ay
may malagong business. Matalino naman si Kate at maganda.
Marami siyang nasalihan na competiton and quiz bee during her high
school life but... Ang tingin ng iba sa kanya ay isang spoiled brat dahil
mayaman ang parents niya. Hindi pa nila kilala si Kate kaya ang tingin
lang nila sa kanya ay, masungit at hindi maayos na tao. Ito kasi ang usap
usapan pagdating sa kanya.
Person 1: Si Kate naba yan? Sana hindi siya maghasik ng lagim dito.

Stacy: Kilala moyan Gerald?


Gerald: Hindi nga e pero wala akong tiwala diyan.
Stacy: hoyy grabe ka naman. Mukhang maayos naman siya

*Classroom*
Prof. Eblacas: Good morning class!
I am Professor Elaine Mae N. Eblacas and I am your Adviser.
I am also your Prof. in Rizal subject. Since today is your first day, I want all of you
to introduce yourself. Just state your name
and your motto in life.
Lets start with Mr. Arthur
Jaspher: Good morning, everyone! My name is Jaspher Arthur.
My motto in life is YOLO You Only Live Once.
Prof. Eblacas: wow very common motto. Continue Mr. Dela Merced
Gerald: Hi guys! My name is Gerald Dela Merced. My motto in life is,
All things work together for good to them that love God.
Prof. Eblacas: That’s true! Next!
Kate: Hi everyone, my name is Kate Alvarez.
My motto in life is, “Don’t judge a person until you get to know them”.
Prof. Eblacas: Thank you Kate. Next
Abby: Hi, I’m Abby Castro. My motto is, “Our progress does not always need to be
seen or validated”.
Gem: Hi I’m Gemalyn De Guzman. Gem for short.
My motto in life is, “Don’t study with a fear of failing, study with a hope of
succeeding.”
Prof. Eblacas: Last, Mrs. Reyes.
Stacy: Blessed morning, everyone!
My name is Stacy Reyes and my motto in life is,
“I can do all things through Christ who strengthens me”.
Prof. Eblacas: Thank you class!
Focus on your studies but don’t forget to live your life fullest.
Before I go, I would like to ask a question,
Ano ang gumigising sa diwang maka-makabayan ni Rizal?
*Stacy raised her hand*
Prof. Eblacas: Yes Mrs. Reyes?
Stacy: Pagmamalabis, karahasan, at di patas na pagtrato ng mga espanyol sa mga
pilipino. Pagbigti sa mga paring sina GOMBURZA.
Prof. Eblacas: Very Good Mrs. Reyes.
Keep it up and don’t disappoint me because I know you’re great.
Stacy: Yes Prof. Thank you po.
*nagbubulong bulungan*
Kate: Sino yang Stacy na yan ha?
Abby: Yan yung anak ng mayaman na business tycoon din gaya ng mga magulang
mo
Gem: Balita ko nasa ibang bansa daw mga magulang niyane.
Kate: She’s smart ha. I think I saw her already. Hindi kolang alam kung saan.

*Break Time*
*/Stacy papalapit kila Kate
Gerald: saan ka pupunta Stacy?
Stacy: puntahan ko mga kaklase natin
Gerald: sino namang kaklase?
Stacy:kila Kate
*/pinigilan ni Gerald si Stacy
Gerald: Stacy, danger yang pinapasok mo malay mo totoo yung mga
sinasabi nila. Mag ingat tayo Stacy yang ang kaisa isang utos ng Diyos sa
atin bago umalis.
Stacy: “Don’t judge a person without getting to know them” yan yung
sinabi niya kanina sa motto niya. Kaya huwag kang mag alala.
*/dumeretso kila Kate at umupo.
Abby: bakit kayo nandito?
Gem:sinong nagsabing umupo kayo rito?. Ayaw ni Kate ng ganyan
Abby: lumayas na kayo dito.
Kate: hayaan niyo lang sila.
Sige seat down.
*/umupo na sila.
Stacy: nag sungit pa kayo (bulong) Thank you Kate! by the way, bakit
hindi ka kumakain?
Kate:kumain ka nalang diyan.
Stacy: pabulong(ang sungit naman neto)Bakit ka pala nag educ?
Kate: wala akong choice.*/malamig na sabi neto
*Gerald tinitingnan si KD*
Stacy: hoyy sino yang tinitingnan mo ha?
Gerald: hindi ko siya kilala pero ang ganda niya
Kate: Si KD yan. Kirsten Danielle Eclar.
Classmate din natin siya.
Gerald: Eh? Bakit hindi ko siya nakita kanina?
Kate: Nobody notices KD. Kilala siya bilang isang taong nakakatakot.
Stacy: Parang mas nakakatakot kapa kaysa sa kanya(pabulong)
Kate: No one dares to date her.
Gerald: Fake news lang yan. Ang ganda ganda niya kaya
Stacy: Gerald, guard your heart baka mapalayo ka kay Lord.
Gerald: I would never do that Stacy.

*Lunch*
Prof. Eblacas: Thank you class! You can now have your lunch break.
Good bye class!
Everyone: Good bye prof.
*Stacy and Gerald leaves* (Kate watches them to leave)
Gem: Bakit parang may binabalak ka Kate na hindi namin alam?
Abby: Oo nga, kanina mopa tinitingnan si stacy a.
Gem:Gagawin na ba nating miserable ang buhay niya?
Kate: Alam niyong hindi ako ganyang tao. I like Stacy
Abby: What the-
Gem: omaayygoodness Kate baliw ka ba?
Kate: Hindi pa ako sure pero parang sinisigaw ng puso ko na kilalanin pa
siya.
Abby: Kate, umayos ka maybe confused ka lang.
*Kate leaves*

*Lunch time*
*/umupo
Francesca: kamusta naman kayo dito sa college life niyo?
Stacy: Okay lang naman
Francesca: hoyy Gerald bat ka tulala diyan?
Gerald: haa?
Francesca: Kamusta ka naman so far?
Gerald: ayoss akoo chesca
Francesca: What’s with the smile, Gerald?
Gerald: Nothing
Stacy: Nothing nothing ka pa diyan. Crush niya yung KD.
Magana raw
Francesca: KD! Gerald be careful of that girl. Baka yang faith mo ah
Gerald: Oo, College na ako guys. Nung High School, iniwasan ko yan.
Ngayong college ako at nakita kona ang pinaka magandang babaeng
nasilayan ng mata ko, gusto ko siyang makilala. Tsaka yung
pananampalataya ko sa Diyos, hindi yun mawawala.
Francesca: Siguraduhin moyan ah. Kain na tayo tapos mag devotion
tayo bago ng first subject natin ng hapon.
Stacy: Sige.
*Kumain na*
Narrator: Nang matapos na silang kumain, nagdevotion na sila at
pumasok na sa kani-kanilang klase.

*Uwian na*
Stacy: hey Kate!Hintay
Kate: Anong kailangan mo Stacy?
Stacy: Tara mag street food libre ko.
Kate: Ayaw ko
Stacy: Tara na, iniwan kana nga ng mga kaibigan mo
*/ hinila
Kate: Bakit pala lagi nalang kayong magkasama ni Gerald?
Stacy: Best friends kami, since kids tsaka nahihiya siyang lumapit kahit
kanino.
Pero nagplaplano siyang lapitan si KD. Natamaan na yata HAHAHHA
Kate: okay
Stacy: Ano palang gusto mo dito?
Kate: ikaw
Stacy: Ha?
Kate: ikaw? Anong gusto mo? Kwek kwek, fishball o kikiam.
Stacy: Kikiam nalang Katie
Kate: Katie?
Stacy: Close tayo, Friends? *Offers hand*
Kate: Close? Nagdesisyon kana e wala akong choice. Friends!
*Shake hands*
Kate: Ate 20 pesos nga pong kikiam tas 20 pesos po na mix.
Eto po yung bayad.
Stacy: Teka ako ang manlilibre diba.
Kate: Ako na, ikaw nalang bukas
Stacy: Sige na nga. Ikaw Gerald anong gusto mo?
Gerald: ahh kahit ano.
Stacy: iniisip mo nanaman yung KD.
Gerald: tskk. Bilhan mo nalang ako diyan.
Narrator: May gusto ba talaga si Kate kay Stacy o pinaglalaruan niya
lang si Stacy. Nag usap usap pa sila Stacy at Kate habang kumakain ng
Street Foods. Napapalapit na ang loob netong si Kate kay Stacy

(next day of school)


Kate: Una na kayo Abby, Gem.
Abby: saan kapa pupunta?
Kate: basta mauna na kayo.
*/nauna na pero habang naglalakad nagbubulong bulungan.
Abby: mukhang may gusto nga talaga si Kate kay Stacy.
Gem: Oo nga at nakakairita at nakakadiri yung ganyan. Abby: Anong
gagawin natin? Gem: Let’s make their lives miserable nalang. Let’s take
this as an advantage para maangatan si Kate sa school. Abby: nice idea.
Kate: nagcecellphone kunwari hindi nakita si Stacy.
Stacy: huy Kate! Anong ginagawa mo dito?
Kate: hinihintay ka. Baka kasi tumakas ka sa libre mo mamaya.
Stacy: mamaya pa naman yun tsaka don’t you worry hindi ako nagb-
break ng promise.
Kate: Good! Akin na yang bag mo?
Gerald: Bakit?
Jaspher: heyy Stacy! Good morning!
Stacy: Good morning Jas!
Kate: close kayo?
Stacy: yess
Kate: akin na yang bag mo.
Stacy: Okay, thank you!
Stacy:*pabulong* lesbian ba si Kate, Gerald?
Gerald: bahala ka diyan hahahhahahha.
Kate: halika na Stacy!
Narrator:Araw araw ng hinihintay ni Kate si Stacy tuwing may klase. Si
Gerald naman….. Kaya si Abby at Gem ay hindi na nakakasama ni Kate.
Ang palagi nilang kasama ay si KD. May binabalak yata na masama ang
dalawa
Gerald: uy Stacy! Si KD na yun oh.
Stacy: ohh edi lapitan mona.
Gerald: hindi mo ako pipigilan?
Stacy: Hindi saka sabi mo, kaya mo naman diba at hindi ka lalayo kay
Lord.
Gerald: Thank youu! */niyakap
Kate:*/tinatanggal ang kamay ni Gerald. Halika Gerald tutulungan kita
kay KD.
Gerald: hindi naa.
Kate: pabulong (edi don’t)
*Hallway*
Abby: Gem! Alam ko na gagawin natin kay Kate para makaganti
Gem: Ano yun?
Abby: diba may gusto si Gerald kay KD? Tas si Gerald, best friend niya si
Stacy
Gem: oohhh Alam ko na nasa isip mo. Aakitin mo si Gerald noh?
Abby: Hindii balla. Kaibiganin natin si Stacy tas sabihin natin sa kanya
ang plano na pabagsakin sila Stacy at Kate.
Gem: sige sige magsisisi talaga si Kate sa ginawa niya sa atin.
*nakita si KD*
Abby: KD!
Kd: why?
Abby: diba may ginawang masama sayo si Kate before?
Gem: wanna take some revenge sa kanya?
KD: suree what’s the plan?
*binulungan ni Abby si kd*
KD: that’s a good idea and I want to start now.
Gem: goooo
*naglakad si KD papunta kay Gerald at nagpanggap na nadapa*
*tinulungan ni Gerald*
KD: thank youu *smile
Gerald: Your welcome! Anytime
KD: I’m KD by the way
Gerald: Gerald, Gerald Dela Merced. KD? Kaisang Dibdib? Ko?
KD: tumawa* pwedee. *sabay alis* see you tomorrow handsome.
Narrator: Nagkaroon ng kanya kanyang buhay ang mga magkakaibigan.
Pilit inaabot ni Francesca ang dalawa ngunit palagi silang tumatanggi.
Francesca: tara devotion guys?
Stacy: bukas na cesca
Gerald: busy kasi kami cesca
Narrator: hindi namamalayan ng dalawa na napapalayo na sila sa Diyos.
Palagi ng magkasama sila Kate at Stacy. Si Gerald naman, nililigawan si
KD.
Isang gabi, nagkaroon sila ng malaking away na magkakaibigan.
Francesca: wala ba kayong balak mag pray o magbasa manlang ng
biblia?
Stacy: bukas na
Francesca: palagi nalang yan ang rason niyo. Hindi ako ang nalulungkot,
si Lord ang nalulungkot.
Gerald: naiintindihan kami ni Lord cesca. Huwag kang mag over react.
Francesca: okayy peroo anong ginagawa niyo sa school? Ikaw Stacy,
anong nalaman ko na palagi mo daw kasama yung Kate na yun?
Stacy: (pasigaw) Bakit nadamay si Kate? Anong masama dun? Pakielam
moba haa?? Anong gusto mong mangyari? Iwasan yung taong mahal
ko?!
Francesca: mahal mo? (palumanay) babae?
Stacy: anong problema dun?! Babae lang naman mamahalin ko ah.
Parang lalaki lang din yun anong pinagkaiba nila?! Hindi niyo kasi
naiintindihan ang nararamdaman ko! Mahal ko siya cesca! Wala kang
magagawa dun at wala kang karapatan na pigilan ako dshik hindi ka
diyos. (walk out). *Umiiyak na*
Francesca: *umiiyak na rin* Wala naman akong ginawa tinanong
kolang siya.
Gerald: Yan ang mali sayo cesca. Lahat nalang kinequestion mo! Kaya
na namin toh matanda na kamii at hindi ka namin kailangan. Huwag mo
kaming itrato na parang mga bata. Nagmamahal kami cesca at hindi mo
yun alam!
*Umalis na din*
Francesca: */patuloy sa pag iyak Lord hindi ka ba nila nakikita? Bakit
ganun na ang trato nila sa akin? Nagkulang yata ako sa kanila. Sorryy
Lord.
Lord: wlaa kang kasalanan anak. Nilamon na sila ng mundo at hindi na
nila alam ang ginagawa nila. Nakalimutan na nila ako. Kung masakit
sayo yun, mas masakit aa akin.
Narrator: At doon nawasak at nagkasira sira ang pagkakaibigan ng isat
isa. Ang mga inaakala nating magtatagal, minsan siguro may katapusan.
Si Stacy ngayon ay tumutuloy kila Kate at si Gerald, napalapit kay KD at
naging sila kinalaunan kayat nasa iisang bahay nalang sila.
Isang araw, naisipan ni Kate na gawing opisyal ang relasyon nila ni Kate
kayat nagplano siya ngunit binalak nila Abby at Gem na gawin na ang
nararapat gawin.
Abby: Jaspher! Pwede mobang kausapin si Stacy about sa group project
natin?
Jaspher: sige sige!
Jaspher: Stacy! Pwede ba tayong mag usap?
Stacy: sure!
Gem: Sorry pala sa inakto namin. Alam naming mahal mo si Stacy
Abby: Oo nga sorryy
Kate: Okay na yun guyss! Thank you
Abby: prinoprotektahan ka lang kasi namin bilang kaibigan mo.
Gem: oo nga. Nakita mo ba si Stacy?
Kate: hinahanap ko nga e
Abby: Parang nakita ko siyang kasama si Jaspher.
Kate: saan?!
Gem: dun
*pumunta kila jaspher at stacy*
*nakita na niyakap ni jaspher si Stacy*
Jaspher: basta kapag kailangan mo ako, nandito lang ako tsaka si Lord.
Stacy: thank you pero wala na yatang Diyos. HAHHAHHA
Kate:*gulat na gulat* Stacy?
Stacy: Kate?
Abby: Stacy?! Niloloko moba si Kate? Bakit mo niyayakap ni Jaspher?
Stacy: Kate hindii yun ang ibig dabihin ng nakita moo. KATE!
Kate: tumakbo palayo
Stacy *sinundan si Kate* Kate sandali pakinggan mo naman ako. Mahal
kita!
Kate:*napatigil at bumuntong hininga* Mahal ako Stacy? Talaga ba?
Stacy: Kate hindi ko siya gus-
Kate: oohh Stacy wala akong sinabi! Gusto mo nga siya
Stacy: ano yang reaction na yan Kate?! Bakit parang ako nanamn ang
mali?
Kate: ikaw nanaman? Stacy I was planning to ask you to be my girlfriend
peroo mukhang hindi talaga pwede. Nawala sayo si Francesca pati narin
si Gerald kasi nga dahil sa maling pagmamahal na yan.
Stacy: WALANG MALI DUN KATE walang mali na mahalin ang taong
mahal.
Kate: Mali yun Stacy kasi nga babae tayo. Napabayaan mo ang relasyon
mo sa Diyos at isa pa, hindi namn talaga kita mhal e.
Stacy: sinampal si Kate* oohh so I’m a game now?
Kate: thank you sa lahat Stacy
Stacy: Kate sagutin mo ako! *umalis na si Kate* *iyak ng iyak si Stacy*
Narrator: pati ba naman ito magtatapos? Sirang sira na ang buhay ni
Stacy para sa kanya. Nawalan siya ng kaibigan, ng minamahal at higit sa
lahat, nakalimutan niya ang Diyos.
Samantala, si Gerald naman ay nagplanong tanungin at gawing
girlfriend si Stacy.
Gerald: Kirsten Danielle Eclar, will you be my girlfriend?
*/whole crowd cheering
*/nagkatinginan si Kate at Stacy
Jaspher: Hi Stacy! (tumabi si Jaspher kay Stacy)
*/ngumiti si Stacy nang kaunti
KD: Sorry Gerald but no
Gerald: no? oh its okay I’ll wait until you’re ready.
KD: hindi na Gerald. Itigil mona yan kasii nakita kita kagabi na may
kasamang iba. Tama na
Gerald: sino KD? Walang iba alam moyan, IKAW LANG!
KD: we’re done Gerald!
Narrator: nakatayo nalang si Gerald at iniisip kung ano ang nangyari.

Narrator: Ano na kayang mangyayari sa buhay ng magkakaibigan? Isang


araw, habang papauwi, narinig ni Gerald ang usapan nila Abby, Gem at
KD
Abby: grabe ang galing ng akto mo kanina KD. Sirang sira na si Gerald at
siguradong maaapektuhan si Stacy at Kate dito.
Gem: hayyss walang ka alam alam si Gerald na pinaglaruan molang siya.
KD: our deal is done. Give me my money. It’s nice working with you
guys.
Narrator: hindi na ito kinompronta ni Gerald at umalis nalang ng
nakadismaya at hindi makapaniwala. All this time, tama si Francesca at
hindi ito pinakinggan ni Gerald. Eto ang mga nangyayari saa taong hindi
nakikinig sa mga taong nandyan lang sa tabi nila at hindi sila iniwan.
Gerald: BAKIT MO GINAWA SA AKIN TO Lord?!! AKALA koba Diyos ka?
Bat mo hinayaang maloko ako ng ganito?! Haa?! Wala ka palang
kwenta e.
Francesca: Hindi ka iniwan ng Diyos Gerald. Kung tutuusin dapat nga
magpasalamat ka sa kanya dahil gumawa na siya ng paraan para ilayo
sayo ang makakasama lang sayo. Huwag ng matigas ang puso. Walag
ginawa ang Diyos na masama sa atin dahil mahal niya tayom Nakalimot
ka dahil inuna mo ang gusto ng laman mo. Dapat nga himihingi ka ng
tawad e.
Gerald: Patawad Cesca. Ako ang nagkamali at gusto ko na itong itama
hindi na ako lalayo sa Diyos. Mahal niya ako at iniligtas niya ako sa aking
kasalanan.
Francesca: hindi pa huli ang lahat Gerald.
*uwian*
Gem: heyy Stacy!
Stacy: anong kailangan niyo
Narrrator: hindi alam nina Abby at Gem na wala ng komunikasyon si
Stacy at Kate.
Abby: nakita mo si Kate? Ilang araw ng wala e
Stacy: hindi ko alam . iniwan na yata ako
Gem: anong ginawa niya sayo?
Abby: tara mag inom parang ang lungkot lungkot mo diyan.
Stacy: masaya ba yun?
Gem: oo naman. Tara
Stacy: sige sige.
(Inuman)
Stacy: wala ng kwenta ang buhay ko. Wala na ang mga kaibigan ko, at
ang pinakamamahal ko.
Wala na ngang pakielam mga magulang ko sa akin tapos iiwan pa nila
akoo?? Wala ng halaga ang buhay ko.
Abby: ako din! Gusto ko ng mamatay
Stacy: paano ba mamatay?
Gem: magpakamatay ka duhh. Talon kaa building.
Stacy: Lord! Wala ng halaga ang buhay koo! Kinuha mona ang lahat!
PAGOD NA PAGOD NA AKO. Sorryy Francesca, Sorry Gerald. Mahal na
mahal ko kayo.
Gerald: STACY! *pinigilan huwag mong gawin yan
Framcesca: Anong nangyayari sayo Stacy? Bat mo naisipan toh? Lasing
kaba?
Stacy: pabayaan niyo na akoo. Ang lali ng kasalanan ko sa inyo. Wala ng
halaga ang buhay ko.
Gerald: meron pa Stacy meron. Hinihintay ka na ni Lord na bumalik sa
kanya. Mahal na mahal ka niya at ginawa niya lang nakabubuti sa iyo.
Siya nga nagsabi na gagawin mo ito e kaya napigilan ka namin.
Stacy: nakakausap niyo parin ang Diyos at nakikita?
Francesca: oo Stacy dahil kapag nilamon ka ng kasalanan, hinding hindi
mo siya makikita ngunit nasa tabi mo lang siya palagi.
Gerald: Ginawa niya lahat yun kasi yun yung nakabubuti sayo.
Stacy: Sorryy Lord. Mahal na mahal ko po kayo at hindi ko kaya kung
wala po kayo sa buhay ko. Gusto kong bumalik sa inyo at pangako,
babaguhin kona sarili ko.
Narrator: simula nun, nakita na ulit nila ang Diyos.
Nakakasama na ulit nila ang Diyos at ang buhay nila ngayon, maayos na.
Walang kwenta ang buhay nila, kung wala ang Diyos. Madaming
nawawala at may pumapalit naman basta ang lagi nating tatandaan na
ay plano ang Diyos at ito ay planong ikabubuti natin.
Kate: Hi Stacy
Stacy: Hi Kate! Kamusta? Lumipat kana pala ng school
Kate: Okay lang. Oo e. Sorry sa lahat Stacy! Patawad, minahak talaga
kita pero kailangan kong gawin yun kasi hindi na ako nakabubuti para
sayo. Mahal kita Stacy.
Stacy: Sorry din Kate pero hayaan mona matagal na yun. Tsaka
napagtanto ko na, may plano ang Diyos hidni natin alam ang
mangyayari. Maraming salamat sa lahat.
Kate: Salamat din! Friends?
Stacy: Friends! See you around!
Narrator: Hindi natin alam ang mga mangyayari pa ngunit, ang Diyos ay
mabuti at may planong maganda sa atin.
Ashley: Ang kailangan lang nating gawin ay sundin ang mga utos niya.
Gerald: Sabi nila, wala daw problema ang mga may relasyon kay Lord o
kristiyano ngunit lahat ng tao, may problemang kinakaharap.
Angela: ang pinagkaiba nga lang, kapag may Diyos ka, may makakapitan
ka at malalagpasan mo ag mga problema mo.
Rhona: biruhin mo yun? Binigay niya na nga ang kaisa isa niyang anak
para iligtas tayo tapos mahal niya pa tayo kahit nagkakasala tayo?
Claries: kasalanan nalang ba ang igaganti natin sa lahat ng kabutihang
ginawa niya?
Nelmer: panahon naman na para talikuran natin ang mundo at kilalan
ang Diyos at papasukin sa buhay mo.
Lorie: Mahal ka niya
Jairus: Mahal niya ako
Shryca: Mahal niya tayo
All: Mahal tayo ng Diyos kahit makasalanan tayo

You might also like