You are on page 1of 3

Tatlong Liham Mula Kay Teddy

Ang artikulong ito ay para sa mga guro at sa lahat ng mga taong may malasakit sa kabataan.

Isang taon na ang nakalipase nagkaroon kami ng seminar para sa mga guro na ginanap sa Ateneo. Inatasan ko ang mga guro
na magsulat ng karanasang hindi nila malilimutan bilang isang guro. Isa sa mga batang guro mula sa Pampanga ang agad
nagsulat. Naantig ako sa kaniyang sulat at nais kong ibahagi ito sa lahat ng mga guro at sa mga taong may malasakit sa iba. Ito
ay tinawag niyang "Tationg Liham Mula kay Teddy," at ito ang kaniyang isinulat.

"Ang liham ni Teddy ay dumating ngayon at pagkatapos ko itong basahin, llalagay ko Ito sa kahon kasama ng ibang bagay na
mahalaga sa buhay ko."

"Nais kong ikaw ang unang makaalam," napapangiti ako sa tuwing nababasa ko ang pahayag na Ito sa kaniyang sulat at ang
aking puso ay sumisigaw nang buong pagmamalaki sa kaniya, kahit alam kong wala akong karapatang maramdaman ito. Hindi
ko pa nakikita si Teddy simula noong maging estudyante ko siya sa ikalimang baitang, labinglimang taon na ang nakalipas.

Dalawang taon pa lamang ako sa aking propesyon noong maging estudyante ko siya. Sa unang araw ng pagtapak ni Teddy sa
aking silid-aralan, Hindi ko na kaagad siya nagustuhan. Ang mga guro, kahit iba ang pagkakaalam ng marami ay hindi nararapat
magkaroon ng paborito sa kaniyang klase at lalong higit na ang magpakita ng pagkamuhi o pag-ayaw sa isang bata, sa kahit
kaninong bata.

Sa kabila noon, taon-taon, may isa o dalawang bata ang hindi maiwasang mapalapit sa mga guro. Ang mga guro ay tao rin
naman at likas sa kanila ang matuwa o magustuhan ang magaganda at matatalinong bata kahit na sila ay sampung taong gulang
dalawampu't lima. At minsan ay may mga tao rin na hindi maintindihan ng mga guro. Sinabi ko sa sarili ko na magiging tahimik
ako pagdating sa aking personal na nararamdaman sa mga estudyante ko, hanggang dumating si Teddy sa buhay ko.

Wala naman akong paboritong estudyante noong taong iyon, pero sigurado akong hindi ko gusto Teddy. Siya ay marungis
hindi lamang tuwing may okasyon kundl araw-araw. Ang kaniyang buhok ay tumatakip sa kaniyang mga tainga at mata, at
kapag nagsusulat Siya ay kinakailangan niya pa itong hawakan upang makita niya ang sinusulat.

At mayroon din siyang kakaibang amoy na hindi ko maintindihan, maraming kamalian pagdating sa kaniyang pisikal na anyo.
Sa pagtatapos ng aming unang linggo alam kong Siya ay walang pag- asa kumpara sa iba. Hindi lamang sa napag-iiwanan Siya,
Siya rln ay mabagal matuto. Simula noon ay hindi ko na Siya pinagtuunan ng pansin hangga't maaari.

Kahit sinong guro ay magsasabing mas masaya magturo sa mga matatalinong estudyante, Isa itong karangalan para sa kanila,
subalit nakikita ang kakayahan ng kahit sinong guro sa mga mahuhusay na estudyante dahil ito ay isang hamon na
makipagsabayan sa kanila sapagkat sa pagkatuto mas binibigyan niya ng pansin ang mga mahinang estudyante. Kahit sinong
guro ay nagagawa ito at halos lahat ng guro ay ginagawa ito pero ako hindi, hindi ko ginawa iyon noong taong yun. Katunayan,
mas binibigyan ko ng pansin ang mga mahuhusay kong estudyante at hinahayaan makasabay ang iba sa abot ng kanilang
makakaya.

Nakakahiya mang aminin, mahirap ngunit natutuwa akong gumamit ng pulang bolpen sa pagmamarka sa papel ng mga
estudyante ko, at pagdating sa papel ni Teddy, ang pulang marka (at ito ay marami) ay medyo nilalakihan ko ang pagkakasulat.

"Mababang uri ng gawa," isinusulat ko ito upang mapaunlad siya. Habang hindi ko alam na pinagkakatuwaan siya ng mga
bata, ang asal ko sa kaniya ay malinaw para Siya bansagan na "kambing." ang naiiba at hindi minamahal sa klase. Alam niyang
hindi ko Siya gusto pero hindi niya alam kung bakit.
Maging ako ay hindi ko rin alam kung bakit ako nakararamdam nang lubos na pagkamuhi sa kaniya. Ang alam ko lang walang
taong nagmamalasakit sa kaniya at wala akong ginawa para doon. Dumaan ang mga araw, natapos na ang unang markahan at
masaya kong isinulat gamit ang pula kong bolpen ang mga marka ni Teddy.

Habang papalapit ang kapaskuhan, alam kong hindi makapapasa at makatutungtong si Teddy sa ikaanim na baitang. Maaari
Siyang umulit. Para mapatunayan ko, oras-oras kong tinitingnan ang kaniyang folder. Mababa ang mga marka niya sa unang
apat na taon, pero wala siyang bagsak. Paano niya ito nagawa? Hindi ko alam, sarado ang aking isip pagdating sa personal na
aspeto ng kaniyang buhay.

Unang baitang - Nagpakita si Teddy ng pagpupursigi subalit may problema sa tahanan. Ikalawang baitang - Si Teddy ay mas
maayos nang nakakagawa. Ang kaniyang ina ay may malubhang sakit. Siya'y nakakakuha lamang ng maliit na tulong sa kaniyang
tahanan. Ikatlong baitang - Si Teddy ay nakatutuwang bata. Matulungin, subalit masyadong seryoso. Mahirap matuto. Ang
kaniyang ina ay sumakabilang buhay matapos ang taon. Ikaapat na baitang — Napakahina sa klase at tahimik. Ang kaniyang
ama nama'y hindi nagpapakita ng interes sa kaniya. Mabuti, siya'y ipinasa ng apat na beses, subalit Siya ay uulit sa ikalimang
baitang "gawin mo Siyang magaling," nasabi ko sa aking sarili.

At ngayon ang huling araw bago sumapit ang pasko. Ang aming Christmas Tree sa mesa ay nababalutan ng mga papel na
bituin.

Maraming regalo ang naghihintay sa ilalim nito. Kasama akong kukuha ng regalo doon bilang guro, subalit ngayon ang akin ay
tila malaki o mas malaki kumpara noon. Ang regalo ni Teddy ay hindi ang pinakahuli kong nakuha, katunayan ito'y nasa
kalagitnaan. Ito ay nababalutan ng kulay kayumanggi na bag na papel, ngunit ito ay mayroong mga makukulay na mga
Chnstmas at mga bilog na pula sa kabuuan nito. Ito ay nahabalot ng masking tape.

Natahimik ang buong klase, at sa unang pagkakataon, ako'y napahiya dahll Sila ay nakatayong pinapanood ako habang
inaalisan ko ng balot ang regalo. At habang inaalis ko ang huling pandikit ng regalo, dalawang bagay ang nahulog sa mesa; isang
porselas at isang mumurahing pabango na kalahati ang laman. Naririnig ko ang mga yabag at bulungan, subalit hindi ako
Siguradong makakatingin kay Teddy. "Maganda ba ito?" ang tanong ko nang nilalagay ko ang porselas sa aking braso.

"Teddy, maaari mo ba akong tulungan mapabilis maisuot ito?" Ngumiti Siya na hiyang-hiyang habang hinahawakan at
itinataas ang aking kamay upang makita ng lahat. May mga nag "bohs" at "aahs," subalit nang ipahid ko ang pabango sa likod ng
aking tainga, ang lahat ng babae ay pumila upang mapahiran din ang likod ng kanilang tainga, ipinagpatuloy kong buksan lahat
ng mga regalo hanggang sa naubos ang mga kahon na nakabalot.

Kumain kami at ang bell ay umalingawngaw. Ang lahat ng bata ay nagtipon, sabay sa pagsigaw ng "Maligayang Pasko!" Ngunit
si Teddy ay naghintay Iamang sa upuan.

Nang umalis na ang lahat ng mga mag-aaral, si Teddy ay lumakad patungo sa akin. Hawak-hawak ang kaniyang regalo at mga
libro."Ang amoy mo'y tulad ng akin ina." pabulong niyang sabi

"Ang kaniyang porselas ay tunay na kayganda rin sa iyo. Ako po'y natutuwang nagustuhan mo ito." Mabilis siyang umalis.
Isinara ko ang pinto, umupo ako, at lumuha, habang nireresorba ang pakikisalamuha kay Teddy sa huling araw ng Pasok,
hanggang sa huling araw ng pasukan.

Minsan, kami ay gumagawa ng gawain na magkasama. Minsan Siya lang mag-isa ang gumagawa habang ako'y nagsusulat ng
aking mga aralin o kaya nagsusulat sa mga papel para magbigay ng marka Mahina Siya sa klase. Hindi naman ako nababahala
para sa kaniya. Ikinatutuwa ni Teddy ang pagkamit ng tagumpay, at sa aming mga turo sa pagsasanay ng mga guro. "Ang
tagumpay ay nakapagtatayo ng isa pang tagumpay."
Pitong taon na ang lumipas ay wala akong narinig mula kay Teddy hanggang may dumating na sulat sa akin.

Mahal kong Bb. Reyes,

Nais ko pong ikaw ang unang makaalam. Ako po'y magtatapos bilang pangalawa sa pinakamahusay sa aming klase sa
susunod na dalawang buwan.

Lubos na gumagalang, Teddy

Nagpadala ako ng liham ng pagbati, at maliit na pakete na naglalaman ng isang pen at lapis. Nahihiwagaan ako kung ano ang
kaniyang gagawin matapos ang pagtatapos. Apat na taon ang lumipas, ang Ikalawang sulat ni Teddy ay dumating.

Mahal kong Bb. Reyes.

Nais ko pong ikaw ang unang makaalam. Ibinalita lang sa akin na ako raw ay magtatapos bilang pinakamahusay sa
aming klase sa PreMed. Ang pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas ay hindi na madali pero nagustuhan ko rito .

Lubos na sumasainyo, Teddy

Nagpadala ako kay Teddy ng kard, at isang maliit na keychain. Ako'y lubos na natuwa. At ang pangatlong sulat ni Teddy ay
dumating.

Mahal kong Bb. Reyes,

Nais ko pong ikaw ang unang makaalam. Simula ngayon, ako'y si Teodoro J. Garcia, M.D. na. Ako po'y ikakasal na sa ika-
27 ng Hunyo. Nais ko pong itanong kung kayo po'y makararating, dahil kayo po ang uupo sa kung saan dapat sana uupo ang
aking ina. Wala na rin po akong Pamilyang darating sa kasal ko, sapagkat namayapa na po ang aking ama noong
nakaraang taon.

Lubos na sumasainyo, Teddy

Hindi ako Sigurado sa kung anong regalo ang maipapadala ko sa isang doktor na nakapagtapos ng pag-aaral ng medesina at
nakapasa sa board exam. Marahil, maghihintay na lamang ako at magdadala ng regalong pangkasal. Subalit, ang aking panulat
ay hindi na makapaghihintay.

Mahal kong Ted,

Binabati kita! Nagawa mo, at nagawa mo ito ng ikaw lang sa kabila ng mga taong tulad ko, at dahil sa amin, ang araw na
ito'y dumating na sa iyo. Ako'y makararating sa iyong kasal.

Nagmamahal, Bb. Reyes

You might also like