You are on page 1of 1

Hunyo 12, 2022

Ian Quin Hernan


Kaytitinga 1 Alfonso, Cavite

Ian;
Noong ika-pitong baitang, naririnig ko ang pangalan mong binibigkas ng ating mga kaklase. Ngunit wala
naman sa akin iyon, kasi hindi kita kilala. At noong ika-walong baitang ay naging kaklase kita, pero hindi kita
kinakausap, nilalapitan, o pinapansin dahil una sa lahat, hindi ako marunong makipagkaibigan sa iba noon.
Isang beses lang kita nakausap noon, at puro kalokohan pa.
Natatandaan ko pa rin ang unang beses na pinadalhan kita ng mensahe, noong kaarawan mo. Sabi ko pa ay, “uy
belated happy birthday! hindi pala tayo friends sa FB.”
Ika-siyam na baitang, ang astig ni Teacher Vanessa, kung hindi dahil sa seating arrangement ay hindi tayo
magiging magkaibigan. Sa mga kwentuhan maghapon, sa patakas na pagkain habang nagka-klase, sa tawanan,
mga gala, at sa hindi matapos-tapos na kwentuhan; sa lahat ng iyon, solid ang ating samahan. Hindi ko inasahan
na ikaw ang magiging pinaka-malapit sa akin. Kahit minsan ay hindi ko nakitang ikaw yun.
Ika-sampung baitang, nagtuloy-tuloy ang ating pagkakaibigan. Mas tumatag ito at mas naging komportable tayo
sa presensya ng isa’t isa. Sabi pa ng iba ay hindi na daw tayo mapaghiwalay. Dahil din sa pagkakaibigan natin
ay naging kaibigan ko din ang iba pa nating kaklase.
Kumusta ka na? Ilang linggo na lamang, isang taon na tayong hindi magkaibigan. Nakakapanghinayang pa rin
na dahil sa hindi pagkakaunawaan ay isinantabi natin ang lahat ng ating pinagsamahan. Nakakapanghinayang,
oo, pero kung hindi dahil doon ay hindi tayo magma-mature.
Maraming salamat sa lahat ng ating pinagsamahan. Sa mga panahong iyon, masasabi kong nakahanap ako ng
isang kapatid na hindi naman galling sa sinapupunan ng aking ina. Salamat sa iyong pagsuporta sa lahat ng mga
gawain ko. Salamat sa magagandang ala-ala na babaunin ko.
Gaya ng mga linya sa kantang ‘Minsan’ ng Eraserheads, h’wag sana natin makalimutan na minsan tayo ay
naging mabuting magkaibigan.
Kasabay ng pagdarasal ko sa tagumpay ko, idadalangin ko rin ang para sa iyo. Abutin mo lahat ng mga
pangarap mo, Ian. Alam kong malayo ang mararating mo. Proud ako sayo palagi.
Patawad, Ian. Salamat sa pagkakaibigan.
Bestfriend mo ako palagi.

-Xander.

You might also like