You are on page 1of 25

ALAMAT NG PINYA

Mahal na mahal ni Aling


Rosa ang kanyang anak
na si Pina. Inaalagaan
niya itong mabuti at
hindi niya pinagagawa
sa bahay upang hindi

mapagod. Masaya na
siyang nagsisilbi sa anak
at gumawa ng lahat ng
trabaho sa bahay. Si
Pina ay lumaki sa layaw
dahil sa kagagawan ni

Aling Rosa. Gustuhin


man niyang turuan itong
gumawa sa bahay at
magbago ng ugali ay
hindi na niya magawa.
Ayaw nang baguhin ni

Pina ang kanyang


nakasanayang masarap
na buhay. Kung kayat
napilitan si Aling Rosa na
kahit na matanda na ay
siya pa rin ang

nagtatrabaho at
gumawa ng lahat ng
gawain sa bahay.
Isang araw ay
nagkasakit si Aling Rosa.
Mahinang-mahina siya

at hindi na makabangon
sa higaan. Nagmakaawa
siya sa anak na magluto
ng pagkain upang hindi
sila magutom na magina.

Masama man ang loob


ay pumayag si Pina na
magluto at gumawa ng
iba pa. Ngunit pamalimali dahil hindi siya
sanay magtrabaho.

Nagtagal ang sakit ni


Aling Rosa at nagsawa si
Pina sa paggawa at
pagsunod sa utos ng ina.
Madalas na silang
magkagalit. Laging

masama ang loob ni Pina


habang gumagawa ng
trabaho sa bahay.
Isang araw ay magluluto
na naman si Pina. Hindi
siya makapagsimula

dahil hindi niya makita


ang sandok. Hinanap
niya itong mabuti sa
loob ng bahay ngunit di
pa rin niya makita.
Nagreklamo na siya sa

kanyang ina. Inutusan


siya ng ina na bumaba
ng bahay at doon
hanapin dahil baka
nahulog sa lupa.

Nagkakagalit na ang
mag-ina dahil sa
paghahanap ng
nawawalang sandok,
hanggang sa nasambit
ni Aling Rosa ang:

Sanay tubuan ka ng
maraming mata nang
makita mo ang iyong
hinahanap!
Ilang oras na ang
nagdaan ay hindi pa

umaakyat si Pina sa
bahay. Lumipas na ang
gutom ni Aling Rosa ay
wala pa rin si Pina. Gabi
na wala pa rin si Pina.
Nag-alala na si Aling

rosa sa hindi pagbalik ni


Pina. Nagtanong siya sa
kanilang mga kapitbahay
ngunit walang nakakita
kay Pina. Hinanap niya
itong muli sa buong

kabahayan at sa buong
bakuran. Hindi na niya
nakita si Pina.
Isang araw, sa isang
sulok ng kanilang
bakuran ay nakita niya

ang isang halaman na


ang bunga ay tulad ng
isang ulo na maraming
mata. Naalaala ni Aling
Rosa ang sinabi sa
kanyang anak: Sanay

tubuan ka ng maraming
mata nang makita mo
ang iyong hinahanap!
Napaiyak si Aling Rosa
at iniisip na ang
halamang tumubo sa

kanyang bakuran ay ang


kanyang anak na si Pina.
Inalagaan niya ang
halaman at simula noon
ay tinawag niya itong
Pinya.

Ang Alamat ng Saging

Sa isang maliit na nayong nasa may libis ng kabundukan ay may pagasawahang kilala ng madla sa tawag na Ba Saro at Da Intang. Pinagkalooban
sila ng tadhana ng kaisa-isang anak na babae na walang iba kundi si Ana.

Nang maging ganap na dalaga si Ana, aya maraming humahanga sa kaniya


hindi lamang dahil sa kanyang kagandahan, kundi dahil sa kanyang kabaitan,
kayumian at ang pagiging magiliw nito sa pakikiharap at pakikipag-usap.
Kabilang sa mga namimintuho kay Ana ang isang makisig na lalaki na ang
pangalan ay Aging. Nang magpahayag ng pag-ibig si Aging kay Ana, napansin
agad ng binata na may lihim na pagtatangi sa kaniya ang dalaga. Kayat hindi
naman nagtagal at nagkaunawaan ang kanilang mga puso. Nagmamahalan sila,
ngunit kung malaki man ang pag-ibig ng binata kay Aging.
Magiging napakatamis sana ang pagmamahalan ng dalawang puso kung
hindi lamang sumalungat ang ama ng dalaga. Madalas na sabihin ni Ba Saro
kay Ana, na huwag papanhikin sa kanilang tahanan si Aging. Muhing-muhi ang
ama ni Ana sa binata.
Aba, anak, - paalala pa ni Ba Saro kay Ana, - hindi ka maaaring
buhayin ng mgandang lalaking lipi naman ng mga tamad! Hindi ko gusting
mapagkikita dito sa ating tahanan ang batugang Aging na iyan... isang dapithapon, buhat sa inaararong bukid ay dumating sa kanilang tahanan si Ba Saro
na sukbit sa baywang ang isang matalim na itak. Kanginang malayu-layo pa
siya ay natanaw na niya sa may bintana ng kanilang mababang bahay ang
pagniniig nina Ana at Aging. Nang mapadapit siya ay namataan agad niyang

ang kanang bisig ni Aging ay nakalatang pa sa may palababahan ng kanilang


bahay.
Sa matinding poot ni Ba Saro ay biglang sumulak ang kaniyang dugo at itoy
parang umakyat sa kanyang ulo. Kayat pagkatapat niya sa bintana at makitang
nakalawit pa nang bahagya sa palababahan ang kamay ng binata, iyon at
tinigpas niya ng taga.
Nalaglag ang naputol na kamay ni Aging at dahil sa biglang pagkagulat at
matinding pagkatakot nito ay kumaripas ng takbo ang binata. Hinabol ni Ba
Saro si Aging ngunit ang binata ay tuluyang nawala sa karimlan.
Nananagis na nanaog si Ana at kinuha ang putol na kamay ng kasintahan.
Wala siyang malamang gawin, kayat ang kamay na putol ay ibinaon niya sa
noob ng kanilang bakuran.
Kinabukasan ng umaga nang manaog si Ba Saro ay malabis ang kanyang
pagtataka nang makitang may tumubong halaman sa kanilang bakuran. Ang
mga dahon niyon ay malalapad at ang bawat buwig ng hinog na bungang
madilaw-dilaw ay katulad ng isang kumpol ng mga daliri ng tao.
Ana! sigaw ni Ba Saro sa anak, - ano bang halaman ireng biglang
tumubo sa ating bakuran?

Nang Makita ni Ana ang buwig-buwig ng bunga ng halamang iyon ay naalala


niya agad na ibinaon niya roon ang putol na kamay ni Aging. Kaya pabulalas
niyang nasabi na Ama!... Iyan po si AGING!... ang putol na kamay ni Aging!
Mula noon, ang halamang iyon ay tinawag nilang SI AGING hanggang sa
kalaunan ay tinawag na SAGING na lamang.
Bago namatay si Ba Saro ay pinagsisihan niya nang labis ang nagawa
niyang katampalasanan sa kasintahan ng kanyang kaisa-isang anak na dalaga.

You might also like