You are on page 1of 1

Itanong Mo Sa Bituin Analysis

Base sa aking pagkakaintindi, ang nilalaman ng tulang ito ay isang kwento ng lalaki na
nagtatanong sa bituin kung anong pangalan ng kanyang minamahal, tinanong niya rin sa bituin
kung siya ba ay sasagutin o hindi ng kanyang minamahal. Pinagkumpara niya ang bituin at ang
kanyang kapatid dahil wala na siyang Karamay kundi ang mga bituin lamang. Sa mga bituin siya
naglalabas ng kanyang mga problema o nagsasabi ng kanyang mga saloobin. Ang mga bituin ay
nandyan lamang tuwing gabi kung kaya’t kung umaga na siya ay nalulumbay.
Ang tulang ito ay puno ng talinghaga at madadarama mo talaga ang emosyon na
pinapakita sa tula. Madadarama mo ang kanyang pagtatanong at pagkalumbay ng lalaki sa tula.
Isa ito sa tulang ako ay namangha dahil minsan ko na ring naranasan tumingin sa mga bituin at
nag tanong kung ano ba ang dapat kong gawin dahil ang hirap ng buhay ngayon. Para sa akin
ang sinisimbolo ng bituin ay ang mga mahal ko sa buhay na pumanaw na kahit sila ay wala na sa
mundong ating ginagalawan, tumingin lamang ako sa mga bituin ay mararamdaman ko na lagi
nila akong ginagabayan at tinitignan mula sa itaas.

You might also like