You are on page 1of 1

Mark Stephen B.

Lachica 12-LAODICEA

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat ako si Mark Stephen Lachica at mapagpalang araw din sa aming
mga panauhin ng president ng Union Christian College na si Rev. Ferdinand A. Anno at ang ating principal
na si Dr. Grace Hope Pe Bautista at ang ating senior high school coordinator na si Sir Homer Noel
Bautista. Muli magandang umaga sa inyong lahat.

Isa pong napakalaking karangalan ang tumayo sa inyong harapan at magbigay ng isang mahalagang
talumpati o mensahe. Lubos po akong natutuva dahil nabigyan po ako ng oportunidad na maibahagi sa
inyo ang aking natutunan sa paaralang ito. Sabi nila Magsimula kung nasaan ka. Gamitin mo kung anong
meron ka. Gawin mo ang kaya mo. Eto ang mga katagang masasabi natin sa pag tatapos kaya kayanin mo
at gawin mo sa iyong makakaya wag pag hinaan ng loob. Nakita mo, naharap tayo sa di mabilang na
hamon at nalampasan ang lahat ng ito dahil sa ating kagustuhang magtagumpay. Maaaring naisip natin
na sumuko sa gitna ng bagyo, ngunit ang ating mga pangarap ay mas malaki kaysa sa ating mga
problema. Nasasabi ng utak natin na “ayoko na” pero ang puso natin ay sinasabing “laban pa”.

Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na kayo ay handugan ng salitang Salamat sa mga tulong at paggabay
sa aming pagkatao, walang hanggan pasasalamat. Salamat sa inyong lahat mga Maam at Sir. Makaasa po
kayo na babaunin namin ang lahat ng mabubuti at iwawaglit namin ang alam naming mali at hindi
wastong gawain Kami po ay dadako sa ikatatlong yugto ng aming mga pangarap ang makapag kolehiyo
dala namin ang inyong mabubuting tagubilin at kaalaman.

Mahirap sa aking puso na tayo ay magkakahiwa-hiwalay na dahil iba ibang paaralan na ang ating
papasukan. Mananatili pa rin kayo sa puso ko bilang kapatid, kapuso at kapamilya. Bagamat tayo ay
nagkukulitan at nagkakatampuhan subalit saglit lang yun, dahil ang nanantii parin satin ay
pagmamamahal at pagkakaisa sa isa’t isa. Mga classmate, mahal ko kayo hindi ko kaya makalimutan ang
ating mga pinag samahan at kulitan na sasabay kakain sa labas tuwing tanghalian at sabay umuwi.

Mga mahal naming magulang, kailangan po namin kayo sa aming patuloy na paglalakbay. Kayo po ang
aming lakas at inspirasyon. Hiling po namin sa inyo na patuloy niyong ilawan ang aming landas upang
makita namin ang tamang daan at hindi kami maligaw.

Mga minamahal naming guro, salamat po inyong pabaon na karunungan at kaalaman sa amin. Sana po
patuloy nyong ipanalangin ang aming paglalakbay upang marating namin ang tagaumpay ng bukas.

Bago ko taposin ang ang aking talumpati mag iiwan lang ako ng isa kasabihin na “Kahit anong mangyari
sa buhay, maging mabuti ka sa mga tao. Ang pagiging mabuti sa mga tao ay isang magandang legacy na
maiiwan.” Yun lamang po muli magandang araw sa inyong lahat at maraming salamat po sa inyong lahat.

You might also like