You are on page 1of 2

Ashley Valero

9 - ingenuity

Mahal kong Lolo

Sa iyong pagkawala
mga luha’y ayaw tumila
mga iniwang alaala
laging nasa diwa

pakiramdam ko’y guminhawa


sa isipang ika’y makakapagpahinga
hirap mo’y nagwakas
sa sakit na matagal ng dinaranas

sa sandaling pinagsamahan
nakilala kang tunay
pagmamahal mo bilang ama’y naranasan
na ipinaramdam din sa akin inay

mga aral mo’y di malilimutan


gagamitin pang habang buhay
lumipas man ang panahon
sa isip ay di mawawalay

alam sa aking sarili


maraming pagkukulang bilang apo
gusto mang bumawi
wala ng mababago

ikaw ay ipagdarasal
na sana’y ikaw ay masaya
sa piling ng poong may kapal
at maging payapa

lumipas ang araw, buwan at taon


at unti-unting natanggap
ang iyong paglisan
na ikaw ay mananatiling magandang ala-ala

Mahal kong lolo


Hindi man kita nakasama ng matagal
Mananatili ka sa aking puso’t isipan
Magpakailanman

You might also like