You are on page 1of 15

9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Mga Gampanin ng Mamamayang
Pilipino na Makatutulong sa
Pambansang Kaunlaran
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Mga Gampanin ng Mamamayang Pilipino na
Makatutulong sa Pambansang Kaunlaran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Judelyn M. De Mesa
Editor:
Tagasuri: Generosa Ponpon, Aimee D. Chua
Tagaguhit:
Tagalapat: Wedzmer B. Munjilul
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Mga Gampanin ng Mamamayang
Pilipino na Makatutulong sa
Pambansang Kaunlaran

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.

Kung sakaling mahirapan ka sa pagsagot sa mga inilaang gawain,


huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan
na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan
ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at
malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto.
Kaya mo yan!

iii
Alamin Natin
Pinagtuunan sa nakaraang aralin ang konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran.
Matapos mong masiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran, ngayon naman ay pag-
aaralan mo rin kung ano ang iba’t ibang tungkulin ng mga mamamayang Pilipino upang makatulong
sa sama-samang pagkilos para sa pambansang kaunlaran.

Ang mga nilalaman at gawain sa modyul na ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa
kung papaano ka makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan nito. Ang
araling nakapaloob sa modyul na ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency
(MELC) para sa Baitang 9 na: Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino
upang makatulong sa pambansang kaunlaran.

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang paksang:


 Mga gampanin ng mamamayang Pilipino na makatutulong sa
pambansang kaunlaran.

Ang sumusunod na layunin ay inaasahang dapat mong gawin matapos mong pag-aralan ang
nabanggit na aralin:
1. Naiisa-isa ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaularan at
2. natutukoy ang mga gampanin ng isang mag-aaral na makatutulong sa pambansang
kaunlaran.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang pinaka-angkop
na sagot. Isulat sa sagutang papel ang napiling letra.
1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang
mamamayan?
A. Pagpili ng sikat na kandidato C. Pagbabayad ng tamang buwis
B. Pagbili ng imported na produkto D. Pagsali sa gawaing panlipunan

2. Alin sa sumusunod na gampanin ang tumutukoy sa kakayahan ng mga Pilipino na


pumasok sa pagnenegosyo?
A. Maalam C. Maabilidad
B. Makabansa D. Mapanagutan

3. Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang mga mamamayan. Kailangan ng sama-
samang pagkilos ng bawat isa. Maaaring gawin ang sumusunod MALIBAN sa isa.
A. Pagiging maalam C. Pagiging mapanagutan
B. Maging makabansa D. Pagtangkilik ng dayuhang produkto

1
4. May obligasyon tayong dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Ano
ang maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
A. Sumali sa mga kooperatibang iniaalok sa iyo.
B. Tangkilikin ang mga produktong gawang banyaga.
C. Maging mapagmasid sa mga mangyayari sa lipunan.
D. Maging aktibo sa pagsali sa mga proyektong pangkaunlaran.

5. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang
isang Pilipino at mag-aaral, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-
abot sa kaunlaran. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong?
A. Sumali sa iba’t ibang kooperatiba na iniaalok sa iyo.
B. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
C. Tangkilikin ang mga produktong mula sa ibang bansa.
D. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran
sa paaralan at sa komunidad.

6. Sa pagsikat ng K-pop at Korean drama ay ang pagtangkilik din ng ibang Pilipino sa mga
produktong mula South Korea. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapanatili ang pagiging
makabansa upang makatulong sa pag-unlad ng Pilipinas?
A. Bumili ng mga pagkain at produktong galing South Korea.
B. Manuod at makinig ng mga drama at musika na nilikha ng mga Korean.
C. Matuto ng salitang Korean upang maintindihan ang mga pinanonood na K-Drama at
pinakikinggang K-pop music.
D. Tangkilikin ang gawa ng kapwa pinoy sa anumang larangan, gaya ng pelikula, musika,
turismo at produktong likha ng mga Pilipino.
7. Maraming paraan upang maipakita ang gampanin ng mga Pilipino tungo sa pambansang
kaunlaran. Alin sa sumusunod ang palatandaan ng pagiging maalam na mamamayan?
A. Sumasali sa proyektong pangkaunlaran
B. Lumalahok sa pamamahala ng bansa
C. Nagbabayad ng mababang buwis
D. Bumibili ng imported goods

8. Ang sumusunod ay naglalarawan ng pagpapatupad at pakikilahok sa mga


proyektong pangkaunlaran sa komunidad MALIBAN sa isa.
A. Bumili ng mga local brands na gawa ng mga Pilipino bilang suporta sa mga
negosyanteng Pilipino.
B. Palaging makilahok sa mga rally upang maipahayag ang hinaing tungkol sa
talamak na korapsyon at anomalya sa gobyerno.
C. Magnegosyo, maliit man o malaki upang hindi manatiling manggagawa na lamang ng
mga dayuhang negosyante.
D. Tumulong sa mga programang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan

9. Ano ang mahihinuha mo sa mensahe na “Vote Wisely”?


A. Bumoto sa mga kandidatong kilala na at sikat sa social media.
B. Ang pagpili ng iboboto ay ayon sa dikta ng mga mas nakatatanda.
C. Kilalanin ang kandidato at alamin ang programang pangkaunlaran nito.

2
D. Walang pakialam at hindi sinusuri kung sino ang pipiliing kandidato.

10. Ang tamang pagboto ay pinag-aaralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga
kandidato bago pumili ng iboboto. Ang sumusunod ay mga epekto ng tamang pagboto
MALIBAN sa isa.
A. Paglilingkod ng mga opisyal ng gobyerno na masipag na gagawin ang lahat ng
kanilang tungkulin upang maisakatuparan ang nais nilang magandang kinabukasan
para sa ating bayan.
B. Pag-upo ng mga tiwaling opisyal, tamad at pabaya, pagpapaubaya ng gawain sa
kanilang mga tauhan at hindi bihasa sa pamamalakad ng kanilang nasasakupan.
C. Pamamahala ng mga opisyal ng gobyerno na may integridad, na kailan ma’y hindi
magnanakaw, at lahat ng pera ay para sa taong bayan.
D. Pagkaluklok ng opisyal na maalaga at bihasa sa kanyang pangunahing tungkulin at
may malasakit sa bayan.

Aralin Natin
Magaling! Natapos mo nang maayos ang Subukin Natin. Sa bahaging ito ay iyong
maiintindihan ang Iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang
kaunlaran.

Mga Gampanin ng Mamamayang Pilipino na Makatutulong sa


Pambansang Kaunlaran.

Bawat isa sa atin ay mayroong kakayahan na makatulong sa pagkamit ng pambansang


kaunlaran. Bilang isang responsableng mamamayan ng bansang Pilipinas, tayo ay may mga gampanin
na dapat sundin. Kagaya na lamang ng tamang pagbabayad ng buwis. Sa paarang ito ay makatutulong
tayo na magkaroon ng sapat na pondo ang ating bansa para sa mga proyektong kinakailangan sa pag-
unlad ng Pilipinas.

Maging ikaw na isang mag-aaral ay may magagawa at kakayahan din na makatulong sa


pagkamit ng mithiing ito. Sa simpleng gawain tulad ng pagtangkilik ng mga produktong Pilipino ay
malaking tulong na ito upang lubusang aasenso ang lokal na mga manggagawa at negosyante ng ating
bansa.

Ayon kay Bernard R. Balitao, isa sa mga may akda ng aklat na Ekonomiks Araling
Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral na ang sumusunod ay maaaring gawin bilang ilan sa mga
gampanin na makatutulong sa pag-unlad ng bansa:

MAPANAGUTAN

 Tamang Pagbabayad ng buwis. Ang tamang pagbabayad ng buwis ay


makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na

3
halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang
programang pangkalusugan, at iba pa.

 Makialam. Labanan ang mga anomalya at korapsyon maliiit man o malaki sa lahat
ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ang kultura ng pagiging
tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap-tanggap ang pananahimik at
pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa
komunidad, sa paaralan, trabaho, at sa pamahalaan. Kaya dapat manatili na labanan
ang mali at ipaglaban ang tama.

MAABILIDAD

 Bumuo o sumali sa kooperatiba. Isang paraan upang magkaroon ng


pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa ay ang
pagiging kasapi ng kooperatiba. Ang kooperatiba ay pagsasama-sama ng puhunan ng
mga kasapi upang magtayo ng negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga
kasapi rin. Kumikita ang mga miyembro sa pamamagitan ng hati sa kita o dibidendo
batay sa bahagi sa kooperatiba.

 Pagnenegosyo.Ang Pilipino ay hindi dapat manatiling manggagawa lamang sa


sarili nating bansa. Sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng
Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan.

MAKABANSA

 Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikilahok sa


pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan para
maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng Pilipino ay nararapat gawin ng
bawat mamamayan para sa kaunlaran ng bansa.

 Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Sa tuwing tinatangkilik natin ang


dayuhang produkto, ang halaga ng yaman ng sarili nating bansa ay nawawala.
Karapatdapat nating tangkilikin ang mga produktong likha ng mga Pilipinong
negosyante at manggagawa.

MAALAM

 Tamang Pagboto. Bago pumili ng iboboto ay ugaling pag-aralan ang mga


programang pangkaunlaran ng mga kandidato. Dapat din nating suriin ang mga isyung
pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malawak
na pagkakaunawa sa mga ito.

 Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa


komunidad. Walang pag-unlad na magaganap kung ang pamahalaan

4
lamang ang kikilos. Puwedeng manguna ang mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad
ng mga programang pangkaunlaran. Mas nararapat na magkaroon tayo ng malasakit sa
ating komunidad para makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad
sa ating bansa.

Gawin Natin
Gawain 1: CHECKLIST

Panuto: Tukuyin at lagyan ng tsek kung anong estratehiya ang makatutulong sa pag-unlad ng bansa.
Maaaring kopyahin ang talaan sa sagutang papel para sa pagpili ng sagot (√ ).

Estratehiya Mapanagutan Maabilidad Makabansa Maalam


1. Bumuo o sumali sa
kooperatiba
2. Tamang pagbabayad ng
buwis
3. Tamang pagboto
4. Makialam
5. Pakikilahok sa pamama-
hala ng bansa
6. Pagnenegosyo
7. Pagpapatupad at
pakikilahok sa mga
proyektong pangkaunlaran
sa komunidad
8. Pagtangkilik sa mga
produktong Pilipino
9. Pagiging tapat sa pribado at
publikong buhay
10. Maging kasapi sa paglikha
ng yaman ng bansa

5
Sanayin Natin
Gawain 2: YOU CAN DO IT!

Mula sa mga napag-aralang mga gampanin ng mamamayang Pilipino, pumili ng isa na sa tingin mo
ang nararapat mong gawin at pahalagahan bilang mag-aaral.
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gampanin:

Paliwanag:

RUBRIK SA PAGMAMARKA

Pamantayan 5 4 3 2 1
Wasto, may Wasto, may Wasto at may Wastong Hindi maayos
kaangkupan, kaangkupan at kaangkupan nailahad ang na nailahad ang
Nilalaman kritikal at makabuluhan ang opinyon opinyon hinggil opinyon hinggil
makabuluhan ang opinyon hinggil sa sa paksa. sa paksa.
ang opinyon hinggil sa paksa.
hinggil sa paksa.
paksa.
Malinaw at Malinaw at Malinaw ang Nakikitaan ng Hindi malinaw
kompleto ang kompleto ang daloy ng tatlo o higit ang daloy ng
Organisasyon daloy ng daloy ng pagkakasulat. pang kamalian pagkakasulat
ng ideya pagkakasulat. pagkakasulat. Ngunit ang sagot ng mga sagot.
Walang Ngunit nakikitaan ng (pagkakabaybay,
makikitang mali nakikitaan ng dalawang mali pagkakabuo ng
sa isang mali sa sa pangungusap,
pagkakasulat pagkakasulat pagkakasulat wastong gamit
ng mga sagot. ng mga sagot. ng mga sagot ng bantas, atbp.

Tandaan Natin
Ngayon ay nalaman mo na ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang
makatulong sa pambansang kaunlaran. Narito ang mga mahahalagang konsepto na dapat mong
tandaan.

 Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa.

 Ang maaaring kontribusyon o tulong sa pag-unlad ay sa pamamagitan ng pansariling


pagsisikap o sama-samang pagtutulungan.

 Mga gampanin na makatuulong sa pag-unlad sa bansa:

6
MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis
2. Makialam

MAABILIDAD
1. Bumuo o sumali sa kooperatiba
2. Pagnenegosyo

MAKABANSA
1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
2. Pagtankilik sa mga produktong Pilipino

MAALAM
1. Tamang pagboto
2. Pagpapaunlad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa
komunidad

Suriin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang pinaka-angkop
na sagot. Isulat sa sagutang papel ang napiling letra.

1. May obligasyon tayong dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Ano
ang maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
A. Sumali sa mga kooperatibang iniaalok sa iyo.
B. Tangkilikin ang mga produktong gawang banyaga.
C. Maging mapagmasid sa mga mangyayari sa lipunan.
D. Maging aktibo sa pagsali sa mga proyektong pangkaunlaran.

2. Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang mga mamamayan. Kailangan ng sama-
samang pagkilos ng bawat isa. Maaaring gawin ang sumusunod MALIBAN sa isa.
A. Pagiging maalam C. Pagiging mapanagutan
B. Maging makabansa D. Pagtangkilik ng dayuhang produkto

3. Alin sa sumusunod na gampanin ang tumutukoy sa kakayahan ng mga Pilipino na


pumasok sa pagnenegosyo?
A. Maalam C. Maabilidad
B. Makabansa D. Mapanagutan

4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang


mamamayan?
A. Pagpili ng sikat na kandidato
B. Pagbabayad ng tamang buwis
C. Pagsali sa gawaing panlipunan
D. Pagbili ng imported na produkto

7
5. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang
isang Pilipino at mag-aaral, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-
abot sa kaunlaran. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong?
A. Sumali sa iba’t ibang kooperatiba na iniaalok sa iyo.
B. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
C. Tangkilikin ang mga produktong mula sa ibang bansa.
D. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran
sa paaralan at sa komunidad.

6. Maraming paraan upang maipakita ang gampanin ng mga Pilipino tungo sa pambansang
kaunlaran. Alin sa sumusunod ang palatandaan ng pagiging maalam na mamamayan?
A. Sumasali sa proyektong pangkaunlaran
B. Lumalahok sa pamamahala ng bansa
C. Nagbabayad ng mababang buwis
D. Bumibili ng imported goods
7. Ang sumusunod ay naglalarawan ng pagpapatupad at pakikilahok sa mga
proyektong pangkaunlaran sa komunidad MALIBAN sa isa.
A. Bumili ng mga local brands na gawa ng mga Pilipino bilang suporta sa mga
negosyanteng Pilipino.
B. Palaging makilahok sa mga rally upang maipahayag ang hinaing tungkol sa
talamak na korapsyon at anomalya sa gobyerno.
C. Magnegosyo, maliit man o malaki upang hindi manatiling manggagawa na lamang ng
mga dayuhang negosyante.
D. Tumulong sa mga programang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan

8. Sa pagsikat ng K-pop at Korean drama ay ang pagtangkilik din ng ibang Pilipino sa mga
produktong mula South Korea. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapanatili ang pagiging
makabansa upang makatulong sa pag-unlad ng Pilipinas?
A. Bumili ng mga pagkain at produktong galing South Korea.
B. Manuod at makinig ng mga drama at musika na nilikha ng mga
Korean.
C. Matuto ng salitang Korean upang maintindihan ang mga pinanonood na K-Drama
at pinakikinggang K-pop music.
D. Tangkilikin ang gawa ng kapwa pinoy sa anumang larangan, gaya ng pelikula,
musika, turismo at produktong likha ng mga Pilipino.

9. Ang tamang pagboto ay pinag-aaralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga


kandidato bago pumili ng iboboto. Ang sumusunod ay mga epekto ng tamang pagboto
MALIBAN sa isa.
A. Paglilingkod ng mga opisyal ng gobyerno na masipag na gagawin ang lahat ng
kanilang tungkulin upang maisakatuparan ang nais nilang magandang kinabukasan
para sa ating bayan.
B. Pag-upo ng mga tiwaling opisyal, tamad at pabaya, pagpapaubaya ng gawain sa
kanilang mga tauhan at hindi bihasa sa pamamalakad ng kanilang nasasakupan.
C. Pamamahala ng mga opisyal ng gobyerno na may integridad, na kailan ma’y hindi
magnanakaw, at lahat ng pera ay para sa taong bayan.

8
D. Pagkaluklok ng opisyal na maalaga at bihasa sa kanyang
pangunahing tungkulin at may malasakit sa bayan.

10. Ano ang mahihinuha mo sa mensahe na “Vote Wisely”?


A. Bumoto sa mga kandidatong kilala na at sikat sa social media.
B. Ang pagpili ng iboboto ay ayon sa dikta ng mga mas nakatatanda.
C. Walang pakialam at hindi sinusuri kung sino ang pipiliing kandidato.
D. Kilalanin ang kandidato at alamin ang programang pangkaunlaran nito.

Payabungin Natin
Gawain 3: Campaign Slogan!

Napag-aralan mo na ang mga gampanin ng mga mamamayang Pilipino na makatutulong sa


pambansang kaunlaran. Ngayon naman pumili ng isang gampanin na nais mong pahalagahan ng
iyong mga kakilala at gawan ito ng campaign slogan.

Isulat ito sa loob ng kahon.

RUBRIK SA PAGMAMARKA

Pamantayan 5 4 3 2 1
Nailalahad nang may Nailalahad Nailalahad nang Nailalahad ang Hindi
kaangkupan, at nang may wasto ang mga mga ideya nailalahad ang
Kaangkupan makabuluhan ang kaangkupan ideya hinggil sa ngunit hindi mga ideya
sa paksa mga ideya hinggil sa ang mga paksa. angkop hinggil hinggil sa
paksa. ideya hinggil sa paksa. paksa.
sa paksa.
Nagpapakita ng Nagpapakita Nagpapakita ng Hindi Hindi tugma
orihinal na konsepto, ng orihinal na orihinal na nagpapakita ng ang konseptong
Orihinalidad at gumamit ng mga konsepto, at konsepto, orihinal na nabuo at
at malikhaing angkop na salita gumamit ng ngunit hindi konsepto at walang
pagsulat upang maging iilang angkop gumamit ng hindi gumamit kaangkupang
kaaya-aya ang na salita. mga angkop na ng mga angkop salita para sa
slogan. salita. na salita. slogan.

9
Pagnilayan Natin

Hindi pa man lubusang nakabangon ang ilan sa atin dahil sa mga natural na kalamidad na
pumasok sa unang buwan ng taong 2020, ay muling hinamon ang katatagan ng bawat isa sa atin.
Naging mas mahirap para sa atin na matamo ang minimithing pambansang kaunlaran dulot ng hindi
inaasahang pandemya. Dahil sa pangyayaring ito sa kasalukuyan ay muling sinubok ang pagkakaisa
nating mga Pilipino para magampanan ang ating mga tungkulin maging mahirap man o mayamang
mamamayan ng bansa upang makatulong sa pambansang kaunlaran.

Gayon pa man, para malabanan ang pandemya at matamo ang kaunlaran, bawat isa sa atin ay
mayroong kakayahan na makatulong sa pagkamit nito. Bilang mga mamamayan ng Pilipinas,
nararapat lamang na makiisa at aktibong makisangkot sa mga gampanin at tungkulin ng bawat
mamamayan upang makapag- ambag tayo sa pag-unlad ng bansa. Bawat isa sa atin, kahit ano pa man
ang papel mo sa lipunan, ay may magagawa upang maabot ang mithiing ito.

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo, bilang mag-aaral, ang mga nabuo
mong kaalaman tungkol sa mga gampanin ng mamamayang Pilipino na makatutulong sa pambansang
kaunlaran. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa mga konsepto at palatandaang ito upang
maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutunan.

10
11

Susi sa Pagwawasto

You might also like