You are on page 1of 16

5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Size:45pt)


Ika-apat na Markahan (Size 25PT)

LEARNING ACTIVITY SHEET


2
Where is the copyrightpage?
TALAAN NG NILALAMAN
Competency

1. Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng:


1.1. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa
kinabibilangang pamayanan
1.2. pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
1.3. pagkalinga at pagtulong sa kapwa (EsP5PD-IVa-d - 14) ……………………..1-6
2. Nakapagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.
(EsP5PD-IVe-i-15)………………………………………………………………...7-12
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Pangalan: ________________________________ Lebel: ___________
Seksyon: _________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Isinasaalang- alang Ko ang Kapwa Ko

Panimula (Susing Konsepto)

Isang kahanga-hanga at maipagmamalaking katangian ng mga Pilipino ay ang maayos


na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Dahil walang taong nabubuhay para sa sarili lamang
kailangang tanggapin na kailangan natin ang bawat
isa. Sa panahon kung saan may krisis sa mundo dahil sa pandemya dito naipakikita ang
pagmamalasakit, pagmamahal at pagtutulungan kahit sariling buhay at pamilya pa ang
nakataya. Ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit tayo nabubuhay ay para maglingkod sa
ibang tao at sa Diyos.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng pagsasaalang-alang sa
kapakanan ng kapwa at kinabibilangang pamayanan. (EsP5PD-IVa-d - 14)

Gawain 1
Panuto: Basahin ang kwento tungkol kay Leo. Isang frontliner na handang isaalang-alang
ang buhay para makatulong sa iba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ito
sa sagutang papel.

Hindi lingid sa lahat ng tao ang pandemyang bumabalot sa buong mundo. Kasabay
nito ang pag-usbong ng mga makabagong bayani na kung sila’y tawagin ay mga frontliners.
Isa sa kanila ay si Leo, nagtatrabaho bilang nars sa isang pampublikong ospital. Araw- araw
siyang pumapasok sa pamamagitan ng pagbibisikleta dahil sa walang pampublikong
sasakyan. Matapang at matiyaga niyang ginagawa ang kanyang tungkulin, ang pagaalaga at
pagpapagaling ng mga taong may sakit ng COVID- 19. Napakalaki ng banta na mahawaan ng
nakamamatay na sakit ang mga frontliners bukod pa sa nararanasang diskriminasyon mula sa
ibang tao. Ngunit si Leo at marami pang iba ay patuloy na naglilingkod kahit pa ang buhay ay
nakataya alang-alang sa pamilya at kinabibilangang komunidad. Kasama ng mga frontliners
na pumanaw na marapat lamang na sila’y tawaging makabagong bayani.

1. Anong pangyayari sa buong mundo ang nagpakilala sa mga makabagong bayani?


2. Anong banta ang kinakaharap ni Leo at ng iba pang frontliners habang ginagampanan ang
kanilang tungkulin?
3. Paano nakakapasok si Leo araw-araw sa kanyang pinagtatrabahuhan na ospital?
4. Anong tawag sa mga makabagong bayani?
5. Bukod sa mga nars, may kilala ka pa bang ibang frontliners? Magbigay ng isa o dalawa.

1
Gawain 2

Sila ang mga frontliners isinasabuhay ang tunay na paglilingkod sa kapwa. Ibigay mo ang
kanilang mga katangian.

5 puntos- Kapag maibigay ang pitong (7) na katangian


4 puntos- kapag maibigay ang lima (5) o anim (6) na katangian
3 puntos- kapag apat (4) ang maibigay na katangian
2 puntos- tatlo (3) ang katangian na maibigay
1 puntos- kapag isa (1) o dalawa (2) ang maibigay na katangian

Repleksyon
Tunay na naipapakita ang kabutihan at pagmamahal sa pamamagitan ng paglilingkod
o pagseserbisyo sa ating kapwa. Sa pamamagitan rin ng ating pakikiisa ay mailalahad ang
pagbibigay ng pagasa sa mga suliraning ating nararanasan lalo na sa panahon ngayon na may
pandaigdigang krisis. Sa simpleng paraan mo bilang isang batang mag-aaral, paano mo kaya
isaalang-alang ang iyong kapwa?

Mga Sanggunian
(EsP5PD-IVa-d - 14)
Batayang Aklat ng Ikalimang Baitang: Ugaling Pilipino Sa Makabagong Panahon

2
Susi ng Pagwawasto

Gawain 1
1. pandemya
2. mahawaan ng nakamamatay na sakit/ diskriminasyon
3. pagbibisekleta
4. frontliners
5. Maaaring mga sagot:
Doktor, (mga nagtatrabaho sa ospital) pulis, sundalo, janitor, gwardiya, health workers,
kapitan, basurero

Gawain 2
Maaaring mga sagot:
1. matapang 6. maalalahanin
2. masipag 7. masayahin
3. mapagmahal 8. maalaga
4. matulungin 9. matalino
5. mapagmatiis

Inihanda ni:

FE V. GARCIA
Manunulat

3
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Pangalan: ________________________________ Lebel: ___________
Seksyon: _________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pakikiisa Sa Pagdarasal: Panindigan Sa Kabutihan

Panimula (Susing Konsepto)

Ang pananalig sa Diyos ay nagpapakita ng pagkilala sa kanyang kapangyarihan. Higit


sa lahat ang pakikiisa sa pagdarasal ay nagbibigay ng lakas ng ating kalooban upang harapin
ang mga suliranin o problema na dumarating sa ating buhay. Ang iba’t ibang relihiyon ay
mayroon ding kanikanyang pagdiriwang pagtitipon para sa pangkalahatang kabutihan. Sa
maraming pagkakataon, ang bawat isa ay maaaring maipakita ang panindigan sa kabutihan at
pasasalamat sa pamamagitan ng paggawa at paghangad ng mabuti sa kapwa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat. (EsP5PD - lVa-d -14)

Gawain 1
Panuto: Iguhit ang tala ( ) kung nagpapakita ng pakikiisa sa pagdarsal o panalangin at
buwan ( ) kung hindi.

1. Sinusunod ang mga gawi at paniniwala ng kinabibilangang relihiyon.


2. Nakikiisa nang tapat sa mga panrelihiyong pagtitipon.
3. Pinagtatawanan ang mga gawain at paniniwala ng ibang relihiyon.
4. Araw-araw na nagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap.
5. Nagdarasal lamang kung may pansariling kahilingan sa Diyos.
6. Iginagalang ang mga panrelihiyong paniniwala ng ibang tao.
7. Paghadlang sa ibang tao na makapunta sa pook dalanginan.
8. Nahihiyang dumalo sa mga pagtitipon at gawain sa simbahan.
9. Pagsasamasama ng pamilya tuwing Linggo para magdasal.
10. Masiglang nakikiisa sa mga “online o virtual” na panalangin na pinangungunahan ng
kinabibilangang simbahan.

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang kwento nang mabuti. Sagutin ang mga tanong tungkol dito
at isulat lamang ang titik.

Matatagpuan sa di kalakihang barangay ang payak na pamumuhay ng pamilya nina G.


at Gng. Santos. Ang mag-asawa ay nabiyayaan ng limang anak at lahat ay nag-aaral pa.
Mahalaga ang pagmamahal sa Diyos para sa kanilang pamilya kung kaya’t isinasabuhay nila
ang tamang pananalig at pananampalataya. Aktibo ang mag-anak sa mga gawaing simbahan.
Mapapansin ang kanilang pakikiisa kahit pa abala sila sa kani-kaniyang mga gawain. Minsan
4
ang kanilang bayan ay nagkaroon ng matinding tagtuyot. Karamihan sa kanilang pananim ay
namatay gayundin ang ibang mga alagang hayop. Naging pahirap sa mga tao ang kawalan ng
tumutulong tubig sa kanilang mga gripo. Pag-iigib sa malalayong lugar ang tanging paraan
upang magkaroon sila ng magagamit na tubig. Dahil dito nanawagan ang mga simbahan na
makiisa para sa pagdarasal upang magkaroon ng ulan. Hindi nagpahuli ang mag-anak na
Santos, sila pa ang nanguna dito. At dahil sa pagkakaisa ng mga tao na humiling para
magkaroon ng ulan hindi naglaon at umulan sa kanilang lugar. Naging masaya na ang mga
tao at lubos ang pasasalamat sa panginoon. Tunay nga na makapangyarihan ang pagdarasal
at pagkakaisa.

1. Ano ang mahalaga sa pamilya Santos?


a. pagtatrabaho c. pag-aaral
b. pagmamahal sa Diyos d. pagbubukid
2. Anong sakuna ang naranasan ng mga tao sa kanilang lugar?
a. tagtuyot c. bagyo
b. sunog d. tag-ulan
3. Paano natugunan ng mamamayan ang kanilang problema?
a. Hindi na sila naliligo para di maaksaya sa tubig
b. Ang mga may tubig sa gripo ay hindi na namamahagi para hindi sila mawalan
ng gagamitin
c. Nagkaisa ang mga tao na humiling sa pamamagitan ng pagdarasal at
pagkakaisa
d. Nagreklamo sila sa pamahalaan
4. Ano ang naging dulot ng tagtuyot sa lugar ng pamilya Santos?
a. Naging malago at malusog ang kanilang mga pananim.
b. Nangamatay ang mga halaman at hayop.
c. Sapat ang tubig na tumutulo sa kanilang mga gripo.
d. Madalas ang pgkakaroon ng baha sa kanilang lugar.
5. Ano kaya ang dapat gagawin o programa para maiwasan ang matinding tagtuyot?
a. Iwasan ang pagputol ng mga kahoy at isulong ang pagtatanim nito.
b. Magipon ng maraming tubig sa bahay.
c. Putulin ang malalaking puno dahil nakakasagabal.
d. Isumbong ang problema sa mga kawani ng pamahalaan para sila ang mag-iisip
ng solusyon.

Repleksyon
Naipapakita ang kabutihan at pagmamahal sa pamamagitan ng paglilingkod o pagseserbisyo
sa ating kapwa. Sa pamamagitan rin ng ating pakikiisa ay mailalahad ang pagbibigay ng
pagasa sa mga suliraning ating nararanasan lalo na sa panahon ngayon na may pandaigdigang
krisis. Sa simpleng paraan mo bilang isang batang mag-aaral, paano mo kaya isaalang-alang
ang iyong kapwa?

Sanggunian
(EsP5PD-IVa-d - 14)
Batayang Aklat ng Ikalimang Baitang: Ugaling Pilipino Sa Makabagong Panahon

5
Susi ng Pagwawasto

Gawain 1

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Gawain 2

1. b
2. a
3. c
4. b
5. a

Inihanda ni:

FE V. GARCIA
Manunulat

6
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Pangalan: ________________________________ Lebel: ___________
Seksyon: _________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Iba’t-Ibang Paraan ng Pasasalamat sa Diyos

Panimula (Susing Konsepto)

Maraming paraan upang maipakita ang pagpapasalamat sa Diyos. Una na dito ang
pamumuhay ng ayon sa kagustuhan ng Diyos. Nasisiyahan ang Diyos sa tuwing nakikita niya
ang mga tao na namumuhay ng matuwid. At sa tuwing pinasisiya ng tao ang Diyos, ibig
sabihin lamang nito ay kinikilala natin ang kapangyarihan ng Diyos at ang lahat ng mga
bagay na nanggaling sa kanila. Ikalawa, maging madasalin sapagkat ang pagdarasal ang
pangunahing paraan upang makipag-usap sa Diyos. Sa tuwing nagdarasal ang tao, tuwiran
siyang nakakapagpahayag ng kanyang pasasalamat sa Diyos. Ikatlo, gumawa ng mabuti sa
kapwa. Sapagkat nais ng Diyos na sundan natin ang kanyang mga yapak. Ninanais niya na
gawin din nating ang mga kabutihang ginagawa niya para sa mga tao. Sa ganitong paraan
nagiging mapagpasalamat tayo sa kanyang mga ginagawa at hinahangad na maging kagaya
niya. Ang huli ay maging masaya sa lahat ng mga bagay na meron ka. Ang isang taong may
kasiyahan sa mga bagay na meron siya ay totoong mapagpasalamat sapagkat hindi siya
kailanman naghahangad ng mga bagay na hindi niya kayang makuha o ng mga bagay na
meron ang iba. Masaya siya sa kung ano ang ipinagkaloob ng Diyos at namumuhay ng may
kagalakan sa bawat araw.

Kasanayang Pampagkatuto
Nakapagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pagpapasalamat sa Diyos. (EsP5PD-IVe-i-15)

Gawain 1
Panuto: Basahin nang mabuti ang sanaysay at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na
kasunod nito.
Panalangin ng Pasasalamat sa Diyos
Panginoon ko, maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang walang sawang ibinibigay
ninyo sa akin. Pipilitin ko pong gamitin ang mga biyayang natatanggap ko upang makatulong
din po sa ibang kapwa ko nilalang na nangangailangan.
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbibigay ng pagkakataon upang malaman ko
ang dahilan ng aking pag-iral. Ibinabalik ko po ang karangalan sa Inyo sa aking
pagkakalikha.
Maraming salamat po sa pagkakaroon ng masayang pamilya, mga mapagkakatiwalaang
kaibigan at mga kakilala. Sila po ang dahilan ng aking kasiyahan. Sila po ang nagbibigay sa
akin ng inspirasyon upang mabuhay at maging masaya sa araw-araw.
Maraming salamat po sa patnubay na inyong ibinibigay sa aming lahat upang
magampanan namin ang mga responsibilidad at tungkuling nakaatang sa aming balikat.

7
Maraming salamat din po sa kalakasan, katalinuhan at kapasyahan. Ito po ang ginagamit
namin sa pagsugba sa mga alon at pagsubok ng buhay.
Maraming salamat din po sa inyong Bugtong na Anak na Siyang tumubos ng aming
kasalanan.
Sagutin at gawin ang mga sumusunod:
1. Ayon sa panalangin, anu-ano ang mga ipinagpasalamat sa Diyos?
2. Bilang mag-aaral, anu-ano ang mga dapat mong ipagpasalamat sa Diyos?
3. Sa iyong palagay, bakit nararapat lamang na magpasalamat tayo sa Diyos?

Gawain 2
Panuto: Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin Natin sa pamamagitan ng paglalagay ng
Tama o Mali sa patlang bago sumapit ang bilang.
_____1. Ang pamilyang walang problema ay itinuturing na biyaya ng Diyos.
_____2. Ang paggalang sa ideya o opinyon ng bawat myembro ng pamilya ay tanda ng
pasasalamat sa Diyos.
_____3. Ang pangangalaga sa anumang may buhay ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa
Poong Lumikha.
_____4. Ang pananalangin o pakikipag-usap sa Diyos ay basehan ng isang taong madasalin.
_____5. Higit sa lahat ang pag gawa ng mabuti sa kapwa ay dapat ugaliin.

Gawain 3
Panuto: Isulat ang iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Diyos sa mga kahon.

Iba’t-ibang paraan ng
pagpapakita ng pasasalamat
sa Diyos.

8
Gawain 4
Panuto: Sagutin nang buong-puso ang mga sumusunod na tanong. Ano ang gagawin mo
kung?
1. Iyak nang iyak si Rhonna dahil malubha ang sakit ang kanyang nanay Nolly.
2. Lungkot na lungkot si Cheska dahil sa paghihiwalay ng kayang nanay at tatay.
3. Maraming naiinggit kay Kryztah dahil sa kaniyang kabaitan. Binibigyan niya ng
pagkain ang kanyang mga kamag-aral na walang baon. Hindi niya kinalilimutan ang
magdasal bago kumain at matulog. Bigla ay naaksidente pareho pareho ang kanyang
mga magulang.
4. Inaalok ka ng inyong guro na magtrabaho sa Linggo sa kanilang bahay para ikaw ay
may pangmatrikula. Subalit ito ay nataon sa araw ng iyong panginoon.
5. Maysakit ang iyong nanay, kinuha ka ng tiya mo upang makatulong sa tindahan.
Naisip mong walang kasama ang nanay mo.

Gawain 5
Panuto: Isulat kung paano ka magpapasalamat sa Diyos sa sumusunod na mga sitwasyon:

1. Nakakuha ka ng pinakamataas na marka sa pagsusulit.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

2. Araw ng iyong kapanganakan.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

3. Buo ang pamilya ninyo sa araw ng pasko.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
4. Nanalo sa paligsahan ang iyong grupo.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

5. Nakaligtas ka sa isang aksidente.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Gawain 6. Halina’t Manalangin

Panuto: Isipin ang mga biyayang tinatanggap mo sa araw araw na dapat mong ipagpasalamat
sa Diyos. Isulat ang iyong dasal ng pasasalamat sa kuwaderno.

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos


Puntos
40% Kung ang dasal/ panalangin ay angkop sa usapin
30% Kung maayos ang pagkasunud-sunod ng mga pangungusap na bumubuo
sa panalangin
30% Paggamit ng mga bantas at malaking titik sa pagtukoy sa Diyos

Gawain 7
Panuto: Basahin mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang W kung wasto ang isinasaad sa
pangungusap at DW kung di wasto ang isinasaad. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
______ 1. Magdasal bilang pasasalamat sa mga natatamong biyaya sa Panginoon.
______ 2. Tuwing araw ng Linggo ay nagsisimba si Amber kasama ang kanyang
pamilya.
______3. Pinag- aapakan ni Gino ang mga halaman sa bakuran.
______ 4. Lumahok si Caloy sa pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng
lindol.
______ 5. Sa galit ni Joshua ay hinamon niya ng suntukan ang kanyang pinsan.

Gawain 8
Panuto: Basahin mabuti ang sumusunod. Sagutin ng Tama o mali ang sinasabi ng bawat
pangungusap.
1. Ibinabahagi ko sa kapwa bata ang aking mga damit na hindi ko na ginagamit.
2. Nagbibigay ako ng tulong sa mga pulubi at may kapansanan.
3. Inaapakan ko ang mga halaman sa parke at sa paaralan.
4. Tinitirador ko ang mga asong pagalagala sa daan.
5. Nagdarasal ako bago matulog at pagkagising sa umaga.

Gawain 9
Panuto: Basahin ang mga nakatalang katangian. Lagyan ng tsek () ang angkop na hanay
kung ito ay iyong isinasabuhay o hindi. Maging matapat sa iyong pagsagot.

Mga Katangian Ako ito Hindi Ako ito


1. Ginagalang ang mga paniniwala at gawi ng ibang
relihiyon.
2. Pantay sa pagbabahagi ng pagkain sa mga kaklase.
3. Umiiwas sa kamag –aral na humuhimok gumawa ng
masama.
4. Sinisikap na makatulong sa mga magulang sa abot ng
makakaya
5. Sinisikap na huwag pagtawanan ang maling sagot ng mga
kaklase.

10
Repleksyon
Maraming dahilan upang tayo ay magpasalamat sa Diyos. Tulad na lamang ng ating
pamilya na isang biyaya mula sa Kanya, ang lahat ng biyayang ipinagkakaloob sa atin, at sa
paggabay sa araw-araw. Nararapat lamang na pasalamatan natin ang Diyos. Maraming paraan
upang maipakita ang pasasalamat sa Diyos tulad na lamang ng panalangin o palagiang
pagdarasal, paggawa ng kabutihan sa kapwa, at iba pa.

Mga Sanggunian
TG p.115-116, LM UNIT 4 p.5-11, BOW ESP5 4th quarter wk 7, MELC

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Ipinagpasalamat sa Diyos ang patuloy niyang pagbibigay ng pagkakataon upang malaman ang dahilan
ng pag-iral, sa pagkakaroon ng masayang pamilya, mga mapagkakatiwalaang kaibigan at mga
kakilala, pasalamat sa patnubay na ibinigay upang magampanan ang mga responsibilidad at tungkulin.
Pasalamat sa kalakasan, katalinuhan at kapasyahan at pasalamat sa Bugtong na anak siyang tutubos ng
kasalanan.
1. Bilang mag-aaral dapat nating ipagpasalamat sa Diyos ang biyaya ng kalusugan, talento at
iba’t ibang kakayahang ipinagkaloob niya at sa paggabay sa araw-araw. Ipagpasalamat ang
mga gurong biyaya niya upang kami’y matuto, mahubog upang abutin ang aming pangarap sa
buhay.
2. Nararapat tayong magpasalamat sa Diyos sa biyaya ng pamilya, mabuting kalusugan at
talentong ipinagkaloob sa atin.

Gawain 2
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama

Gawain 3
1. Paggawa ng mabuti sa kapwa.
2. Pananalangin o pakikipag-usap sa Diyos.
3. Pagtulong lalo na sa mga mahihirap.
4. Pagsunod ayon sa kagustuhan ng ating Panginoon.
5. Paggalang sa opinyon at ideya ng ibang tao.
6. Paggamit ng mga kakayahan o talentong ipinagkaloob sa atin sa pagtulong sa kapwa at
pagseserbisyo sa simbahan tulad ng pag-awit at pagbasa ng banal na kasulatan.

Gawain 4
1. Palalakasin ko ang loob niya sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.
2. Tutulungan ko siyang makalimot sa pagyaya ko sa kanyang maglaro, magbasa at pagsali ko
sa koro sa simbahan upang makalimot sa problema.
3. Dadamayan ko siya sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan at pagtulong sa kanya sa abot ng
aking makakaya.
4. Ipagpaliban ko muna ang trabaho at pakikiusapan ko ang aking guro na sa susunod na araw
na ako magtrabaho sa kanya.

11
5. Magpapaalam muna ako kay tita upang bantayan ang nanay kong maysakit .

Gawain 5
1. Dear God, Salamat po at mataas ang nakuha ko sa pagsusulit. Sana po manatili akong
malusog upang makapag-aral nang maayos. Amen.
2. Maraming Salamat po mahal na Diyos at narating ko ang isa na naming taon. Bigyan
po ninyo ako ng mahabang buhay upang matulungan ko ang mga magulang ko.
Amen.
3. Salamat po Panginoong Diyos at narito kaming lahat sa araw ng iyong kapanganakan.
Bendisyunan mo po kami ng masaya at malusog na hinaharap. Amen.
4. Salamat po Hesus sa iyong paggabay at pagbendisyon sa aming grupo. Nawa’y lalo
pa kaming tumibay sa inyong mapagpalang kamay. Amen.
5. Maraming Salamat po Mahal naming Ama at binigyan niyo pa ako ng isa pang
pagkakataon upang mabuhay. Gabayan po ninyo ako sa araw-araw sa ngalan ni
Hesus, na iyong Anak. Amen.

Gawain 6
Rubriks

Gawain 7

1. W
2. W
3. DW
4. W
5. DW

Gawain 8

1. T
2. T
3. M
4. M
5. T

Gawain 9

1.__________________
2.__________________
3.__________________
4.__________________
5.__________________
Inihanda nina:

Josefa V. Estoy

12
Wivina M. Alcazar

Rosenda Labrador

Manunulat

13

You might also like