You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO PETSA: IKA-19 NG MAYO 2023

AM 7:10-7:40 VI-JAENA

I.Layunin
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling
kapayapaan.( inner peace)
Pamantayan sa Pagganap
Naisasabuhay ang pagkamabuting tao na may positibong pananaw bilang patunay
sa pag-unlad ng ispiritwalidad.
MELC:
Naisasagawa ang pagmamahal sa kapwa. EsP6PS-Ia-1.1
Sanggunian:BOW p. 247 of 349 MELC p.88/ Ugaling Pilipino sa Makabagong
Panahon 6 p.139
II.Kagamitan:laptop,telebisyon,projector,larawan
Pagpapahalaga:Pagmamahal sa kapwa
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pagbati sa mga mag-aaral/Kumustahan
2.Pagtsek kung sino ang liban sa klase.
B.Paglalahad ng aralin

1.Pagganyak:
Bukod sa mga kapamilya natin,sino-sino ang ating mga nakakasalamuha sa araw-
araw? Paano natin pinakikitunguhan ang ating kapwa?
2. Panlinang na Gawain
Basahin at suriin ang nilalaman ng tula:
Kapwa Ko,Mahal Ko
Ikaw, ako, tayo ay pare-pareho

Nilikha ng Diyos na may may mabuting pagkatao

Kabutihan taglay,tunay at totoo

Katapatan at pagkadalisay nilalaman ng ating puso

Pagmamahal at pagtulong sa kapwa;laging naririto

Malasakit at pagkalinga laging isapuso

Biyayang labis na sa ati’y kaloob,huwag itago

Pagdadamot at pagkapalalo

Itakwil at itaboy sana ninyo

Kapwa ko mahal ko

Siyang palaging sambitin ng tao

Habang nabubuhay at naririto.

Pagtatalakay:
-Ayon sa tula,paano tayo nilikha ng Diyos?
-Ano-ano ang mga katangiang binanggit sa tula?
-Bakit mahalagang isapuso ang pagkalinga?
3.Pagsasanay
Isulat sa patlang kung ang pahayag ay TAMA o MALI

_________1.Tumutulong sa mga nangangailangan


_________2.Magmalasakit sa kapwa
_________3.Pagmamalaki at pagyayabang sa kapwa
_________4.Maging tapat sa kapwa
________5.Pagbabalewala sa kapwa.

4.Paglalahat:Paano mo pinakikita ang pagmamahal sa kapwa?

5.Paglalapat: Magsagawa ng isang “roleplay”na nagpapakita ng pagmamahal sa


kapwa.

IV.Pagtataya: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


pagmamahal sa kapwa.Bilugan ang bilang ng pangungusap.
_____1.Pagiging patas at makatarungan sa iyong kapwa
_____2.Napipilitan sa pagtulong sa kapwa
_____3.Paglilingkod sa kapwa ng buong puso
_____4.Pagiging tapat at totoo sa iyong kapwa
_____5.Piliin lamang ang tutulungan sa kapwa
V.Takdang Aralin
Sumulat sa inyong kwaderno ng talata tungkol sa kung paano mo isinasagawa ang
pagtulong sa kapwa.

PROFICIENCY LEVEL
5X
4X
3X
2X
1X
0X

Inihanda ni:

JOEL M. CABIGON
Binigyang puna ni: Guro I

LUDIVINA M. MARCO

Dalubhasang Guro I Pinagtibay ni:

Leonora M.Pantorgo,PH.D

Punongguro IV

You might also like