You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO PETSA: IKA-15 NG MAYO 2023

AM 7:10-7:40 VI-JAENA

I.Layunin
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling
kapayapaan.( inner peace)

Pamantayan sa Pagganap
Naisasabuhay ang pagkamabuting tao na may positibong pananaw bilang patunay
sa pag-unlad ng ispiritwalidad.

MELC:
Napahahalagahan ang mga panrelihiyong pagdiriwang at gawain. EsP6PS-Ia-1.1
Sanggunian:BOW p. 247 of 349 MELC p.88/ Ugaling Pilipino sa Makabagong
Panahon 6 p.136

II.Kagamitan:laptop,telebisyon,projector,larawan
Pagpapahalaga:Pagbibigay halaga sa mga panrelihiyong padiriwang
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pagbati sa mga mag-aaral/Kumustahan
2.Pagtsek kung sino ang liban sa klase.
B.Paglalahad ng aralin

1.Pagganyak:
Ano ang pinakagusto mong panrelihiyong pagdiriwang? Bakit?
2. Panlinang na Gawain:
Ipasabi muli ang mga panrelihiyong pagdiriwang tinalakay kahapon at pag-
usapan ang kahalagahan ng mga ito.
Halimbawa: Binyag- mahalaga ang pagbibinyag dahil isa ito sa mga sakramentong
dapat tanggapin ng isang kristiyano.Ito ay pamamaraan natin upang mailapit at
maimulat ang isang bata sa buhay ispiritwal.
(Pag-usapan din ang kahalagahan ng iba pang panrelihiyong gawain)

3.Pagsasanay
Isulat kung ang pahayag ay TAMA o MALI
_________1.Mahalaga ang mga panrelihiyong gawain sa buhay natin.
_________2.Paraan ng pagmumulat sa buhay ispiritwal ang mga panrelihiyong
gawain.
_________3.Hindi nakatutulong sa pag-unlad natin ang relihiyon.
_________4.Naipahahayag natin ang ating malalim na pananampalataya sa mga
panrelihiyong gawain.
________5.Kahit hindi makilahok sa mga panrelihiyong gawain ay okay lang.

4.Paglalahat:Bakit mahalaga ang mga panrelihiyong pagdiriwang o gawain?


5.Paglalapat: Pumili ng isa sa mga panrelihiyong pagdiriwang at isadula ang
paraan ng pagbibigay halaga dito.

IV.Pagtataya: Tukuyin kung alin sa mga pahayag ang nagpapahalaga sa


panrelihiyong pagdiriwang o gawain.Lagyan ng tsek (/) ang mga ito.

_____1.Nalalapit na ang pagbibinyag kaya makikipag-ugnayan ako sa simbahan.


_____2.Isinasapuso ko ang mga pangaral na naririnig at nababasa sa bibliya.
_____3.Hindi na ako nagsisimba kasi marami akong ginagawa
_____4.Bata pa lang kami ay iminulat na sa buhay ispiritwal
_____5.Nakakatawa naman ang ritwal ng mga ibang relihiyon.
V.Takdang Aralin
Sumulat sa inyong kwaderno ng panrelihiyong gawain na malaki ang naitulong sa
pag-unlad ng iyong buhay ispiritwal.

PROFICIENCY LEVEL
5X
4X
3X
2X
1X
0X

Inihanda ni:

JOEL M.CABIGON
Binigyang puna ni: Guro I

LUDIVINA M. MARCO

Dalubhasang Guro I Pinagtibay ni:

Leonora M.Pantorgo,PH.D

Punongguro IV

You might also like