You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI PETSA: JAN.

17,2023

AM 7:10-7:40 JAENA

I.Layunin
Naisasagawa ang pagmamalasakit sa kapuwa
II.Paksang Aralin
Pagsasagawa ng pagmamalasakit sa kapuwa.
a.Sanggunian:BOW MELC p. 239 of 349
b.kagamitan: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon,laptop,larawan
c.Pagpapahalaga:Pagmamalasakit sa kapwa

III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pagbati sa mga mag-aaral/Kumustahan
2.Pagtsek kung sino ang liban sa klase.

B.Paglalahad ng aralin

1.Pagganyak
Pakinggan ang mga pahayag na sasabihin ng guro,sabihin ang salitang “Hep-hep” sa
mga pahayag na hindi nagpapakita ng malasakit sa kapuwa at sabihin naman ang
salitang “Hooray” sa mga nagpapakita ng malasakit.
1.”Halina kayo tumulong tayo sa mga nasalanta ng bagyo”.
2.”Kuhanan mo ako ng “video” kunwari namigay ako ng mga relief goods”.
3.”Ibibigay ko na lang itong mga damit kong sobra kasi hindi ko na ginagamit”.
4.”Tutulong po kaming sa pagre-repack ng mga groceries para mas mapabilis ang
pamimigay”
5.”Tumabi ka nga,nakaharang pa sa daanan iyang saklay mo!”
2.Panlinang na Gawain
Sa mga pahayag na binanggit ng guro,alin-alin sa mga ito ang nagsasagawa ng
pagmamalasakit sa kapwa?
(Pahayag bilang 1,3, at 4 ang nagsasabi ng pagsasagawa ng pagmamalasakit sa
kapwa)

B.Talakayin sa klase:
Mahalaga na alam natin isagawa ang pagmamalasakit sa ating kapuwa,hindi
lamang puro salita kundi dapat ay mayroong gawa.Sa pagtulong natin sa kapwa ay
isagawa natin ito ng buong puso.Huwag din tayong maghintay ng kapalit o
kabayaran sapagkat ang Diyos ang nakakababatid at Siya na rin ang magbibigay sa
atin ng gantimpala sa kabutihan natin sa ating kapwa.

3.Pagsasanay
Panuto:Lagyan ng ( / ) ang pangungusap na nagsasagawa ng pagmamalasakit sa
kapwa at ( X ) naman sa hindi.
___1.Tumutulong sa abot ng makakaya.
___2.Sa mga mayayamang tao lang pwedeng humingi ng tulong.
___3.Pinipili ang mga taong tinutulungan.
___4.Hindi ipinagdadamot ang biyayang natanggap.
___5.Pagbabahagi ng sariling kakayahan o talento sa iba.

4.Paglalahat: Paano ninyo naisasagawa ang pagmamalasakit sa kapwa?

5.Paglalapat:
Tumawag ng mga piling mag-aaral na silang magsasagawa ng pagsasadula para
sa mga sumusunod na sitwasyon:
a.nadaanan ang isang batang pulubi sa kalye.
b.antok na antok ka pa ngunit tumawag ang kapitbahay na may “emergency”
c.nag-iimbita ang inyong barangay na makilahok sa pamamahagi ng relief goods sa
mga biktima ng kalamidad.
6.Pagtataya
Panuto:Iguhit ang sa mga pangungusap na nagsasagawa ng
pagmamalasakit sa kapuwa.
____1.Ipinagtatanggol ang batang may kapansanan laban sa mga mapanuksong
kamag-aral.
____2.Inalalayan sa pampublikong sasakyan ang ale na maraming dala.
____3.Nagkunwaring hindi nakita ang batang nanghihingi ng limos.
____4.Magdahilang kapag nakikiusap ang kapitbahay na tulungan siya.
____5.Tutulong pa rin kahit walang kapalit.

IV.Takdang Aralin:
Sumulat sa iyong journal ng mga sarili mong karanasan kung paano mo naisagawa
ang pagtulong sa kapuwa.

PROFICIENCY LEVEL

SECTION: JAENA
5X
4X
3X
2X
1X
0X

Inihanda ni:

JOEL M. CABIGON

Binigyang puna ni: Guro I

LUDIVINA M. MARCO

Dalubhasang Guro I Pinagtibay ni:

Leonora M.Pantorgo,PH.D

Punongguro IV

You might also like