You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI PETSA: NOBYEMBRE 14,2022

AM 7:10-7:40 MABINI
I.LAYUNIN
Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa.
II.PAKSANG ARALIN
Pagpapakita ng kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa.
a.Sanggunian:BOW MELC page 239 of 349
ESP module p.6-8
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon p.54-55
b.kagamitan: batayang aklat,laptop,larawan,chart
c.Pagpapahalaga:Pagiging responsable
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pagbati sa mga mag-aaral/Kumustahan/
2.Pagtsek kung sino ang liban sa klase.
B.Paglalahad ng aralin
1.Pagganyak
Bilang mag-aaral,gaano ka ba ka-responsible sa iyong kapwa?
2.Panlinang na Gawain
Tingnan ang larawan (sa module) alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagiging responsable sa
kapwa?Paano kaya nila ito ipinakikita?
Pagpapaliwanag: Mahalaga na maging responsable tayo sa ating kapwa sapagkat ang bawat
desisyon na ginagawa natin ay may kaakibat na responsibilidad.Tayo bilang tao ay nararapat
na pangatawan at panindigan ang anumang ginagawa natin.Hanggat maaari ay pag-isipan
muna natin ang mga gagawing hakbang bago tayo magpasya upang hindi natin ito
mapagsisihan sa huli.
3.Pagsasanay
A. Gawin ang bahaging “Gawain sa Pagkatuto Bilang 2” sa pahina 8 ng modyul
B.Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang “RESPONSIBILIDAD”

RESPONSIBILIDAD

4.Paglalahat
Bakit mahalaga ang pagiging responsable?

5.Paglalapat

Magbibigay ang guro ng mga sitwasyon sa mga mag-aaral at ipapakita/isasakilos ng mag-


aaral ang kung paano maipakikita ang pagiging responsible sa ganoong sitwayon.

SITWASYON A.Nakita mo ang kamag-aral mo na walang makain dahil hindi sapat ang kinikita
ng kanyang mga magulang.

SITWASYON B.Narinig mong nagtatalo ang dalawang ka-eskwela mo tungkol sa kung kanino
mapupunta ang napulot nilang wallet na may lamang pera.

SITWASYON B.Nakasabay mo ang isang matanda na tatawid sa pedestrian lane,Nakita mong


may kabigatan ang kanyang dala.
5.Pagtataya
Panuto:Tukuyin/Isulat ang mga pamamaraan kung paano maipakikita ang pagiging
responsable sa mga sumusunod na sitwasyon:
1.Walang magamit na lapis ang nakababatang kapatid.
2.May sakit ang nanay mo at walang maghahanda ng pagkain ninyo.
3.Inatasan ka ng iyong guro na maging lider ng pangkat.
4.Marami ang inyong takdang aralin ngunit niyaya ka ng kaklase na manood ng sine dahil
ililbre ka naman niya.
5.Humingi ng tulong ang inyong kapitbahay.

IV.Takdang Aralin
Isulat sa kwaderno/journal ang isang sitwasyon kung saan naipakita mo ang iyong pagiging
responsable.
PROFICIENCY LEVEL

SECTION: MABINI
5X
4X
3X
2X
1X
0X

Inihanda ni: Binigyang puna ni: Pinagtibay ni:


Edel-Anne B.David Felisa G.Sayco Leonora M.Pantorgo,PH.D
GURO I DALUBGURO I PUNONGGURO IV

You might also like