You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI PETSA: IKA-14 ng MARSO 2024

AM 10:50-11:20 MATAPAT

I.Layunin
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad,mapayapa at mapagkalingang
pamayanan.
Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang mga gawain na may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan tungo
sa pandaigdigang pagkakaisa.

Most Essential Learning Competency (MELC’s)


Tumutulong sa makakayanang paraan ng pagpapanatili ng kapayapaan EsPPP-IIIh-i-40

1.1Napahahalagahan ang pagpapanatili ng kapayapaan.


Paksa:Pagtulong sa makakayang paraan ng pagpapanatili ng kapayapaan
Pagpapahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan
Sanggunian:BOW p. 219 of 349 MELC p.88

II.Kagamitan:laptop,telebisyon,projector,larawan
c.Pagpapahalaga:pagbibigay halaga sa kapayapaan

III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pagbati sa mga mag-aaral/Kumustahan
2.Pagtsek kung sino ang liban sa klase.
B.Paglalahad ng aralin
1.Pagganyak:
Isaayos ang mga letra upang matukoy ang salita
K A U G U L N A H – (maaaring mangyari kapag walang pagkakaisa)
A Y S A A M- (damdaming nararamdaman kapag magkakasundo ang lahat)
P A N A K A A P A Y- (dapat pairalin kahit saan man)
2. Panlinang na Gawain:Pagpapaliwanag sa kahalagahan ng kapayapaan

Mahalaga ang kapayapaan upang patuloy na tumakbo ng maayos at matiwasay


ang buhay ng mga tao tungo sa ikabubuti ng ating bansa.Kung walang kapayapaan
ay magkakagulo ang mga mamamayan sa isang bansa na maaaring magdulot ng
karahasan at diskriminasyon.Ang kapayapaan sa isang bansa ay nangangahulugan
pagkakaintindihan ng mga tao at pinuno nito.Mahalaga ito sa sektor ng
ekonomiya,sa pamahalaan at pagkakaisa na magpapaunlad sa bansa.

3.Pagsasanay
Iguhit ang a kung ito ay pagpapahahalaga sa kapayapaan.
__1.Pakikiisa sa mga lider o pinuno ng pamahalaan sa kanilang magandang layon
para sa mga mamamayan.
__2.Pagbibigay halaga sa mga taong nagsisikap na mapanatili ang kaayusan.
__3.Kawalang pakialam sa kapwa kung nagkakasundo man o hindi.
__4.Pagiging responsable sa pagsunod sa mga batas.
___5.Pagsuporta sa mga iligal na gawain.
4.Paglalahat: Paano mo pinahahalagahan ang pagpapanatili ng kapayapaan?

5.Paglalapat: Pagsasagawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa


pagpapanatili ng kapayapaan.
IV.Pagtataya:
Panuto:Isulat ang TAMA o MALI sa patlang bago ang bilang
____1.Magiging maayos ang pamumuhay kung may kapayapaan.
____2.Magdudulot ng kaguluhan ang kawalan ng pagkakaisa.
____3.Pabayaan ang mga lider ng pamahalaan na sila na lang ang magpanatili ng
kapayapaan.
____4.Kung walang kapayapaan ay wala ring pagkakaisa.
____5.Salungatin ang mga hindi gustong palakad ng pamahalaan dahil sayo ang
gusto mong masunod.

V.Takdang Aralin
Sumulat sa iyong journal kung paano mo pinahahalagahan ang pagpapanatili ng
kapayapaan.
____________________________________________________________________

PROFICIENCY LEVEL
5X
4X
3X
2X
1X
0X

Inihanda ni:

Joel M. Cabigon
Binigyang puna ni: Guro I

Ma.Theresa T. Gervacio

Dalubhasang Guro I Pinagtibay ni:

Leonora M.Pantorgo,PH.D

Punongguro IV

You might also like