You are on page 1of 4

Distance Education

Instructional Module
Pangalan: ________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________________________________________

Subject Information
Subject Title : Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Teacher/s : Mrs. Rowena B. Magquilat
Contact Details : 09957644051/09519765712
Consultation Schedule : Monday thru Thursday, 2:00-3:00pm
Helplines : Guidance: (034) 345 – 2149

Ikatlong Markahan
Module 6
Sa ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo

Sa ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo


Ama namin sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo
dito sa lupa para lang sa amin. Bigyan mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa
aming mga sala para lang pagpapatawad namin sa nagkasala sa amin. Huwag mo po kami ipahintulot sa
tukso at iadya mo po kami sa lahat ng masasama. Amen.

Aralin 6
I.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga natatanging kaugaliang
Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang
tagapangalaga ng kapaligiran.
II.Pamantayan sa Pagganap:
Naisasabuhay ang pagkakaisa at komitment bilang responsableng tagapangalaga ng kapaligiran.
III. Pamantayan sa Pagpakatuto
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan.
 Paggalang sa karapatang pantao
 Paggalang sa opinyon ng iba
 Paggalang sa ideya ng iba
IV. Nilalaman
Paksa: Kaligtasan ng Bawat Isa Tunay na Mahalaga!
Sanggunian: Kintal Edukasyon Sa Pagpapakatao
Pahina: 211-217
Awtor: Gerwin D. Viloria
Leah De Guzman Gervacio
Maricel A. Dela Cruz
Jeanette Karen M. Espejo
V. Pagpapakilala sa paksa
“Tayo’y magtuungan sa pangangalaga ng kapaligiran, Tungo sa mas
maganda nating kinabukasan”
VI. Interaksyon
 Gawain # 1
A. Panuto: pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.

1
Ano ang masasabi ninyo sa larawang ito? Nakikitaan ba ang grupong ito ng pagkakaisa?

 Gawain # 2
A. Panuto: Basahin at unawain.
Ating awitin at pag-usapan ang mensahe na nais ipabatid sa atin ng kantang ito.

Kapayapaan ng Bansa: Ako’y Makikiisa


ni L. Gervacio

Hangad ng bawat isa ang mamuhay ng may kapayapaan sa ating bansa. Makakamit lamang natin ito
kung may paggalang tayo sa mga karapatang pantao. Igalang ang sarili nilang opinyon at ideya. Iwaksi ang
karahasan na nagdudulot ng hindi magandang pagkakaunawaan. Bagkus, tumulong tayo o sumali tayo sa mga
programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa at pagsulong ng kapayapaan.
Ang pakikiisa sa mga ito ay nagpapatunay lamang ang kagustuhan mong maging mapayapa at maiwasan
ang karahasan sa ating lomunidad at bansa. Ang pamahalaan natin ay nagpapatupad ng mga batas at
alintuntuning dapat sundin. Sila rin ang nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo na dapat tanggapin ng isang
mamamayang katulad mo.
May mga ahensiya na nagbabantay sa mga karapatan tulad ng sumusunod:
 Ang DOH ang ahensiyang kumakatawan sa pagbibigay sa atin ng serbisyong pangkalusugan.
 Ang DepED naman ang nagbibigay serbisyong pang edukasyon.
 Ang PNP naman ang nagbabantay para sa ating pangkaligtasan at mamuhay ng Malaya. Huwag
matakot na idulog sa kanila ang anumang pang-aabuso ng iyong kapwa upang mabigyan ng
kaukulang parusa ang mga ito.
Bilang isang Pilipino, makiisa, makialam at tumulong sa abot ng makakaya sa pagtaguyod ng kapayapaan n
gating bansa. Bukod rito, marami pang ahensya ng gobyerno ang patuloy na nangangalaga sa karapatang
pantao.

2
 Gawain # 3

A. Panuto: Sagotin ang mga tanong:

1. Saan patungkol ang sanaysay?

2. Anong mga ahensya ang nagbibigay n gating mga karapatang tinatamasa?

3. Ano ang maaari mong gawin upang makamit ang kapayapaan sa inyong lugar?

4. Paano ka makakatulong sa ating bansa sa pagpapatupad ng kapayapaan?

5. Iginagalang mo rin ba ang karapatang pantao ng iba? Paano?

 Gawain # 4
A. Panuto: Gumawa ng “ti-di-list” na iyong gagawin upang maipakita ang pakikiisa sa mga programa ng
pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan.

Plano Inaasahang Resulta

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

3
B. Tandaan at Isaisip

Ang pakikiisa sa mga programa n gating pamahalaan upang maisulong ang


kapayapaan ay isang magandang kaugalian ng mga Pilipino. Patunay lamang na tayo
ay may malasakit sa ating kapwa at lugar na ating kinabibilangan. Ang pagpapakita ng
paggalang sa karapatan ng iba ay dapat na isagawa upang sa ganun ay mapanatili
natin ang maayos na samahan at maiwasan ang anumang hindi magandang
pagkakaunawaan. Igalang rin ang opinyon o ideya ng iba, dapat nating matutunan ang
pag-unawa, sa kung ano ang mas higit na makakabuti para sa kapakanan ng
nakararami.

 Gawain # 5 – Paalala

o Huwag kalimutang ipasa sa nakatakdang panahon. Panatilihing malinis at madaling maintindihan


ang mga sagot lalo na ang iyong sulat kamay.
Keep safe always, God bless you!

VII: Pangwakas na Panalangin

Let us pray meditative silence.

Pause and be quite for a while. Thank God in silence for all His
Creations.

Tell God how happy you are for He created everything that
surrounds us. Thank God also for creating you.

You might also like