You are on page 1of 6

DISTANCE EDUCATION

Instructional Module

Subject Information
Subject Title : Filipino 9
Teacher/s : Mrs. Rowena B. Magquilat
Contact Details : 09519765712/09957644051
Consultation Schedule : Monday thru Friday, 10:00 - 11:00 AM
Helplines : Guidance: (034) 345 – 2149

Description of the Subject


Ang buong kabanatang ito ay tatalakay sa mga akdang nagmula sa Timog-Silangang Asya. May maikling
kuwento, nobela, tula, sanaysay, at dulang matatalakay na nagpapakita ng paniniwala, kultura, at hangarin ng
mga bansang pinagmulan ng nasabing akda. Ang mga aralin tungkol sa kahulugan at kaunting mahahalagang
impormasyon tungkol sa mga uri ng panitikang nabanggit ay matatalakay rin dito gayundin ang aralin tungkol
sa pagdedebate at pangangatwiran.
Sa paraang pasulat man o pasalita ang pag-aaral ng tungkol sa mga kataga o pahayag na nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon, mga salitang
ginagamit sa pagpapahayag ng emosyon damdamin, mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng
sariling pananaw, mga salitang ginagamit sa pagsusuri at wastong gamit ng mga salita, mga pahayag sa
pagiging makatotohanan at di-makatotohanan, at pagsasagawa ng sarbey ay matututuhan din ng mga mag-
aaral para sa mas mabisang pakikipagtalastasan.
Bilang paghahanda sa pagsasagawa ng inaasahang pagganap, ang mga mag-aaral ay magsusuri ng isang
akdang makabanghay, mananaliksik at magsusuri ng tunggalian, lilikha ng bibigkas ng sariling taludtod,
makalalahok sa isang debate, at makapagsusuri ng isang akdang binasa batay sa katotohanan nito sa buhay ng
tao na kakikitaan ng natatanging kultura at paniniwalang maaaring makatulong sa pagmamalaki at pag-unawa
sa kulturang Asyano. At sa katapusan ng kabanata ay inaasahan ang mga mag-aaral na makapagtanghal ng
isang panghihikayat sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang book fair tungkol sa mga akdang mula sa
Timog-Silangang Aya at sa pagsusuring ginawa sa mga ito.

LEARNING COMPETENCIES (c/o MELCs)


 naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey tungkol sa tanong na: “Alin sa mga
babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong nagustuhan?”
 nakapagsasagawa ng Malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang
pampanitikan ng Timog Silangang Asya.

GRADING, REQUIREMENTS AND EXAMINATIONS


In this subject, you will be evaluated in the following way:

Written Work (30%):


Monthly Examination
Quizzes (in the module)
Assignment (in the module)

Performance Task (50):


Projects/ Output of Learnings/ Research

Examination (20):
Quarterly Examination

Unang Markahan
Module 7 – Ikapitong Linggo
Petsa: October 12-16, 2020
Pambungad na Panalangin:

Ama naming bukal at tagapagtaguyod ng karunungan


Dakilang pinagmulan ng lahat at Siyang tamang daan
Nawa’y tanggapin ang aming pasasalamat sa iyong mga biyaya
At buong pusong paghingi ng kapatawaran sa aming mga nagawang pagkakasala sa Iyo at sa aming kapwa
Gabayan Ninyo po kami sa aming mga gawain sa araw-araw
Bigyang lakas at husay sa pagharap sa bawat pagsubok ng buhay
Habang nananatiling nagpupunyagi at nagsusumikap 
Para sa ikauunlad ng aming sarili at pamayanan
At para sa ikararangal ng aming Paaralan at ng bansang Pilipinas.
Amen.
ARALIN 1

I. Pamantayang Pangnilalaman
 nakapagsasagawa ng Malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang
pampanitikan ng Timog Silangang Asya.
 naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey tungkol sa tanong na:
“Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong nagustuhan?”

II. Pamantayang Pagganap


 Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga
akdang pampanitikan ng Timog-Silangnang Asya.

III. Layunin sa Pagkatuto


Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 naibibigay ang posibleng bunga at mga sanhi
 aipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan
 nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano
 naiuugnay ang sariling damdammin sa damdaming inihayag sa napakinggang salita

IV. Paksa
TULA
Reference: Pinagyamang Pluma 9 p.
Author: Aileen Baisa Julian

V. Pagpapakilala tungkol sa Paksa


 Sa pagtatapos na ito ng unang markahan, isasagawa ng inyong klase ang book fair at dito
ninyo itatanghal ang nabuo ninyong proyekto. Ngunit dahil nasa uri tayo ng modular
learning ay hindi niyo ito maisasagawa kasama ang inyong mga ka kaklase, kaya minabuti
kong isagawa mo ito ng mag-isa, pero sa madaling paraan lamang.
VI. Interactions

Kung bibigyan ka ng pagkakataog pumunta sa isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Alin sa
mga ito ang pipiliin mo maliban sa Pilipinas?
Paliwanag:
 Gawain # 1
A. Basahin ng mabuti.
Mga Dapat Maláman ng mga Turista
Maaaring may mga dayuhang kaibigan kayong nais imbitahin sa bansa. O di kaya naman, mismong ang inyong
pamilya ang nagbabalak na pumasyal sa iba pang kalapit-bansa ng Pilipinas sa Timog-Silangang Asya sa
hinaharap. Puwede ring ibahagi ninyo sa mga kakilalang mahilig magbiyahe ang sumusunod na mahahalagang
impormasyon na magsisilbing gabay sa maayos, maginhawa, ligtas, at kasiya-siyang paglalakbay at bakasyon sa
mga bansang Asyano bukod sa Pilipinas.
Narito ang ilang tip pangkalusugan para sa mga biyahero at biyaherang puntirya ang Timog-Silangang
Asya mula sa Department of Health and Human Services Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng
Estados Unidos.
Pagbalik-aralan lang natin.Ang Timog-Silangang Asya ay binubuo ng Brunei Darussalam, Myanmar,
Cambodia, Silangang Timor, Indonesia, Lao People's Democratic Republic (Laos), Malaysia, Singapore,
Thailand, Vietnam, at Pilipinas.
Samantala, karaniwang sakit na dapat pag-ingatan ng mga manlalakbay sa rehiyon ay ang mga nakukuha sa
kontaminadong pagkain at maruming tubig. Maaaring dulot ng virus, baktirya o parasito ang mga sakit na ito
na kinabibilangan ng diarrhea at pagsusuka, kolera, lagnat at bepatitis.
Mainam ding mag-ingat sa kagat ng lamok na maaaring maging sanhi ng malarya at dengue fever.
Pinaaalalahanan ang lahat na iwasan ang paliligo sa mga freshwater maliban sa mga swimming pool na
protektado ng kemikal na chlorine sa ilang lugar sa Cambodia, Indonesia, Laos, Pilipinas, at Thailand. Mas
mainam kung sa mga tubig-alat maliligo.
Gayunpaman, ligtas sa malarya ang mga bansang Brunei at Singapore. Pangkaraniwang sanhi ng
aksidente sa lansangan ang banggaan ng sasakyan.
Kaya't paalala rin sa mga biyahero at biyahera, mag-ingat sa pagmamaneho.
Inirerekomenda ng CDC na magpabakuna muna ang mga turista laban sa mga karaniwang sakit gaya ng polio,
tigdas at iba pa.
Upang mapanatili ang kalusugan, paalala ng CDC:
 Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
 Uminom lamang ng pinakuluan o de botelyang tubig, o mga inuming dekarbonado
(carbonated drinks) sa láta o bote. Iwasang uminom mula sa mga gripo ofountain. Puwede ring
gumamit ng panala (filter) para masigurong ligtas ang iinuming tubig.
 Kumain lamang ng lutong pagkain o mga prutas at gulay na mismong kayo ang nagbalat.
 Mas makabubuti kung maglalagi sa mga lugar na naka-screen upang maging ligtas sa kagat ng
lamok. Makatutulong ang pagsusuot ng mga damit na may mahabang manggas at pantalon sa
maghapon at paggamit ng insect repellant tuwing ikaapat na oras.
 MaiiwASan naman ang mga sakít na dalá ng parasito kung iwasan ang pagyayapak at
pananatilihing malinis ang mga paa.
 Iwasang bumili ng mga pagkaing kalye at uminom ng mga pampalamig. Siguruhin ding malinis
ang kakaining mga produktong mula sa gatas (dairy products).
 Huwag ipagamit sa iba ang sariling karayom.
 Iwasang humawak ng mga hayop gaya ng unggoy, aso, at pusa para makaiwas sa kagat ng mga
ito at iba pang seryosong sakit na maaaring maidulot ng mga nasabing hayop.
Ano-ano naman ang mga dapat bitbitin sa paglalakbay? Unang isilid Sa maleta ang mga kamisetang may
mahabang manggas at pantalon bilang proteksiyon sa kagat ng lamok at iba pang insekto.
Magbitbit din ng insect repellant na may "DEET" (diethyImethyltoluamide) at mga gamot (over-the-counter
medicines) laban sa diarrhea, iodine tablet, water filter.
Kung kinakailangan, dalhin ang mga gamot na reseta ng doktor para sa pasyenteng may pangmatagalang
karamdaman. Dapat ding ipagpatuloy ang pag-ingat hanggang sa makabalik sa sariling bayan. Kung bumisita sa
isang lugar na laganap ang malarya, halimbawa, ipagpatuloy ang pag-inom ng gamot kontra-malarya, batay sa
reseta ng doktor.
Tandaan ang pinagmumulan ng sumusunod na mga karamdaman:
 dengue fever, malarya, Japanese encephalitis-mga insekto
 kolera, diarrhea, hepatitis A, tipus (typhoid fever)-kontaminadong pagkain at tubig
 hepatitis B, HIV/AIDS-tao (person-to-person contaC)
Pinakamainam pa ring kumonsulta sa doktor bago magbiyahe. Higit n nangangailangan ng gabay ng mga
eksperto sa kalusugan ang mga nagdadalantao, batà, at mga may seryosong karamdaman.
B. Sagotin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pnapaksa ng binasang akda?
2. Paano ito makatutulong sa mga manlalakbay lalo na sa mga pupunta sa Timog-Silangang Asya (TSA)?
3. Ano-ano raw ang dapat tandaan sa pagpunta sa mga bansa sa TSA?
4. Ano naman ang bagay n dapat iwasan o hindi dapat gawing?
5. Sang-ayon ka b sa mga binanggit sa akda?
6. Ngayong alam mo na may mga sakit na puwedeng makuha mula sa iyong paglalakbay sa mga bansa
sa TSA, tutuloy ka pa rin ba sa iyong paglalakbay? Bakit Oo o Hindi ang iyong sagot?
7. Sa iyong palagay, bakit laganap ang mga sakit na dendue fever, malarya, kolera, hepatitis B, at iba pa
sa nasabing kontinente?

 Gawain #2
A. Suriin kung ang pahayag ay tama o mali kauganay ng bonasang akda. Isulat ang sagot sa patlang.
1. May labindalawang bansang bumubuo sa Pilipinas.
2.Mula sa kntaminadong pagkain at maruming tubig karaniwang nagmumula ang mga sakit na dapat
iwasan ng mga manlalakbay
3. Mas mainam ang maligo sa tubig tabang o fresh water kaysa sa mga swimming pool.
4. Makabubuting kumonsulta muna sa doctoe bago magbiyahe lalo na ang mga bata, ngdadalantaom
at mga may seryosong karamdaman.
5. Ang Brunie at singapore ay mga bansang ligtas sa Malarya.

 Gawain #3
A. Basahin at Unawain
SALITANG NANGHIHIKAYAT
Karaniwang ginagamit sa pagkukumbinsi ng isang tao. Ginagamit din ito upang maghikayat ng isang
mambabasa o tagapakinig na sumang-ayon sa kanyang pananaw tungkol sa isang isyu o pangyayari.

Mga halimbawa ng mga salitang panghihikayat.


1. Pagsang-ayon
Totoo, sigurado, tunay nga, tinatanggap ko, tama ka, marahil nga tama ka, talaga, totoo ang sinasabi mo,
sadyang ganoon ang pangyayari,
walang duda, mahusay ang pananaw mo, katotothanan ang sinabi mo, at iba pang salita at pariralang kaugnay
ng pagsang-ayon.
Halimbawa:
a. Galit si Adolfo kay Florante, siguradong malaki ang inggit niya sa binata.
b. Totoong mapagmahal na ama si Duke Briseo.
2. Pagtutol o Pagsalungat
Pero, subalit, dapatwat, ngunit, hindi ako sang-ayon, tutol ako sa sinabi mo, hindi maari
at iba pang salita at pariralang kaugnay ng pagtutol o pagsalungat.
Halimbawa:
a. Mainam at matalino nga siyang doktor sa ating bayan subalit siya ay masamang tao ayon sa mga lumalabas
na ulat sa bayan.
b. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo
3. Pagbibigay-diin sa panindigang isyu:
Naniniwala ako… sapagkat, kung susuriin natin, mapatutunayang kung ganito ang mangyari…. tiyak na, at iba
pang salita at pariralang kaugnay nito.

 Gawain # 4
A. Sa Ingles ay mayroon tayong kasabihang “Prevention is better than cure”. Ito ang layuning nais
ipabatid ng o ipaalala ng binasang seleksiyon na sa lahat ng ating gagawin ay makabubuting maging
maingat tayo bago mahuli ang lahat. Ang kasabihang ito ay hindi lamang akma sa kalusugan ng tao. Ito
ay maaari ring magamit sa iba pang parte ng iyong buhay.
Magisip sa kung anong bahagi ng iyong buhay magagamit ang nasabing kasabihan. Isulat ang
sagot sa loob ng puso na nasa ilalim.
 Gawain # 5
A. Isa kang advertiser. Isang mapanghamong gawain ang kailangan mong gawin para sa inyong
kliyente. Ikaw at ang inyong kasamahan sa inyong Advertising Firm ay kailangang makapagsasagawa ng
malikhaing panghihikayat upang ang kabataan ay magkaroon ng iteres na dumalo sa isang book fair at
magbasa ng mga akda mul sa Timog-Silangang Asya.
Maari kang bumuo ng sarili mong Jingle, islogan o mini skit o ibang paraan para mas mapukaw ang
interes at para mas lalong mahikayat ang mga kabataan na dumalo sa inyong book fair.

 Gawain # 6
A. Isaisip Mo.
Ano ang book Fair?
Ang book fair ay isang kaganapan kung saan mayroong bentahan ng mga libro, maaaring maraming mga
nagbebentahan ng mga libro na sabay sabay. Madalas nakakakita ng mga mamurahing libro at babasahin sa
mga book fair. Pero bago ka gumawa ng iyong sariling aklat ay kailangan mo munang isagawa ang pasasarbey.
PAGSASAGAWA NG SARBEY
Ang sarbey ay isang mabisang paraan ng pagpapakIta Dg pangkalahatane pananaw opinyon, prinsipyo,
paninindigan, kalagayan, sakst, lawiAk,o kalaglyan ng partikular na bagay o kaisipan. Ito ay malaking tulong
upang makapagtipon ng mga impormasyon kaugnay ng mga nabunggit. Ang pags4Sagawa ng sarbey ay simple
lamang. Ating balikan ang mga bugay na dapat gawin sa pagSasagawa ng sarbey mula sa naging aralin sa
Pinagvmang Pluma 7. Narito ang mga hakbang: Una, pag aralan at piliing mabuti ang mga tanong na gagamitin
sa pagsasarbey. Kasama rito ang pagalam ng iyong paksa, mga impormasyong dapat makuha mula sa sarthey
at siguraduhing ang mga tanong na mabubuo ay makasasagot sa layunin ng pagsAsarbey. Halimbawa, sa
araling ito ay nais mong malaman an8 pananaw ng mga tao sa mga babasahin sa Timog-Silangang Asya, ang
mga tanong na bubuoin ay dapat nakatuon sa paksang ito. Iwasang magtanong nang hindi naman
makatutulong sa iyong sarbey. Ilan sa mainam na tanong ang sumusunod:
1 Ano-anong mga babasahin sa TimogSilangang Asya ang nabasa o alam mo na?
2. Naaalala mo pa ba ang pamagat ng mga babasahing ito?
3. Anong pamagat nito? (magbanggit lamang kahit isa o dalawang pamagat)
4.Saang partikular na bansa sa Timog Silangang Asya ito nagmula?
5. Paano mo nalaman o nabasa ang mga babasahing ito?
6. Anong naidulot sa iyo ng nasabing babasahin?
Gumawa ng listing upang higit na mapino ang mga tanong na gagamitin sa pesesarbey upang makita ang
kaangkupan ng bawat tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng marka. Pagkatapos ng listing, muling ayusin at
pinuhin ang itinalang mga angkop na tanong. Ikalawang hakbang ay ang pagtukoy kung sino at saan gagawin
ang papusarbey. Hindi maaaring lahat ng taong kakilala mo ang pasasagutin mo ng iyong sarbey Pumili lamang
ng posibleng kalahok na sasagot ng iyong mga tanong. Halimbawa, ang gagawin mong sarbey ay ipasagot mo
sa mga gurong nagtuturo ng panitikan, o sa mga nag-aaral ng panitikan sa ikatlong baitang ng inyong paaralan.
Imposible mo namang maabot ang lahat ng gurong nagtuturo ng panitikan sa bansa, o maging ang lahat ng
mag-aaral sa ikatlong baitang ng hayskul sa inyong lalawigan o distrito. Sumunod ay kunin ang resulta ng
sarbey at suriin o bigyang-kahulugan ang nalikom na datos. Maging matapat sa pagbibigay-kahulugan sa mga
datos at huwag paiiralin ang sariling damdamin, palagay, o kuro kuro. Kapag nasuri na ang kahulugan ng
sarbey ay bumuo ng kongklusyon mula rito. Maaaring bumuo ng mga talahanayan, tsart, at graph na
makapagpapatibay sa nabuong kongklusyon Mahalagang maging magalang at maingat sa pagsasagawa ng
sarbey. Bigyan ng konsiderasyon ang mga taong pasasagutin. Siguraduhing hindi ito kukuha ng malaking oras
nila lalo na't hindi ka nagtakda ng oras para sa kanilang pagsagot.
A. Gawain # 7
A. Sa pagkakataong ito, ay ianaasahan kong kayo ay makagagawa ng isang book fair pero bago
yan ay gagawa ng sarbey. At pumili ka lamang ng tatlong akdang pampanitikan mula sa Timog-
Silangang Asya. Ilahad mo kung paano hihikayatin ang mga kabataan na mabasa o pakinggan at maging
mabenta ang mga akdang iyong napili na isulat sa iyong sariling aklat na nagawa.
Para sa karagdagang kaalaman maari kayong sumangguni sa internet, para madagdagan ang
inyong mga kaalaman sa paglikha nito.
Criteria:
Kaangkupang ng isinulat 15
Pagka-orihinal 10
Pagkamalikhain 15
maayos na nakapanghihikayat 20
Kabuuan : 50

 Gawain # 8 –
Takdang Aralin:
Wala

 Gawain # 9- Paalala
o Huwag kalimutang ipasa sa nakatakdang panahon. Kung sakaling hindi kasya ang iyong sagot sa
mga nakalaang patlang, pwedeng gumamit nang dagdag(extra) na papel at ilakip ito sa iyong
modyul.
o Ang book fair na ipapasa mo ay magsisilbing proyekto mo para sa unang markahan.

VII. CLOSING PRAYER:

Maraming salamat po. Sa mga aral na inyong itinuro, sa pamamagitan ng aming guro,na matiyagang
nagbibigay-karunungan sa mga utak naming mangmang. Nawa’y magamit ng lahat Ang mga aral na ito
Sa pawang kabutihan lamang. Gabayan mo kaming muli bukasAt iyong dagdagan Ang mga aral na ito,
Kasama ng mga pagkakataon at mga biyaya ng panahon, Upang maiguhit namin nang mainam ang
aming mga kinabukasan.
Panalangin ngayon pagkatapos ng klase at aming hinihiling na sana, magkaroon pa kami ng
kalakasan, at katatagan, upang muli naming mapagyaman ang aming kaisipan. Nais namin na
ikaw ay aming pasalamatan sa biyaya ng karunungan.
Amen.

Submitted by:
Student Name:
Year and Section:

You might also like