You are on page 1of 2

March 18, 2019

LUNES

ARALING PANLIPUNAN IV

IV- MAAGAP 1:50 – 2:30


IV – MATIYAGA 4:20 – 5:00

Checked by:

Mrs. Norina E. Allera


Master Teacher/Consultant

I. Layunin
Natatalakay ang mga gawaing nagpapakita ng kagalingang pansibiko ng isang
kabahagi ng bansa.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Gawaing Nagpapakita ng Kagalingang Pansibiko
Kagamitan: Lapis, bond paper, krayola powerpoint presentation
Sanggunian: Learner’s Material pp. 368-372
Koda: AP4KPB-IVd-e-4

III. Pamamaraan

A. Panimula

1. Balik Aral
Ipanood sa mga bata ang isang video clip/presentation tungkol sa mga gawaing
pansibiko gaya ng mga medical mission, feeding program, pagtatanghal sa kultura,at
iba pa.

2. Pagganyak
Pagpapakita ng iba’t ibang gawaing pansibiko.

3. Paglalahad
Aling mga gawaing pansibiko ang may kinalaman sa kalusugan?

4. Pagmomodelo
Pagtalakay sa mga larawang ipinakita na may kinalaman sa edukasyon, kalusugan,
pampalakasan, at kalikasan.

5. Ginabayang Pagsasanay
Gagawa ng suhestiyon ang mga bata sa pagpapaunlad pa ng mga gawaing pansibiko
sa kanilang komunidad.

6. Malayang Pagsasanay
a. Pamantayan sa Pangkatang Gawain
b. Pangkatang Gawain:

Pangkat 1-5: Gumawa ng isang liham sa inyong punung barangay upang maipabatid ang
ilang gawaing pansibiko na maaaring malatulong sa pag-unlad ng komunidad.
7. Paglalapat/Pagpapahalaga

Paano makatutulong ang paggawa ng kabutihan sa inyong pamayanan o


komunidad?

8. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa mga aralin?
May ibat-ibang uri ng gawaing pansibiko. Maaari itong gampanan ng sinuman, bata
man o matanda, batay sa kaniyang kakayahan.

9. Pagtataya

10. Takdang Aralin

Gumawa ng Larawan ng mga gawaing pansibiko.

You might also like