You are on page 1of 2

“Espiritung Bumubuhay ang salita ng Maykapal”

Tagapagdaloy ng Palatuntunan:
Ang pagpapala at kagalingan ay lagi nating tamuhin. Ang salita ng Diyos ay
ating nagiging kagalingan sa lahat ng pagkakataon. Nagiging kalakasan ng
katawan, pumapayapa sa isipan lalo’t higit ang nagpapatatag sa ating
pananampalataya.
Pagbati mula sa aming sintang paaaralan Unson National High School. Ang
pagpapala ng Panginoon ay lagi nating makamit.
Magandang gabi sa lahat ako po ang inyong abang lingkod si G. Jay R
Gatchalian ang tagapagdaloy ng palatuntunan sa gabing ito.
Inaanyayahan po ang lahat na magnilay upang matamo ang kabutihang dala
ng ating gawain ngayong gabi.

Tagapagdaloy: Bago po natin tunguhin ang ating prayer meeting ngayong gabi
Halina’t pakinggan ang awiting pinamagatang “Goodness of God”
I. Opening Song
Goodness of God

Tagapagdaloy:
Tunay na ang kabutihan ng Panginoon ay parati nating nasasaksihan sa
lahat ng kaniyang pagpapala. Maging tapat tayo at laging dumulog sa Kanya.
Para maghandog ng Panimulang Panalangin, akin pong tinatawag ang aking
kasamahang guro na nagtuturo ng asignaturang Mathematics walang iba kundi si
Gng. Julie G. Almonte
II. Opening Prayer
Julie G. Almonte

Tagapagdaloy: Tunay na si Hesus ang ating Buhay, ating bulay-bulayin ang hatid na
diwa ng awiting “Hesus Ikaw ang Buhay Ko”.
III. Worship Song
Hesus Ikaw ang Buhay Ko

Tagapagdaloy:
Tunay na kaganapan ng ating buhay si Hesus kung kaya’t nararapat na Siya
ay ating paglingkuran.
Sa bawat nakatakdang gawain para sa pananalangin ng bawat paaralan.
Nakatutuwang marami ang manggagawa o tagapaghatid ng salita ng Diyos ang
talagang nagpapaunlak sa atin. Tulad sa gawain natin ngayon, hindi kami
nagdalawang salita sa pag-anyaya sa kanya. Malugod ko pong ipinakikilala ang
(makikibanggit po kung saang parokya o simbahan kabilang ang magbabahagi ng
Salita ng Diyos ang magbabahagi ng Salita ng Diyos, Walang iba kundi si Ptr. Sonny
Hernandez Urrera. Samahan po ninyo kaming limiin ang mabuting pahayag.

IV. Bible Sharing


Ptr. Sonny Hernandez Urrera

Tagpagpadaloy:
Salamat po Pastor Sonny sa iyong pagbabahagi ng Salita ng Diyos na
lubhang nakatulong sa amin na magkaroon ng kapayaan ang aming isipan. Asahan
po ninyo na ang aral na iyong hatid ay aming maisabuhay.
Sa dakong ito naman ay makaririnig tayo ng isang awitin na magpapatibay sa
ating pagpupuri narito po ang awiting “As We Worship You”
V. Meditation Song
As We worship you

Tagapagdaloy:
Pagsamba at pagpupuri lagi nating ugaliin.
Puno ng mensahe at pahiwatig sa ating isipan ang ipinunla. Samantalahin natin ang
gabing ito at ating kilalanin ang isa puno, sandigan ng Unson NHS, ang masipag at
masigasig na punungguro dalawa ng Unson National High School walang iba kundi
si G. Archie M. Condino.

VI. Message From the School Head


Archie M. Condino
Principal II

Tagapagdaloy: Muli po nating pakinggan ang panghuling awitin na may pamagat na


“Deeper in Love”.
VII. Closing Song
Deeper in Love

Tagapagdaloy: Nawa’y lalo pang lumalim ang pananalig at panampalataya sa


Panginoon . Sapagkat Siya ang katuparan nang lahat ng ating pangarap. Bago po
magtapos ang ating gawain ngayong gabi, damhin natin ang panalangin na
gagampanan ni Gng. Clarinda B. Sotelo.
VIII. Closing Prayer

Clarinda B. Sotelo
Teacher

Maraming salamat po, sa inyong pakikiisa sa aming handog na “Prayer Meeting”.


Nawa’y ang lahat ng ating natutuhan ay ating maisabuhay at magkaroon ng
kagalakan sa tuwina ang ating mga puso. Lagi nating isaisip na ““Espiritung
Bumubuhay ang salita ng Maykapal”.
Muli ako si G. Jay R Gatchalian, guro mula sa Unson National High School.
Magandang Gabi.

You might also like