You are on page 1of 2

CALL TO WORSHIP

Magandang Umaga po sa ating lahat. Inaanyayaan ko po ang lahat na tumayo. Sabi po ng kanyang salita
na makikita sa Salmo 103:1 ang sabi ni David, "Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng
nasa akiy magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya.

PANALANGIN

Pagpalain ng Dios ang kanyang salita, manalangin po tayo. "Panginoon kami poy lumalapit sa iyong
harapan ngaung umaga nang may pagpapakumbaba ng aming mga sarili, patawarin nio po kmi sa lahat
ng aming kasalanan. Ngaung umaga poy itinataas namin ang inyong pangalan. Naway tangapin niyo ang
aming pagpupuri sa mga awiting pagsamba. Bigyan nio po kmi ng talino sa pakikinig ng inyong salita.
Pagpalain nio po ang aming pagsamba at pati narin po ang iyong lingkod na magsasalita ngaung umaga.
Ibinabalik po namin ang lahat diyan sa inyo. sa pangalan ni Hesus Amen.

PRAISE ANG WORSHIP

Magandang umaga ulit sa ating lahat!

May isang manunulat na nagsabi "Marami ka mang hiniling kay God na hindi niya naibigay Mas marami
naman siyang ibinigay sayo na hindi mo hiniling" kagaya ng hangin hindi natin yan hinihiling pero
binibigay niya dahil alam nyang kailangan natin, at marami pang iba na karapat dapat nating
pasalamatan. Panginoon pupurihin ka namin ngaung umaga.

Ating Itaas ang ating pagasamba sa buhay na Dios na makapangyarihan. Dahil sia ay karapat dapat na
tumangap ng ating mga papurit pagsamba. Sia ay pagibig magpakaylanman at hindi sia magbabago
dumating man ang kalungkutan. Ating siang papurihan, pasalamatan magpakailanman.

Kapatid, purihin mo ang Panginoon ng buong puso at walang pag aalinlangan. Ibigay mo sa kanyang ang
walang hanggan mong papuri. Itaas mo ang iyong tinig para lamang sa kanya.

Panginoon salamat po sa lahat ng ginawa ninyo sa aming buhay. Lubos po ang inyong kadakilaan at
kaluwalhatian. At ibinabalik lamang po namin diyan sa inyo ang taos puso naming pagsamba. Sa
pangalan lamang ni Jesus na aming Dios at tagapagligtas. Amen.
Ating bigyan ng malakas na palakpak ang ating Dios. Halleluhah. Maari na po tayong umupo.

SCRIPTURE READING

Ang batayan po ng ating mensahe ngaung umaga ay makikita sa ________

MESSAGE

Ngaun po ay ibigay natin ang buong pagsamba sa pamamagitan ng pakikinig sa kanyang salita na
ibabahagi sa atin ng kanyang lingkod, Rev. Aldrin Elid Torillo, sir?

RESPONSE

TITHES AND OFFERING

Sabi po sa kanyang salita malachias 3:10_______

Ating pong ibigay ang ating ikapu at handog sa ating Panginoon. Habang my tumutugtug.

DOXOLOGY

Inaanyayahan ang lahat na tumayo

CLOSING PRAYER

Para po sa pagwawakas ng ating pagsamba, ibinibigay ko po ang pagpapanalangin sa kanyang Lingkod,


Rev. Aldrin Torillo.

You might also like