You are on page 1of 10

CREATIVE OUTPUT 1

DEVELOPMENT GAP
SDS 101 - E

SE
ON

uan
b
ew
dr
an
hn
jo
n i
k h a
l i mga orihinal na litrato at storya
ng pagsubok ng mga jeepney drivers
Ang buhay ay parang gulong,

HIRAP

MABUHAY

minsan nasa taas, minsan nasa baba.


pagsibol

Kasabay ng pagsibol ng araw, ang pagsibol ng simula ng


paghahanapbuhay naming mga jeepney drivers.

Kahit pagod sa maghapong pamamasada kahapon,


kailangan pa ring kumayod at lumaban ngayon.
Kahit alas sais pa lang ng umaga, parang maghapon na
ang pawis dahil sa init ng panahon.

panahon

Nagbabakasakaling may mga sumakay na papasok pa


lamang sa paaralan at kanya-kanyang trabaho.
PAUNTI-
UNTI
Habang namamasada,
may paunti-unti namang pumapara

Ngunit, hindi laging madalas


Minsan paunti-unti ang labas
Pero minsan talaga malas.

Wala namang magagawa


kung talagang nagtitipid na ang iba

PANATA
Kahit ganoon ang kapalaran,
hindi pa rin ako tumitigil sa panata

Na balang araw ay lalakas din ang kita


sa tulong ng dasal at tiyaga

Hinding hindi kami papabayaan


basta patuloy ang pananampalataya
sa Poong Maykapal

Tulad ng rosaryong palaging katabi,


nagsisilbing gabay sa aking sarili
paulit
ulit
ulit

ulit
ulit
ulit
pagod
Ngunit, ramdam ko na ang pagod
sa paulit-ulit na paniniwalang may mangyayari pa sa amin

Saan pa ba dadalhin ang onse pesos na kinikita namin?


Sa pag-angat ng bilihin pati ng gasolina ng aming jeepney
Hanggang saan dadalhin ng onse pesos ang pagsisikap namin?

pighati
pagsikap Kung titingnan mabuti,
walang tamad sa amin

Gagawin ang lahat,


makaipon lang ng salapi

Handang isakripisyo
ang kalusugan at kaligtasan

Mabigyan lang ng
kasiguraduhan
ang aming kinabukasan

Pero wala talagang laban ang


pagsisikap

Sa hindi pantay na sistema


na aming ginagalawan

Hindi sukatan ang kayod at pawis


Sa maling pagtrato sa ating lahat
Hangad naming mga manggagawa
ang kinabukasang sa amin naman papabor

Na kahit sa katiting na pag-asa ay mapakinggan


at mabigyang pagkakataon

pag-asa

Hangad namin ang pag-asang


mag-aangat at magbibigay liwanag sa aming mundo

Hindi man namin maaninag, pero baka bukas makalawa,


makita na namin siya.
Ang buhay ay gulong, umiikot lang...
ang buhay ay gulong... umiikot lang..

Shot in Imus Transport Plaza, Imus City, Cavite

Special thanks to:


Jeffrey Cristobal
Imus Jeepney Drivers

You might also like