You are on page 1of 8

Talakayan 3

Uri ng Talumpati ayon


sa Layunin
Uri ng Talumpati Ayon saLayunin
Sa pagsulat ng talumpati, mahalagang makilala ang iba’t
ibang uri ng talumpati ayon sa layunin nito.

Ang Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:


1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
2. Talumpating Panlibang
3. Talumpating Pampasigla
4. Talumpating Panghikayat
5. Talumpating Pagbibigay-galang
6. Talumpating Papuri/Parangal
1.TalumpatingNagbibigay ng
Impormasyon o Kabatiran

•Layunin nitong ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol


sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Dapat na maging
malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos,
kaya mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit ng mga
dokumentong mapagkakatiwalaan.
2.Talumpating Panliban
•Layunin nitong magbigay kasiyahan sa mga nakikinig,
Kaya naman sa pagsulat nito kailangang local ito na mga
birong naka tatawa na may kaugnayan sa paksang
tinatalakay madalas na ginagawa ng ganitong talumpati
sa mga salu-salo pagtitipong Sosyal at mga pulong ng mga
samahan.
3.Talumpating Pampasigla
•Layunin nito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Sa
pagsulat nito tiyakin ang nilalaman nito ay nakapupukaw at
nakapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao, karaniwang
isinasagawa naman ito sa araw ng pagtatapos, pagdiriwang ng
anibersaryo at iba pang pagdiriwang tulad ng nabanggit.
4.Talumpating
Panghihikayat
•Layunin nito nahikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin
ang paniniwala ng mananakumpati sa pamamagitan ng
pagbibigay-katwiran at mga patunay. Ilan sa mga halimbawa
nito ay ang mga sermong naririnig sa simbahan, kampanya ng
mga pulitiko sa panahon ng halalan, talumpati sa Kongreso at
iba pang halimbawa katulad ng panahon sa paglilinis ng
hukuman.
5.Talumpating Pagbibigay-
galang
•Layunin nitong tanggapin ang bagong kasapi ng
samahan o organisasyon o di kaya’y talumpati para sa
kasamahang mawawalay o aalis, ginagawa rin ito
bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na
nakatalaga sa isang tungkulin.
6.Talumpating Papuri o
Parangal
•Layunin nito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang
tao o samahan. Talumpati din ito sa paggawad ng medalya o
sertipiko. Layunin nito nabigyang parangal ang isang tao o kaya
magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa.

You might also like