You are on page 1of 9

TALUMPATI

Ano ang Talumpati?


-Ang talumpati ay isang uri ng
komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang
paksa at ito ay binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig.
-Isang pormal na pagsasalita sa harap ng
mga tagapakinig o audience.
-Isang uri ito ng pagdidiskurso sa harap ng
publiko na may layuning magbigay
impormasyon o manghikayat kaugnay ng
isang partikular na paksa o isyu.
-Kinapapalooban ito ng :
•Kakayahan sa pagpapahayag ng mga
ideya nang may organisasyon.
•Talas sa pagsusuri.
•Epektibong paggamit ng wika.
-Ang talumpati ay isang sining ng
pagpapahayag ng kaisipan o
opinyon ng isang tao tungkol sa
isang paksa na ipinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado. Mananalumpati ang
tawag sa taong gumagawa at
nagtatalumpati sa harap ng
publiko o grupo ng mga tao.
Ano ang layunin ng talumpati?

-Layon nitong magbigay ng kaalaman o


impormasyon, tumugon, humikayat,
mangatwiran, at maglahad ng isang
paniniwala. Isa rin itong uri ng
komunikasyong pampubliko kung saan
ang isang paksa ay ipinapaliwanag at
binibigkas sa harapan ng mga
tagapakinig.
Ayon naman kay Ki

Ang mga talumpati rin ay may iba’t-ibang


mga layunin depende sa kagustuhan ng
tagasalita. Ang isang talumpati ay maaaring
maging:

•Talumpati ng Pagpapakilala
•Talumpati na Nanghihikayat
•Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala
•Talumpati ng Pagsalubong
Kahalagahan Ng Talumpati

-Ang talumpati ay mahalaga sa ating


buhay dahil ito ay isang instrumento
na kung saan nailalahad ng isang tao
ang kanyang paniniwala sa isang
isyu. Ito rin ay isang madaling paraan
upang ang mga ideya at paniniwala
ay naibabahagi sa iba.
Dahil dito, mapapalawak ang
kaalaman ng mga manonood tungkol
sa paksang tinatalakay. Ito rin ay
nagbibigay ng karagdagang suporta
para maibahagi ang kaalaman o ang
dapat gawin para sa pagbabagong
kailangan natin lahat.
Kailangan nating tandaan na
maraming pang aspeto ang isang
paksa na baka hindi natin lubos na
naiintindihan. Sa pamamagitan ng
talumpati, tayo ay mabibigyan ng
oportunidad na makakuha ng
dagdag na impormasyon na
makatutulong sa pagbuo ng ating
sariling mga ideya at opinyon.

You might also like