kaisipan o opinyon ng isang tao na binibigkas sa entablado. Ito ay isang maayos na pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pagsasalita. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa ibig sabihin ng talumpati ay narito. I. ANO ANG IBIG SABIHIN NG TALUMPATI?
• I. Ito ay ang pagpapahayag ng kaisipan o opinyon tungkol sa isang paksa, sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. • Ito ay ginagawa sa harapan ng pangkat ng mga tagapakinig. • Ang talumpati ay maaaring basahin, isaulo o ibalangkas. • Ang talumpati sa English ay "speech". • II. ANO ANG LAYUNIN NG TALUMPATI?
• Kabilang sa mga layunin ng talumpati ay ang mga
sumusunod: • humikayat • tumugon • maglahad ng paniniwala • magbigay ng impormasyon • mangatwiran III. ANU-ANO ANG BAHAGI NG TALUMPATI? • Ang bahagi ng talumpati na dapat isaalang-alang sa pagtatalumpati ay ang mga sumusunod: • Pamagat - dito kinukuha ang atensyon ng mga tagapakinig; dito rin inilalahad ang layunin ng talumpati
• Katawan - dito binabanggit nang husto ang paksa at mga ideya at pananaw
• Katapusan - ito ang pinakasukdol ng buod ng talumpati; dito rin isinasaad ang mga pinakamalakas na punto ng talumpati •