You are on page 1of 14

ANG TALUMPATI

Mga Uri ng Talumpati


a. Daglian o Biglaan (Impromptu)
b. Maluwag (Extemporaneous)

c. Handa (Prepared set)


Mga Dapat Tadaan Upang Maging Kaakit-akit ang
Pagbigakas ng Talumpati
a. Kasiglahan ng mananalumpati sa kanyang pagbigkas.
b. Kasanayan sa pagharap sa publiko at kasanayan sa pagbigkas ng talumpati.
c. Pagpapalagay na ang pagtatalumpati ay isa lamang pakikipag-uasap.
d. Pagsupil sa nerbiyos-ang mananalumpating ninenerbiyos ay dapat munang mag-alis ng nerbiyos.
e. Masidhing hangad na maiparating ang kahulugan ng sinasabi sa pang-unawa ng nakikinig.
Tatlong Katangiang Dapat Taglayin ng Paksa ng
Talumpati:
a. Napapanahon
b. Kapaki-pakinabang sa publiko
c. Katugon ng Layon ng Talumpati
Pagyayari ng Talumpati:
a.Simula
b.Katawan
c.Wakas
Mga Hakbangin sa Pagsulat ng Talumpati:

a. Pagbuo ng tiyak na layunin


b. Pagbabalangkas
c. Paggawa ng panggitnang diwa
d. Pag-uugnay-ugnay ng mga sangkap
e. Pagsasaayos
Mga Sangkap ng Talumpati:

a. Mga Katunayan
b. Mga Kuro-kuro
c. Mga Damdamin
Pamamaraang Ginagamit sa Pagwawakas ng Talumpati:

a.Paglalagom
b.Pagdiriin
c.Pamumukaw ng damdamin
Uri ng Talumpati

1. Talumpating Pampalibang
 Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa
pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.
 Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang
salu-salo.
2. Talumpating Nagpapakilala

 Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at


karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang
ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na.
 Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang
kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging
tagapagsalita.
3. Talumpating Pangkabatiran

 Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga


pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang
samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.
 Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para
lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang
tinatalakay.
4. Talumpating Nagbibigay-galang

 Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong


sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay
sa kasamahang mawawalay o aalis.
5. Talumpating Nagpaparangal

 Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya


magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito.
 Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang
ganitong uri ng talumpati.
 Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at
paligsahan
 Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
 Pamamaalam sa isang yumao
 Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo
6. Talumpating Pampasigla

 Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga


tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas ito ng:
 Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro
 Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro
 Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani
Maraming Salamat!

You might also like