You are on page 1of 9

Talumpati

Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipakikita rito ang


katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang
paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa
isang partikular na paksang pinag-uusapan. Kaiba ito sa ginagawa
nating pagsasalita sa araw-araw kung saan sinasabi natin ang gusto
nating sabihin nang walang pinatutungkulan o binibigyang-diing paksa.

Ang talumpati ay kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa


harapan ng tao kahit pa man ito'y biglaan. Ang pagsulat ng talumpati
ang susi sa mabisang pagtatalumpati. Bago pa man ito bigkasin sa
madla ay mabuting nakapaghanda na ng isang komprehensibong
sulatin upang mas maging kapani-paniwala at kahika- hikayat ito para
sa mga nakikinig.
Apat na Uri ng Talumpati

1.Biglaang Talumpati (Impromptu)


2.Maluwag (Extemporaneous)
3.Manuskrito
4.Isinaulong Talumpati
Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o kabatiran


2. Talumpating Panlibang
3. Talumpating Pampasigla
4. Talumpating Paghihikayat
5. Talumpati ng Pagbibigay-galang
6. Talumpati ng Papuri
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

A. Uri ng mga Tagapakinig


1. Ang edad o gulang ng mga makikinig
2. Ang bilang ng mga makikinig
3. Kasarian
4. Edukasyon o antas sa lipunan
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

B. Tema o Paksang Tatalakayin


1. Pananaliksik ng datus at mga kaugnay na babasahin
2. Pagbuo ng Tesis
3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati


1. Kronolohikal na Hulwaran
2. Topikal na Hulwaran
3. Hulwarang Problema-Solusyon
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati


1. Introduksyon
2. Diskusyon o Katawan
3. Katapusan o Kungklusyon.
4. Haba ng Talumpati
Talumpati bilang 1

You might also like