You are on page 1of 2

Ang kahulugan ng talumpati ay nakasaad sa ibaba.

Ano ang talumpati? Ang talumpati ay paglalahad ng kaisipan o opinyon sa pamamagitan ng pagsasalita
sa entablado sa harapan ng grupo ng mga tao. Ang kahalagahan ng talumpati ay nakikita sa mga layunin
nito, at ito ang mga sumusunod: manghikayat ng ibang tao, tumugon sa isang isyu, magbigay ng
katwiran at magsaad ng paniniwala, o di kaya’y magbigay ng karagdagan na kaalaman.

Ang talumpati ay may iba’t ibang mga bahagi. Narito ang mga bahagi ng talumpati: pamagat, katawan at
katapusan. Inilalahad sa pamagat ang layunin ng iyong talumpati at dito rin kinukuha ang atensyon ng
grupo o audience. Ang susunod na bahagi ay ang katawan. Dito isinasaad nang husto ang paksa at dito
rin sinasabi ang mga ideya at mga pananaw. Ang huling bahagi ay ang katapusan. Sa katapusan isinasaad
ang pagwawakas ng iyong talumpati, kung saan ito ang pinakasukdol ng buod ng talumpati. Dito
inilalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang manghikayat ng madla ukol
sa paksa ng talumpati.

Narito ang iba pang links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol sa talumpati:

Halimbawa ng talumpati tungkol sa pagkakaisa ng bansa:

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/902682#readmore

Uri ng Talumpati

May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati. Ito ay ang talumpating pampalibang, nagpapakilala,
pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal, at pampasigla.

Talumpating Pampalibang

Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito ay


binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.

Talumpating Nagpapakilala

Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang
ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang
kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita.
Talumpating Pangkabatiran

Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba
pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang
makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.

Talumpating Nagbibigay-galang

Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa
kasamahang mawawalay o aalis.

Talumpating Nagpaparangal

Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa
nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1225257#readmore

You might also like