You are on page 1of 13

MGA HAKBANG SA

PAGSASAGAWA NG
PERFORMANCE TASK
KRITIKAL NA PAGSUSURI SA ISANG AKDANG MEDITERRANEAN

Performance Standard: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng


kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa
alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.
1. PAGBASA NG ILANG BESES
SA AKDA.

Hindi makasasapat ang isang beses lang na pagbasa sa akda


kapag ang intensiyon ay magsagawa ng critique. Katunayan,
kakailanganin nang dalawa o higit pang ulit na pagbasa nang
may magkakaibang layunin.

ØUnang Pagbasa - pananaw ng mambabasa


Ø Ikalawang Pagbasa - pananaw ng manunulat

Tanong: Anong bahagi ng akda ang iyong nagustuhan? Bakit?


2.PAG-ALAM SA BACKGROUND AT
KALAGAYAN NG MANUNULAT SA
PANAHONG KANYANG NAISULAT ANG
AKDA.

Mahalagang malaman ang katayuan, layunin at interes ng


manunulat sa kanyang mga isinusulat na akda upang higit na
maunawaan ang kanyang pinanggagalingan at
pinanghuhugutan ng mga ito.

Tanong: Ano kaya ang kalagayan ng may-akda noon, ang


kanyang mga layunin, interes at trabaho?
3. PAGBIBIGAY-PANSIN SA
MAHAHALAGANG BAHAGI AT ELEMENTO
NG AKDA.

Mahalagang pagtuonan ng pansin ang bahagi at elemento ng


akda upang maging mga patunay kung nailahad ba nang
mahusay ng manunulat ang mensaheng nais ipabatid nito.
Pokus:
Tauhan - Tagpuan - Banghay
- Estilo ng Pagsulat
3. PAGBIBIGAY-PANSIN SA
MAHAHALAGANG BAHAGI AT ELEMENTO
NG AKDA.

§TAUHAN - Makatotohanan ba ang mga katangian ng mga


karakter? Maayos bang nagamit ng may-akda ang mga karakter?

§TAGPUAN - Angkop ba ang tagpuan (lugar at panahon) sa temang


tinalakay ng akda? Nakatulong ba ito upang higit na mapagtibay
ang mensahe ng akda?
3. PAGBIBIGAY-PANSIN SA
MAHAHALAGANG BAHAGI AT ELEMENTO
NG AKDA.

§BANGHAY - Naging maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari sa akda?
-Epektibo at nakaganyak ba ng mambabasa ang panimula?
- Makatwiran at makatotohanan ba ang suliraning hinarap ng
tauhan? May mga bahagi bang hindi na resolba? Mayroon pa bang
bahaging nangangailangan ng pagpapaliwanag?
-Naging kapana-panabik ba ang kasukdulan?
- Naging epektibo ba ang kakalasan ng akda?
- Nag-iwan ba ng kakintalan ang mensaheng taglay ng akda bago
ito tuluyang nagwakas?
3. PAGBIBIGAY-PANSIN SA
MAHAHALAGANG BAHAGI AT ELEMENTO
NG AKDA.

§ESTILO SA PAGSULAT - Ang mga salita bang ginamit sa


pagsasalaysay at sa diyalogo ay angkop sa mga tauhan at sa
panahon kung kailan nangyari ang akda?
FORMAT SA PAGSUSULAT NG
KRITIKAL NA PAGSUSURI
AKDANG PAMPANITIKANG MEDITERRANEAN
1. PAGPAPAKILALA SA AKDA

Sa bahaging ito babanggitin ang pamagat ng akda, ang


manunulat, maikling buod at isang maikling panimulang
makakukuha sa atensyon ng mambabasa.
2. PAGSULAT NG NILALAMAN NG
CRITIQUE

Dito isusulat ang mga bagay na bibigyang-diin ukol sa


akda tulad ng sumusunod: ang kagandahang taglay ng
akda, ang epekto ng kalagayan ng manunulat sa
kabuoan ng akda, ang mga bahagi sa elemento ng
magpatibay sa mensahe at ang mga pwede pang gawin
upang higit na mapagbuti ang akda.

Upang hindi maging magulo ay tiyaking maglalaan ng


isang talata para sa bawat mahalagang puntos na
tatalakayin. Iwasan ang paggamit ng una at
pangalawang panghalip tulad ng ako, ko, kami, tayo,
ikaw, mo, kayo upang higit na maging obhetibo ang
pagpapahayag.
3. PAGLALAGOM/PAGBUO NG
KONKLUSYON

Sa bahaging ito lalagumin ang pananaw ukol sa kabuoan


ng akda.
MGA DAPAT TANDAAN!
KAILAN ANG DEADLINE?

You might also like