Professional Documents
Culture Documents
Collado
BSED-2B Filipino
ni Amado V. Hernandez
Pagnunuring Pangnilalaman
1. Bakit nakulong ang may akda. Ilarawan ang bartolinang kanyang kinapitan at ang mga mapapait na
karanasang sinapit niya?
Nakulong ang may akda hindi dahil sa may ginawa siyang masama at labag sa batas ngunit siya lamang
ay giniit ng mga taong nakatataas-taas. Siya ay pinagbintangan lamang sa kasalanang hindi niya naman
ginawa. Kanyang isinaad na siya ay ikinulong sa isang lugar na may mahigpit at malupit na bantay.
Nasasaksihan niya kung paano ang mga taga bantay ay api-apihin at pahirapan ang bilanggong kanyang
kasama. May pagkakataon na sila ay pinapahirapan sa paraan na sila'y ibinibilad sa ilalim ng tirik na
araw. Nasasaksihan niya rin kung paano ang bawat bilanggo ay gumagawa ng paraan upang makatakas
lamang sa loob ng kulungan, at nakikita niya rin na kung paano ang kanyang kapwa bilanggo ay nag-
aagaw buhay sa labis na pagpapahirap sakanya dulot ng parusang ibinitay dito. Kanya laging tinatanaw
ang lugar na kanyang kinabibilangan mula sa isang maliit na butas sa kanyang dingding na halos katapat
na rin ng isang dipang langit. Naiisip niya na sila ay tila nasa loob na ng kabaong at hindi na makalalabas
pa doon ngunit doon na rin sila mamamatay.
Sa aking palagay kung bakit ito ay pinamagatang Isang Dipang Langit sa kadahilanan na tuwing sumisilip
siya sa isang bilog na butas mula sa kanyang dingding ay tila natatanaw niya na ang isang dipang langit.
Ito lamang nangangahulugan na sa bawat minuto,segundo, oras, araw,buwan at taon na iginugugol niya
sa isang maliit na seldang iyon, kanya rin matatamo ang tunay na tagumpay na kanyang gustong
matamasa. Ang langit kung saan tahanan ng ating Diyos na sa pamamagitan ng kanyang pagdadasal,
ito'y pakikinggan ng ating Diyos at ang kanyang hinihiling ay ipagkakaloob sakaniya. Ito lamang ay
sumasalamin na hangga't tayo'y nabubuhay dito sa mundong ibabaw, meron at meron pa rin natitirang
pag-asa para sa atin. Huwag lamang tayo susuko sa bawat pagsubok na kinakaharap natin ngunit dapat
tayong magpatuloy sa hamon ng ating buhay. Pilitin natin tumayo't lumaban at huwag ang sumuko.
Hanapin sa sumusunod ang mga salitang magkakasingkahulugan. Isulat at pagsamahin ang magkasing
kahulugan.
Mapigtal-Matanggal
Bangis-Balasik
Ungol-atungal
Muog-Kuta
3..Pagsusuring Pampanitikan
Ang mga damdamin na ipinukaw ng may-akda sa mambabasa ay ang paghihinayang sapagkat nadiin
lamang siya sa isang kasalanan na hindi naman siya ang tunay na may gawa, sakit dahil sa paraan kung
paano tratuhin ang bawat bilanggo sa loob ng kulungan at ang hirap na dinaranas nila sa araw-araw,
awa kung paano nila tinitiis ang iba't ibang karanasan sa loob ng selda, galit dahil hindi sa hindi pantay
na pagtrato ng mga taong namumuno dito at ang saya dahil sa tagal na paghihintay niya ay may bagong
pag-asang naghihintay sa kanya mula sa madilim na selda patungo sa maliwanag na labas na may
bagong buhay.
Nagkaroon ito ng bisa sa aking isipan at kaasalan sa pamamagitan ng huwag agad manghuhusga ng mga
taong nasa loob ng kulungan sapagkat hindi pa naman natin alam ang tunay na nangyari. Dahil may
pagkakataon na sila lamang ay biktima ng hindi makatarungan at bulok na batas na mayroon tayo
ngayon. Minsan sila lamang ay nadidiin dahil sa kapangyarihan ng salapi. Napaisip ako na mas
nagkakaroon ng hindi pantay na pagtrato base sa estado ng buhay. Talo ang taong nasa kalingkingan
kaysa sa may kasalanang mayaman na nakaaangat sa buhay. Bukod dito, aking napagtanto na gaano
man kahirap ang dinaranas nating pagsubok, sa paglipas ng panahon malalagpasan natin ito, gaano man
kahirap o kasakit basta huwag lang tayo susuko maaasam din natin ang liwanag ng bagong buhay at pag-
asa sa tulong ng ating Diyos na makapangyarihan.