You are on page 1of 1

I. Panuto: Basahin , tukuyin at bigyang-tuon ang mga pahayag sa bawat bilang.

Isulat sa papel ang


hinihinging kasagutan.

1. Nagpapakita ng realidad, isang bagay, konsepto o kasabihan na tiyak o tama na hindi


mapagtatanungan.

2. Sining o paraan ng pagsulat, pagsasalita, pagbasa, pananamit at iba pa.


3. Pampamahayagang uri ng sulatin na naglalahad ng tiyak, obhektibo at direktang impormasyon.
4. Gumagamit ng mga salita o ekspresyong ekslusibo batay sa isang partikular na larangan.
5. Isang uri ng sulating ginagamitan ng mataas na antas at kalidad na kaalaman tungo sa kritikal na pang-
unawa.
6. Espesyalisadong uri ng pagsulat na layuning magbigay ng impormasyon at tumutugon sa mga
kognitibo at sikolohikal na pangagailangan.
7. Masining na uri ng pagsulat na gumagamit ng iba’t ibang ekspresyon upang mapayabong ang ideyang
nais ipahiwatig.
8. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng paggalang sa kapwa,pagbibigay respeto at
pagmamahal nang walang hinihinging kondisyon.
9. Nagsisilbing gabay sa mambabasa na matukoy ang layunin sa pagsulat upang magbigay-liwanag sa
bisang inaasahan ng sumusulat.
10. Naglalahad ng damdamin ayon sa karanasan batay sa isang sitwasyon.

II. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin ang mga pandiwang
ginamit at isulat sa papel kung ito ba ay ginamit bilang AKSIYON, KARANASAN O
PANGYAYARI.

1. Namangha ang lahat sa gandang ipinamamalas ng mga makukulay na parol sa daanan.


2. Sa labis na pagmamadali, natisod ang kanyang paa sa maliit na batong nakaharang sa may
tarangkahan.
3. Namimingwit ang mga kabataan sa dalampasigan tuwing dapit-hapon.
4. Nilisan niya ang lugar na kaniyang kinalakhan.
5. lubos ang pagdadalamhati ng ilang mamamayan sa pananalata ng bagyong karding sa ilang
pamayanan.
6. Lumikha ng magandang salin ang mga mag-aaral na kinapapalooban ng iba’t ibang akdang
pampanitikan.
7. Ang pagpapahintulot sa mga kabataan na lumahok sa iba’t ibang pampamayanang gawain ay
pagpapakita ng kabutihan at kagandahang-asal.
8. Tinanggap niya ang pagkatalo bilang pagpapakumbaba sa naganap na laro.
9. Nalusaw ng modernisasyon ang karamihan sa mga katutubong kultura ng mga Pilipino.
10. Labis na nagagalak ang lahat sa unti-unting pagbabalik sa normal ng pamumuhay buhat sa
pandemyang naranasan.

III. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga salawikain sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel kung
ito ay nagpapahayag ng KATOTOHANAN, KABUTIHAN, O KAGANDAHANG-ASAL.

1. “ Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili.”


2. “Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan.”
3. “Marami ang matapang sa bilang, ngunit buong-loob ay iilan.”
4. “Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan.”
5. “Ag ibinabait ng bata, sa matanda nagmumula.”
6. “Pag may kalungkutan, may kasiyahan.”
7. “ Sa gana sa puri, dukha sa sarili.”
8. “ Ang magalang na sagot, nakapapawi ng poot.”
9. “ Madaling maging tao, mahirap magpakato.”
10. “Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya

You might also like